UPCOMING KOMIKS EXHIBIT
Tuloy na sa February 16 ang exhibit ng mga komiks artists sa National Commission for Culture and the Arts, Intramuros, Manila. Baka mauna ito sa Komiks Kongress. Gusto mang isama lahat ng artists ng komiks pero gahol na sa oras, kaya nakasentro na lang ito sa mga beterano. Well, makakasama din ako (kahit hindi ako beterano hahaha).
After ng meeting kagabi sa Max’s Quezon Ave. ng mga tagakomiks (kasama sina Carlo Caparas, Loren Banag, Joelad Santos, etc.), tiningnan ko ang mga artworks na kasama sa exhibit. Halos mapamura ako sa ganda ng illustrations. Sa loob-loob ko, bakit hindi ko ito inabot noong active pa ako sa GASI. Parang dito na ibinuhos ng mga beteranong artists ang ilang taon din nilang pamamahinga sa paggawa ng komiks.
Tingin ko ay talagang nasabik sila ng husto kaya itinodo na nila ang powers nila dito. Bigyan ko kayo ng idea kung ano ang makikita ninyo sa exhibit. Original pages ng Ramir ni Jess Jodloman, at inamin ni Carlo Caparas na si Jodloman ang idol niya kesa kina Coching at Redondo. Mga unpublished works ni Mar Santana, Nestor Malgapo. Napa-wow din ako nang makita ang painting ni Jun de Felipe lalo na ang illustrations ni Ernie Patricio. Sabi ko sa isip, Shit! Ito ang katibayan na iba talaga ang mga beterano kesa sa mga batang katulad ko. Marami pa akong kakaining bigas. At naisip ko rin na hindi sapat na nakakagawa lang ako ng komiks sa ibang bansa. Doon ko naintindihan na ang artist ay makikita mo…sa isip, sa salita, at sa gawa (parang Panatang Makabayan).
Hindi ko pa ipinasa ang artworks ko at balak kong dalhin na lang kapag ikakabit na ito sa NCCA. Farout kasi ang concept ko, baka biglang I-reject ni Nestor Malgapo hahaha. Seriously, medyo surreal ang artworks ko na kasama sa exhibit. Sabi nga ni Ernie Patricio, “Paminsan-minsan, I-explore mo ang sarili mo. Hindi lang ‘yung art o ‘yung style mo. Yung ikaw mismo as an artist.”
Kaya kung may makita kayong ‘baliw’ at ‘bastos’ na artwork doon sa exhibit, akin ‘yun.
Ito ang mga titles ng dalawang entry ko sa exhibit:
ANG EBOLUSYON NI KIKONG MATSING
SERYOSO ANG BUHAY, AKO LANG ANG HINDI

6 Comments:
galing pre!,sayang di ko makikita yan!,pero aabangan ko yan d2..:)
thanks, pre.
hey randy!,kasama ba dyan yung mga gawa ni cabrera,(bindoy),,kasama ko kasi sa trabaho d2 yung anak ng cabrera family..:)
Wala kaming available artworks niya. Puro kasi original drawings ang ilalagay. Kung makokontak nya sana ako at makakausap ko ang pamilya, puwede ko silang isama sa exhibit. Ibigay mo sa kanya ang email address ko.
hello pangit hapi hearts day heheheh... sana makapunta man lang ako dyan sa exhibit nyo, nabuburaot na ako dito sa cebu wla kasi kaming masyadong frendster dito na abnormal kagaya mo heheeh.oi pano ba salain ang mga spam comments???
Ako naman gusto ko nang magbakasyon, gusto kong makarating dyan sa Cebu. Lipat na lang kaya kayo sa Davao, mas maraming artists dun. Pero ang alam ko may mga group of comics artists diyan, may tinatambayan yata sila dyan, hindi ko lang alam.
Lagyan mo na lang ng filter ang lahat ng magku-comments sa blog mo. Kailangan mag-sign up muna sila.
Post a Comment
<< Home