Tuesday, September 05, 2006

REFLECTING REFLECTION




Ang laki ng possibilities na ibinibigay ng technology sa mga artist ngayon. Isa na diyan ang POD o ang print-on-demand. Nang mabalitaan ko ito ay naglaro kaagad sa isip ko kung anong klase ng libro ang puwede kong gawin para mai-submit sa kanila.

Sa POD, wala kang poproblemahin sa gastos sa imprenta. Ang poproblemahin mo lang ay ang mismong concept ng libro at ang laman. Walang deadline, nasa sarili mo kung kailan mo ito matatapos. Wala ka na ring problema sa marketing, although puwede ka namang tumulong.

Isang libro ng mga conceptual arts ang naisip ko. Hindi ito isang artbook na dapat mong tingnan ang color combinations, renderings, o ang kung ano pa mang technicalities tungkol sa art. Ang purpose ng librong ito ay ipakita ang mga konseptong matagal nang naglalaro sa utak ko. Mga concepts na pinaghalu-halo ko galing sa iba’t ibang culture, philosophies, at galing din sa iba’t ibang panahon. Meron ding galing sa music, politics, economics, religion. In short, meeting ng mga ideas at konsepto ng iba’t iba ang takbo ng utak.

Hindi ko pa alam kung lalagyan ko ba ito ng caption, or short essay, or poetry, or whatever words na magpapakilala ng bawat artworks. Masyado pang maaga para sa akin para isipin ito dahil 2 piraso pa lang ang nagagawa ko, ang target ko ay mga 60 pieces. At ginagawa ko lang ito pag medyo kondisyon ang utak at katawan ko.

Ang sample page na makikita sa itaas ay combination ng Zen, Cyberpunk and Fantasy. Ang idea na ito ay matagal ko nang inisip, ‘Is there spirituality in the age of technology?’

Sa mga artists, or kahit anong klase ng tao na gustong makagawa ng libro, subukan niyo ring pag-aralan ang PODs. Hindi lang ito magsisilbing portfolio niyo, mababasa at makikita din ng iba (ng buong mundo) ang gawa niyo.

5 Comments:

At Wednesday, September 06, 2006 11:40:00 AM, Blogger GT4 said...

Galing naman ng concept art mo. Me touch of pinoy culture. I would suggest a title if you don't prefer captions. Pede rin yung me konting description as foot notes or maybe index where you describe a certain concept art. This way pede mong i-explain kung anong bagay sa isang kultura ang gusto mong ipakita. Halimbawa sa Robotic Tikbalang reflection mo (tama ba?), di ito pamilyar sa ibang tao. Baka mapagkamalan itong robotic humanoid "Kirin" (Chinese/Japan/Korean mythical creature), Dragon or maybe Demon na rin. I would like to see more. Beep mo kami pag publish na basta mura lang at oorder ako.

 
At Wednesday, September 06, 2006 11:50:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

thanks gt4, ang plan ko dito matapos hanggang 2nd quarter ng 2007. pero ayoko kasi madaliin at baka maging hilaw ang mga concepts na lumabas.

 
At Wednesday, September 06, 2006 5:30:00 PM, Blogger Reno said...

Maganda may mga kahalong essay, para di naman puro larawan lang. Maganda kung ano yung naiisip mo habang ginagawa mo ang isang "piece."

BTW, astig ang sample art mo. Magandang halimbawa ng "ligne claire" na style.

Randy, usap tayo sa Komikon! Pakilala ka sa akin! :)

 
At Wednesday, September 06, 2006 8:51:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

thanks reno. ang inspirations ko dito ay mga cartoonists, sina joost swarte at gary larson (farside gallery).
o nga, nu'ng nakaraang komikon, di tayo nagkita.

 
At Thursday, September 07, 2006 11:03:00 AM, Blogger Unknown said...

this sample u did so cool bro....pambihira iba k talga bro hehehe good luck s bago mong book i hope tuiloy tuloy na yan nakakapanghinyang talga un "pambalot ng tinapa" :):) abangan ko yan

 

Post a Comment

<< Home