BUSINESS AND ARTISTIC SIDE
Kung ako ang tatanuning, magkahiwalay ang business side at ang artistic side ko bilang komiks creator. Gusto ko lang linawin ang mga nakaraang posts ko dito para mas maintindihan ng mga bumibisita sa blog na ito.
Tungkol sa Graphic Novel:
Kaya ko naisip ang project na ito para sa Amado Hernandez Resource Center ay dahil alam kong kaya nilang mag-publish ng isang ‘makabuluhang’ libro. Kaya nilang sagutin ang lahat ng gastos nito mula printing hanggang distribution.
Sa klase ng mga librong ipina-publish nila, nagkaroon ako ng idea na, ‘Bakit kaya hindi gawing graphic novel ang mga kuwento noon ni Hernandez?’ O kaya mga nobela ni Ave Perez Jacob o Jun Cruz Reyes? Ibig kong sabihin dito, ang gumana sa akin ay ang aking artistic side. Wala ditong kinalaman kung bebenta ito o hindi. O kung basahin man ito ng 80 million Filipinos. Ang habol ko dito ay makagawa ng isang trabaho na mabi-break ang pagtingin ng maraming tao tungkol sa komiks. Remember ‘Maus’ ni Art Speigelman? Nanalo ng Pulitzer Prize. Ang graphic novel na ito ang nagdala ng komiks sa mataas na level ng pagtingin ng lipunan. Sa atin kasi ay wala pang ganito. Dito sa Pilipinas, ang komiks at komiks pa rin gaya ng dati. Pambalot ng tinapa, at pampunas ng puwet.
Ang idea ng graphic novel na binanggit ko sa nakaraang post ay sisirain ang pagtingin na ito ng mga Pilipino. Even mga literary writers. Or, baka magkainteres pa ang Palanca na isali sa contest nila ang category ng ‘komiks writing’. Lahat kasi ng category sa Palanca ay meron na—children’s book, screenplay, novel, one-act play, future stories—komiks scriptwriting lang talaga ang wala.
I mean, ang nakaraang kong post na ito ay walang kinalaman sa business side ng komiks. O ‘yung itinatanong ng marami sa mga nag-comments na ‘bebenta ba ito?’ Sino naman ang magbabasa n’yan?
Ngayon, pumunta tayo sa business side (ulit!)..
Tungkol sa Tabloid Philosophy:
Pasensya na at hindi ko na-expand ang sinabi kong ito sa nakaraang post, ang dami tuloy nagtalu-talo at nag-away-away na nauwi sa personalan na tirahan.
Hindi natin maiintindihan ang philosophy ng tabloid…hangga’t hindi tayo nagtrabaho sa tabloid. O kaya ay hindi tayo palabasa ng tabloids. Yellow journalism, sa mas malalim na salita ng mga journalists.
Si E.R. Martin ang nakita kong isa sa pinakamagaling sumulat ng short stories sa komiks noong early 70s. Hindi ako nagbibiro. Nabasa ko ang mga short stories niya, bumilib ako. Na-master niya ang paggawa ng maikling kuwento sa komiks kesa sa paggawa ng nobela. Para sa akin, para siyang lalakeng Lualhati Bautista (although magkaiba sila ng topics sa kanilang mga stories) sa pag-deliver ng mga dialogues at flow ng kuwento, pati ang paneling ng bawat eksena. Kung si Mars Ravelo ay sa ‘characters’, at si Carlo Caparas ay sa ‘nobela’, ilalaban ko si Mang E.R. sa ‘short stories’.
Sa katunayan, isa si Mang E.R. sa kumukuwestyon noon sa librong ‘History of Komiks of the Philippines and other Countries’ na pinagtulungang buuin ng Atlas at Gasi Editors. Dahil sa totoo lang naman, karamihan ng laman ng librong ito ay ‘yung mga sikat na creators ng Atlas at Gasi. Paano silang mga taga-Rex? At ‘yung iba pang hindi kasama sa kumpanya ng mga Roces? Kaya nga kung pag-aaralan nating mabuti ang laman ng librong ito na lumabas noong early 80s, maraming komiks creators ang wala dito. Of course, dahil nga ang gumawa nito ay mga editors ng time na ‘yun, natural lang na ang isama nila ay ang mga hawak nilang artist noon sa Atlas at Gasi.
Maagang nag-retiro si Mang E.R. sa komiks. Lumipat siya sa tabloid (hindi ko alam kung na-predict na niya noon na hihina talaga ang komiks at ang tabloid ang mamamayagpag sa market). Sa katunayan, isa si Mang E.R. sa naka-impluwensya sa contents ng mga kilalang tabloids ngayon. Weird ang kanyang ideas, pero realistic. Wild, pero kayang mag-organize at makakuha ng maraming readers.
