KOMIKS NEWS
Sobrang busy para sa akin ang week na ito. Tinatapos ko muna ang mga trabaho dahil next week ay mawawala na naman ako para magbakasyon at maki-fiesta sa aming baryo sa Odiongan, Romblon.
May parangal para sa magwawagi ng pa-contest ni Carlo Caparas, gaganapin ito sa Malakanyang ground sa April 2, 2007, 8am. Kung sino ang gustong sumama ay magpalista agad ng pangalan. Puwede ninyo akong kontakin sa aking email, o mag-post dito. Open ito sa lahat ng gustong sumama. Pero para doon lang sa mahilig sa komiks ha. Baka kasi magkaroon ng hostage drama du'n gaya ng nangyari kahapon sa Liwasang Bonifacio (heheh) kapag iba ang purpose ninyo kung bakit gusto ninyong makapasok sa Malakanyang Palace.
Naglabas ng komiks ang ilan nating kababayan na nagtatrabaho sa Saipan. Narito ang sample ng unang labas ng kanilang komiks. Patunay lamang na kahit saan mang panig ng mundo makarating ang mga Pilipino, hindi mawawala ang pagmamahal sa komiks.
Inilabas din ni Gerry Alanguilan ang kauna-unahang story and art (tama ba?) ni Rudy Florese na pinamagatang ORAS MO NA! Mababasa ito linggu-linggo sa site na ito. Nakaka-miss na ring magbasa ng mga nobelang komiks sa Pilipino. Ito na ulit ang pagkakataon para mangyari iyon.
Magkakaroon din ng summer comics workshop si Gilbert Monsanto. Kung sino ang interesado ay dalawin lang siya sa kanyang blog para sa mga detalye.
4 Comments:
Hahaha! Cobrador! Baka idemanda sila ni Redford White! pelikula niya yan noong araw na nag-spoof ng COBRA ni Stallone!
Mukhang interesting din yung Kapitan Bundat. :P
Advanced Happy Easter, ka Randy! Magpaka-banal ka sa Romblon. :)
Siguro yung karakter dyan e nagpapataya ng jueteng bago siya naging si Cobrador hahaha.
Sa tingin ko ang pinaka unang katha at guhit ni Rudy Florese ay Simon Sibasib, pero di sya official kasi pen name ang ginamit nya as writer, at tunay na pangalan as artist. Boy Escombro ang una talagang ginawa nya "officially". :)
Salamat sa infos, Ger.
Post a Comment
<< Home