Saturday, March 10, 2007

PAG-AARAL AT PAGHAHANAP

Isang isyu ngayon sa board members ng Kongreso ng Komiks ang pagbubuo ng kurso sa pag-aaral ng komiks. Nasa likuran na ng proyektong ito ang NCCA at KWF at mga taga-komiks na lang ang hinihintay na mag-submit ng report tungkol dito.

Sa kasalukuyan, ang siguradong bumubuo na ng pagtuturo para sa scriptwriting ay sina Glady Gimena (manunulat sa komiks at pocketbook, propesor sa wikang Filipino sa UP), Ofelia Concepcion (isang batikang manunulat at dating editor ng Atlas), Josie Aventurado (manunulat at dating publisher). Sa linya naman ng illustrations ay wala pang nagku-commit, ang nakikita pa lang na posibleng gumawa nito ay sina Nestor Malgapo, Rico Rival at Hal Santiago, although isa rin ako sa pinag-iisipan na pumasok dito.

Nitong mga nakaraang araw, wala akong ginawa kundi mag-review ng libro ng iba’t ibang author sa drawing, painting at comics courses. Sinusuri ko kung ano ang magiging aplikable sa mga estudyante dito sa Pilipinas, at kung ano ang nababagay sa mismong komiks.

Lumabas ako sa konklusyon na: Pagkatapos kong ituro ito sa kanila, ano na ang susunod? Noong nabubuhay pa si Vincent Kua Jr., ito ang itinanong ko sa kanya: “Bakit ayaw mong magturo ulit?”

Sagot niya, “Gusto ko mang magturo, kaso saan ko dadalhin ang mga estudyante pagkatapos? Wala na rin namang komiks dito.”

Kaya sa pagnanais na makatulong, isinama ko sa binubuo kong module kung paano maging freelancer (maging sa internet), kung paano makipag-deal sa mga agents at recruiters, at pagiging propesyunal sa linyang ito.

Kailangan ang mga ito dahil ito na ang pintuan kung paano ka makakakuha ng trabaho. Hindi sapat na magaling ka lang magsulat at mag-drawing. Kailangan mong I-market ang galing at husay mo sa pagsusulat at pag-drawing.

Nasa krisis ang komiks sa Pilipinas sa kasalukuyan. Hindi gaya nu’ng araw na kapag gusto mo ng trabaho, pumunta ka lang sa GASI o Atlas, mag-sample ka ng drawing at script mo, pag natanggap ay may trabaho ka na.

Ngayon ay iba ang sitwasyon. Ang pagpipilian mo lang ngayon ay maging independent publisher o kaya ay kumuha ng agent para mai-market ka sa abroad (bihira ngayon sa mga artist ang malakas ang loob na hindi kumuha ng agent at direktang makipag-deal sa mga editors at publishers sa ibang bansa).

At ang sitwasyong ito ay hindi maituturing na ‘instant money’. Kailangan mong maghintay. Hindi gaya noon sa Atlas at GASI, paghatid mo ngayong umaga ng trabaho mo, pumila ka mamayang hapon sa cashier at siguradong may tseke ka na.

Ang kailangan sa panahong ito ay diskarte at creativity. Kailanman ay hindi ko naging problema na magkaroon ng project. Lagi akong may project, hindi sa pagyayabang. Ang problema ko lang ay kung paano magkakapera sa mga projects na ito na pinaggagawa ko.

Madaling mag-isip ng project. Ang madugo dito ay ang proseso. At ang masakit dito ay kung wala kang kikitain pagkatapos.

Isa sa malaking reklamo ng karamihan ng sumusubaybay sa Kongreso ng Komiks ay kung paano magkakapera. Iyon naman ang puno’t dulo, hindi ba?

Sa puntong ito, gusto kong kampihan si Dir. Cecille Alvarez sa pagsasabing: “Dahil ba wala nang publisher ng komiks ngayon ay hindi na rin kayo gagawa ng komiks!” Para sa iba, tanong lang ito, pero para sa akin, sermon ito ni Dir. Alvarez sa ating lahat na tagakomiks.

Bakit ka nga naman maghihintay pa ng malaking publisher tulad ng Roces kung sa panahon ngayon ay mahirap nang makatagpo nito?

Sabi ko nga, ang kailangan ngayon ay diskarte at creativity. Nag-offer na ang NCCA at KWF ng tulong. Kahit paano ay nasa likod na natin ang gobyerno (ngayon lang ito nangyari sa loob ng halos isandaang taon ng komiks). Ang kailangan nating gawin ngayon ay magkaroon ng feasibility studies at proposal dahil naghihintay lang naman ang mga government offices, CHED, DECS, at kung anu-ano pa galing sa atin.

Sa commercial world, nakahatak din ng atensyon ang ginawang press release ng Kongreso. May nabalitaan ako na isang publication ang maglalabas ng apat na titles ng komiks. Of course, madali naman kasing kunin ang atensyon ng mga commercial publishers kapag nalaman nilang kikita sila sa business na ito. Pera ang katapat kung gusto nating maraming publisher ulit ang maglabas ng komiks.

Kailangan nating I-prove na bebenta ang komiks na gagawin natin. Otherwise, wala ngang publisher na susulpot. E kahit ako naman milyunaryo, kapag alam ko na hindi bebenta ang komiks, hindi rin ako maglalabas ng pera. Magpa-publish na lang ako ng pocketbook, na alam kong maraming nagbabasa.