Isa ako sa hinugot noon ni Mang E.R. kaya bigla akong nag-resign sa Kislap Publication. Sa tinagal-tagal niyang naging writer ng Tiktik, Barako, Toro, etc., naisipan niyang gumawa na ng sarili.
Itinayo niya ang dyaryong Brusko, isa ako sa mga junior staffs. ‘Yun ‘yung time na sinusunog sa kalsada ang mga malalaswang tabloids at niri-raid ang mga publishers nito.
Sumugal si Mang E.R. ng time na ‘yun kahit ‘mainit’ ang sitwasyon. Ang resulta, hindi namin kinaya. Hindi nai-distribute ng maayos ang dyaryo naming (hindi nga talaga nai-distribute dahil nakatago lang sa bodega). Kinalaunan, nagpasya si Mang E.R. na itigil muna naming ang dyaryo. Kung hindi nga naman kami makulong ay baka bigla na lang kaming interviewhin sa tv at ipakita ang mga mukha naming doon na may nakasulat na ‘gumagawa ako ng bastos na dyaryo!’.
Anyways, si Mang E.R ang naging mentor ko kaya ko naintindihan ang philosophy ng tabloid. Kung ang binabasa ko noon ay stories ni Ernest Hemingway, si Mang E.R., ang binabasa ay libro ng Guiness Book of World Records. Kung ang nobelang inaabangan ko noon ay ang ‘Laro sa Baga’ ni Edgardo Reyes, si Mang E.R. ay ‘Sex Facts’. Ibig kong sabihin, magkaiba talaga kami.
Pero nu’ng ipinakilala niya sa akin ang sistema kung paano magsulat ng tabloid, ang laki ng natutunan ko. Sa katunayan, hanggang ngayon ay ina-apply ko sa kahit anong trabaho ang natutunan ko sa kanya, mapa-art man o writing.
Ano ba ang laman ng tabloid philosophy na natutunan ko kay Mang E.R.?
Una, exaggerate but don’t distort. Ipakita mo ang isang fact or information sa isang interesting na presentation. Pero huwag kang magsisinungaling kung ano ang laman nito. Outer appeal. Parang pambalot ng chocolate. Maaring may kumikintab, o kaya umiilaw ang mga letters. Pero chocolate pa rin ang nasa loob, hindi cocoa.
Ikalawa, capture the interest of your audience/reader. Ano ba ang hinahanap ng mamimili? Kung ang chocolate na nakita mo ay may free na malaking lunchbox, bibilhin mo? Of course, dahil sa totoo, mas mahal pa ang lunchbox kesa sa chocolate. Alam n’yo ba kung bakit may Kid’s Meals sa Jolibee at McDo? Dahil ang target market nito ay mga bata. Ang laruan ang naka’front; dito sa bata, hindi ‘yung hamburger at softdrinks.
Ikatlo, attack the emotion (or libido). Saan maaring maka-relate ang audience mo? Tuwing umaga, nagtatalo kami ng pamangkin ko kung ano ang panonoorin namin. Ang gusto niya ay Blue’s Clues, ako naman ay ‘Liwanagin Natin ni Ka Totoy Talastas’. Kaya nga kung sino ang unang magising, sa kanya ang tv. Nagkakasundo lang kami tuwing hapon. Naruto o kaya Full Metal Alchemist. Nagtagpo kami sa gitna.
Ito ang dahilan kung bakit nai-post ko ang idea ng cover ng komiks na plano ko. ‘Komiks ng Masang Pilipino’, ‘Pera Ngayon Na!’.
Unang-una, mahirap na bansa ang Pilipinas. Maraming palaboy sa kalye, maraming nagugutom, maraming walang trabao. Sinong ayaw magkapera? Tatanggi ka pa ba sa offer na ito e ituturo ko na nga sa murang halaga? Bumili ka lang ng komiks ko sa halagang sampung piso.
Nag-exaggerate ako dito, pero hindi ako nag-distort. Bakit? Dahil hindi ko naman ituturo dito kung paano mag-multi level marketing, o kaya ay pyramiding. O kaya kung ano ang suwerteng numero sa lotto, jueteng at sabong.
E ano ang laman nu’ng ‘Pera Ngayon Na!?’
Success stories ito ng mga kilalang tao sa mundo, nasa komiks form. Paano nagsimula si Bill Gates sa pagbubuo ng Microsoft? Paano nga ba nagsimula ang Jolibbe sa Pilipinas? Bakit yung isang dating nagtutulak lang kariton sa kanto, ngayon ay isa ng operator ng isa sa malaking taxi company dito?
Sa madaling salita, eye opener ito sa mga Pilipino. Kung kaya nila, kaya ko rin. Walang imposible. Ang kailangan lang ay tiyaga, at tamang desisyon sa buhay.
