Thursday, August 24, 2006

LENGGUWAHE

Malaking debate itong paggamit ng lengguwahe. Hindi ko alam kung applicable pa sa panahon ngayon ang minsang ipinaglaban ni Pang. Manuel L. Quezon para gawing national languange ang Filipino. Napakaliit na ng mundo ngayon. Ang pakikipag-communicate sa iba’t ibang uri ng tao sa buong ay isang pindot na lang ngayon sa internet, sa cable, sa cellphone, at sa telepono.

Ang reyalidad ngayon ng buhay, karamihan ng bansa ay nag-aaral na ng English. Bakit? Dahil ito ang itinuturing ngayon na ‘nangingibabaw’ sa lahat ng wika sa buong mundo. Sa cable television lang, ang mga channels ng Germany, France, India, at iba pang bansa sa Asia, ay nagkakaroon ng English translation para sa ikauunawa ng marami. Sa katunayan, ang mga Koreans at Japanese ay nag-aaral na ngayon ng English upang makipag-communicate sa mundo.

Sa kabila nito, isang aral ang makukuha natin sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Si Rizal ay marunong ng halos sampung lengguwahe. Marunong siya ng Chinese, German, English, French, etc. etc. Pero sa lahat ng ito, ganito ang kanyang sinabi: “Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay tulad ang amoy sa malansang isda.”

Undecided ako sa isyung ito ng wika. Sabihin natin nasa stage ako ng pag-aaral tungkol sa usaping ito. Kaya ayokong makipag-debate. Ang iiwan ko lang sa inyo ay isang katanungan.

“Ano ba ang pinakamahalagang purpose ng wika (o language)…ang makipag-communicate o ang alagaan ang iisang kultura na pinaggagamitan nito?”

*****

Naging guro ko si Bienvenido Lumbera (na kamakailan ay itinanghal na bilang National Artist) sa isang palihan (workshop) sa UP. Isa siya sa tinitingala ko sa literaturang Pilipino. Sa mundo ng literatura, mas pabor ako sa wikang Filipino. Ngunit sa usapin ng ekonomiya, at sa isang mortal na tulad kong kumukuha ng trabaho sa mga foreign countries, wala akong choice kundi pag-aralan ang wikang Inggles. Ang punto ko dito ay hindi ang kultura…kundi ang ikabubuhay.

30 Comments:

At Thursday, August 24, 2006 6:45:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Sa usaping komiks, kung ang karamihan sa inaasahan mong audience ay "westernized", naangkop ang wikang ingles.

Ngunit, gaya nga ng ipinakita ng video sa tagalog romance pocketbooks at survey ng NBDB, mas nangingibabaw pa rin ang pagbasa at pagunawa sa TAGALOG o Tag-lish ng karamihan sa mga Pilipino.

Bakit? Sapagkat bagsak ngayon ang kaalaman ng Pilipino sa Ingles. Palpak ngayon ang ating mga eskwelahan sa pagtuturo ng Ingles. Mahal ang tuition, kokonti ang mga gurong may kakayahang magturo ng Ingles, marami ang di nakakapag-aral, kaya hayun, "simpleng" TAGALOG o baluktot na Tag-lish ang ginagamit dahil nga hilaw ang kanilang kaalaman. Higit sa lahat, karamihan sa kanila ay mahina ang kita.

Sa panahon ngayon kung may magtatangkang pumasok sa paglimbag ng pang-masang komiks tulad ng dati, dapat saganang akin lamang, ay TAGALOG na simple ang dapat gamitin, pero may sinisingit na pamamaraan para yumaman naman ng konti at lumawak ng husto ang kultura at wikang Pilipino. Kaya nga tinawag na PILIPINO KOMIKS e. Iyan ang "legacy" kung tawagin ng namatay na mass media na ito.

Hindi TAG-LISH Komiks, Mango Comics, Nautilus Comics, Komikero Comics, Neo Comics, Ignition Zero Comics, Psicom Comics, Summit Comics, AMERICAN Comics, Japanese Comics, o RICH WESTERNIZED MINORITY COMICS.

"PILIPINO" KOMIKS. "TAGALOG" KOMIKS.

Ang problema, karamihan sa mga ginagawang comics ngayon ay yung kabaligtaran.

Ang tamang forum at okasyon para sa salitang Ingles ay ang classroom, textbook, pagi-internet, at iba pang mga bagay kung saan nababagay ito.

'Wag naman sana sa PILIPINO komiks. Please naman. Ibalato na ninyo 'to sa Pilipino.

