Thursday, April 26, 2007

KOMIKS JOB HUNTERS

Tatlo na ang nagpadala ng sulat sa akin (dalawa sa email at isa sa snail mail) at nanghihingi ng tulong para maipasok ko sila sa trabaho bilang komiks artist. Iyong isa ay nagpadala pa ng litrato at resume. Inuulit ko po, hindi ako agent at wala ako sa posisyon para maipasok kayo sa komiks. Kung meron sana akong agent, puwede ko kayong maipakilala, pero soloista po ako. Ibig sabihin, direct akong nakikipag-deal sa mga publications.

Hindi rin po puwede na gawin akong backer o kaya ay ilakad ko kayo sa mga clients. Ang drawing mismo ninyo ang magpapatunay kung dapat nga kayong tanggapin sa trabaho o hindi.

Puwede ko kayong bigyan ng tips, or comments sa gawa ninyo, pero hanggang doon lang ako.

Merong agency dito, gaya ng Glasshouse Graphics, kung saan palagi silang naghahanap ng bagong talents sa komiks. Puwede kayong mag-inquire sa kanila.

4 Comments:

At Thursday, April 26, 2007 5:51:00 PM, Blogger Reno said...

Tumingin-tingin din sila sa digitalwebbing.com o kaya mag-surf sa internet ng iba't-ibang independent publishers, di lang sa US kundi pati Canada or UK. Tiyaga lang ang kailangan.

 
At Thursday, April 26, 2007 10:08:00 PM, Blogger Jonas Diego said...

Naghahanap din ako ng artists, full-time and freelance. Storyboards and Animatics nga lang, hindi komiks.

 
At Friday, April 27, 2007 11:03:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Reno-
Right. Sinabi ko na rin sa kanila ang mga sites about comics hiring.

Jonas-
Pwede. Kaso yung dalawa nasa malayong probinsya. Ang pinakamalapit na sumulat sa akin, taga-Antipolo. Pwede ko siguro siya pakuhanin ng exam sa inyo.

 
At Sunday, November 04, 2007 3:02:00 PM, Anonymous Anonymous said...

pede po b aq maging talent sa komiks kht walng experience sa pag gwa ng komiks!!,,pwo marunong nmn aq magdrawing,,un ang talent q,,nursing student pwo drawing ang hilig q,,gus2 q lng kumta ng maliit at matuto,,bka pde nyu nmn i-improve ang skills q

 

Post a Comment

<< Home