Monday, February 19, 2007

EXHIBIT NGAYONG LINGGO

Daig ko pa ang pulitiko nitong mga nakaraang araw, halos hindi ako mapirmi sa bahay sa dami ng lakad. Meeting sa kung saan-saan tuwing umaga at paspas sa trabaho kapag gabi. Para naman pagdating ng April ay makapagbakasyon na. Yes! Gusto ko munang umuwi ng probinsya para makalanghap ulit ng sariwang hangin.

Magkakaroon ng formal opening ang KOMIKS EXHIBIT ngayong Huwebes alas dos ng hapon sa NCCA building sa Intramuros, Manila. Naka-set up na lahat ng mga participants, ang inaayos pa ay ang table ng mga indie publishers para naman makasama sila. Pero sabi sa akin, halos punung-puno na raw ang exhibit area. Hindi namin ini-expect na napakarami ang magbibigay ng artworks (at marami pa ngang hindi nakasali lalo na sa mga new gen artists ngayon), ang inaasahan na 30 pieces na artworks, ngayon ay lampas ng 100. Kaya kung pupunta kayo sa opening ngayong linggo, magsasawa kayo sa dami ng komiks artworks na makikita ninyo.

Ito ang mga kasama sa exhibit:
NAR CASTRO, VIC AURE, JOMARIE MONGCAL, JUN LOFAMIA, AL CABRAL, STEVE GAN, JESS JODLOMAN, KARL COMENDADOR, PERRY CRUZ, FLORENCE MAGLALANG, RENN MAGLALANG, ROD SANTIAGO, RENE CELEMENTE, RENE CORTEZ, DING ABUBOT, YONG MONTANO, AL SANCHEZ, HANNIBAL IBARRA, REY ARCILLA, FERDEEE BAMBICO, DANTE BARRENO, LAN MEDINA, RUDY VILLANUEVA, NAR CASTRO, ALFREDO ALCALA, FEDERICO JAVINAL, MAR SANTANA, ERNIE PATRICIO, NESTOR MALGAPO, ARNEL AVETRIA, MANDING DE GUZMAN, JUN DE FELIPE, TONY ANCHETA, RANDY VALIENTE, NAR CANTILLO, VIC POBLETE, ABE OCAMPO, MARIO MACALINDONG, JOEY CELERIO, JUNE GABRIEL, TONY ANCHETA, JOSEPH VILLAMAR, VAL PABULOS, DON SANTOS, RUBEN YANDOC, NAR CANTILLO, JOHN BECARO, DANNY ACUNA, BERT GABIANO, JOJO GALICIA, JIMMY PABULOS, LARRY GALVEZ, NAR DE MESA, ARTURO DOMINGUEZ, JUNE MEDIAVILLO

May nagtatanong din kung free ang entrance sa exhibit. Yes! Libre po ito. Pero kung gusto niyo akong pameryendahin, okey lang heheh.

Inaayos ko pa rin ang ibang bagay sa Kongreso ng Komiks, poster, videos, presentations, programs, etc., kaya hating-hati talaga ang oras ko. Plus komiks pages na kailangan kong mag-submit sa writer tuwing weekends.

Gusto sumama sa akin ng ‘live model’ ko sa Diosa Hubadera sa opening ng exhibit, gusto rin daw niyang makakita ng original na komiks, pero ang totoo nu’n e gusto lang magpalibre sa akin ng pizza nu’n. Kaya kung sino man sa inyo ang gustong gawing pelikula ang Diosa, kontakin niyo lang ako, meron na tayong actress hahahaah.

Mababasa pala ang maikling report ni John Becaro sa kanyang blog sa pag-set up nila ng mga artworks sa NCCA. Ang dami na agad bisita ang dumating, wala pang opening.

Beth Rivera, Lan Medina, Mayette (Lan's wife), Ernie Patricio. Seated: Joemari Moncal, Larry Galvez, Mario Macalindong, John Becaro and Nar Castro.

2 Comments:

At Wednesday, February 21, 2007 1:09:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Salamat, Gothic, dalawa nga yung kay Mang Nar.

Lapitan mo ako sa araw ng opening, ipapakilala kita sa kanila.

 
At Thursday, September 20, 2007 8:41:00 AM, Anonymous Anonymous said...

my lolo ruben yandoc died few years ago,,i don't know if there are still some of his works left,,,you can reach me at venessa.derain80@yahoo.com

 

Post a Comment

<< Home