Saturday, October 21, 2006

KOMIKON 2006

Isa lang ang masasabi ko sa Komikon. WAAAHHHH!!! Ubos ang pera ko! Daming biniling komiks. Magastos ang komiks convention sa isang komiks adik. Buti na lang binigyan ako ng libreng copies ng Elmer ni Gerry at Filipino Komiks ni Kuya KC Cordero.

Salamat pala sa lahat ng bumili ng Diosa Hubadera. 19 copies lang ang dala ko, 3 na lang ang naiwan pag-uwi ko. Yey! Ibig sabihin, mabenta talaga ang SEX hahaha!

Hindi ako masyadong nakakuha ng maraming pictures dahil low-bat na ako nu'ng hapon, nakaupo na lang ako du'n sa area ng Filipino Komiks.

Entrance ng Komikon.


Filipino Komiks (Risingstar Printing Enterprise) table.


Orvy Jundis at Erwin Cruz.


David Campiti, sinusukat kung gaano karami ang nagsa-submit sa Marvel at DC araw-araw. Tina Francisco, napakamot sa noo. Yung nagti-text, sabi: 'Dto na me, wer na u?'


Reno Maniquis sa table ng Ravelos.


Indies.



Alfredo Alcala gallery. Sabi nu'ng tumitingin: 'Kapanahunan ko 'to, a.'


Mango Comics' table.

Orvy Jundis at...at...ewan kung sino 'yan.


Drawing Board table. Para kayong nalugi, mga 'tol. Wala bang bumibili?



O, Hannibal, ito na 'yung tsik na nagtotorotot sa banda. Hehe. Hinahanap ko 'yung nangangabayo naman.

9 Comments:

At Sunday, October 22, 2006 11:32:00 AM, Blogger Gerry Alanguilan said...

Pareng Randy... di ko alam PDF pala format ng comics mo. Very interesting yung format na yun, PDF tapos burned sa CD, tapos binebenta ng ng ganung porma. Parang ngayon lang ako nakakita ng ganun dito sa Pilipinas. San natanong pala kita about it para sa video report ko.

Siguro interview na lang kita ng hiwalay about it. Ok lang? Kita tayo minsan, or kung OK lang sayo, dalawin kita sa bahay nyo.

 
At Sunday, October 22, 2006 12:40:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Hey Ger,
Sige ok lang. Kita tayo sa labas minsan, or ok lang din na pumunta ka dito sa bahay sa Sta. Mesa. Hindi ko na nakuhanan ng picture ang table niyo saka kay Jonas, lowbat na ako nung hapon. Siguro dahil pagod pa rin ako sa byahe galing province.
email mo lang ako kung kelan tayo magkita.

 
At Monday, October 23, 2006 8:56:00 AM, Blogger Jon said...

oo naman! mabenta talaga pag may sex sa comics. yung first issue nga namin mabili pa rin hanggang ngayon dahil may sexy na story doon.
di ko pa nababasa yung gawa mo. babasahin ko pa lang. wala akong adobe reader sa bahay. sa office ko na lang basahin.

 
At Monday, October 23, 2006 9:18:00 AM, Blogger Reno said...

Hindi ako bumili ng diosa hubadera. hihiramin ko na lang yung binili ni bong. ok lang ba randy? hehe. ayoko kasing baka accidentally mabuksan ng anak ko e.

yung babaeng tumitingin sa alcala exhibit, bumisita rin sa booth namin. naghahanap siya ng mga tradisyonal na komiks. sabi ko dun pumunta sa booth ninyo nina KC at bumili ng Filipino Komiks. Hindi pa rin daw yun ang gusto niya. Kung nandun siguro si dennis villegas may mabibili siguro siya.

may hitsura nga yung nagtotorotot ano? PUWEDE!!! HAHAHA!

 
At Monday, October 23, 2006 10:05:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

thanks, jon.

reno-
andun si dennis, dumalaw lang. may mga dala ngang xerox na gawa ni sonny trinidad, sayang nakalimutan ko humingi hehe.

 
At Monday, October 23, 2006 11:29:00 AM, Blogger erwinc said...

sayang nga at walang booth si Dennis this Komikon, madami syang traditional komiks item last year.

2/3 siguro ng mga umattend manga na preference, parang dun nagkukumpulan lahat sa mga manga booth at daan-daanan na lang yung exhibits nina Pidong Alcala at Floro Dery.

 
At Monday, October 23, 2006 8:01:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

erwin, nilagay ko rin pic mo dito hahahah.

parang alanganin kasi yung pwesto ng gallery ni alcala. dinaan-daanan lang sya papunta dun sa bilihan ng mga pagkain.

 
At Monday, October 23, 2006 8:29:00 PM, Blogger The Dork One said...

waaaah hindi me nakahabol, sayang sana makakuha pa rin ako ng komiks mo. tungkol pala sa sex, maganda yan very educational.

hey randz bago na bahay ko

leviuqse.wordpress.com

see ya

 
At Monday, October 23, 2006 8:32:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

marami ngang gustong bumili na hindi nakapunta sa event. di bale, sabi ko minsan magkita na lang sa megamall. du'n na lang tayo magbilihan ng mga 'kargamento' hehehe. madali lang naman akong makagawa ng copies ulit.

bago na blog mo ha. visit ako lagi dyan.

 

Post a Comment

<< Home