Saturday, January 06, 2007

1AM (Number One Artists Movement) REUNION 2007

Two years na rin siguro bago nagkita-kita ulit ang aking kauna-unahang grupong mga professional artists, writers and poets, ang 1AM. Napagkasunduan na dahil kapapasok pa lang ng taon at wala pang masyadong ginagawa ang marami sa amin (although marami pa ring hindi nakarating), magkita-kita ulit kami para sa isang masayang kuwentuhan at balitaan.

Ang grupong ito ay hindi na active two years ago pa dahil sa trabaho ng bawat member. Pero hindi naman nakakalimot ang bawat isa kapag may mga gatherings tulad nito, lalo na kapag may project ang isa, nariyan ang lahat para sumuporta.


Early birds. Dennis Miguel, Atoi Panerio at Lizzie Santos. Ang tagpuan ay sa Filipiniana section ng SM Harrison Plaza, pero dahil nainip na kami, nauna na kami sa pizza house para kumain.


Pagkatapos ng kaunting kuwentuhan ay tumuloy kami sa exhibit ng mga estudyante ni Dennis sa CCP. Ilang beses nang nai-feature sa mga palabas at docus si Dennis dahil sa kanyang pagtuturo ng visual arts sa mga batang preso. Siya rin ay isang award-winning painter at kailan lang ay nanalo ng best screenplay tungkol sa mga batang preso.

May kurot sa puso ko kapag nagkukuwento siya ng tunay na kalagayan ng mga batang ito. Karamihan sa mga kasong kinasasangkutan ng mga bata ay pagnanakaw, snatching, gang riots, at iba pa.



Hanga ako kay Dennis sa debosyon niyang ito para makatulong sa mga bata. Kung tutuusin, hindi naman siya kumikita dito dahil sapat lang ang pondong ibinibigay ng kanyang sponsors. Minsan ay siya pa ang nag-aabono ng gamit sa mga bata.



Kahit man lang kaunti ay maambunan ako ng creativity ng mga bata.



Ang mga paintings ay makikita sa Pasilyo Victorio Edades, 4th floor ng CCP building. Hanggang January 14 pa ito.



Isa sa pinakapaborito ko ito. Printed sa vinyl at nilagyan ni Dennis ng caption.


Pagkagaling sa exhibit ay namasyal muna kami sandali sa tabindagat ng CCP. Nagkapalitan ng regalo. Nakatanggap ako ng 2007 planner, bag at flashlight hehehe.
Pagkatapos ay tumuloy kami sa floating library (Doulos ship) sa pier 13. Ready na kami para mamili ng mga libro. Busy pa sa pagkalikot ng camera sina Joseph Gannaban (may poem na lumabas pala sa Philippine Graphics January issue si Joseph kung gusto ninyong makabasa ng kanyang tula) at Manny Zacarias. Tini-text na rin yata ng asawa si Lizzie hehehe: wer na u? wat tym ka uwi?

Pero nagulat kami. Sobrang dami ng tao. Bago ka makarating sa barko ay pipila ka ng pagkahaba-haba. Nakita niyo 'yang lalakeng may bag na orange? Siya ang huli sa pila. Nagbiruan pa kami: Dumadami na ba ang readers na Pilipino? Nu'ng nakaraang bookfair sa world Trade Center ay ganito rin karami. Dahil gutom na kami lahat, napagkasunduan na sa ibang araw na lang kami pumunta.
Kumain na lang kami sa Luneta. Gabi na kami naghiwa-hiwalay. Sa mga hindi nakarating, at du'n sa mga hahabol pa sana pero gabi na, sa susunod na lang ulit tayo magkita-kita.
Thanks, guys. Ang 1AM ang isa sa inspirasyon ko kung bakit ang sarap maging artist.

5 Comments:

At Thursday, January 11, 2007 5:43:00 PM, Blogger derrick macutay said...

yeba tol! magaling na artist c dennis miguel at dedicated sa arts

 
At Thursday, January 11, 2007 9:42:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

yeah. at magaling din syang magturo. turuan mo ba naman ang mga preso.

 
At Friday, January 12, 2007 4:26:00 PM, Blogger derrick macutay said...

patunay na dapat walang pinipiling class ang art.

karamihan sa mga alagad ng sining ngayon ay palayo ng palayo ang thema lalo na sa masa at sa kanyang lipunan at mamamayan. napapaligiran na sila ng mga isnaberong mayayaman na wala namang ginagawa kundi ang ibugaw sila at punuin lamang ang kanilang mga bulsa ng kwarta,kayamanan at katanyagan, ngunit naiiwang hunggkag at walang laman ang kanilang mga kaluluwa at diwa.

 
At Friday, January 12, 2007 10:37:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

ano, 'tol. rebolusyon na ba? hahahaha. wag ka na umangal, mayaman ka na rin ngayon. sa susunod para ka na ring si toti cerda, milyones na ang pera. weheheeh

 
At Monday, January 15, 2007 1:46:00 PM, Blogger derrick macutay said...

hehehhehehe mayaman k jan..patikim lang un at reminder na dapat pang magsipag. isa si dennis sa mga dedikadong artist sa kasalukuyan. d nakalilimot na i-share din ang talent. kaya tara ng magpinta at ipinta ang kulay ng buhay.

 

Post a Comment

<< Home