Meron pa bang ibang maaasahan na media kung gusto mong malaman ang kasalukuyang lagay at paglawak ng pambansang wika at kultura? Kokonti na lang. Binabaluktot pa ang pambansang wika sa internet, cellphone, t.v. at sa radyo lalong-lalo na ng mga HILAW ang napag-aralan at nagkalat na gay entertainment mafia.

Praktikal at me Business-sense ba na gumamit ngayon ng wasto at simpleng TAGALOG o TAG-LISH sa ibebentang komiks sa lower income class? Business-wise at sa kasalukuyang lagay ng kultura at warak na lipunan natin ngayon, tingin ko ay OO pagka't iyon ang lenguwahe ng karamihan sa Pilipinong mambabasa ngayon. Ito ay lenguwahe ng nakararaming wala, konti o hilaw ang napagaralan. Iyan ang masakit na katotohanan. Hindi sila maglalabas ng pinaghirapang pera at di nila tatangkilikin ang komiks mo kung hindi nila maintindihan ang pinagsasasabi mo dito. Higit sa lahat, komunikasyon ang binebenta dito at di lang mga larawan. Karamihan sa kanila hindi maglalabas ng pera para magbasa ng komiks na Ingles maliban na lang sa kokonting westernized tulad ng mga nasa urbanized areas ng Metro Manila, Cebu, Calabarzon, etc.

Ang manga ba ng Japan gumagamit ng Ingles? Hindi. Lampas ng halos isang trilyon yen ang kinikita ng manga sa bansang Hapon taon-taon. Gayon din ang mga comics sa Hong Kong, Taiwan, Pranses, Italy, at Spain. Di sila gumagamit ng Ingles. Ginagamit nila ang kanilang wika. May ugnayan ang paggamit ng pambansang wika sa pagtaguyod ng sarili at mayaman na kultura.

Pag mayaman ang iyong kultura, nagagawa mo pang ma-export ito at mapag-perahan tulad ng mga entertainment industries ng Hollywood USA, Bollywood ng India, at ang mga anime'/video games ng Japan. Tayong mga Pilipino ngayon? Wala. Kulelat at empleyado pa ng mga bansang ito. Bagkus, tinitingala pa natin ang kanilang mga wika at kinamumuhian ang sariling salita.

 
At Friday, August 25, 2006 12:05:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Okey estilo ni Oldtimer Komiks Veteran. Nag-post ng newspaper article. Randy, ako rin. Eto, me lumabas sa Inquirer ngayon tungkol sa kasalukuyang lagay ng Philippine Consumer Market 2006 na palagay ko, makakatulong ng malaki sa mga nagbabalak mag-publish ng komiks, nag-iisip kung magkano ang ipe-presyo nila dito, paano i-market ang komiks nila at kung sino ang dapat na i-target market nila. Ito ay newspaper article ng di simpleng comics reader enthusiast or creator. Ito ay gawa ng isang propesora ng Marketing at Brand Management ng De La Salle Professional Schools Graduate School of Business. Siya si Prof. KAREN V. DE ASIS at ito ang article niya na lumabas ngayon sa August 25, 2006 isyu ng Phil. Daily Inquirer:

x---------------------------------x

OF STAGFLATION AND VOLUNTARY SIMPLICITY BUYERS: HOW TO SELL WHEN THE ECONOMY'S DOWN, BUT PRICES ARE UP

by Karen V. De Asis
Contributor

STAGFLATION happens when there is a stagnant economy marked with substantial increases in prices of goods and services. Prolonged stagflation naturally results in massive consumer belt-tightening, increasing poverty and inflation that affect consumer attitude including buying behavior. Needless to say, this has a tremendous impact in the way marketeers convince consumers to part with their very limited and hard-earned money.

TODAY, 90 PERCENT OF FILIPINO CONSUMERS BELONG TO THE D AND E HOUSEHOLDS WITH A MONTHLY HOUSEHOLD INCOME OF P15,000 AND BELOW. THIS AMOUNT, AT LESS THAN $300, IS ESTIMATED TO FEED, CLOTHE, SHELTER AN AVERAGE FAMILY OF FIVE INCLUDING EDUCATING THEIR CHILDREN.

While the Philippine GNP is kept afloat with OFW remittances, the domestic economy continues to reel from the expanded value-added tax (VAT) higher costs of food, utilities and oil prices; unemployment, underemployment, and job security problems; political instability, power struggle and a state of seeming apathy.