Sa mga kuwentong ito, tatalakayin ko rin ang dahilankung bakit hindi umuunlad ang mga Pilipino—katamaran, palaasa sa magulang/sa ibang tao, waldas, pintasero, hindi responsible, at higit sa lahat, hindi nakakakuha ng proper education.
Sounds radical. Pero hindi. Hahaluan ko ito ng mga patawa (style Bob Ong o kaya Pugad Baboy—mga best sellers ngayon sa bookstores). May medyo Manga ang drawing, merong medyo Pinoy, at merong medyo American, at merong medyo alternative at underground. Na ang presentation ay kasing gaan ng tabloid. Walang halong pangangaral, walang doktrina, walang injection ng philosophies. Just plain reading material na madaling basahin pero kapupulutan ng aral ng marami.
At hindi lang ito ang laman ng komiks na iniisip ko. Meron ditong topic tungkol sa sex. Meron nga kayang tao—lalake o babae—na hindi dumaan sa ‘masturbation stage? Ano ba ang pinagkaiba ng ‘malaking boobs’ sa mata ng lalake o sa babae? Magkapareho ba sila ng tingin?
At hindi lang ito, meron din ditong mga interesting articles. Sa paningin ni Mars Ravelo, sinong artista ang pinakamagandang Darna? Totoo ba na mahilig magbasa ng komiks ang ilang member ng SexBomb? Magdu-drawing ka lang ng cartoons sa internet, babayaran ka na ng dollars?
At meron ding interview. Andrew E., sino sa tingin mo ang pinakamasarap mong nahalikan sa mga leading ladies mo? Si Jenelyn Mercado, mahilig sa anime?
May audience participation din. Puwede kang mag-text para bumati sa mga crush mo, o mahal mo sa buhay. Puwede kang magpadala ng picture mo, tapos gagawing caricature ng isa sa mga artist. O kaya ay gagamitin bilang extra ang mukha mo sa mga stories na mababasa sa mga susunod na labas.
All in all, ang ganitong mga idea ay galing sa tabloid. Interesting, exaggerated, pero totoo. May basehan.
(O, ayan, ni-reveal ko na ang ilang laman ng komiks na balak ko…kopyahin n’yo na!)
Kaya ‘yung mga nagtatanong sa akin, dahil daw ba mabenta ang pocketbook, kung gagawin itong komiks, bebenta kaya. Tingin ko, oo at hindi. Ginawa na ito ng Atlas. Naglabas na sila ng graphic novels noon mula sa kuwento nina Alteha Areta, Glady Gimena—mga pocketbook writers. Pero hindi bumenta. Ano ang kulang? Presentation. It’s not the story, hindi rin ang art. ‘Yung ‘whole packaging’ ng mismong product. ‘Yun ang kulang kung bakit hindi nagtagumpay ang Atlas sa project na ito.
Meron pa ditong nag-suggest, gumawa daw ng graphic novel na Manga, maganda ang papel at maganda ang pagkaka-color sa computer, bebenta raw ito. Isa lang ang masasabi ko…goodluck!
Pero on the other side of the coin…bakit malakas ang Witch (yung girlie-girlie na komiks ngayon) kahit mahal ang presyo? Alam ko ang sekreto. Secret hehehehe. Ito ang assignment n’yo…para may debate ulit dito.
32 Comments:
di ko alam kung bakit mabenta ang WITCH ng Summit Media pero aminado akong malakas ang hatak nito sa kabataan, mapababae o mapa-lalaki man. Bata man o matanda...sa katunayan, nagko-collect ako nito. Maganda ang story and arts na nakapaloob sa comics na "WITCH." At nakaka-relate kasi ang mga kabataan sa characters ng WITCH. Lahat kasi puwede maging si Will at Cornelia. Haylin, Irma o Taranee. ^-*
Pero sana, i-reveal ninyo sa mga darating na araw kung bakit nasabi ninyong malakas ang WITCH ngayon.
Ginagaya pa nga sila ng iba dyan eh! Diba alam mo yun? Gaya-gaya! Mapagkakamalan mong Witch sa sobrang gaya-gaya at hamakin mong ang gaya-gayang komiks na ito'y nagmula pa sa isang malaking publishing company sa Pilipinas. Ayan tuloy, alam naman kasi ng lahat na gaya-gaya yan eh. Wala tuloy bumibili. Sila din kasi eh! Nakakahiya na lokal komiks ito! Di ba, alam mo yun?
Oo nga no, ang Witch ay napakamabenta. Bakit ang lokal hindi makagawa ng ganito? P85 pesos pa yun ah!
Siguro kasi, puro panggagaya sa gawa ng hapones ang ginagawa ng marami dyan. Ahihihi!
