Tuesday, September 19, 2006

UNDERSTANDING FILIPINO KOMIKS (Part 1)

Patay na ang old komiks industry. Sa aking pagkakaalam, isa na lang siguro ako sa pinakabatang nakaabot pa sa lumang industry na ito. Ang mga batch ngayon ng komiks creators, at ‘yung mga susunod pa, ay hindi na muli pang mararanasan ang kabuuan ng komiks noon.

Ang artikulong ito ay hindi pagtuligsa sa mga gumagawa ng komiks ngayon, kundi isang lesson para sa mga susunod na batch ng komiks creators sa bansa. Nagbabago ang panahon. Dahil ito sa globalization, at sa communication at information na kaya na nating abutin sa isang pindot lang sa cellphone at computer.

Biktima rin ako ng pagbabagong ito. Kailangan kong mag-‘shift’ kung ano ang existing na industry ngayon, local man o international. Dito ako kumukuha ng ikinabubuhay. In short, praktikal akong tao.

Kung pamilyar kayo sa aklat ni Scott McCloud na ‘Understanding Comics’, mapapansin ninyo na doon ko kinuha ang pamagat ng article na ito. Gagamitin ko ang isa sa theory ni McCloud at sinubukan ko itong I-apply sa komiks ng Filipino. Naipagkasundo ko ang teorya ni McCloud sa form ng Filipino komiks.

Napakayaman ng industry ng komiks sa Pilipinas. Sa katunayan, bago ito bumagsak, isa tayo sa may pinakamasiglang industry sa buong mundo. Kaya tayong ilinya sa Manga ng Japan sa kasikatan ng ating komiks noon sa loob ng ating teritoryo.

Kung nadadalaw niyo rin ang Philippine Komiks Museum ni Gerry Alanguilan at Pilipino Komiks blog ni Dennis Villegas, makikita ninyo ang kaibahan ng komiks noong araw sa komiks na lumalabas ngayon. Unang-una nating mapapansin, syempre, ay ang drawing ng ating mga datihang dibuhista. Malayung-malayo na sa mga nagdu-drawing ngayon ng komiks.

Para sa akin, ang pagkakaiba na ito ng drawing noon at ngayon, ay external aspect lamang ng komiks ng Filipino. Pero meron nga bang internal? O ‘yung tanong na: Bukod ba sa drawing e may pagkakaiba pa ba ang komiks noon at ngayon?

Meron, ang sagot ko. Malaking-malaki. Mas malaki pa kesa sa mga drawing na madalas nating ipinagkukumpara sa mga ‘traditionalists’ at ‘modernists’.

Mahalaga sa akin ang lesson na ito, dahil kung hindi ko ito isusulat, tuluyan na itong kakainin ng panahon. Tuluyan na itong papatayin ng ‘komiks evolution’. At kung hindi makapal ang mukha ko, tingin ko ay wala nang ibang magsusulat nito maliban sa akin.

Hayaan ninyong balikan natin ang ‘purong anyo’ (pure form) ng komiks ng Filipino.

(Ginamit ko ang salitang ‘pure’ dahil kahit alam natin na impluwensya ng Western comics ang dahilan kung bakit nabuo ang komiks ng Pilipino—Kenkoy, Halakhak, etc., ang konsteksto ng ‘pure’ dito ay ang mga unang panahon ng komiks sa Pilipinas.)


ANG MGA ARAL NI McCLOUD

Mahigit isandaang taon na ang komiks (internationally). Ang mga bansang may komiks ay kakikitaan ng sarili nilang kultura. Ang komiks, katulad din ng ibang art, o media, ay reflection ng isang lahing kinalalagyan nito.

Ang bawat komiks na ito ng mga bansa ay may kani-kaniyang standard para sa sarili. Ang ‘Transisyon’ (transition) sa komiks ay nagsimula pa sa una. Bago pa man dumating si Scott McCloud (na tinatawag ngayong America’s leading comicbook theorist) ay nakikita na sa komiks ang ‘transisyong’ ito. Naipaliwanag lang niya ito ng malinaw, at nakakuha siya ng kredito para dito.

