MULING PAG-IISIP SA KASAYSAYAN
Ang problema sa kasaysayan o history, ay laging nakadepende kung sino ang nagsulat nito. Kaya ang kasaysayan ng mundo ay naisulat ayon sa point-of-view ng mga hari at emperor noong araw.
Ngayong panahong ito na mayroon nang ibang klaseng pag-aaral tungkol sa history, marami nang mga elements ang dapat tingnan para hindi maging ‘spoonfeeding’ sa next generations ang informations na kanilang nababasa.
Sa mundo ng komiks sa Pilipinas, may pakiramdam akong ‘weak’ pa ang mga nakasulat na histories ng iba’t ibang era nito. Ang problema kasi ay wala talaga tayong matibay na historian sa industriyang ito na tinitingnan ang iba’t ibang sulok ng komiks publications sa bansa. Kumbaga ay wala tayong ‘Zaide’ sa komiks.
Isa sa hindi ko gaanong tinatanggap ay ang tahasang pagsasabi na ang pinakamagagaling na komiks creators sa Pilipinas ay matatagpuan lang noong ‘Golden Age’ ng komiks—50’s and 60s era. Samantalang kabaligtaran naman ang sinasabi sa 70s at 80s era.
Ang tingin ng marami, ang 70s at 80s ay pagbagsak ng komiks—in terms of marketing and quality. Na isang malaking kamalian!
Sa marketing, hindi na dapat pang pagdudahan na ang mga taong 70s at 80s ang pinakamalakas na bentahan ng komiks sa bansa. Dito naganap ang highest peak ng career ng komiks publishing industry.
Komiks ang hari ng print media noong panahong iyon.
Sa quality, ito ang subjective na issue.
Kaya unfair para sa mga 70s at 80s creators na sabihin na pinababa nila ang kalidad ng komiks.
Ito ang mga issues na nagpabahala sa akin:
1. Mababa ang bayad sa mga creators noong 70s at 80s kaya dinamihan nila ang trabaho, at dahil dito ay nag-suffer ang quality.
Tinitingnan ko ang statement na ito sa ibang anggulo. Hindi ako lubusang naniniwala na mababa ang page rate noon ng mga writers at artists base sa economic situation noon sa Pilipinas. Ang dahilan kung bakit nagpadami ng trabaho noon ang mga creators ay dahil sangkatutak na titles na ang lumalabas bawat linggo. Sinasamantala ng publisher ang kasikatan ng komiks kaya nagpalawak pa sila ng husto. Sa GASI lang noon, ang dami-dami nang editors (lampas ng sampu), at ang bawat editors na ito ay may hawak na 3-6 na komiks na lumalabas bawat linggo.
Hindi kasalanan ng mga creators na ito kung alukin o mag-alok man sila ng mga ‘extrang’ trabaho sa publishers dahil kapos noon sa contributors ang publications. Sinabi kong ‘kapos’ dahil karamihan ng komiks noon ay pare-parehong mga pangalan ang makikita mo, mapa-GASI o Atlas o API ay makikita mo ang mga pangalang Jim Fernandez, Pablo Gomez, Elena Patron, Carlo Caparas, Hal Santiago. Nestor Malgapo, etc. Ibig sabihin, sinasamantala rin ng mga creators na ito ang pagkakataon na hindi sila puwedeng I-reject ng publication kahit anong gawin nila. Kesa nga naman maghanap ang mga publishers ng bagong talents na hindi pa nila sigurado kung makakagawa ng quality works tulad ng mga creators na nabanggit ko.
Ang dahilan kung bakit nagparami ng trabaho ang mga creators noon ay dahil nagparami na rin ng komiks (na lumalabas ng weekly and twice a week) ang mga publishers. Dahil ito ang highest peak ng industry. At hindi dahil kapos ang page rate nila.
Nasabi ko ito dahil may mga creators noon na isa o dalawang nobela lang ang hawak bawat isang linggo pero buhay na buhay pa rin.
2. Wala nang nakaabot sa level ng mga golden age artists noong 70s at 80s.
Sabi ko nga, subjective ang isyung ito. Dahil art issue na ito.
