Monday, October 30, 2006

Analysis for FILIPINO KOMIKS and other COMICS OF FILIPINOS

Ang article na ito ay contribution ko sa pinag-uusapan sa Philippine Komiks Message Board tungkol sa iba pang comments at suggestions sa Filipino Komiks na inilabas ng Risingstar Printing Enterprise kamakailan. Mahaba ang analysis na ito kaya dito ko na lang inilagay sa blog at hindi doon sa mismong forum.

Kung inyong nabasa ang una kong review tungkol sa Filipino Komiks, nakatutok ako sa technicalities nito, basically sa story at drawings. Kung ano ang mga mababasa at matutunghayan sa loob. Although sa business side ay isa lang ang naging puna ko…ang presyo.

Sa article na ito, mas tututok ako sa marketing at business side. At sana ay makatulong ito ng malaki sa studies na ginagawa ngayon ng bumubuo ng Filipino Komiks.

Bakit presyo ang una kong nakita sa komiks na ito?

Bago natin mapag-aralan kung magiging successful nga ang isang product na ating ipu-produce, kailangan muna nating pag-aralan kung ano ang target market nito. Ang target market ang pinaka-importante para hindi tayo maligaw sa ating mga desisyon sa product na ating ilalabas.

Nang una kong makita ang cover ng Filipino Komiks (without knowing kung ano ang nasa loob), alam ko kaagad na ito ‘yung dating komiks na kinasanayan ko nang basahin—pati ng aking mga magulang. In short, mass-based ang komiks na ito sa una kong tingin.

Bago ako nag-conclude na mass-based ang komiks na ito, tiningnan ko muna ang kasalukuyang sitwasyon ng komiks sa Pilipinas. Nasa early stage ngayon ng evolution ang industry. At dahil ‘hilaw’ pa ang industry na ito, aware pa ang mga readers ang pagkakaiba ng traditional komiks sa kung ano ang mga lumalabas ngayon. Ang listahan ng mga ‘modern komiks’na lumalabas ngayon ay ang mga ito: Elmer, Tropa, Rambol, Mango Jam, Enchanted Kingdom, Neo Comics.

Visually speaking, without knowing the content of Filipino Komiks, ito ang mga dahilan ng pagkakaiba ng ‘traditional’ komiks sa modern (kapag magkatabi mo silang idinesplay sa isang rack):

1. The word ‘Filipino Komiks’ itself, ay nakakabit pa rin doon sa Pilipino Komiks na inilabas ng Atlas. Kasama na dito ang logo ng word na ‘komiks’ na makikita sa cover.

2. The size. 6 ½ x 10 ay standard na ginagamit na size ng ‘traditional komiks’ na nakasanayan nang basahin ng mga ‘old readers’ ng komiks.

3. Hindi mo man makita ang loob, alam mong newsprint na papel ang ginamit sa mga pages kapag sideview ang tingin mo.

4. Kung ang reader ng komiks ay aware sa ilang personalities ng nakaraang industry, alam nila kung sino sina Nestor Malgapo, Karl Comendador, Nar Castro at Ofelia Concepcion. Ang pangalan ng mga personalidad na ito ang mababasa sa cover pa lang.

At dahil malaki ang posibilidad na mapagkamalan ng readers na ang komiks na ito ay kagaya ng mga ‘naunang komiks’, they are also expecting na ang presyo nito ay hindi lalayo sa kung ano ang pinakahuling inilabas ng Atlas—which is P15. So kung ganito ang huling labas ng Atlas, papasok na isip ng mamimili na kung magtaas man ng presyo ang komiks, hindi ganoon kalaki. Puwedeng mag-range sa P25-P35 per copy.

Pero hindi ‘yun ang makikita nila sa presyo. Magugulat sila na bigla itong pumalo sa P100.

Puntahan natin ang mga ‘modern komiks’ na naglipana ngayon.

Karamihan ngayon ay naglalaro sa size na ito: 6.8 x 8.5 inches (malaki ang pagkakaiba sa ‘lumang komiks’. Dahil ang unang naglabas ng ganitong size sa market, at nagkaroon ng followers, ay ang Culture Crash, naglalaro sa isip ng buyer ng komiks na karamihan ng komiks na ganitong size ay naglalaro sa presyong P75-P100. Glossy paper at full-colored ang lahat ng pages, from cover-to-cover. Without knowing the content (again), ini-expect ng komiks buyer na ang ganitong komiks ay modern ang laman at modern ang presyo.

The good thing with these modern titles ay alam nila kung sino ang target market nila.