Bago tayo dumako sa ‘transisyon’, puntahan muna natin ang basic structure kung bakit ito tinawag na ‘transisyon’. Magsimula tayo sa isang mahalagang aspeto ng komiks, tinawag ni McCloud na ‘Closure’. Sa wikang Pilipino, tatawagin ko itong ‘Pagsasara’.

(Ang mga susunod na halimbawa at drawings ay galing sa aking aklat na ‘Malikhaing Komiks’ na gagamitin ko sa paksang ito. Ang mga drawings na ito ay inspired din ng Understanding Comics ni McCloud.)


PAGSASARA

Ang komiks ay may sariling mundo na ikinulong sa mga panels. O mas magandang
sabihin na ang komiks ay mayroong sariling reyalidad na hindi natin mapapangahasan bilang reader. Ang kaya lang nating gawin ay subaybayan ang mga pangyayari at kaganapan sa ‘outer’ portion ng komiks. Hindi na natin alam kung ano ang nangyayari sa ‘inner’.

Ang mga pangyayaring nasa loob ng panel ay iyon lamang mahalaga sa kasalukuyang sitwasyon. At iyon lang ang naa-absorb ng reader. Kung ano ang nasa loob ng panel, iyon ang karanasang ating nasusubaybayan. Ngunit paano ang mga karanasang wala sa panel?




Sa halimbawang ito, isang tipikal na pangyayari ang naganap. Tumunog ang telepono. Kaya sinagot ng lalake. Kung tutuusin ay walang problema. Ang mahalaga ay nalaman natin ang nangyari.

Ngunit alam ba ninyo na mayroon tayong hindi nalaman sa nangyari.

At ito ang malaking papel na ginagampanan ng pagsasara.

Alam kaya natin kung paano dinampot ng lalake ang telepono?



Ang pagsasara ay mga pangyayaring ‘behind-the-scenes’. Hindi na ito gaanong pinagtutuunan pang pagkaabalahan ng manunulat dahil hindi na rin ito nakakakatulong sa daloy ng kuwento. Sa madaling salita, ang paggawa ng komiks ay paghihimay ng mga sitwasyon at pangyayari na dapat lang ilagay sa loob ng panel.

Sa susunod, ipapakilala ko sa inyo ang mga transisyon na binigyang-linaw ni McCloud.

3 Comments:

At Wednesday, September 20, 2006 1:19:00 PM, Blogger Reno said...

Puro pangongopya! Kinopya mo pa ang kay Scott McCloud, isang banyaga! Walang pagmamahal sa sariling bayan! Sobrang Pinoy ka nga!!!!

Hehehe. OK ba ang comment, Randy? Wala na kasing magugulo dito eh. Di mo ba sila na-miss? :)

 
At Wednesday, September 20, 2006 2:24:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

hahaha, o nga. baka makatanggap na naman ako ng sermon.

Seriously, kailangan kong gamitin ang analysis ni McCloud dahil isa siya sa nag-open sa akin para maintindihan ko ang form ng komiks natin.

Sa susunod kong post, kopya ulit ito kay McCloud. Pero introduction lang ang lahat ng ito para doon sa mga hindi nakabasa ng book niya.

Sa pangatlo kong post, doon ko na sisimulang hukayin ang komiks natin. Iiwan ko na si McCloud dito. Self-analysis ko na ito sa komiks ng Filipino.

 
At Wednesday, September 20, 2006 3:19:00 PM, Blogger Bluepen said...

Lol nakaka miss ba ang gulo? Simple lang yang buksan mo ulit ang pinto wala ng bawal hehehe... cgurado dagsaan ulit ang mga yan.

Hoi! Randy Joke lang yan baka gawin mo nga. Kung gagawin mo nga, salain mo nalang ang post at kung personal ang banat burahin mo para play safe ka. hehehe

Mabalik tayo dyan sa paliwanag mo sa closure, okay ah interesting cge tuloy mo yang topic na yan, makakatulong talaga yan ng malaki, dagdag kaalaman para sa mga baguhan. Isa na ko run.

:)

 

Post a Comment

<< Home