ODIONGAN, ROMBLON
I'm back!!!
Last year na pag-uwi ko, ipinakita ko pa sa blog ko ang parola na ito na bulok at parang babagsak na. Pininturahan na ito ngayon at inayos ailang portions, ginawang tourist attraction.
Pagdating ko, dagat agad ang una kong pinuntahan. Alas sais ito ng umaga.
Mga kamag-anak habang naghihihintay ng parade.
Ready na para sa pagdating ng ati-atihan.
Mga pamangkin.
Kanidugan festival. Kanidugan or nidog means coconut. Meron din kaming version ng ati-atihan gaya ng Kalibo, Aklan.
Clan reunion.
Habang nagpaparada ay nag-iinuman ang iba. Legal ito, dito lang kayo makakakita ng mga nagpaparada na lasing.
Ati-atihan babes.
Miss Odiongan 2007.
Musikero ang pamilya namin, kaya pag nagkita-kita ay kantahan at tugtugan.
Plaza of Odiongan, ayaw tumingin ni Rizal sa camera.
Malinaw na tubig.
Pauwi na. Nakatambay muna ang mga pasahero sa pier dahil ayaw pang magpapasok. Ang linaw ng tubig 'no. Pier pa yan ha.
Punuan ng pasahero papabalik ng Maynila.
Maliit lang ang barko. Via Batangas. Walang deretsong Maynila e.
Sa sobrang dami ng pasahero, naubusan ako ng teheras. Naglatag na lang akong karton sa gilid, katabi ko si manong.
Siksikan na kami. Sa lapag na natulog ang marami.
Muntik na akong hindi makauwi dahil wala na akong tiket. Sold out lahat sa dami ng pasahero. Pero hindi puwedeng hindi ako makauwi ng Friday, nagpatawag ng meeting ang Komisyon sa Wikang Filipino. Naisip ko, kapag hindi ako nakasakay, hihintayin ko ang pumpboat papuntang Roxas, tapos sasakay ako ng Calapan, Mindoro, tapos biyaheng Batangas, then pa-Maynila. Maraming sakay pero dapat makauwi agad ako. Buti na lang pinapasok sa barko kahit mga walang tiket.
May magandang story na nangyari sa akin sa barko, at sa pag-uwi ko. Love story ito na pang-komiks hehehe. Sa susunod ko na ikukuwento.
11 Comments:
Rv,
It sounds like there was something interesting that happened inside the barko, kwento mo ha, abangan ko yan.
hi mr randy,
para n rin akong umuwi.tga odiongan din kz me....
ellow, iam also from romblon and i am working here in manila in a call center. On your experiences last time, i want to go home his christmas, and i hope papayagan ako. whahaha
Madami din palang odionganon na blogger :D this april uwi ako kasi batch reunion namin and hoping makaabot pa fiesta
hey, kamuzta naman, umuwi ako last march 26, 2009, tapoz bumalik me manila last march 29,2009, ang saya makabalik sa Odiongan nowh....
Kamusta na all. I really miss Odiongan. I'll be back in June 2010 to visit my friends at Pearl's Cafe @ Tabing Daget, Sieta de Abril Restaurant, Magallanes Grocery Store and Menies Hair Salon. We miss Odiongan very much.
Salamat......Pa alam na
Al and Nora Ferrante
hey,musta naman, i wasn't able to celebrate last Kanidugan Fiesta, I just went home for about 2 days, and then I went back here in manila.....I am hoppine I will be back on my birthday on November.....
hi mr. randy,
I am not from Romblon. I was just so lucky and so happy to have visited that place in 1992 yata with a school mate. I enjoyed my 5 days visit there esp. with the congregation of a PIC church.May maganda at weird akong experience sa barko pag uwi ko.There was this cute guy that i met back in Odiongan and i was surpized at naklig when i saw him sa barko, mure more noong nagkwentuhan pa kami... di ba masaya? The weird thing was. While everybody were sleeping, somebody woke me up(by touching my toes) and told me to go somewhere else...i was terrified so i told him " gigisingin ko lahat ng tao dito pag di ka umalis" with a prayer that he will go away. Salamat naman at umalis sya. I don't know who was that man, but i saw him when i had my dinner down at the mess hall, early that evening.
mabuhay ka...
ang aking ama naman ay taga Cajidiocan, Sibuyan Island, Romblon...nakakataba ng puso kapag ako'y nakakakita ng kababayan sa internet at mga makabuluhang site/mga pahina....
more power.....
vincenzo tuazon aka edon fabreo
hey there, I really missed my Odionganon friends, I went to Odiongan just last Fiesta, ayun bonga yung parade.... Iam hopping next year mas dumami na participants sa Kanidugan....
hey there, musta naman kayo?, actually I went home last Fiesta, bonga nowh, iam hopping na sana mas maraming participants next year...
Post a Comment
<< Home