Elmer—P50 ang presyo, modern ang kuwento, modern ang drawing. Black and white ang loob. The cover itself ay nagsasabi na modern ang komiks na ito—the concept and the layout. May target market ang komiks na ito: hindi ang masa na nagbabasa noon ng ‘lumang komiks’.Why? Kasi English ang pagkakasulat. Hindi ito mabibili sa bangketa. Ano ang content? A chicken story na ibang-iba sa Piyok ni L.P. Calixto at Manoka ni Jim Fernandez. Ang komiks na ito ay Western/European influenced in form and content (storytelling wise), kahit pa ang kuwento at mga characters ay nangyari sa Pilipinas. Ang good side ng komiks na ito, dahil well-defined ang target market, alam ni Gerry Alanguilan kung saan ito idi-distribute—comics shops, local at abroad. Dahil pagbali-baligtarin man ang mundo, hindi ito babasahin ni Aling Taling na isang maggugulay at ni Mang Tasyo na isang magbubukid.

Tropa/Rambol/NeoComics—P60-P85 ang presyo. Glossy paper, American/Manga ang drawing. Very clear din ang target market ng mga comics na ito. Lahat ng sanay magbasa ng American superheroes at Manga. 10 years old hanggang late twenties. Hindi rin ‘yung gaya nina Aling Taling at Mang Tasyo. Hindi sila makaka-relate sa BWAMPH! BLAM! BRAGAASSSH! KA-BOOM! na takbo ng kuwento mula umpisa hanggang huli. The bad side of these comics, ang target market ng mga ito ay subok na ng Culture Crash. At nasubukan na ng Culture Crash na mabigo sa ganitong klase ng target audience. Well, hindi sa nagiging negative ako, pero may example na kasing naganap at may nakuha na tayong aral doon

NeoComics/Mango Jam—P60-P85 ang presyo. Glossy paper from cover to cover, computer colored ang buong pages. Well-defined din ang target market nito. Manga enthusiasts na mahihilig sa cute figures and faces ng mga characters. Hindil lang teen males kundi mga female readers na rin. Sa bookstore at magazine shops ito mabibili, kasama ng glossy magazines tungkol sa fashion, gadgets, hobbies at gimiks. In short, ang targer audience nito ay ‘yung nakikinig ng mga Britney Spears music, o ‘yung nanonood ng Starstruck sa tv.

Siglo (Series)/Mandong Agimat— P400-P800 ang presyo. Book format. Separate entity ang readers nito (well, ang readers nito ay katulad din ng readers ng Elmer na naghahanap ng kakaibang komiks na gawa ng Pilipino). Usually, ‘yung talagang mahilig sa komiks na handang maglabas ng P500 pesos and above para lang may mabasa. Mabibili lang din ito sa bookstores at imina-market din abroad.


Maraming possibilities na puwedeng gawin sa Filipino Komiks, lalo na sa issue number 2. Pero mahalagang ma-address muna ang malinaw na target audience ng komiks na ito. From there, madali nang mapag-aralan kung ano ang puwedeng gawin at ano ang hindi puwede.

4 Comments:

At Tuesday, October 31, 2006 11:37:00 AM, Blogger INGGO! said...

This comment has been removed by a blog administrator.

 
At Tuesday, October 31, 2006 11:39:00 AM, Blogger INGGO! said...

hello sir randy.

ang ganda po ng topic niyo. and kahit hindi ko pa siya nabibili, nagulat nga rin ako at P100 ang presyo nung bagong labas na Filipino komiks. kung meron mang tagasubaybay nung lumang Filipino komiks (tulad ko) na nilimbag ng Atlas e siguradong magugulat din. At tama po kayo at mukhang "vague" ang target audience nila.

About Culture Crash, sa tinigin ko po naman e marami siyang followers. Ang naging problema nga lang ata nila kaya sila nawala e sa dahilan na kinulang ata sila sa budget at oras (or so they say. ^^;;)

Anyway, ang ganda po ng blog niyo. ang daming mapupulot lalo na kung ang magbabasa ay mahilig sa komiks. More Power baga. ^_^

 
At Tuesday, October 31, 2006 12:35:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

thanks for the visit, inggo!
Budget nga ang naging problem ng CC, wala na yata silang pang-roll dahil naghihintay silang makasingil du'n sa mga past issues nila.
Ang tingin ko dyan (ito theory ko lang, baka may gustong mag-confirm), kaya naman hindi sila makasingil agad e dahil laging delay 'yung mga issues nila. Baka naghihintay yung agents nila ng mga kasunod na issues, or kung may agents man sila, i don't know.
Kung kulang naman sa time ang problema, well, kasalanan talaga nila. Ibig sabihin, hindi nilang kayang tumapos ng isang issue ng komiks sa loob ng isang buwan--e pagkarami-rami nilang staffs na naroon.

 
At Tuesday, January 11, 2011 10:15:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Very informative article about pinoy comics!

Btw, Sir typo po yung (M)Andong Agimat :]

 

Post a Comment

<< Home