Ang hamon ngayon ay hindi sa NCCA o KWF o kay Caparas o kay GMA. Ang hamon ay nasa atin mismo. Kaya ba nating patunayan na magtatagumpay ulit ang komiks sa panahong ito?

Noong araw na bago magsimula ang Kongreso ng Komiks, nakatingin ako sa line of books na inilalabas ng NCCA, naka-displey ang mga ito sa gilid ng information desk. Binuklat ko isa-isa at pinag-aralan ko kung anong klaseng mga libro itong inilalabas ng NCCA. Isang maliit na libro ang nakatawag sa akin ng atensyon. Naisip kong gawin siyang komiks.

Iyan ang sinasabi kong diskarte.

9 Comments:

At Saturday, March 10, 2007 1:39:00 PM, Blogger TheCoolCanadian said...

Randy, magandang idea iyan na isama mo sa lesson ng mga kabataang komikero wannabe ang pagmarket sa sarili nila sa ibang bansa. Kasi, para huwag naman masayang ang pinagpaguran nila. Kung walang publisher diyan sa atin, eh di dito na lang sa north America.

Alam mo, nakapanghihinayang iyong si Vincent Benjamin Kua. He was a truly talented guy and he could have branched out to TV and films. Kaya lang, he had made up his mind to stick to the komiks industry. I tried to convince him to do so, because it's always possible to work simultaneously in these media, maski mahati ang oras mo sa tatlong industry na ito ay lagi kang may pupuntahan kapag nawala ang isa o dalawa, may pangatlo pa.
It was just too tragic in the end, parang tulad sa mga tragic characters na sinulat niya.

Kaya ikaw, Randy Valiente, napapanahon na para mag-branch-out sa TV at Pelikula. Tutal, kung tutuusin, showbiz na rin lang ang komiks, magpaka-showbiz ka na nang lubusan.

This is the advice of your father confessor,

Rev. Father Taurus Warrior, the Cardinal of EL PUDDAI and EL SHABU

 
At Saturday, March 10, 2007 9:08:00 PM, Blogger Reno said...

Randy, puwede bang kumuha ng advanced lessons sa iyo? Kahit man lang yung subject na pagma-market sa sarili at pakikipag-usap sa mga foreign publishers. hehe.

 
At Sunday, March 11, 2007 10:48:00 AM, Blogger TheCoolCanadian said...

Ayan. Hindi pa man, may nagbo volunteer na. For all you know, dapat magvolunteer si Reno sa pagtuturo nang sabayan sa mga mas batang komikero-wannabes. Huwag na lang i-refer doon sa isang AGENT na balita ko sa mga artists ay NANLALAIT daw. Nilait daw nito si Vincent bago namatay ang huli.

 
At Sunday, March 11, 2007 7:43:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

JM-
Binalak ko na noon na makapasok sa movies, pero di pa man ako nagsisimula e parang hindi ko na gusto ang aura ng showbiz hehehe. Masarap kausap ang mga writers at direktors at mga nasa prod, pero kapag nahaluan na ng mga paid hacks na tsismoso, naiirita na ako hahaha. Masarap pa rin magkomiks.

Reno-
Tingin ko hindi naman talaga ako 'marketing man'. Nagkataon lang siguro na marunong akong pumili ng profesional makipag-deal. Meron akong ma books about 'marketing your work', pero karamihan e hindi natatapos basahin. masyado kasing technical. kaya ang binabasa ko na lang ay mga inspirational, mas nagiging 'mabait'ang pakikipag-deal ko sa mga tao. Ang una kong ipinapakita ay mahal ko ang trabaho at hindi ang pera nila hahaha.

 
At Sunday, March 11, 2007 11:34:00 PM, Blogger Bluepen said...

Isama sa pagtuturo kung pano gumawa ng portfolio nila at saka dapat meron ding computer subject na kung saan ituturo ang pag buo ng online portfolio nila na kalimitang tinitingnan ng outside country na client. Kc nga naman, kung natapos nila ang binabalak ng kurso about comics tapos wala palang trabaho na available or kukuha sa kanila dito sa pinas edi pwede nilang masubukan ang freelance job opportunity sa labas ng bansa. Halimbawa nalang ay ang tulad natin, kung pano tayo nilalapitan ng trabaho? Yun ay dahil sa online portfolio natin dibah. So mahalaga rin talaga na may kaalaman sa pag hawak ng computer at kung pano gamitin ito.

Wala lang nagbibigay lang ng idea baka makatulong... Toink!

Pero kahit saan ko tingnan ang picture... Ang laki mo talaga sa picture. Pang agaw eksena ang dating... Toink! ulit!

2loy nyo maganda yan.

 
At Tuesday, March 13, 2007 2:21:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Kukunin kitang guest speaker pag natuloy. Ang problema, kailangan mong lumuwas dito sa Manila from Tacloban hehehe.

 
At Tuesday, March 13, 2007 2:37:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Thanks, Alex. Puwede rin siguro naming isama si Mang Abe para magturo, magmi-meeting pa ulit tungkol dito. Ang question kasi ngayon kung sino ang magku-commit para maging instructor.

 
At Tuesday, March 13, 2007 5:25:00 PM, Blogger Robby Villabona said...

Read the Feb 10,2007 entry in this blog:

http://www.mearnsworld.com/blog.html#070210a

It's a very well-written article by an aspiring comics writer on his experience of looking for a freelance artist to draw a comic script he is developing and pitching. It will give you more insight into your competition, what makes for a good freelancer, as well as possibly give you an idea what you should be charging.

 
At Tuesday, March 13, 2007 7:54:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Thanks for the link, Rob.

 

Post a Comment

<< Home