Despite the seeming negative incidence of stagflation, the Filipinos' penchant for shopping keeps consumerism alive in the country. While shopping remains a passion, marketers are increasingly challenged to present their goods and services in ways that fit the scrimping lifestyle of local consumers.

COPING WITH STAGFLATION

Dr. Avraham Shama, a Lady Davis Fellow at the Hebrew University, in a longitudinal research on stagflation makes consumers change their consumption preferences. It also triggers consumers to judge products and services in a new way. Adjustments in consumer behavior include engaging in more comparative shopping, couples making purchase decisions more often than in the past, less wastefulness, more energy consciousness, valuing fuel economy in transportation, shopping for specials and bargains, buying cheaper products and private labels and shopping at cut-price stores. During stagflation, consumers' decision making are more calculated as they realize how real disposable income has become stagnant or declined.

VS: THE NEW CONSUMER

A stagflation economy automatically leads to the emergence of the new VOLUNTARY SIMPLICITY (VS) CONSUMER-- one who believes in material simplicity and conservation over conspicuous consumption; one who scales down or humanizes his living and working conditions while advocating small is beautiful over big is better; one who believes in the use of appropriate technology over automatic application of high technology; one who realizes the importance of ecological awareness and conservation, self-determination and personal growth.

These VS values, developed in seminal works by Elgin, Mitchell and Gregg and confirmed by reputed worldwide Yankelovich Monitor of Social Values and the Values and Lifestyles (VALS) Program of SRI International provide a clear profile of the VS consumer as follows: THEY PREFER SMALLER PRODUCTS, I.E. FOLLOWING THE MINDSET THAT SMALL IS BEAUTIFUL; OPT FOR SIMPLE, MORE FUNCTIONAL, EFFICIENT AND QUALITY PRODUCTS AND SMALLER, MORE PERSONAL STORES; LIKE PRODUCTS THAT ENGAGE INTEREST AND INVOLVEMENT; ARE PARTIAL TO DO-IT-YOURSELF PRODUCTS; ARE KEEN ON INNOVATIVE OUTLETS LIKE FLEA MARKETS; ENGAGED IN WHOLESALE AND COOP BUYING; LIKE MEDIA AND ADVERTISING EXECUTIONS THAT ARE INFORMATIVE.

Also likely to appeal to VS consumers are no-frill or DIY (do-it-yourself) goods; real estate housing brought down to the human scale with ecological design; organic environmentally responsible and energy saving products (e.g. organic and natural-based recyclable materials, solar energy based); no frill transport and carriers; value-based pricing; value-driven and informative advertising, specialized and highly involving media; product trial or sampling; knowledgeable salespeople and smaller, more personal outlets.

WHERE, HOW TO CATCH VS CONSUMERS

The VS consumer as research shows, is heavily functionally-oriented and value minded. THEY HAVE LITTLE ATTACHMENT TO IMAGING, AMBIANCE, STYLE AND PACKAGING. This does not mean though, that VS buyers pay for the lowest price all the time. On the other hand, they are willing to pay for higher prices provided the benefits derived from the product attributes tremendously outweighs the overall product cost.

VS CONSUMERS ARE PERSONALLY INVOLVED WITH THE PRODUCTS AND SERVICES THEY BUY AND WHERE THEY BUY THEM. A local industry presentationn made recently by Andrea Snook, Commercial Director of TNS Worldpanel, a world leader in custom research and analysis, complements the findings derived from longitudinal VS researches when it comes to channel design. In a 2006 TNS Worldpanel Philippines' "Who are My Shoppers" data, it was revealed that locally, shopping gains were only evident in the drugstores and supermarkets,with each channel recording an increase in basket spending at P13 and P36 pesos respectively while average spending posted P192 and P316 per trip. While convenience is the key driver among supermarkets as evidenced by shopping motivators like proximity to place of work and nearness to stores; promotions on the other hand are the main driver for drugstores. TNS Worldpanel Philippines reports that good offers that are clearly communicated are the main shopping motivators.

For as long as marketers are able to clearly articulate their products' value and distribute these products and services in channels perceived to be value-driven, they should have a greater chance to reach a bigger segment of Filipino consumers bound to voluntary simplicity.

x-------------------------------x

 
At Friday, August 25, 2006 3:16:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Babala to everybody:

Me gumagamit sa codename ko at nakikipag-chat siya ke Manilaboy. Palagay ko ito nanaman yung bakling na nanliligaw ke Manilaboy at ke Bluepen.

 
At Friday, August 25, 2006 3:24:00 PM, Anonymous Anonymous said...