Simulan nating tingnan ang writing:
Mas tinitingnan ko ang 70s at 80s na may pinakamagaganda at logical na story telling kumpara noong 50s at 60s. Ang mga writers ng 70s at 80s ay mararaming original na ideas, flexible ang style at mas mahusay ang flow ng kuwento kung scriptwriting technicalities ang pag-uusapan. 70s at 80s ang era na nakapag-produce maraming pinakamagagaling na writers sa bansa—Carlo Caparas, Elena Patron, Nerrisa Cabral, Gilda Olvida, Vic Poblete, Lav Diaz, Ollie Roble Samaniego, Mike Tan, Almel de Guzman, Joseph Balboa, Vincent Kua Jr. at marami pang iba.
Tingnan naman natin ang illustrations:
Quantity over quality. Daily and every-other-day deadlines. Ito ang number one na kalaban noon ng mga illustrators. Marami ring artists ng panahong ito na maraming assistants. Tinitingan ko ang sitwasyon noon na hindi nailalabas ng isang artist ang kanyang ‘pure self’ at ‘highest artistic ability’ dahil sa sunod-sunod na deadlines.
Si Hal Santiago ay nakakatapos ng 15 pages sa loob ng isang araw (may assistants siya na gumagawa ng backgrounds at blackings). Pero magaganda ang trabaho noon ni Hal Santiago kung makikita natin ang original. Malalaki ang size, spread pages pa palagi ang opening scene. Naniniwala ako na kung hindi dahil sa deadlines araw-araw (dahil araw-araw din ay may nobela siyang lumalabas sa iba’t ibang komiks bawat linggo) ay mapapaganda pa niyang lalo ang kanyang trabaho. Bigyan mo ng isang page si Hal Santiago na tatapusin niya ng isa hanggang dalawang araw, malaki ang kumpiyansa ko na marami din siyang matatabunan noong ‘golden age’ ng komiks. Hindi sa niro-romanticize ko ang sitwasyon pero maraming maiinit na illustrators noong 70s at 80s na mahuhusay, bigyan lang sila ng sapat na oras—Nestor Malgapo, Mar Santana, Vic Catan Jr., Jun Borillo, Rico Rival, Jun Lofamia, Steve Gan, Nestor Infante, Noly Zamora, Clem Rivera, at marami pa
( Images courtesy of Gerry Alanguilan's Phillipine Komiks Museum)
Isa pa sa tinitingnan kong anggulo kung bakit ang mga batch 70s-80s artists na ito ay hindi nakarating sa level nina Coching, Redondo, Alcala at Niño—pero naniniwala ako na kaya nila kung hindi dahil sa malaking balakid sa industriya—ito ang tatalakayin ko sa hiwalay na article na pinamagatan kong ‘Monopoly of Form’.
In conclusion, ang mga creators noong 70s at 80s ay na-trap sa isang sitwasyon na kailangan nilang gumawa ng gumawa ng gumawa ng gumawa dahil sa malaking demand ng market.
Sabi ko nga, marami pang anggulo na dapat tingnan sa history ng komiks natin. Ang mga ideas na ibinigay ko sa itaas ay ilan lamang sa mga palaisipan sa akin. Ang conclusion sa mga ito ay makukuha lang natin sa malalim at iba’t ibang anggulo ng pag-aaral ng kasaysayan.
In conclusion, ang mga creators noong 70s at 80s ay na-trap sa isang sitwasyon na kailangan nilang gumawa ng gumawa ng gumawa ng gumawa dahil sa malaking demand ng market.
Sabi ko nga, marami pang anggulo na dapat tingnan sa history ng komiks natin. Ang mga ideas na ibinigay ko sa itaas ay ilan lamang sa mga palaisipan sa akin. Ang conclusion sa mga ito ay makukuha lang natin sa malalim at iba’t ibang anggulo ng pag-aaral ng kasaysayan.
4 Comments:
Señor Valiente:
What can I say? Ang analysis mo sa history ng komiks dito (kahi't bahagi lang), ay tulad sa Philippine History according to the eyes of TEODORO AGONCILLO: May vision, objective, and may matibay na basehan. Hindi katulad ng history ayon sa mata ni Gregorio F. Zaide, puro lang ENUMERATION ng events, walang conviction, walang matinding analysis.
