Sunday, March 04, 2007

ABOUT MY PRESENTATION

Maayos naman at malinaw ang pagkaka-deliver ng Powerpoint presentation ko sa Kongreso ng Komiks. Mas marami akong tinanggap na papuri kesa puna. Pero marami din nagtanong dahil may mga kulang sa history ng komiks na binanggit. Well, totoo naman, marami na akong hindi isinama dahil baka maubos ang oras ng Kongreso sa akin pa lang.

Tinanong nga sa akin ni Alfred Alcala Jr. kung bakit hindi ko na isinama ang pagkakabuo sa CRAF Publication nina Redondo, Alcala, Carillo at Fernandez. Kasi kung babanggitin ko ito, aangal naman sina Pablo Gomez at Ravelos dahil pati sila ay nagtayo din ng sarili.

Dalawang puna ang hindi ko makalimutan pagbaba ko ng stage. Ito ‘yung mga personal na itinanong sa akin:

1. Nag-I-exxagerate daw ako sa sinabi kong: “Karamihan ng mga ka-batch ko ngayon ay wala nang interes gumawa dito dahil kung praktikalidad ng buhay ang pag-uusapan, mas kikita nga naman sila sa US ng 50 TIMES HIGHER.”

Ayaw maniwala nang nagtanong sa akin na ganito ang kinikita ng mga artist sa US.

Okay, let’s do the Math.

Ang bayad sa Atlas at GASI kapag baguhan ka ay P75.00 per page.

75 x 50 = 3750

P3750 !!!

Punyemas! Mali nga ako. Hindi lang 50 times higher, kundi 100-500 times higher pa. Itanong ninyo kina Leinil Yu, Jay Anacleto, Lan Medina, Phillip Tan, Carlo Pagulayan, Wilson Tortosa, etc.

O, ngayon, naiintindihan niyo na kung bakit ayaw nang gumawa dito ng mga kabataang nagku-komiks?

2. Ikalawang nagtanong, masyado daw akong idealistic sa pagsasabi ko na possible nang I-market ang komiks natin ngayon sa ibang bansa—hindi lang OFWs kundi mga foreigners mismo.

Aba! Parang hindi pa siya nakuntento doon sa paliwanag ko na meron na ngang Filipino Invasion sa US Comics at merong mga fans ang Pilipino sa ibang bansa. At hindi pa siya kumbinsido doon sa sinabi ko na kung ang Japan ay nagagawa nilang ipakalat sa buong mundo ang kanilang ‘manga’, naita-translate sa iba’t ibang wika—English, Spanish, French, German, etc.—bakit hindi kayang gawin ng Pilipino? Siguro kung may dala lang akong ELMER ni Gerry Alanguilan nang time na ‘yun, baka isinungalngal ko sa mukha niya. I mean, maliit pa ang distribution ng ELMER pero nakakarating pa rin ito sa ibang bansa. Isa ito sa major leap sa marketing strategy ng komiks natin. Bakit imposible sa komiks natin na makarating sa ibang bansa? Ang kailangan lang naman dito ay makapag-create ng distribution network na kayang pasukin nang malakihan ang international scene.

Alam niyo ba ang nagtanong sa akin nito, kasama ko sa board. Malamang marami kaming pagdedebatehan nito kapag nag-meeting na kami ng masinsinan.

After few days na pinalipas ko ang ‘init’ ko para sa Kongreso ng Komiks, nagkaroon din ako ng realization na itong mga organizers ng Kongreso (Joelad, Caparas at iba pa) ay hindi mga kalaban o dating management ng komiks na kung makasermon tayo ay parang sila ang dahilan ng lahat ng problema ng industry. I mean, puwede namang huwag nang pakialaman ni Joelad Santos ang komiks dahil maganda na ang posisyon niya sa Komisyon sa Wikang Filipino. Ganoon din naman si Caparas na mas kikita pa ng maraming pera kung magpo-produce ulit ang kanyang asawa ng pelikula. Pero pinili ng dalawang ito na makisangkot ulit sa komiks. Sa tingin ko, ‘payback’ time ito para sa kanila dahil nanggaling sila sa komiks.

Ang problem lang na nakikita ko ay mga press releases at media exaggerations na nakikita ng marami. Pero anong magagawa natin? Sabi ko nga, trip nila ‘yun, pabayaan niyo sila sa trip nila.

Right now, ayoko nang sakyan ang mga isyung ‘gap between old-timers and new gen creators’. Parang ang tingin ko dapat huwag nang magkaroon ng ganitong mga ‘tag lines’. The more na ipinagdidiinan natin kung saang generation tayo galing, the more na hinahati natin ang iisang industry.

Ang main problem ngayon ay how to attract publishers para makapag-create sila ng trabaho sa mga writers, illustrators, at iba. Or kung paano mapapagaan ang sistema ng mga nagbabalak maging independent publishers—in terms of tax, marketing, etc.

What is important right now ay makapagbuo ng board (or centralized komiks body) na titingin at tututok sa mga aksyong ito ng komiks. Isang komiks body na handang makinig sa issues ng distribution, self-publishing, at problema ng mga tagakomiks. May backup man ito ng gobyerno o wala, ang mahalaga ay kailangan talagang may nag-I-exist dito na ORGANISASYON SA KOMIKS.