90% of Filipino households belong to the lower income C and D class with a monthly income of P15,000 or LOWER? Wow! A Family of Five pa 'yan ha?!

P15,000 divided 30 days that's P500 a day! Sapat ba yan para pambayad sa kuryente, baon ng mga bata, pagkain ng pamilya, pamasahe ng tatay at mga anak, pamalengke, school supplies, tubig, atbp?

Kung gagawa ka ng Pilipino Komiks ngayon, dapat isaalang-alang mo nga ang mga ganyang gastusin. Palagay ko pag komiks mo e P50, P85 o P100, di ito tatangkilin ng 90% ng mga Pilipino ngayon. Lalo na't Ingles? No way!

Dapat mababa presyo at isa pa, dapat may KABULUHAN at may MAPUPULUTANG HALAGA diyan sa komiks na yan na di puro na lang kalokohan at pagalingan ng "komiks art" na kopya pa sa abroad. Suggestion yan no, di dikta. Baka me umalma nanaman diyang iyakin tulad ni John Becaro. He he.

 
At Friday, August 25, 2006 4:02:00 PM, Blogger ARTLINK STUDIOS said...

Anonymous wanna be...
BASTOS KA AT ISA KANG DUWAG.
Patago tago ka pa sa Anonymous.PWE.TANGA PA AT MAKITID ANG UTAK.hehehe.Ang mga tulad mo ay di nererespeto.AYOS BA, DUWAG?
Magpakilala ka para magsiraan na tayo dito...iyakin pala ha?Di kita uurungan sabihin mo lang kailan at saan, lumaban ka ng patas.Kunsabagay, masasayang lang ako sayo dahil wala ka kwentang makipagkapwa tao. Masyadong matalino, tanga naman.HAHAHAHAHA!^__^

 
At Friday, August 25, 2006 4:23:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Ingles o Tagalog? Me punto ang bawat isa. Teka. Bakit d na lang maglabas ng 2 bersyon para walang problema. Sa panahon ngayon, ang pagpalit ng letra sa mga Captions at Word baloons ay madali na lang dahil sa computer. Dagdag trabaho pero at least lumalawak ang target consumer mo. Me pros and cons kung anong lengguwahe ang gagamitin depende sa target market mo at sa demand ng iyong produkto. Dito sa Singapore kahit na halo halong kulay ang mga nakatira eh pumapatok pa rin ang produkto nila kahit anong gamiting lengguwahe sa audio man o visual market. Siguro mayaman lang talaga ang bansang ito o kaya malakas lang talaga ang demand sa kani-kanilang produkto. Minsan yang language barrier eh nagagawan ng paraan. Tingnan nyo yung mga Tele-Novela me dubbed o kaya nilalagyan ng sub-title. Bakit? dahil me demand at siguro sa quality na rin. Ang sa akin ano mang lengguwahe ang gamitin, basta mahusay ang pagkakagawa eh OK. Tingnan nyo yung kanta ni Freddie na Anak, ang daming bersyon dahil sa ganda ng komposisyon at mensahe. Gawa na lang tayo ng gawa at hayaang ang madla ang magpasya. Tutal depende din sa kanila ang future ng Komiks industry. Focus na lang sa Quality.

 
At Friday, August 25, 2006 5:25:00 PM, Blogger Robby Villabona said...

Siyempre ang pinakamahalagang silbi ng wika ay komunikasyon. "Side effect" na lang ang gamit niya bilang "tagapag-alaga ng kultura".. at sa totoo lang, yung mga nagbigigay ng ganitong dahilan bilang argumento sa pagsusulat sa Tagalog ay masyado maraming oras mag-reklamo kasi siguro walang trabaho. LIVE AND LET LIVE ang aking motto... magsulat dapat ang manunulat sa wikang gusto niyang gamitin at para sa mambabasang gusto niyang maabot -- kahit na ba class A, B, C, D o E pa ito. Ganito rin sa estilo ng pag-drawing. Mag-manga ka kung gusto mo. Mag-Western-style ka kung gusto mo.. mag Redondo-clone ka kung gusto mo. Mag-drawing ka sa estilong ikaliligaya ng iyong kaluluwa at bulsa... hindi sa ikaliligaya ng ibang tao na hindi naman nagpapasweldo sa iyo.

