Friday, September 22, 2006

ON-LINE STORE




Balik muna ulit tayo sa business...hahaha!

After na may bumili sa ilang prints ng gawa ko sa 'Reflecting Reflections', nagka-interes akong magbukas ng on-line store na may ibang products na ganu'n din ang artworks.

www.cafepress.com/randesign

Wala pa akong idea kung kikita nga ako dito. Pero at least, naka-display lang ang products on-line at nag-aabang ka lang ng bibili. Hindi ko na kailangang maglako sa bangketa hahaha!

Meron pa akong available na prints ng ilang gawa ko sa 'Reflecting' book, kung sino ang interesado sa inyo ay puwede ko kayong pagbilhan. Bibigyan ko kayo ng discount, basta dito lang sa Pilipinas.

Noong una ay hindi pa ako kumbinsido na i-print ang gawa ko para ipagbili, lalo pa mga foreigners ang bibili, pero nu'ng makita ko ang result ng print, ibang klase. Maganda. Frame na lang ang kulang at puwede nang i-display sa inyong mga bahay o studio.

Ito ang mga classifications ng prints:

Artworks size: 11x17 inches

Matte/Glossy Paper
Metallic Paper
Canvass

Siyempre, presyong Pinoy lang para sa inyo. Email niyo na lang ako kapag interesado kayo.

randyvaliente@mail2artist.com

4 Comments:

At Saturday, September 23, 2006 9:47:00 AM, Blogger derrick said...

panalooooooo!!!!!! ang lupit mo tol! sali ako..daming designers na pwedeng magpool in ng mga ideas. sama ako. ganda ng shirts at un mug...may mga ginagawa din akong mekanoids at tecnokrats.

 
At Saturday, September 23, 2006 10:15:00 AM, Blogger Bluepen said...

Uy! Ayos to! Randy boy! gandang idea nga ito! Free sign up! okay to! mg design kalang sila bahala sa product mo! Astig!!!!

 
At Saturday, September 23, 2006 1:04:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Magandang opportunity sa atin ito, hindi natin kailangang tutukan. kahit nakaupo lang tayo maghapon ay naka-displey sa web ang mga products.

 
At Monday, September 25, 2006 9:23:00 AM, Blogger derrick said...

mama! naka online na ko sa ym..naka kuha kami ng paraan para makapag on line kahit sa umaga...mag on line k n.

 

Post a Comment

<< Home