RAISE THE ROOF!
Subscriber ako ng mga art topics sa iba’t ibang website. Isa sa natanggap ko kamakailan na interesting ay itong bagong study tungkol sa creativity ng artist. Narito ang ilang bahagi ng article:
‘Researchers at the Universities of British Columbia and Minnesota have found a relationship between creativity and the height of ceilings. Rui Zhu and Joan Meyers-Levy tested various volunteer groups in rooms of eight- and ten-foot ceilings. "When a person is in a high-ceiling environment, they are going to process information in a more abstract, creative fashion," said Zhu. "Those in a room with relatively lower ceilings will process in a much more concrete, detail-oriented fashion."
These researchers feel people under high ceilings are "primed" to think broadly because of the sense of freedom associated with the space, while the containment of a lower ceiling encourages people to think small and focused.
Apart from the feng-shui of high ceilings and their invitation to power and expansive thinking, other benefits include the dissipation of toxins and more oxygen. And when you think about it, the availability of empty warehouses and lofts on Manhattan has contributed greatly to the New York "paint big" school. Paris has always had some big places too. "Give me the venue and I will fill it up," said Picasso. While larger, higher studios may invite larger, higher work, they might also invite larger, higher ideals. Incidentally, these researchers ought to try to find out if shorter persons are more creative than taller ones because they have more space above their heads.’
Hindi ko rin alam kung may study na ganito, sa napapansin ko dito sa atin, mas malaking porsyento ng magagaling na artist na galing sa mahihirap na pamilya. Hindi kaya dahil talagang mas marami lang mahihirap dito? Oo nga. Itinatanong pa ba ito?
Sabagay, kung ikaw nga naman ay ipinanganak sa mayamang pamilya, hobby mo lang itong art. Mas pagtutuunan mo ang negosyo—corporate world kesa art world.
****
Mawawala na naman ako ng isang linggo pagkatapos ng eleksyon. Wala akong ginawa ngayon kundi mag-travel sa kung saan-saan. Malaking tulong talaga ang internet, kahit saan ako magpunta ay hindi pa rin naaapektuhan ang deadlines ko. At buti na lang, dumadami na rin ngayon ang mga coffee shops na may free wifi internet. Napapagaan talaga ng technology ang buhay ng mga freelancers.
Ito ang title ng bago kong ginagawang komiks sa isang local publication. Hindi ko alam kung maaaprubahan ang title na ito. Masyado bang brutal? Kung matutuloy ay magiging monthly ang labas nito.
Magri-reformat ang magasing Philippine News Analyzer, political magazine ito na pag-aari ng mga kakilalang commentators sa radyo. Hindi ko akalaing isa ako sa maiimbitahan para maging columnist sa kanila. Hindi ko lang masabi, “Naghahanap ba kayo ng bobong political columnist kaya ninyo ako kinuha?” Kunsabagay, once a month lang naman ito. Paminsan-minsan ay mag-isip naman ako ng ibang sinusulat bukod sa komiks.
*****
Speaking of election, hanggang ngayon ay wala pa akong napipisil na kandidato. Ang hirap pumili, ‘no? Dalawa lang naman ang pagpipilian mo ngayon, isang may programa, at isang nagpu-programa lang sa kampanya. ‘Yung isa ngang friend ko na taga-Tondo, nagtatanong sa akin kung meron daw akong kakilalang bumibili ng boto, dahil ipagbibili niya daw ang boto niya. Hindi ko masisisi ang siraulong ito, after naman kasi ng election e mukhang hindi rin daw niya mararamdaman ang pagbabago.
Nagiging pessimistic ang mga tao pag pulitika ang pinag-uusapan.
Hihiramin ko na lang itong nabasa ko sa ‘Chicken Soup for the Soul’:
‘Noong bata pa ako, inisip kong baguhin ang mundo, pero hindi ko nagawa.
Boong maging binata ako, inisip kong baguhin ang bansa ko. Pero hindi ko pa rin nagawa.
Noong magkaedad pa ulit ako, inisip kong baguhin ang pamilya ko, pero hindi ko pa rin nagawa.
Ngayong matanda na ako, saka ko lang naisip na baguhin ang aking sarili.’

Update sa Komiks Caravan. Ready na sana ang grupo namin dito sa Metro Manila, ang problema ay ang mga centers na pupuntahan namin sa probinsya. Sila ang nag-request na iurong namin at sa June na lang ituloy ang pagpunta namin sa kanila. Kaya iyung pagpunta namin ni Karl Comendador sa Iloilo, magiging June 28 na ang schedule. At sana matuloy na. Marami nang nakukunsumi. Isa na ako.
Nagbanggit si Joelad Santos na sa dami ng sulat at punang natanggap niya dahil sa nakaraang Komiks Congress, niluluto na niya ngayon ang pagkakaroon ng 2nd Komiks Congress. At sana nga ay niluluto na ng maayos. Dahil baka mauwi na naman daw sa kung hindi sunog ay baka hilaw.
****
See you next week, mga readers! Iiwanan ko muna kayo ng digital painting na hindi ko pa natatapos.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home