 
At Friday, August 25, 2006 6:46:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Me mga punto sina Robby at Blinker. Pero ang tanong, ano ang pinagkaiba ng gawang Pilipino (komiks) sa ibang banyagang komiks? Sorry pero sa ganyang pananaw ay lalo lang nagkakaroon ng kalituhan. Heto me diskusyon sa kabilang entry tungkol sa Komikon. Anong klaseng komiks na Pilipino ang maibabandera mo sa Komikon? Anong pinagkaiba ng Pilipino Komiks sa ibang Komiks na dapat tangkilikin ng tao? Quality? Lahat naman pupwede. Culture Crash at Darna/Lastikman me quality. Elmer, sabihin na nating me quality. Pero kung susuriin mo, ito ba ay nabenta ng karamihan sa madla? Hindi. Hindi mo sila masasabing me temang original na PIlipino comcis concepts at sinunod nila ang pilosopiya ninyo na maging global at maging general at malawak ang pananaw. Pero di tinangkilik ng maraming buyers. Yan ang realidad.

Ano ba ang pagkakaintindi ninyo sa kultura? Sapagkat ang kultura ay nakaugnay sa karanasan ng nakararaming Pilipino; ang patuloy na paghangad ng nakararami na mapabuti ang kanilang kalagayan SA SARILING BANSA. Ang pantasya at hangarin ba na yan ay naihahatid ng kasalukuyang global komiks ngayon na karamihan ay ingles at nakatuon sa westernized market? Hindi di ba? Otherwise, hanggang ngayon, nandiyan pa rin yang mga titulong nawala na yan. Me industriya ba tayo ng komiks galing diyan sa mga kasalukuyang komiks? Wala di ba? Di lang basta isinasantabi ang isyu ng wika. Napakalaking bagay po niyan. Isa yan sa mga importanteng bagay para maihiwalay mo ang gawang Pilipino Komiks sa comics ng ibang lahi. Sige nga, itabi mo ang Angel Ace, Kai at Darna (Mango) sa mga DC at Marvel comics. Ano ang pinagkaiba? Wala halos di ba? Tinangkilik ba ng Westernized reader? Hindi. Ng lcal tagalog reader? Hindi rin. Quality? Meron di ba? Ok ang papel, ang coloring, ang layout, ang kwento, Ingles, pero...anong kulang?

 
At Friday, August 25, 2006 6:47:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Hehe. Ok si Artlink a. Nakukuha na ang timpla. Mabuhay ka din, ulul. Hehe.

 
At Friday, August 25, 2006 8:04:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Ha ha ha! Si "Silent Reader" Artlink/John Becaro! Congratulations, John! Nanalo ka sa walang kakwenta-kwentang TOINK awards ni Randy! You made the list man! Whooo! (Applause)

 
At Friday, August 25, 2006 8:11:00 PM, Anonymous Anonymous said...

nga pala, nakalista ka din sa let me think category ni Randy. Eyng?!

toink!

 
At Friday, August 25, 2006 9:23:00 PM, Blogger Robby Villabona said...

Copyartlink,

Para sa akin moot and academic yang exercise na gawan ng depinisyon ano ang Pilipino komiks at ano ang hindi. Kasi parang relihiyon yan, maraming interpretasyon, at wala rin namang silbi kahit magkaroon ka ng ituturing mong consensus.

Magiging batayan lang iyan ng iilan magbansag sa gawa ng iba na hindi Pinoy o elitista o Western. Husgahan na lang kung maganda yung komiks o hindi -- pwede naman makagawa ng maganda o pangit kahit na ano pang impluwensiya, wika, drawing style, o market nito. TRYING TO DEFINE WHAT PINOY KOMIKS IS AND WHAT'S NOT IS JUST YET ANOTHER VEHICLE FOR OUR CRAB MENTALITY TO SURFACE. IT REALLY SERVES NO USEFUL PURPOSE.

Kailangan na lang natin tanggapin na multi-lingual (at multi-cultural) tayong bansa -- English, Tagalog, Taglish, Cebuano, Ilokano, Bicolano, Waray, Ilonggo, Chabacano etc. Sa kasamaang palad, malaki din ang agwat ng mayaman at mahirap dito, pero wala kang magagawa kung may pera ang target market ng naglalabasang komiks. Diba nga FHM ang number 1 magasin sa Pilipinas? Eh P125 (yata) yon diba? At ang number 1 newspaper ay Inquirer -- pareho silang Ingles.

May isa akong kaibigan na ayaw manood ng anime na Tagalog. Pangit daw. Pero Tagalog naman siya magsalita. Pero hindi ko naman pwedeng sabihin na hindi siya Pilipino... kasi kahit may U.S. green card siya nagpupursige siyang palaguin and munti niyang negosyo dito.

