PANIBAGONG ADVENTURES NA NAMAN SA 2007
Isa sa pinakamagandang pamilyang nakita ko ay ang pamilya ng aking girlfriend. Nitong nakaraang bagong taon, bago magkainan at magkaputukan (parang bastos a!), ay nagkaroon muna ng maikling salu-salo ang pamilya. Pamilya sila ng born-again Christian at kahit ako ay isang ‘burn-again’ ay nakisali na rin ako sa taunang pasasalamat ng pamilya sa mga achievements nitong nakaraang 2006.
Mostly ay personal ang ‘patotoo’ ng bawat isa. Isa rin ako sa naging emotional, muntik talaga akong maiyak, dahil hindi ko akalaing ang dami palang tao na tinitingnan ako bilang inspirasyon. Siguro kung nababasa ninyo ang blog na ito, aakalain ninyong napakawalang puso kong tao at wala akong ginawa kundi mag-usisa at magtanong at pumuna ng kung anu-ano. Pero sa totoong buhay ay normal din ako gaya niyo (kung normal nga kayo hehehe). Subukan ninyong makipag-inuman sa akin at siguradong mababato kayo dahil hindi ako mahilig magkuwento.
Ang 2006 ang isa sa pinakamagandang taon sa aking career. Noong matapos ang contract ko as game developer noong nakaraang summer ay inisip ko na kaagad na babalik ako sa komiks ng fulltime. Magmula noon ay wala na akong ginawa kundi buklatin ulit ang mga drawing books, bumili ng mga bagong references para maging updated naman ako kung ano na ba ang nangyayari sa komiks ngayon.
Sumigla ulit ang interes ko sa komiks dahil sa blog na ito, at sa mga forums sa internet. Ginawa kong private studio ang salas ko sa bahay, kaya pag nadalaw kayo ay wala kayong makikita salas kundi working area ko lang.
Wala sa loob ko na ilabas ang ‘Diosa Hubadera’ pero dahil sa Komikon, inihabol ko ito. Nagkaroon naman ng magandang feedback kahit paano. Pero hindi pa ako kuntento sa naging resulta. Isa sa naging plano ko ay I-print ito sa papel, pagkatapos kung mag-ikot sa iba’t ibang printer, bigla ring nagbago ang isip ko. May plano akong ipasa na lang ito sa isang alternative/underground comics publisher sa abroad kaya inuunti-unti ko ang pagta-translate dito. Naisip ko, kung nagawa ngang ipabasa ni Marjane Satrapi ang kultura ng Iran, at ni Lat ang kultura ng Malaysia, bakit hindi ko ipabasa ang mga eksena ng Pilipinas sa pamamagitan ng Diosa Hubadera.
As usual, wala na namang nangyari sa plano ko tungkol sa ‘Malikhaing Komiks’. Ewan ko ba, hindi pa siguro panahon para ilabas ko ito. Naisip ko rin, baka hilaw pa nga. Kailangan pang pahinugin.
Katatapos ko lang gawin ang ‘Gripo’ para sa Filipino Komiks #2. Sana masakyan ito ng mga mambabasa, although mukha lang siyang usual commercial story, pero dadalhin kayo nito sa isang ending na hindi ninyo aakalain na ganu’n pala. Nu’ng ipinakita ko nga sa isang kaibigan ang ilang pages, akala nila ay horror at fantasy, pero malayung-malayo. Nagbiro pa nga sa akin si Kuya KC Cordero (editor ng Filipino Komiks) kung true story ko ba ito, sabi ko hindi. Expect na gagamit ako dito ng maraming salita kesa sa super-detailed na drawings.
Bagong komiks ang lalabas na naman galing sa akin sa first quarter ng taong ito. Ang pamagat nito ay ‘Headlocked’, tungkol ito sa buhay ng wrestler sa Amerika. Sinulat ni Michael Kingston para sa Visionary Comics. Ilang pages na lang ang gagawin ko at maari na naman akong tumutok sa ibang projects.
Ang ‘Guardian Empires’ ang pinakamadugong trabaho ko sa kasalukuyan. Hindi nga lang ako puwedeng maglagay pa ng mga pages sa internet dahil wala pang go signal ang bossing ko.