Totoo naman eh! Buti nga, hindi ko binabanggit iyong mga nakakabobong komiks na ito eh!!!
To Randy:
Maganda itong ideya mo. Oo nga, bat di natin isakomiks iyung mga gawa ng mga bigating manunulat. Ay mali! IsaGraphic-Novel pala natin! Ok yan? Sana maraming nagbabasa ng blog mo. Saludo ako dyan!
Ang WITCH ay mabenta sa maliit na porsiyentong westernized, urbanized, at financially well-to-do income class AB market. Period.
Sir Randy: comment lang sa post 'nyo tugnkol sa paghari ng "artistic" nyo na makagawa ng makahulugang graphic novel.
Sa ganang akin, napakaimportante para maging makahulugan ang isang bagay ay dapat mabili at mabasa ito ng marami. Kung hindi, para saan pa ang pinagpaguran nyo? Para lang ba sa ikasisiya ng nag-iisang artist at ng iilan lang tulad 'nya tulad ng ginagawa ngayon nina Gerry A at ng mga Komikero?
Sana po ay wag kayong mahawa sa "bird flu" ni Gerry. Kung gusto 'nyong ilago sa madla ang ganda at pagkakaiba ng komiks ay wag kayong matali ng husto sa pagka "art" nito. Ang komiks ay MASS MEDIUM. Dapat accessible at naiibigan ng nakararami at ng di nakaiilan.
Nakupo, ayan na naman tayo! tsk,tsk,tsk!
Pakiusap lang ,wag ng gatungan ang topic na ito...yun lang topic sa itaas.'yun lang po.
Shhh. Anonymous, baka marinig ka nina Bluepen, Reno, Bong, Anonymous, Manilaboy, atbp. maka japanese anime'at komikero ang mga 'yan at na-brainwash na ng "global" thinking ni Alanguilan.
Hehe. Ang di nila alam, 'yung tinatawag nilang "nanggugulo" dito e nasa ibang mga blog at doon "nagkakalat". Di lang si Gerry, ang Komikero, kundi pati sila nalilintikan.
Shhh.
Inuulit ulit mo kasi ang topic,humalo ka na lang sa usapan at wag yang kung sinu sinong tao ang binabangit mo na di naman angkop sa topic.Halata namang ikaw din yung tarantadong nagpopost dito,di ba?
Lol! Anonymous binangit mo pa ako hah... Wag kang mag alala, nde ko papatulan to, nagsawa na ako sa mga unang topic ni Randy na puros nag aaway ang mga bumibisita. Ang resulta nagkaroon pa tuloy ako ng kaaway sa pag sagot ko. Kaya ngayon!!! Bahala kayong mag away, wala naman akong mahihita kung makikipag sabatan pa ako sa makukulit na kababayan.
Makikibasa nalang ako enjoy pa, nakaka tawa kc ang mga nag aaway pati ako natatawa sa pinag sasabi ko, parang mga sirang plaka paulit ulit. Sige Away pa kayo! Para mas dumami pa ang hahagakpak ng tawa sa magbabasa sa pag aaway nyo.
Nga pala ni post ni Randy yung drawing ko. Panoorin nyo kung anong klasing mga pinoy tayo. May meaning lahat ng drawing dun. Kung smart ka makukuha mo ang message nito para sa mga nag aaway dito sa blogs ni Randy.
Enjoy!
ang sikreto ng witch ay pera.
pera para sa mahusay na creative team at development team. pera para sa malalim na market research. pera para sa marketing--ads, tie-ins, merchandising, etc. disney yan, eh.
pera, pera, pera.
Manilaboy: anong nangyari, ba't di mo naman tinutuloy hanggang ngayon kung succesful noong araw?
Watdap: Salamat sa iyong malalim at exhaustive analysis. Tiyak, makakatulong 'yan sa mga tulad ni Blupen atbp.
Bluepen: Galing ng cartoon mo! Natitiyak ko paglaki mo lalong magma-mature 'yan.
Wow, Manilaboy! Dats Ispiktakular!
Habang binabasa ko posts mo, you are contradicting yourself na di ka kaisa ng mga "global" komikero dito sa Pinas.
Sa previous post/s mo tindi ng promo mo diyan sa North American market for comics. Don't deny it, sister. Di ba sabi mo buksan natin ang isip natin at gumawa tayong mga Pilipino ng comics (na english)para kumita dyan? Again, don't deny it, sistah!
