Friday, October 27, 2006

LETTER FROM THE EDITOR

Dear Randy,

Magandang hapon.

Salamat sa magandang review at hindi ko alam kung talagang mabait ka sa pagkaka review o i just hit the right formula. It took me 2 months before i ended up with this lineup. Honestly, ginawa kong thesis ang mga post mo sa blog mo para lang makalkal ko ang mga archives mo. May isang instance na inabot ako ng 24 hours sa kababasa sa mga entries mo. I also read Gerry's. From time to time, I asked Jomari's insights. Ner's too. Meyo de Jesus also shared ideas, Tita Opi (Ofelia Concecion), Mang Nestor (Malgapo) Robby (Villabona). Marami...

Pero hindi ko inisip na magiging positive ang review mo. Judging from your blog ay napakalayo na nang narating mo at tama si Reno (Maniquis)... nakakatakot na ma-review mo. Inaasahan kong hihimulmulan mo ako ng balahibo. Pagugulungin ang ulo sa lupa. Maraming materials kasi.

Last minute I made a choice between Rabido and Robby's story. Pero pang-banner 'yung kay Robby kaya maybe next issue, yun ang dapat abangan.

Why P100 pesos? Maraming konsiderasyon. kung inyong matatandaan wala akong binanggit na readership ng komiks. Hindi ko sinabing pangmasa kasi ang abot ng masa ay hanggang P10, o siguro P20. Ang ordinaryong puzzle ay P12 at 22pages na ang presyo at maliit ang sukat (5x8), compare sa 76pages illustrated regular komiks size at iba pa ang ginamit na materyales sa cover, nakikita na rito ang computation. Editorial cost ng puzzle is around P1,600. madugo ang editorial cost ng komiks, iba-iba pa ang rate ng illustrators at writers.

One thing, isa na rin itong pag-a-uplift sa industry. Kung ibabagsak presyo ko ito ay masasagasaan ang mga nag-uumpisa pa lang lalo na ang range ay nasa P50-P85. Ayoko naman na may iba na nagpakapagod na tapos heto yung grupo namin na may makinarya at circulation tapos bagsak presyo kami. Baka nga mataas ang P100 sa ngayon, but since mahaba ang shelf life nito sa mga bookstores, baka naman maubos din. Honestly, hindi ko alam kung ano ang magiging response dito ng readers, lalo ngayong magpa-pasko, na alam nating dry season sa mga publications. But i'm willing to go back to the drawing board. Isang eye opener ang komikon, salamat sa mga nasa likod nito. At salamat sa mga gaya mo, nina JM (Joemari Lee), Reno, Gerry (Alanguilan), Ner (Pedrina), Gilbert (Monsanto) at marami pang iba na sa kabila ng paglaylay ng industry ay patuloy na naniniwala sa kakayahan ng mga Pilipino comics creators na makapagsisimulang muli gaano man kahirap ang sitwasyon. Kailangan ko ng maraming puna sa Filipino Komiks, kung walang babatikos sa akin hindi ko mai-improve ito. Maraming salamat.

-Kuya KC (Cordero)
Founder/Editor
Filipino Komiks

P.S. At siyanga pala, may CUT na 30 to 40 percent ang bookstores at mga ahente kung sa bangketa at probinsya, kaya 'yung P100 actually ay halos P65 na lang. Ang masaklap sa bookstore ay ang binabayaran lang nila ay kung ano ang nag-reflect sa resibo. Meaning, kung may 20 copies ka at nanakaw sa bookstore ang sampu tapos ay lima lang ang nabenta at naka-reflect iyon sa mga resibo nila, 5 lang masisingil mo. Sa mga nagtatanong, second issue out sa first week ng January kasi patay na season sa mga publication ang November at December. We're discussing on how to cut our expenses para bumaba ang cover price.

Ipa-plastic nga namin para maganda. Ipina-hold ko ang delivery, we might change the price kung kakayanin---for the love of the industry. Maraming salamat.

6 Comments:

At Friday, October 27, 2006 12:14:00 PM, Blogger Ederic said...

Nalaman ko lang sa review ni Randy na nabasa ko kahapon na mayroon na palang bagong Filipino Komiks. Kaya kagabi, hinila ko ang GF ko sa National Bookstore Cubao para hanapin ito. Kaso lang, wala kaming nakita. Saan po ba puwedeng makaibli ng kopya?

 
At Friday, October 27, 2006 3:22:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Hi Ederic,
Salat sa bisita. Actually,binanggit diyan ni Kuya KC na hindi pa ito available sa market. Pero i'm sure na sa mga susunod na araw ay makakabili na rin tayo niyan sa National, sana next week ay totally naka-out na ang mga copies. Marami na nga ring nagtatanong sa akin.

 
At Friday, October 27, 2006 5:50:00 PM, Blogger Ederic said...

Nabasa ko nga na ipinahold niya ang delivery. Nagbabakasakali lang na may advanced copy. Masyadong excited, ano? :p

 
At Friday, October 27, 2006 6:33:00 PM, Blogger Reno said...

Hanga din ako kay KC na ayaw niyang makabangga ang mga nag-uumpisang publishing companies. At sabagay, hindi continuing ang mga stories nito, kaya't hindi kailangan subaybayan. Kung kelan lang gustong bumili ng mambabasa, dun lang niya bibilhin.

At mukhang sa 100pesos, fair ang ibinibigay na rate ng RisingStar sa mga contributors.

Pero sana, di ito maging daan (ang presyo) para mawalan ng interes ang mga tao sa produkto.

 
At Friday, October 27, 2006 6:42:00 PM, Blogger Ederic said...

Medyo mataas nga yung presyo niya. Naabutan ko pa yung 5.50--o mas mura--na presyo ng komiks. Pero dahil mas maraming pahina at hindi ganoon kadalas, katanggap-tanggap naman ito. Sana lang, balang araw, mabalik ulit sa masa ang komiks. Lately kasi, ang target na niya, middle class pataas (bigla ba namang naging inglisera si darna, hehe).

 
At Sunday, October 29, 2006 3:12:00 PM, Blogger Bong Leal said...

di bale ederic sa susunod na labas ni Darna sinisiguro ko sayo... Filipino na ulit salita nya! he he he.

 

Post a Comment

<< Home