Ako ang klase ng taong sabay-sabay kung gumawa ng kung anu-ano. Bumili ulit ako ng watercolor at muli akong sumubok na mag-painting, magpo-post ako dito ng ilang piraso para makita ninyo. Kailangan kong gawin ito para mag-mature din ang tingin ko sa komiks illustration at hindi puro power fantasies ang pinaggagawa ko.
Malaking tulong ang blog na ito sa aking pagsusulat. Dahil nga wala na akong panahon para mag-ikot-ikot pa sa mga publications dito, at wala pa akong balak sa kasalukuyan, mas minabuti kong ito na lang ang maging releasing outlet ko sa pagsusulat. Although open ang Liwayway Magasin para sa akin bilang contributor, wala pa akong maisip na isulat sa kanila kundi tungkol lang sa komiks. Nakapagsulat ulit ako ng isang horror story para sa True Pinoy Ghost Story ng Risingstar. Ginawa ko ito para malaman ko kung uubra pa ba akong magsulat ng prosa at pocketbook. Hindi ko alam kung kailan lalabas, pero siguradong ngayong buwan na ito.
Nagulat ako dahil nagpo-post na si Gerry Alanguilan ng mga drawings niya sa susunod yata niyang graphic novel tungkol kay Jose Rizal, nakaplano na rin sana ito sa akin. In fact, nakabili na akong ilang libro tungkol sa kanya. Kaya nagbago ako ng isip. Alam kong mabibigyan ng hustisya ni Gerry ang buhay ng ating pambansang bayani. Ang ganitong mga komiks ang kailangan ng industriya para mag-mature ang tingin ng mga Pilipino sa komiks.
Ang target ko ngayon ay mag-submit ng story and art para sa US comics. Tatlo ang pinagpipilian ko, Image, Fantagraphics o Alternative Press. Nasa unang draft na ako ng script, pero ngayon pa lang ay gusto ko nang itapon ang concept na naisip ko. Ito ang pinakamahirap para sa isang writer, ang mag-isip ng concept ng kuwento. Mas madaling pag-isipan ang flow ng kuwento at pagdu-drawing kesa doon sa mismong konsepto. Malakas ang loob ko dahil wala naman akong nakikitang dahilan kung bakit hindi ko ito kayang gawin. Medyo mayabang din ako minsan pero pinanghihinaan din ako ng loob lalo na kapag naiisip ko na iba ang audience ng international comics kesa sa mga pinaggagawa ko dito.

Updated na rin ang website ko www.RandyValiente.com sa wakas, after 2 years. Sponsor ko ang www.filwebhosting.com at maniniwala ba kayo na inilibre ako ng isang kaibigan na may-ari nito. Ang bait talaga ni Lord.
Noong nag-inuman kami ng ilang tagakomiks, naikuwento ko ang tungkol sa sakit ko (workaholic ako). Bitin ako lagi sa tulog. Kahit alas kuwatro na ng madaling araw ako matulog, nagigising pa rin ako ng alas sais ng umaga. Kaya siguro ang dami-dami kong nagagawa, ang dami kong oras para magtrabaho kesa magpahinga. May nag-suggest na magpa-konsulta na ako sa manggagamot. Hindi na kasi ito normal, minsan nga, nagigising ako ng madaling araw, nakatulala lang ako, nag-iisip ng kung anu-ano tungkol sa kung anong project ang magandang gawin sa susunod o kung sino ang mas sexy, si Katrina Halili ba o si Angel Locsin.
Kailangan ko na rin sigurong magbalik sa gym. Kapag nakita ninyo akong nagda-jogging sa QC Circle ng linggo ng madaling araw, ibig sabihin, dinidisiplina ko na ulit ang katawan ko.
Habang sinusulat ko ito, umiinom ako ng Milo. At habang nag-iisip ako ng kasunod na sentence, nanonood ako sa YouTube ng laban ni Mirko Crocop.
2 Comments:
mabuhay ang anak ng komiks!
ganda ng website mo ah!
galing talaga!
salamat, ver. thanks din dun sa mga komiks na pinadala mo. kahit hindi ko maintindihan yung sulat ng kuwait e nag-enjoy pa rin ako sa katitingin sa mga pictures.
Post a Comment
<< Home