'Lam mo, kung iuugnay natin ito sa previous post ni Randy kung paano natin ibabangon ang local Pilipino comics industry, I don't think its a good idea. Hindi mababangon ang local comics industry kung gumagawa ka ng comics FOR A FOREIGN AUDIENCE lalong lalo na kung INI-EXPORT MO ANG COMICS PARA ANG MAKA-BASA E ANG MGA NASA ABROAD. Sino ang makikinabang? Siyempre ang audience abroad at ang local comics publisher at creator nito. Incentive ito PARA LALO SILANG GUMAWA NG KOMIKS NA PANG U.S. at di PANG-LOKAL. Sa ganyang sitwasyon, wari ko na WALANG BABANGON NA LOCAL FILIPINO KOMIKS INDUSTRY.
I mean, you yourself, IKAW, ang prime example. You do works for a foreign audience nowadays. Di ba si Gerry at karamihan sa mga Komikero at mga japanese ANIME' fans tulad nina Bluepen, Naruto, Artlink, at kung sino-sino pang "globalist" diyan e, YAN ANG GINAGAWA NGAYON? Most of them are western-centric in their thinking. Masyadong nasilaw sa creativity ng ibang bansa.
Laking frustration talaga. Heto, they call themselves comics CREATORS pero di sila makalikha ng orihinal, naiiba, kapaki-pakinabang at napapanahong local FILIPINO comics para sa nakararaming hirap sa pera ng local market. Kasama na rin diyan ang mga commercial comics PUBLISHERS ngayon na Western-centric din at "global" kuno ang pag-iisip.
Kaya wag na lang magtaka kung bakit hanggang ngayon walang local comics industry sa Pinas. Walang responsibility, imagination, at tapang ang karamihan sa mga prime creative engines nito na hawang-hawa na ng U.S. at Japanese media influences.
Eto nanaman umandar ang haka-haka sa ulo.
Ba't mo ibabaling sa aming mga reader-spectator ang trabaho ninyo bilang mga CREATOR?
Bilang mga COMICS CREATOR, its your job, hindi ng audience, to create something indigenous, original, timely at Pilipino.
Heto kaming mga part ng audience, nagsasabi na ang kasalukuyang "global" comics ninyo e tinatangkilik lang ng me kakayahang western-centric na audience. Hindi kagat ng karamihang hirap sa pera. Faced with that REALITY its your job as FILIPINO comics creators to do something about it. Kung di 'nyo kaya, e di wala nga kayong karapatang tumayo diyan sa entablado di ba? Mahirap bang intindihin 'yon?
Kung mahirap tanggapin, bakit kayo mamemersonal? Ba't nyo sasabihing hindi kapani-paniwala ang mga pinagsasasabi ng isang 'anonymous" kasi di siya nagpapakilala? E kung totoo naman ang sinasabi, ano pa ang silbi kung magpapakilala pa? Ba't di 'nyo diretsong timbagin ang mga sinasabi kesa sa tuunin 'nyo ang pansin sa tao? Anong "mantra" ang pinagsasasabi mo?
You mean to say, you're only convinced of what is being said kung me "authority" ang nagsasalita? Wow. No wonder gullibility abounds. Authority is not the only source of truth, my friend. REALITY is. If you can't take it, if you can't take an opinion/criticism that's sensible and reality-based, di pumunta na lang kayo sa blog ni Gerry. Doon malaganap ang gladhanding compliments na di totoo.
Think for yourself. Be honest with yourself and your mind. Don't depend too much on authority.
Nakakabuwang ka at ang mga katulad mong yakyak nang yakyak ng pagka-Pilipino, tapos ngayon audience ka lang pala. Tangna! Kung talagang gusto mong iangat ang komiks natin, KUMILOS kang iho de puta ka. Hindi iyang puro talak ka sa mga gumagawa ng komiks para sa English audience. Ako audience rin lang, at nagbabasa lang ng messages dito. Pero ngayon, napuno na ako sa kasasatsat mong el gran de puta ka. Bading ka bang leche ka? Yang mga salita mong pa-sister-sister ka pang chupadero ka. Kung audience ka rin lang pala ay magtigil ka na at wala kang silbi. Bumili ka lang ng mga komiks nina Gerry Alanguilan, Manilaboy, Reno, at kung sinu-sino pang mga colonial ang mentality. At least may ginagawa sila kahi't papano. Eh, ikaw?
Ngayon, si KC Cordero, ayon sa nabasa ko doon sa PKMB ay gumagawa ngayon ng FILIPINO KOMIKS. Bakit hindi ito ang i-discuss mo rito? At kung hindi ako nagkakamali, nabasa ko rin na sa komiks na ito ay may contribution si Manilaboy. Bakit hindi ito tutukan ninyong mga tunay na dugong Pilipino, at hindi iyang PASISTER-SISTER ka pa sa mga salita mo, NAKAKABADING! Tama si Manilaboy, dapat nga sigurong lumabas ka na sa cabinet at ihayag sa buong mundo ang kabaklaan mong nakakasukang iho del gran puta ka.