Ang Pilipino para sa taga Manila ay maaring hindi Pilipino para sa taga ibang lugar. Kahit pag nasa Cebu ako maingat akong nakikipag-Ingles sa mga taga-doon kasi offensive sa karamihan doon Tagalugin.

 
At Saturday, August 26, 2006 7:56:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Robby,

Ang Inquirer at FHM ay no. 1 sa upper income class AB hindi ng lower class. At maliit lang ang porsiyento ng upper income sa pangkalahatan. FACT yan. Ang big three english broadsheet newspapers ay may daily nationwide circulation ng about 250,000. Ang presyo nila ay Php 18.00.

Ngayon, ang big three TAGALOG tabloids (Abante, Pilipino Star Ngayon, at People's Tonite) ay may NATIONWIDE daily circulation ng about 400,000 to 500,000 copies nationwide at bumebenta ng Php 7.00. Ang primeary audience pa nito ay ang lower income class D at E.

FHM? 180,000 copies a month as of 2004. Pero ang TAGALOG romance pocketbook na 2nd most read non-textbook print publication IN THE PHILIPPINES na bumebenta ng P10 to P20, pumapangalawa sa Bibliya, ay may...kayo na ang maglagay ng numero pero sigurado, di hamak ang laki ng lamang nito sa FHM. Ang audience pa ng romance pocketbook ay lower income class D at E.

You have your own opinion, pero iba ang reality. Meron kang mga personal experiences, pero kung ikaw ay papasok sa business ng mass publication, mas bibigyan ng negosyante ang SURVEY at REALITY.

Paumanhin po pero malaking isyu kung paano mo mabibigyan ng depinisyon kung ano nga ba ang PILIPINO KOMIKS sa kasalukuyang lagay ng media at print publications sa bansa. Bakit? Kasi kasama yan sa pagmamarket mo lalong lalo na kung ang tinatarget mo ay ang lower income class D at E, at ang primerong lenguwahe na naiintindihan ay simpleng tagalog o pinaghalong TAGLISH.

Ngayon, kung hindi naman kayo negosyante at kayo ay 'artiste' at gusto nyong mangibabaw ang layaw nyo, walang problema. Reality and business sense dictates na maliit ang magiging market nyo sa upper income "westernized" class na matindi ang pihikan. English comics ng Pinoy tulad ng Lastikman, Maskarado, Project Hero, Neocomics, Elmer? Mas titipuhin ng upper income english speaking westernized class na pumunta sa Comicquest o Filbar's para bumili ng mas mahal na foreign action figure o ang mga Php 120-180 latest comics ng JLA, X-Men, Batman, Superman, X-Men, Image, Graphic Novel, etc.

Tapos yang mga komiks na 'yan at ang mga kopyang Indie comics magko-KOMIKON? Doon pa sa malayong U.P. Diliman (ba uli?) na ang mahal ng pamasahe papunta at palabas? Ilan nanaman ang pupunta? Below 800? Karamihan ba pumunta para bumili ng mga Indie comics na yan o mag-online gaming, action figure, cosplay at makinig ng concert? Bagkus, malaking sosyalan lang yan ng mga local comics artist na binebenta hindi ang comics nilang pang upper class kundi ang serbisyo nilang magaling kumop--este, mag-ADAPT-- sa kailangan ng foreign employer. Masaya no? Sigurado, masaya nanaman yan. Pero sila-sila lang ang magsasaya. He he.

P.S. Bet tayo, pag me sumagot dito, kakausapin niya sarili niya. :)

 
At Saturday, August 26, 2006 9:06:00 AM, Anonymous Anonymous said...

on top three pilipino tabloids,the number 1 is BULGAR, with DAILY circulation of 400,000 copies

 
At Saturday, August 26, 2006 10:34:00 AM, Blogger ARTLINK STUDIOS said...

hehehe..natawa ako sa mga nagpopost dito.Di ko alam kung maaasar ako o ngingiti.pero iisa lang ang mga yan.nanggugulo lang.hahaha! Galing nyong gumamit ng anonymous at kung ano ano pang alyas ha? Kabaklaan na di maintindihan.