Ang mga ideas galing sa NCCA na handa silang maglabas ng komiks lalo na ang media content ay ayon sa isinusulong nila—isyu ng kababaihan, kahirapan, environment, etc. ay isang magandang hakbang. Isa rin sa makakatulong ang pagbubuo ng module para sa TESDA kung saan magkakaroon ng murang pag-aaral ang mga nagbabalak pumasok sa komiks (mahal kasi sa St. Benilde, ‘no, maraming Pilipino ang hindi kayang mag-enroll sa La Salle). Isa pa ay ang posibleng ugnayan ng mga taga-komiks sa CHED at DECS. Isa pa sa makakadagdag ay ang pag-iikot sa iba’t ibang sulok ng bansa at universities para magkaroon ng awareness tungkol sa komiks. Isa rin ang contest ni Caparas at ang plano niyang maging independent publisher.

Ang lahat ng ito at additional points sa pagsusulong ng industry. May kani-kaniyang paraan ang bawat isa ayon sa kanilang kakayahan, at katungkulan. Pero ang mahalaga dito ay lahat ng ito ay para sa industry ng komiks.



PARA SA MGA FANS NG ROMANCE POCKETBOOK


PAINTING EXHIBIT NI FRANCISCO ‘TOTONG’ FRANCISCO JR.



Dr. Joel Mendez and Totong Francisco.

Roderick Macutay, Melvin Culaba, Gary Custodio and Erickson Mercado.

6 Comments:

At Sunday, March 04, 2007 1:41:00 PM, Blogger TheCoolCanadian said...

" Ganoon din naman si Caparas na mas kikita pa ng maraming pera kung magpo-produce ulit ang kanyang asawa ng pelikula."

Hindi ba't BAGSAK rin ang pelikulang Tagalog ngayon? Dahil bagsak rin ang komiks.

Maraming producers ang dismayado nagyon dahil walang kumikitang tagalog movies lately. Maraming nag-susulat sa aking mga dating miyembros ng SGP (Scriptwriters Guild of the Philippines) at marami sa kanila ang NAGDARAHOP ngayon dahil mula raw ng magiba ang komiks ay nagiba na rin ang pelikulang tagalog.

Kaya dapat lang na tulungan ni Mr. Caparas ang Pagbabalik ng Panday... eheste... ng komiks pala.

 
At Monday, March 05, 2007 7:15:00 AM, Blogger Robby Villabona said...

500 times higher? That's $780 per page. Who gets a $780 page rate?

 
At Monday, March 05, 2007 9:51:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

JM-
Yes, bagsak din ang industry nila. Pero at least less ang sakit nila sa ulo dahil producer-direktor na sila. Sa komiks, ewan ko lang kung ano ang strategy na gagawin nila.

Rob-
Well, parang exxagerated din, ano. Honestly hindi ko pa alam. Could it be Whilce? Rod Espinosa (na both writing and story ang ginagawa). Alex Ross, gets a thousand dollar for his page. I don't know. Ang mga figures na ito ay possible sa komiks nila. Dito sa atin, hindi mangyayari ito.

 
At Monday, March 05, 2007 12:18:00 PM, Blogger Jon said...

I love your presentation. It's an eye opener. Dapat pala sa pagdrawing ako nagpokus at hindi sa pagsusulat (he he).

 
At Monday, March 05, 2007 2:03:00 PM, Blogger derrick macutay said...

hehheheh puso mo...puso mo tol! It shows you can't please everybody..marami p rin talaga ang kulang sa history, either kulang o hanggang duon lang ang alam nila. Isang kagandahan din kasi sa pagsulong na makabuo ng organisaayon tungkol sa komiks ay para rin sa ating mga kabataan. Magandang idea un na maisama sa kurikulum ng ating mga paaralan ang pag-aaral tungkol sa kasaysayan at sa mga pangkaslukuyang usapin tungkol sa komiks. Magnda rin kasi sa probinsya ay makakapaghanap ng isang uri ng libanagan at mapagkukunan ng dagat ng impormasyon tungkol sa literatura, sining biswal, pagpapalawig ng wika at inspirasyon para sa mga susunod na magiging ilustrador at manunulat.

Ganda talaga ng rate sa ibang bansa,ayaw bang maniwala randy?
hehehehhe

Uy, salamat sa pagpost ng pictures..bakit d mo daw isinama un picture mo nun opening ni totong, nakita ni rey un nun magpunta sila last week sa bahay.

Cguro un usapin tungkol sa pagbagsak ng pelikulang pilipino ay ibang topic din na dapt ding pagtuunan ng pansin. Nakow mas mahaabng usapin yan na halos walang pinagkaiba sa komiks hehehehe.

 
At Monday, March 05, 2007 10:45:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

jon-
thanks. kita ulit tayo sa 23.

dickhead-
di ko na nilagay ang pic ko. sawang-sawa na ako sa mukha ko hehehe.

 

Post a Comment

<< Home