"Bilang mga COMICS CREATOR, its your job, hindi ng audience, to create something indigenous, original, timely at Pilipino."
no, anonymous, that's YOUR job. it's the job you've decided for yourself. meanwhile, everyone else is free to choose his or her own motivation for making comics. it's not for you or anyone else to choose for them. please stop acting like you get to dictate what other people should or should not be doing with their lives.
Ayun, lumabas din! Assuming comics creator o publisher din na katulad 'nyo ang nag-post, tingin 'nyo ba sasabihin 'nya sa inyo dito sa INTERNET 'yung pinagsisisigaw 'nyong solusyon? Nagtatanong lang.
Nga pala, saan bang post dito ang tinutukoy 'nyong "dinidiktahan" kayo? Ano ba in particular ang sinabi?
'Lam 'nyo, 'yang mga binabandera 'nyo 'yan din ang hype na nabasa ng ilan sa Pilipino Komiks Message Bored nG BOSS 'nyo tungkol sa Fantasya at Basted ng Psicom. Anong nangyari?
Di ba one-shot din 'yang "Filipino Komiks" na 'yan? Balita ko, experiment lang nanaman. "Lastik Man" din, one-shot di ba? Global pa ang dating. Anong nangyari? Ganoon din ang "Darna" di ba?
"Di ba one-shot din 'yang "Filipino Komiks" na 'yan? Balita ko, experiment lang nanaman."
Kita mo na yang kukote mo! Gusto mo may gumawa para local market. Ayan si KC Cordero, gumagawa ng para sa local market. Ano ang reaction mo? Ayan sa itaas. Inulit ko para makita mo ang KAHUNGHANGAN mo! Sala ka sa init, sala ka sa lamig.
Nagsasayang lang ako ng oras sa pakikipagtalo ko sa iyo. Inutil!
Sabi ni Boygeorge:
"Kaya wag na lang magtaka kung bakit hanggang ngayon walang local comics industry sa Pinas. Walang responsibility, imagination, at tapang ang karamihan sa mga prime creative engines nito na hawang-hawa na ng U.S. at Japanese media influences."
Kung Walang responsibility, imagination, at tapang ang karamihan sa mga prime creative engines, edi sana hindi mo nalaman or nabasa ang Filipino Komiks, Lastik Man at Darna.
Ang talagang problema ay ang karamihan sa audience/reader, walang gagaya sa Western or Japanese(Anime/Manga) kung tinatangkilik nila ang gawa ng isang pinoy artist. Kung talagang maka pinoy at mahal mo ang produkto ng kapwa mo pinoy full support dapat ang ibibigay mo, edi sana walang pinoy artist na nag tatatrabaho ngayon sa abroad or umalis sa bansa kung ganun nga ang nangyari. Bat nga naman sila aalis or mag trabaho sa labas kung dito ay cguradong mabili at tinatangkilik ang ginawa nyang komiks.
Kapag maraming bumibili at tumatangkilik, kikita ang publisher at mag po-produce pa sya ng mas maraming kopya. Di lang yun mas dadami ang trabaho ng mga artist para mag produce pa ng pinoy komiks.
kung full support ang mga audience/reader sa gawa ng pinoy, Wala sanang Western at Japanese style na lumabas na comics na gawa ng pinoy. Ang ginagawa ng artist ay kung ano ang nakakahiligan ng audience/reader at kung anong inn ngayon.
So kung sa pag angat ng pinoy komiks ang gusto natin, dapat hindi lang sa artist ang responsibility pati kayung mga audience/reader ay may responsibility para tangkilikin ang sariling atin.
Ikaw na bading na makabayan kuno ay na nonood at nagbabasa rin ng foreign product. Ang point ko is bago mo hanapan ng mali ang kapwa mo unahin mong sarili mo. Kung sa tingin mong pure pinoy ka nga este P I N O N A Y edi sasang ayon ako sa lahat ng sinabi mo't paratang sa mga pinoy artist.
Sa salita mo lang eh, sabit ka na, mapag pangap.
BLUEPEN: NAKAW, PINAGBINTNGAN MO PA ANG PINOY AUDIENCE SA KAPALPAKAN NG MGA TITULONG 'YAN. TSK TSK. ANG PAGHAHANAP NG SCAPEGOAT E MABABAW NA DAHILAN.
OBVIOUS NA ANG ME PROBLEMA AY ANG MGA KASALUKUYANG COMICS CREATIVES (AT WESTERN-CENTRIC PUBLISHERS) NA MEDIOCRE ANG ISIP AT KARAMIHAN E NASA PKMB.