"Silent Reader" ? SOUND OF ONE HAND CLAPPING, PASENSYA NA PWERO DI AKO MAHILIG MAG CHARACTER PORTRAYAL DITO O GUMAMIT NG KUNG ANO ANO PANG ALYAS PARA PAGTAKPAN ANG KATARANTADUHAN AT KADUWAGAN NA GAGAWIN KO SA BLOGGING. Meron akong pseudoname na iba pero di ko ginagamit para lang manira o mangkulit ng forums dito sa cyberspace kundi para maitago rin identity ko for my personal protection, unlike sa blog dito ni Randy ang daming nagprepretend na character na obvious namang mga tanga yong iba na walang hilig kundi manggulo at mang away lang.Pero, pag nag insist ka pa rin na ako si Silent Reader, bahala ka..tatawanan ka lang ni Silent Reader pag nabasa nya ito.bwahahahaha

Copyartlink, HEHEHE.Di ko alam, may tinatago ka pero ayos ka rin, ULOL!

Kung may mga hinanaing kayo, wag kayo magtago kasi walang makikinig sa inyo e.

Pero Ayos palang mga kausap ang ibang mga tagarito...maraming nagagawang KATANGAHAN na ideya.
Mukhang maaaliw ako dito, hehehe..sige, makikisawsaw na rin ako dito pero di talaga ako gagamit ng alyas, sayang lang oras ko. To be fair naman sa lahat, kahit paano pala ayos ring makinig sa inyong katarantaduhan, dami ko natutunan.SALAMAT MGA !#@%&**#!!!! Ito pa..!!@%^^&*!!!!nyo!

 
At Saturday, August 26, 2006 6:31:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Dami mo pa sinabi, trip mo rin pala to. ULUUUUUUUUUUUL.

He he he :)

 
At Saturday, August 26, 2006 6:33:00 PM, Anonymous Anonymous said...

I stand corrected. Tama si batang tabloid. No. pala ang Bulgar. Sorry. :)

 
At Saturday, August 26, 2006 9:48:00 PM, Anonymous Anonymous said...

kung pagbabatayan ang statistics ng naibebentang pocketbooks sa divisoria care of mang akong at ng RSO (dealer sa cebu) plus yung nasa bookstore ng precious pages at iba pang may consignment doon na tagalog pocketbook publisher, aabot sa kalahating milyon ang circulation ng pocketbook sa isang buwan. bangketa pa rin ang maraming benta (price is lower kumpara sa bookstore). sa kasalukuyan ay maraming legal na publisher ng pocketbook na bangketa lang ang target na market. ang dahilan, 40 porsyento ang cut ng national bookstore, sa dealer sa bangketa 15-20% lang. ako said is accurate sa kanyang market analysis, na-miss niya lang ang circulation ng bulgar kasi abante used to be the no.1 tabloid noong mayroon pang xerex

 
At Saturday, August 26, 2006 9:56:00 PM, Anonymous Anonymous said...

PAHABOL... not FHM but THE BUZZ MAGASIN ang pinakamalaking sirkulasyon ng magasin sa pilipinas ngayon. monthly circulation is 85,000 (not padded). yung sa iba kasing circulation ay padded ang figures para makaakit ng advertisers. ang THE BUZZ MAGASIN ay walang ads, circulation driven, TAGALOG ang lengguwahe. income-wise, malaki ang kita ng FHM dahil sa advertisement, and yes, malaki rin talaga ang sirkulasyon nito. summit insider says around 60,000 copies/month

 
At Sunday, August 27, 2006 12:04:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Artlink, artlink my kakomiks friend. Kaw naman! Wala naman akong sinabing paninira tungkol sa Komikon. Sinabi ko lang, kung ano iyong nakikita ko na tila yata mali sa kanilang malaking proyekto. Para din sa kanila iyon upang makagawa sila ng mas mahusay na konbensyon sa Pilipino komiks. Para mas maging KOMIKON sila. Gaya nga naman kasi ng nasabi ko na maraming pumupunta para mag-anime lang at hindi magkomiks dyan sa Komikon na iyan. Huwag ka ng magpapadala sa mga insulto ng mga walang magawa sa buhay dito. Babanatan lang kayo niyan katulad ng nangyari kay Gerry, Manilaboy at Bluepen. Kasi kayo totoo dito. Pati tuloy ako, nadadawit sa mga ungas na to. Paghusayin mo na lang ang iyong kaalaman sa Sining komiks imbes na sayangin mo ang iyong oras na makipag-away sa mga Badingger Z dito. Ok?

 
At Sunday, August 27, 2006 2:59:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Hooooray! Yan ang pinoy! mabuhay ka AL!!! Ganyan dapat! hindi yung mga pinag po-post ng mga IHO DEPUTANG mga walang magawa..

 
At Monday, August 28, 2006 2:06:00 PM, Blogger Reno said...

