PIRMA NI FRAZETTA
Bilib ako dito kay Elmundo Garing (kaklase ko siya sa Art Nouveau Comics Workshop) , halos ikutin ang buong Amerika makita lang ang mga artists na paborito niya. Matapos niyang makipag-picturan sa mga comics greats, pati kay Lou Ferigno, at sa mga chikababes na nakabikini sa Comics Conventions ay ito na naman at nilusob niya nang biglaan ang bahay ni Frank Frazetta.
Mantakin mong ayaw pa daw ipalabas ng misis si Frank Frazetta dahil daw may sakit. O baka naman natakot kay El, e biruin mo ba namang isang Asian ang lulusob du’n nang bigla-bigla…hehehe. Attack!
Pero sa wakas ay inilabas din ni misis.
Ito ang chikahan namin ni El, itsismis ko na lang sa inyo:
Randy: Gallery ba ‘yan? (ang tinutukoy ko ay ‘yung venue ng kuha nilang dalawa ni Frank)
El: Oo.
R: May sariling gallery si Frazetta?
E: Sa tabi lang ng bahay niya ‘yan.
R: Yaman a.
E: Ngayon lang. Dati taghirap din ‘yan.
(Naalala ko nga pala, kung hindi pa nag-shift sa painting si Frazetta at nag-stick lang siya sa comics, baka nga iba ang naging takbo ng buhay niya. Naging leading fantasy artist siya nang pasukin ang paggawa ng covers sa mga fantasy books. Sa comics noong time niya, walang masyadong pumapansin sa kanyang artworks.)
R: Dapat nanghingi ka ng original artwork niya. Kahit sketch.
E: Naku, Malabo ‘yun. Alam mo ba kung magkano ang pirma niya. Pirma lang ha.
R: Magkano?
E: US$ 250.
R: WHAT???!!! Pirma lang?
E: Oo, ganu’n katindi.
R: Ginto pala ang kamay niyan.
E: Pero mabait siya, palabiro din. Tinanong niya pa ‘ko…Are my paintings beautiful? Taran…. Nagtanong pa ang loko.
R: Hahaha.
E: Binigyan niya ako ng mga libro. ‘Yun nga lang, walang pirma.
R: Haha, baka pagbayarin ka pag pinirmahan na?
E: Andu’n kasi ang misis niya, pero kung wala, okay lang kay Frank na pirmahan ang mga libro. Si misis lang kasi, nakabantay.
R: Buti hindi ka siningil dahil nagpa-picture ka sa kanya? Baka pati pagtabi sa kanya ay may bayad?
E: Hahaha.
(Weird talaga kung ang propesyon mo ay isang artist. Kapag taggutom, talagang gutom! Halos walang kumukuha sa ‘yo. Pero pag sikat ka, baka pati kulangot mo e may presyo.)
Ayon pa kay El, US$ 2 million ang halaga ng pinakamurang painting ni Frazetta.
3 Comments:
Aba loko talaga itong si El. May perang pang-travel ah! Dapat kinidnap na lang niya si Frazetta! haha!
Kaklase ko si El dati sa UST, at isa rin iyan sa mga nakilala kong napaka-passionate sa art and illustration.
Pag nagbakasyon ka uli ng 'Pinas, El, ibigay mo na sa 'kin yang jacket na niyakap ni Frazetta! Baka milyun-milyon di halaga niyan!
hataw nman yung fren mo pare,grabe ha..galing nman may picture cla ni
frazetta...:)
Reno-
Ang dami ring naipong reference niyan ni El. Halos pakayawin niya yata ang lahat ng collections noon ni Mang vir Redondo.
Ever-
O nga e. Swerte niya.
Post a Comment
<< Home