Monday, October 02, 2006

UNDERSTANDING FILIPINO KOMIKS (Part 4)

MORE ON VISUAL LITERATURE

Noong bago-bago pa lang ako sa komiks, isang batikang writer ang nakakuwentuhan ko. Ito ang sabi niya sa akin:

“Bigyan mo ako ng kahit anong picture, o kahit na anong drawing mo d’yan…gagawan ko ng kuwento.”

Ilang taon din bago ko naintindihan ang sinabi niya. Ang paggawa ng komiks ay hindi lang kuwento, at hindi lang drawing. Merging ito ng dalawang elemento—story at visuals.

Kaya may nakikita tayong komiks na maganda ang kuwento pero pangit ang drawing, meron din naman na pangit ang drawing pero maganda ang kuwento. Ang problema dito ay hindi lang ang talent ng writer at artist kundi ang ‘pagsasanib’ ng dalawang elemento.

Sa komiks, isa lang ang pinakamahalagang bagay. Kung ikaw ay artist, ‘lubugan’ mo ang ginawa ng writer. Kung ikaw ay artist, magkaroon ka ng vision sa artist na magdu-drawing ng script mo.

Maari akong makapagbigay sa inyo ng mahigit 100 na titles ng American comicbooks na ang gaganda ng drawing pero ang papangit ng kuwento. At maraming magagandang comics sa America na hindi magaganda ang drawing. From Hell by Alan Moore and Eddie Campbell. Gregory by Marc Hempell. Persepolis by Marjane Satriapi, may nagsasabi nga na pati ang Maus ni Art Speigelman ay pangit ang drawing.

Sa kasalukuyang sitwasyon na ang karamihan ng komiks creators ay nakatingin sa ‘mainstream idea of visual storytelling’, nakalimutan na ang mahalagang bagay tungkol sa pagsasanib ng dalawang elemento ng komiks.

Sumakay ako minsan sa jeep na biyaheng Taft, nakita ko ito sa likuran ng upuan ng driver. Natawa ako, pero humanga sa kung sino mang gumawa nito, nagkaroon ako ng realization sa paggawa ng komiks. Ito ay mahusay na halimbawa ng ‘visual literature’.




Sa susunod: Ang mga malinaw na ebidensya kung bakit talagang word-dominated ang komiks ng Pilipino.

2 Comments:

At Monday, October 02, 2006 5:37:00 PM, Blogger Reno said...

Mas madaling ma-appreciate ang magandang panunulat sa pangit na guhit kaysa magandang guhit sa pangit na panunulat.

Halimbawa lamang tulad ng nasabi mong MAUS. Noong makita ko ito, na-turn off ako sa dibuho. Ngunit maraming nagsasabing maganda ang kuwento, kaya't pinagtyagaan kong basahin. Hindi ko siya maibaba. Tinapos ko agad. At nang maglaon, nakita kong bagay naman ang style ng dibuho para sa kuwento.

Halimbawa pa rin ang mga comics ng Image noong nag-uumpisa pa lamang sila. Ang gaganda ng dibuho. Ngunit nang mabasa ko, pakiramdam ko'y nagsayang lang ako ng oras sa pagbabasa. Sana'y natulog na lang ako.

 
At Monday, October 02, 2006 7:20:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Korek. Kahit naman ngayon, ganun pa rin ang sakit, ang daming magagaling na artist ngayon sa US, talagang matindi ang caliber, pero yung mga kwento...wag na lang.

 

Post a Comment

<< Home