Friday, September 01, 2006

ANNOUNCEMENT

Nakatanggap na ako ng maraming emails sa mga kakilala at kaibigan. Natutuwa sila at napag-uusapan dito ang mga topics tungkol sa komiks, nahihimay ang ideas ng bawat isa. Pero nalulungkot din ako dahil marami na ring tao ang nasaktan (hindi dahil sa paniniwala nila sa komiks) kundi dahil sa mga personalang pag-atake na wala nang kinalaman sa komiks mismo.

Gustuhin ko mang pagbigyan ang lahat na maging ‘free’ na mag-post ng kanilang mga ideas at saloobin dito tungkol sa komiks, ay hindi ko na puwede itong gawin ngayon. Lumalayo na tayo sa mismong isyu. At sa tingin ko, kahit anong ipost ko dito tungkol sa komiks at sa art, hindi mawawala ang personalan ng kung sinumang mga nagpo-post dito.

Kaya magmula ngayon, hindi lahat ay magkakaroon na ng ‘freedom’ na mag-post ng kanilang sasabihin dito. I’m sorry, guys, pero kailangan n’yo nang mag-register para magkaroon ng sariling account. Sasalain ko na rin ang lahat ng ipo-post dito bago pa ito lumabas sa comments section ng blog na ito.

Kung hindi ko ito gagawin ngayon, baka lumala pang lalo ang mangyayari.

6 Comments:

At Friday, September 01, 2006 4:38:00 PM, Blogger Reno said...

Nice move, Randy.

 
At Friday, September 01, 2006 4:52:00 PM, Blogger Bluepen-Comics said...

Ayos! tama yang ginawa mo randy. para mapilitang magpakilala ang mga makukulit na yan...

 
At Friday, September 01, 2006 7:16:00 PM, Blogger Robby Villabona said...

Actually, hindi pa rin sila mapiplitan magpakilala. Anyone can create a blogger account using any name. But I do hope there'll be some reasonable moderation of what people are allowed to post here, anonymous or not.

 
At Friday, September 01, 2006 8:21:00 PM, Blogger Dissing the Oldtimer said...

Anong mga rules mo tungkol dito, iho? Dapat meron. Ano bang klaseng mga posts ang bawal? Linawin natin.

 
At Friday, September 01, 2006 9:32:00 PM, Blogger Bluepen-Comics said...

Tama ka Robby, maski si oldtimer, kaka register lang at pati email nya kaka register lang ngayon. Ang natitirang way nalang ni Randy para nde maulit at mababoy ang blogs nya eh salain nya ang mga comments/opinion nag mag po-post.

To: Old timer

Manong kahit naman sinong tanungin mo, ayaw na nasisira at at nababoy ang pagkatao nya. Yun lang naman ang dapag ipagbawal dito. Yung katulad ng ginawa nung mga tao kay ManilaBoy. Sobrang panghihimasok at paninira na umabot na sa sukdulang bastusin sya ng walang kalaban laban. Yun ang dapat na iwasan dito. Kung komiks ang usapan komiks lang at walang halong personalan.

 
At Monday, September 04, 2006 5:25:00 PM, Blogger derrick said...

nice move...ayos yan randy.un manila boy din ata un nkahamunan ng isa nating kasama sa komiks e.ayaw namng magpakita o magpakilala

 

Post a Comment

<< Home