Mr. ako...

A... teka... sa huli kong tingin, Tagalog po ang ginawa kong komiks na Maskarado. Hindi English. Teka dobol check ko lang baka nagkamali ako...

Wait lang...........











Tagalog nga.

Puwede bang buklatin niyo muna ang komiks na pinupuna niyo bago niyo husgahan.

Salamat po.

 
At Monday, August 28, 2006 4:24:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Kelan ba yang KOMIPIKON na yan? OCTOBER ba? heheheh...JOKE LANG PO!

joke...joke joke!

...akala ko ba BANAT ang pinakamalakas na tabloid?



....HEHEHEHEHE....JOKE ULI PO!

 
At Tuesday, August 29, 2006 6:11:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Sir Reno, nabasa ko Maskarado ng libre sa Comicquest. Lagi lang pong binubuklat at fini-flip ng mabilis ng mga casual na customers. Hindi nabibili.

Siguro po kung magkaroon kayo ng marketing plan tulad ng ginagawa ni Sir Gerry sa blog niya na halos kinakaibigan niya ang mga visitors at pino-promote ang sarili niya, may maeenganyong bumili NG KOMIKS nyo. Direct selling tactic ho ito.
Kinakaibigan ang potential customers o binebentahan ang realtive para magkaroon ng sale.

Nagustuhan ko po ang concept ninyo ng Superhero sa Pilipinas. Tugmang-tugma sa tema ng Comicquest na bumebenta ng US Superhero comics.

Mabuhay po kayo. :)

 
At Tuesday, August 29, 2006 10:05:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Yup, agree ako dyan! I'm a no. 1 fan of Maskarado indeed.

 
At Wednesday, August 30, 2006 11:57:00 AM, Blogger Reno said...

Salamat, as, kidlat romantiko.

Maganda nga sanang mai-market nang maayos ang komiks ko, pero wala akong time and resources para gawin ito. Sa ngayon, ang tunay kong trabaho at pamilya ang kumakain sa oras ko.

Ngunit bakit ko ginagawa pang mag-komiks? Dahil iyan ay gusto kong gawin. Hindi ko siya pinagkakakitaan, pero masaya ako pag may bumili (kahit konti) at naaliw sa gawa ko. Sobrang mahal ko ang komiks. Hindi ito nakakabuhay sa akin, pero di ko siya maiwan ng tuluyan. Tulad din ni Randy.

Pero I'm hoping someday, mapagtuunan ko ng pansin ito.

 
At Wednesday, August 30, 2006 6:24:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Hindi ka nag-iisa, Reno. Me mga tulad mo na ganyan din ang pananaw, ang gumawa lang ng gumawa ng komiks kahit walang bumibili halos dahil sa taas ng presyo at estilo ng kwento.

 
At Wednesday, August 30, 2006 10:28:00 PM, Anonymous Anonymous said...

ang BANAT ay kasama sa mga pambalot ng tinapa kung sirkulasyon ang pag-uusapan, ask the editors na dating mga short story writers sa atlas

 
At Thursday, August 31, 2006 9:39:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Artlink. Maganda ang mga sinabi mo. Gusto ko talakayin pero antayin ko muna matulog ang mga magugulo dito. Di ko alam na me sinimulan pala akong malaking kaguluhan dahil lang sa mga ideyang ipinapamahagi ko. Paumanhin kung makakapag-antay ka sana. Salamat.

 
At Monday, September 04, 2006 9:41:00 PM, Blogger monsanto said...

Ako man ay nagtataka kung bakit nga ba malayo ang Komikon sa publiko? At tama din na malamang magkikita kita lang ang mga magkakakilala na naman na creators sa komiks :) Pero, siguro di pa panahon o kaya di pa kaya ng budget?

Sa akin lang, if this the best thing for now, siguro tumulong na lang tayo. Marami ngang marurunong dito at magaganda ang post kahit ng mga ayaw magpakilala, di ko man maintindihan kung bakit, sana maganda ang dahilan kung bakit ayaw nila magpakilala.

Mukhang alam din nila ang numbers ng nabebentang copies sa mga titles na binabanggit nila. Marami silang resources. Sana lang bigyan nyo kami ng tips at iwasan ang siraan.

Pakiusap lang, magtulungan tayo. makikinig ako sa mga payo ninyo dito kasi naniniwala ako na dapat nating marinig ang side ng bawat isa ng buo bago tayo makakilos ng tama.

-Gilbert

 

Post a Comment

<< Home