MONOPOLY OF FORM (Part 1)
Form - external appearance of a clearly defined area, as distinguished from color or material; configuration.
Isa sa madugong pag-usapan tungkol sa ‘monopolyo’ ng komiks at kung bakit ito namatay ay ang business side nito. Subject for debate ang monopoly kaya nga naging ‘mainit’ ang blog na ito lalo na sa mga kumokontra sa teoryang ito kung bakit namatay ang komiks.
Sa salitang ‘teorya’ pa lang ay mayroon nang malaking diskusyon. Hindi naman daw kasi ito proven kaya nga theory pa lang. Pero kaya nga ito naging theory ay dahil mayroong basehan at idinaan sa malalim na pagsusuri.
May malinaw na bang nagsalita ngayon kung bakit nga ba namatay ang komiks? Wala pa rin. Lahat ay teorya din. Pero ang nakikita kong may pinakamatibay na ebidensya at basehan ay ang ‘theory of monopoly’. Nakahanda naman akong hindi paniwalaan ito kung mayroon akong mababasang mas higit pa dito ang pag-aaral..
Ang ilalatag ko dito ay ang tinatawag kong ‘Monopoly of Form’. Personally, ito ang matibay kong dahilan kung bakit namatay ang komiks sa Pilipinas. Nakahanda akong sumagot sa lahat ng ‘butas’ na makikita ninyo sa teorya kong ito.
Ang ‘Monopoly of Form’ ay bunga ng ‘Monopoly theory’. Hindi ito nakasentro sa business side ng komiks (pero nakakabit na ito) at mas naka-focus ito sa mismong ‘anyo’ ng komiks natin.
SIDE STORIES
Minsan ay ka-chat ko ang kaibigan ko noong college na member ng isang theater group. Ito ang naging pag-uusap namin:
Friend: Nakita ko ang website mo, a. Ang ganda naman ng mga gawa mo. Anong tawag du’n?
Ako: Ang Alin?
Friend: Yung mga nakalagay sa website mo. Yung parang mga pambatang drawing.
Ako: Pambatang drawing? (Inisip ko, pang-children’s book ba ang drawing ko?)
Friend: Di ba komiks ang mga ‘yun?
Ako: Oo.
Friend: E di ba pambata ‘yun?
Sapul ako!
Minsan naman, naimbitahan ako sa isang drawing/painting session. Nang makita ng ilan ang gawa ko, ito ang sabi nila:
Sila: Taga-komiks ka, ‘no?
Ako: Paano niyo nalaman?
Sila: Iba kasi magtrabaho ang pure painter. Sa lapis pa lang, may pagkakaiba na.
Tama naman siya. Malalaman mo sa lapis pa lang ang pinagkaiba ng illustrator sa painter.
Sila: Wala nang komiks, a. E di wala na rin kayong trabaho niyan. Mag-shift ka na lang sa painting. Ang daming gallery dito. Yun nga lang, dapat aware ka sa mga hinahanap sa galleries, dapat ‘yung hindi komiks ang dating.
Sapul na naman ako!
Nang dumalaw ako noon sa isang sikat na publication (na ngayon ay patay na—buti nga!), ipinakita ko ang librong ‘Malikhaing Komiks’. Ito ang sagot ng babaeng nakausap ko doon na taga-accounting department:
Siya: Bakit ka pa nagsulat ng libro tungkol sa komiks. Wala nang komiks ngayon. Patay na ‘yan.
Sapul ulit ako!
Isang dating editor ang nakita kong naglalakad sa Quiapo. Nagkakuwentuhan kami ng saglit.
Editor: Patay na ang komiks. Bakit nandiyan ka pa. Ang kumikita na lang dito ngayon ay si Mars Ravelo at Carlo Caparas sa mga gawa nila dati. Kung ngayon ka lang gagawa ng komiks dito, huli na. Wala nang tumatangkilik sa komiks ngayon.
Marami pa akong kuwento na may mga ganitong tema. Pero hindi ko na pahahabain dahil pamilyar na rin naman kayo dito. Ang ganitong mga pangyayari ang nagtulak sa akin para isipin kung bakit ba ganito ang tingin ng mga tao sa komiks.
Ang ganitong mga pagtingin kaya ang pumatay sa komiks ng Pilipino?
Abangan sa susunod.
2 Comments:
Goodluck Par..hehehehe
Present mo ang mga matitindi mong theorya at sana magiging matatag ka sa pagharap ng uulan na tanong at di pag sang ayon.^__^
Susuporta kami sayo!
Nakakaiyak naman...touch ako...:)
Post a Comment
<< Home