Friday, November 03, 2006

SIMULA

Hindi ko makalimutan ang sinabing ito ni Edgardo Reyes sa aklat na ‘Sa Aking Panahon’: “Kapag mali na ang unang pangungusap ko (sa paggawa ng kuwento), hindi na ako makausad…”

Bago pa lang ako nito sa pagsusulat nang mabasa ko ito. Malaking tulong ang maikling pangungusap na ito sa akin. Ang simula ang pinaka-importante sa paggawa ng kuwento. Kaya nakatanim na sa utak ko, na kapag tumatakbo ang ginagawa kong kuwento na parang walang direksyon, ibig sabihin e mali na kaagad ang tirada ko sa umpisa.

Sa paggawa ng komiks pinakamasarap gawin ang pagiging creative sa simula. Hindi lang kasi text ang pagtutuunan mo ng pansin, pati na ang visuals. Kapag nagawa mo ito ng maganda, isa lang ang maaring mangyari. Ma-hook mo ang reader.

Bihasa ang magagaling na nobelistang Pilipino sa ganitong technique tulad nina Mars Ravelo, Pablo Gomez, Jim Fernandez at Carlo Caparas. Alam nila kung paano kukunin ang pananabik ng readers.

Magalit na kayo sa akin, pero ang ganitong klase ang presentasyon ang nami-miss ko sa pagbabasa ng komiks. Paano kasi, wala na akong nakikitang ganito sa mga komiks ngayon. Ang mga komiks ngayon, dadaanin ka na lang sa splash page, o kaya spread page na super detailed ang drawing at pagkaganda-ganda ng pagkakaisip ng caption at dialogues. Pero paltos na paltos sa ‘hooking elements’.

Ganitong tirada ang makikita natin sa mga komiks ngayon:

Panel 1
Caption: Ito ang Baryo Macalindong na matatagpuan sa probinsya ng Capiz…

Illustrations guide: Ipakita ang isang baryo, may mga tao sa kalyeng nagtsitsisimisan, may mga dalang panabong na manok, may mga maliliit na pondahan. Makikita din sa di kalayuan ang isang bundok. Marami ring puno at halaman sa paligid. Typical na eksena sa probinsya.


Kung buhay pa si Mars Ravelo, at siya ang mag-I-edit nito, malamang sa basurahan pupulutin ang ganitong script.

Hindi ako nagbibiro. Maraming gumagawa ng komiks ngayon, lalo na ‘yung bagong henerasyon ngayon, na akala nila ay walang ‘hidden knowledge’ ang komiks ng Pilipino. Akala kasi nila, porke hindi na napapanahon ang drawings nina Redondo at Alcala ay tuluyang na rin dapat limutin ang paggawa ng komiks ng Pilipino. At mas tingnan ang dynamism ng West at Japan.

Pero matagal ko nang sinasabi, outer form lang kasi ng komiks ng Pilipino ang nakikita ng mga new generation komiks creators na ito. Maraming mapag-aaralan sa komiks natin na kung hindi mo inabot kung paano mag-edit si Tony Tenorio o kaya ay Joelad Santos, ay hindi mo matututunan.

Ganitong intro ang nakikita kong gagawin ni Mars Ravelo sa halimbawang binigay ko:

Panel 1
Caption: Ito ang Baryo Macalindong. Lugar ito ng iba’t ibang karakter…

Illustrations guide: Ipakita ang typical na probinsya, puno, halaman, pondahan. Makikita sa gitna ng eksena ang isang matabang babae na nakikipag-tsismisan sa isang unanong babae. Sa di kalayuan ay matatanaw ang isang babae na may dalang malaking bag, may black eye siya sa mata at umiiyak.


May hook? Hindi mo lang basta ipinakilala ang katangi-tanging lugar ng Baryo Macalindong, papasok din kaagad sa isip mo ang mga karakter na nakita mo. May koneksyon kaya sa susunod na panel ‘yung paparating na babaeng may blackeye ay may bitbit na bag?

Isa lang ang sagot sa mga tanong mo. Sundan mo sa susunod na page.

Napakasimple lang ng halimbawang ibinigay ko, pero sana ay nakuha niyo ang punto ko. Ang opening scene ang pinaka-importante sa lahat. Mapa-komiks man ito, o nobela, o pelikula. Dito mo malalaman kung mahusay ang writer na pasunurin ang readers niya.

4 Comments:

At Friday, November 03, 2006 4:46:00 PM, Blogger ARTLINK STUDIOS said...

What an excellent Tip!:)
Maraming salamat

 
At Saturday, November 04, 2006 10:01:00 AM, Blogger TheCoolCanadian said...

Randy:

I have always believed in using the HOOK. Lalo na sa movies. Hindi ka puwedeng magsulat ng acript ng walang hook, dahil kung wala nito, HIHIKABAN ka agad ng audience mo, PATAY kang bata ka. First 5 minutes, ilagay ang hook. Pagdating sa ika-10 minutes, ihambalos ang GOAL ng character. Sa ikalabinlimang minuto, kailangang malinaw na ang set-up. Nasa isip na ng audience kung tungkol sa ano ba itong palabas na ito. Kapag nag-dilly-dally pa ang writer, kailangang MAGPA-JESUS na at tiyak nang matetepok ang palabas.

But, here's the caviat.

The hook must be RELATED to the story. Kung hook lang ang ilalagay para makatawag ng pansin at wala naman palang relation sa story... IBABASURA ko rin. :•D

Ang hindi lang ginawa ng mga naunang writers natin noon ay ang pagsulat ng story na mahigpit, as in tight. Halos wala akong nakitang nagsulat ng beginning na malapit sa ending. This is one way of making the story riveting because of the time-element factor, especially if the character is given a limited time to solve his problem: "You pay tomorrow morning at 7:00 or we're gonna do you in!"