Anyway, maganda ang isinulat mong ito, at sa aking palagay ay na-capture mo kung ano talaga ang nangyari noong 1970-1980s. Gusto kong dagdagan ito, at sana'y hindi makapagdulot ng sama ng loob sa mga naunang GENERATION ng mga komikeros.
Ang panahon ng 1970-1980s, mas marami na kasing may mga MATATAAS na pinag-aralan ang mga nagsusulat at nagdo-drawing sa komiks. Mayroon pa ring mga iba na high school lang ang naabot, at natural lamang na kung hindi sila magbabasa ng tungkol sa psychology o philosophy halimbawa, paano magiging logical ang kanilang mga obra? Alam ko, baka may mga mainis na naman sa akin nito, pero ito talaga ang aking natuklasan sa mga pakikipag-usap ko sa mga komikero sa mga panahong iyon.
May isa pang bahagi ng 1970's na dahil sa kainitan ng mga komiks, yung mga nagnonobela na tulad nina Jim Fernandez, Elena Patron, et al... ay ginawang EXCLUSIVE ng GASI at ATLAS. Meaning, hindi na sila gagawa sa ibang publications na sangkatutak sa Metro Manila. Ang naging resulta nito, napakaraming nobelang lumalabas simultaneously sa ibang publications, na ang mga manunulat ay nagngangalang: ELENA PERON (muntik pang maging EVITA), pero si Elena Patron ito. Nariyan si JOHN O. FERNANDEZ (na walang iba kundi si Jim mismo, dahil ang iskrip ay papel na ginawan ng mga squares at sinulatan ng mga dialogs). Nakilala rin si MONEY K. LANG (na walang iba kundi si Ben Maniclang).
Pero ganito kasi kalakas noon ang komiks. Kung sasakay ka ng Love Bus noon, matatawa ka. Maririnig mong nag-uusap ang mga pasahero tungkol kay ZUMA. I love the Love Bus. Napakalinis nito, aircon at BAWAL TUMAYO. I usually drive my own car around Manila, pero kung tinatamad ako'y LOVE BUS ang sinasakyan ko.
Tama ka, Senõr Valiente. Mas marami na ngang LOGICAL komiks noong 1970s and 80s. Maski ang mga nagdodrawing noon ay marami na rin ang mga nag-aral sa university. Lalo pa ang mga nagsusulat.
Ngayon naman ay dapat mo sigurong ipaliwanag sa aming mga MATATANDA, kung bakit ang mga komiks na ipinadala sa akin ni KC na galing doon sa KOMIKON... ay puro... SUPERHEROES? Hanggang dito na lang ba ang patutunguhan ng ating BAGONG komiks?
Salamat na lamang at may DIOSA HUBADERA at ELMER pa si Alanguilan! At naku... huwag siyang magkamaling GAWING SUPERHERO si Elmer. Mawawala ang ORWELLIAN appeal nito sa akin at hinding-hindi na ako magbabasa nito magpakaylan man :D
Marami salamat, Joe, nakakatulong ka rin sa research ko kahit paano kahit maiikli lang ang nilalagay mong comments sa blog na ito. Gusto ko talagang halukayin ng buo ang kasaysayan ng komiks sa Pilipinas, at makakatulong ang mga gaya mo na active sa era na iyon para magkaroon ako ng ibang view sa history ng komiks. Siguro kung hindi lang dahil sa tambak na trabaho ko, maglilibot ako sa lahat ng creators noong araw na buhay pa ngayon at magkaroon ng malalim na interviews sa kanila.
Why superheroes ang komiks ngayon dito? Mahabang topic ito na tatalakayin ko siguro sa mga susunod na articles.
ok yung topic,at palagay ko may punto rin c jomari lee,interesting yung mga research mo ah..80s ako nagsimula at nahilig sa komiks,at talagang magagaling cla gumawa,hindi ko na nga binabasa yung scrip,mas nakatuon ako nun sa drawing,dun ko naiintindihan yung story at karakter na ginagampanan ng bawat pahina...
palagay ko makakatulong sa researched mo sa susunod mong topic WHY SUPERHEROES..yung komiks na pinadala ko galing d2 sa kuwait(bakit nga ba puro superheroes,yun din ang tanong ko pareho ni jomari)
Thanks, Ver. Salamat du'n sa mga komiks na pinadala mo ha. Interested na rin akong makita dahil gawing Middle East.
Post a Comment
<< Home