Monday, January 29, 2007

Timpalak Talaang Ginto sa Tula 2007

Mula sa Komisyon ng Wika...
*********


PhP42,000 premyong salapi mula sa Pamilya Collantes
May kabuuang PhP42,000 bukod pa sa tropeo at mga sertipiko ang nakataya para sa maprestihiyong timpalak Talaang Ginto sa Tula.-Kabilang ito sa serye ng Gantimpalang Collantes sa panitikan na itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino.

Maaaring lumahok ang mga baguhan o mga premyado nang makata.. Tatanggap ng PI 5,000.00 at tropeo ang tatanghaling Makata ng Taon 2007; PI 0,000.00 sa pangalawa; P8,000.00 sa pangatio at P3,000.00 bawat isa sa tatlong karangalang-banggit.
Tatanggap ng sertipiko ng karangalan lahat ng magwawagi samantalang tatanggap din sertipiko ng paglahok ang lahat ng sumali.

Kailangang orihinal ang tula, malaya ang paksa, at maaaring magpadala ng kahit ilang lahok. Ang tunay na pangalan, address at maikling biodata ay ilalagay sa saradong envelope kung saan isusulat sa ibabaw ang ginamit na pen name o sagisag-panulat.

Ang deadline sa paglahok ay sa ika-5 ng hapon, Marso 16, 2007
Ang mga magwawagi ay ihahayag sa gaganaping programa sa ika-219 na kaarawan ni Francisco "Balagtas" Baltazar sa Abril 2, 2007, ganap na ika-10 ng umaga sa Plaza Beata, Pandacan, Maynila. Isang natatanging gabi ng parangal ang ihahandog ng KWF kasama ang mga naging Makata ng Taon sa hapunang gaganapin sa Manila Hotel.

Bilang dagdag na pagkilala, ang mga bagong premyado ay uukulan din ng karampatang seremonya para mapabilang sa itinatayong Samahang Talaang Ginto sa Tula.
Para sa iba pang impormasyon, maaaring tumawag sa Dibisyon ng Impormasyon at Publikasyon ng KWF: 736-3832, o kaya'y sa Tanggapan ni Komisyoner Joe Lad Santos, s/p Ms. Loma Lynn L. Wenceslao: 736-3830 local 103.

Ang lahok ay maaaring dalhin ng personal o sa pamamagitan ng koreo sa 1610 Watson Building, J. P. Laurel St., San Miguel, Manila.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home