Sa umpisa pa lang, the reader will be huffing and puffing. Biruin mo nga naman kung sa iyo mangyari ang ganito? The vicarious experience becomes a VISE, gripping the reader.

Si Mars Ravelo, kung nag-uumpisa ng kanyang mga nobela noon ay palaging may INTRO (na incorporated sa Hook).

Halimbawa, sa opening scene ng MARUJA ay isang tanong ang kanyang caption:

"Naranasan mo na bang... minsan, sa iyong paglalakad ay napadaan ka sa isang lugar na napaka-pamilyar sa iyo, at animo'y nanggaling ka na dito... gayong ito pa lamang ang unang pagtuntong mo sa lugar na ito?"

Ganito ang opening niya, at enseguida, binigyan na niya tayo ng clue kung ano ba ang tema ng story: REINCARNATION.

To make the long story short, whether one is writing a novel, a komiks script, a screenplay, a teleplay, a stage play - three important things must be included in the story or script:

1. Give the audience someone to root for.

Your main character must have a strong 3-D personality to achieve this. As a writer, you must GIVE A DAMN about your character, because if you don't, nobody will give a damn about your story.

2. Something of importance must depend on the outcome of the story.

In the process of achieving his goal, the main character must meet head-on OBSTACLES that encompass significant fundamental human hopes, fears, longing, failures, sucesses, loves, hates, ambitions, and so on.

3. The story must have a clear-cut beginning, middle and end.

Ang isang PINAKAMALAKING PROBLEMANG nakita ko sa mga writers natin diyan sa ating bansa, hindi lang sa pelikula, sa TV, sa komiks, at tanghalan, ay PALPAKTONG factor when EXPOUNDING the story.

Ganito kadalasan ang makikita mo: Yung character, for the sake of expounding the past or trying to reveal an incident that happened before, would think to himself describing what took place before in his life. Halimbawa, sa komiks, using the thinking balloon, sasabihin ng character: "Niligawan ko siya noon pero binasted ako kaya eto ako ngayon, binata pa rin at nagbuburo!" Walang logic. Alam na ito ng character, bakit kailangang sabihin niya sa sarili niya? Kung minsan naman, dalawang character ang mag-uusap. Sasabihin ng isa:

"Pinalayas ka noon ng magulang mo kaya ka nasadlak sa buhay mo ngayon."

"Hinding-hindi ko malilimutan ang ginawa nila sa akin."

Magkaibigan ang dalawa, parehong alam ang nakaraan, bakit sasabihin sa isa't-isa? Palpakto.

Of course, dahil naubusan na yata sa imahisyon yung writer at minadali na lang, palpakto! Lagi kong nakikita ito sa TV, Movies, komiks.

At saka, bakit kaya noong bata pa si Sabel, yung mga writers natin laging nagsisimula sa storya, BATA pa ang character, tapos lalaki sa istorya. Ang nakakatawa pa, laging... tatakbo ang bata, tapos, madadapa, pagbangon, MALAKI na. Saan naganap ito?

Kay FPJ sa PRINSESA NARANJA.
Kay CARLOS PADILLA Jr. sa TORPE,
and believe it or not, kay ROMNICK SARMIENTA sa DITO SA AKING PUSO! :•D

Sa limang taon naming pagsasama ni Romnick sa TV drama, kahi't kelan ay hindi ko siya pinatakbo at pinadapa para pagtayo ay malaki na! He-he.

Naalala ko noong kami ni Mario O'hara ang magkasama sa Ulia at Alindog. Kapag magbabakasyon ako, naghahanap ako ng kapalit na writer. Minsan, may nag-apply. Biruin mong, sa umpisa, yung character A ay nagpapayo kay character B. Sa bandang gitna ng script, si Character B na ang nagsasabi ng dialog kanina ni Character A. At directed kay Character A ang dialog! Hagalpakan kami ng tawa ni Mario. Mabuti na lang ay may nakita kaming okay na rin noon, a guy named Jose Javier Reyes. Siya ang substitute writer sa Alindog kapag wala ako.

At Randy, tama rin ang obserbasyon mo na parang hindi aware ang ilang mga kabataang writers natin ngayon sa mga bagay-bagay kung paano magiging matatag ang panulat nila. Sabagay, hindi ko rin naman talaga masisisi. Wala tayong specialty schools na kagaya dito sa north America at sa Europe. maski nga ang mga artista natin, tanungin mo kung ilan ang nakakaalam kung ano ang METHOD ACTING. Chances are, dili alam gyud.

Kaya dapat lang siguro na ang mga nakapag-aral ay mag-share ng knowledge nila na tulad ng ginagawa mo dito sa blog mo. Ako naman ay nagdagdag lang ng info. Basta may opportunity, sumasali para makapag-share. I hope TUNAY NA PINOY and TAMANG DAAN are not LIVID even as we speak, ehe... as we write pala :•D

 
At Saturday, November 04, 2006 10:12:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

artlink-
thanks, john.

joem-
maraming kang magandang puntos na sinabi, malaking tulong ang mga iyan sa seryosong maging writer, mapa-komiks man or other media.

 
At Monday, November 06, 2006 9:30:00 AM, Blogger Reno said...

Joemari...

Dapat mag-umpisa na rin kayo ng blog niyo. Sobrang laki ng matututunan ng aspiring writers sa mga panulat niyo.

 

Post a Comment

<< Home