TIPS SA PAGPILI NG IDOL
Isang binatilyo ang lumapit sa akin, hilig rin niya ang mag-komiks at gusto niya ring maging komiks artist balang araw. Tinanong ko sa kanya kung sino ang mga idol niyang artist ngayon sa komiks.
Andy Kubert daw. Saka ‘yung iba pa na kasabayan din nito.
Wala namang problema sa akin kahit Amerkano ang kanyang idolohin (tingin ko kasi e hindi siya aware sa trabaho nina Coching at Redondo). Binigyan ko na lang siya ng tip na alam kong pinag-isipan niya.
“Kung pipili ka ng ng iidolohin, taasan mo na. Kung idol mo si Andy Kubert, hindi mo siya malalampasan. Ang gawin mong idol e ‘yung idol niya, si Joe Kubert. Malay mo, pagdating ng araw, malampasan mo pa si Andy Kubert.”
Naging lesson na sa akin, kapag may gustong-gusto akong trabaho, pinag-aaralan ko kung sino ang naka-impluwensya ng malaki sa kanya. At ‘yun ang pinag-aaralan ko.
Noong early years ko sa komiks, gustong-gusto ko ang trabaho ni Nestor Redondo. Then, nalaman ko kung sino ang inidolo niya ng husto. Sina Michaelangelo at Da Vinci. Kaya ngayon, binabalikan ko ang lessons ng mga old masters. Sa kanila mo makukuha ang PINAKAMATIBAY na foundation ng drawing.
Sa mga new artists ngayon, ang kinukuha ko ay ang technique, style at concept.
Maraming-marami pa akong dapat matutunan, pero alam ko na nasa tamang direksyon ako ng pag-aaral.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home