KASI ANG PINAGTA-TARGET NG MGA "GLOBAL" CREATIVES NA 'YAN E ANG WESTERN-CENTRIC AUDIENCE NA ME KAKAYAHAN SA PERA. MAS TIPO NG AUDIENCE NA ITO ANG AKTWAL NA FOREIGN MATERIAL KESA SA LOCAL KAHIT NA MAHAL ANG FOREIGN. MALIIT PA ANG AUDIENCE NA 'YAN.
KUNG GINAGAMIT NYO ANG GALING NYO PARA TUUNAN ANG MAS MALAKING MARKET: ANG INCOME CLASS C D AT E, SIGURO ME ASENSO NA TYONG NAKIKITA NGAYON. MGA HUNGHANG.
TINGNAN MO ANG TAGALOG ROMANCE POCKET BOOKS. KARAMIHAN BA SA MGA ISOTRYA DITO E NAIMPLUWENSYAHAN BA NG U.S. O NG JAPAN? TARGET MARKET NILA YUNG LOWER INCOME CLASS NA MAS MARAMI SA PILIPINAS. HANGGANG NGAYON TIBA PA SILA. DATI, ANG PILIPINO KOMIKS GANOON. BA'T NGAYON, DI MAGAWA?
KASI, NAGHAHARI ANG "ARTIST" PREFERENCE AT EGO NA AKALA MO E NASA AMERIKA O JAPAN SILA. GUSTO NILA NSA MAMAHALING GLOSSY PAPER ANG GAWA NILA. GUSTO NILA MAHAL PRESYO PARA ME KAYA SILA AT ANG BUMILI E ANG MGA ELITISTA SA SOCIETY. SA SOBRANG INFERIORITY COMPLEX NILA, TRYING HARD SILANG NAGPAPA-ENGLISH ENGLISH LANGUAGE TULAD NI ELMER ALANGUILAN.
HAYAN, FOR SEVERAL YEARS MULA PA NANG LUMABAS ANG FLASHPOINT NG MGA RICH STUDENTS FROM XAVIER, HANGGANG DITO SA KFC COMICS, ANO ANG NA-ACCOMPLISH? MGA DUBIOUS "AWARDS' GALING SA BOOK CRITIC CIRCLE NA DI NAMAN PINAAALAM ANG KANILANG MGA RULES PARA MAGBIGAY NG GANYANG AWARD. SIGURO DAHIL LANG SA AWA, KONEKSYON, AT PA-P.R. OBVIOUS NAMAN E. ME INDUSTRY BANG LUMITAW SA MGA PINAG-GAGAGAWA NG MGA KOMIKERO? WALA.
FILIPINO KOMIKS? MORE POWER AND GOOD LUCK. SANA MAGTAGUMPAY ITO. SANA ITO NA ANG PINAKAHIHINTAY NATIN. ITO BA ANG SOLUSYON NG MGA KOMIKERO? OKEY, LET'S SEE.
PERO ITO LANG MASASABI KO: KUNG ANG MGA CEO (HINDI SIMPLENG EDITOR) NG PUBLISHING COMPANY AY MAY IBA PANG MGA ALLIED BUSINESSES O PUBLICATIONS AT PINAGE-EXPERIMENT LANG NITO ANG KOMIKS, WAG KA NANG UMASA NG MATAAS AT BAKA KUNG ANO PA ANG MANGYARI.
Oy bluepen, kaya di marami ang tumatangilik sa mga global comics nyo nina Gerry, gaya-gaya mga concepts nyo sa foreign. Wala kayong originality. Anime freak ka di ba? Isip bata din rayt? Yun.
Kung gumawa ka ng comics ngayon at ganyan ang naghaharing pananaw sa isip mo, tiyak semplang uli ang comics mo gaya ng nangyayari sa iba diyan. Wag yung audience ang pagbintangan mo. Tingnan nyo mga sarili nyo bilang mga comics creator.
Ayon sa sinabi ni Bluepen, sinusunod lang daw ng comics artist ang inahihiligan ngayon, ung ano ang in. E di inamin mo na ngang wala ka talagang originality tapos sisisihin mo ang readers? Sasayangin nila pera nila sa gawang gaya-gaya na mababaw ang kalidad? Yung Darna at Lastikman nagpupumilit na maging marvel at DC comics, ano nangyari? WAPAK! Semplang. Questor Extreme? WAPAK din. Ano yan, panay na lang ba gaya-gaya? Mga creator nga ba kayo? Kawawa naman yung publisher 'nyo. Di na kayo naawa sa mga puno.
Ay! Nako, talagang hindi kayo maka intindi ng pinag uusapan, ang pinakikita nyong tatlong or baka iisa lang din kayo Gilberto Moncupal, MR. Bulate at Mr. Tulo. Itong tungkol sa pag angat ng pinoy komiks eh nangaling pa dun sa kabilang topic, na may pinag uuspaan sa responsibility ng bawat isa.
Hindi ko sinisisi ang audiences/readers ang sinasabi ko ay ang participation ng bawat isa. Eto ang sinabi ko ulit:
Ang talagang problema ay ang karamihan sa audience/reader, walang gagaya sa Western or Japanese(Anime/Manga) kung tinatangkilik nila ang gawa ng isang pinoy artist. Kung talagang maka pinoy at mahal mo ang produkto ng kapwa mo pinoy full support dapat ang ibibigay mo, edi sana walang pinoy artist na nag tatatrabaho ngayon sa abroad or umalis sa bansa kung ganun nga ang nangyari. Bat nga naman sila aalis or mag trabaho sa labas kung dito ay cguradong mabili at tinatangkilik ang ginawa nyang komiks.
Bakit sinabi kong problema to, naghahanap kayo ng gawa namin ng makapilipinong tagalog komiks kung ang reader mismo ay ayaw nito at ang gusto eh foreign product.
Hindi ba kayo nagtataka or iisip kung bakit nag ta trabaho ang karamihan ng pinoy artist sa ibang bansa? Ang isang dahilan ay ang hindi pagtangkilik ng iba nating kababayan ang gawa ng pinoy artist.
Sinasabi ko kung ano ang isa sa problema kung bakit nde na angat ang pinoy komiks, hindi dahil sa sinisisi ko ang readers, ito ang fact kung bakit naglaho ang ibang publisher dito sa atin. ILan ilan na lang kasi ang nagbabasa at bumibili ng pinoy komiks. Kaya sinubukan ng ibang publisher na ipasok ang foreign titles, yun nga lang maganda nga sobrang mahal.
Ang tanong nyo naman bakit ang mahal? Eh sino naman kayang tangang publisher ang mag bebenta ng mura sa ganung quality. Sa printing cost at mga materials palang kulang ang P10 sa 20 pages na imprenta nun. Tapos kapag naman gumawa ng komiks sa low quality na materials, ayaw nyo namang bilhin kasi lokal na lokal ang pagkakagawa. Oh! ngayon anong gagawin ng mga publisher at mga Artist?
Eto pa ang isang sinabi ni MR. Bulate na hindi maka intindi, hihimayin ko sinabi nito:
Oy bluepen, kaya di marami ang tumatangilik sa mga global comics nyo nina Gerry, gaya-gaya mga concepts nyo sa foreign.
-Hehehe talagang hindi maka intindi kung ano ang binabasa nya, ang sinasabi ko sa paliwanag ko eh ang pinoy komiks noon na ang kailangan ay ang pagtankilik ng mga readers sa pinoy komiks, dahil sa konti nalang ang nagbabasa at tumatangkilik nito, hindi na nag produce ng pinoy komiks ang mga publisher. At saka Tulad ngayon, meron pang nag exist na pinoy komiks pero bakit hindi click bakit hindi marinig ang ingay na ginagawa nila, kasi hindi na tinatangkilik ng mga readers ang tagalog komiks ngayon mas gusto nilang manood at mag basa ng foreign product. Tapos nag aalburoto kayo dyan at galit na galit kung bakit foreign concept at global ang ginagawa ng mga pinoy artist ngayon.
At anong pakialam mo sa Komiks na ginagawa ni Gerry eh hindi mo naman binili komiks nya dahil ayaw mo nito at saka isa yun sa paraan ni Gerry hindi lang sa pinakikilala nya sa global ang gawa ng isang pinoy artist kundi isa rin ito sa way ni Gerry para sa pamilya nya. Sa hirap ng buhay ngayon, hindi pwede ang prinsipyo nyo ang masusunod may pamilya kaming dapat buhayin. Kaya wala kayong pakialam kung anong gawin namin. Ang tungkol sa pinoy komiks, ay napaguusapan lang kung anong dapat at paano ito maiiangat. Kung makabuo ng magandang idea at may participation hindi lang ang artist kundi pati ang readers, edi mas maganda na ituloy ang pinoy komiks!
Wala kayong originality.
-Ahehehe... Wala kang magagawa, hindi na nag stick sa isang style ang mga pinoy artist.
Anime freak ka di ba? Isip bata din rayt? Yun.
-ahehehe ulit! Hindi mo ba alam, na dahil sa pagiging anime freak ko. nagagamit ko ito sa trabaho ko, nababayaran ko ang electric bill, water bill, house rent, nakakabili ng damit at hindi sumasala sa pagkain tatlong beses isang araw para sa pamilya ko. Tingin mo nagagawa ng isip bata yan?
Kung gumawa ka ng comics ngayon at ganyan ang naghaharing pananaw sa isip mo, tiyak semplang uli ang comics mo gaya ng nangyayari sa iba diyan.
-Wag mong husgahan ang hindi mo pa nakikita, maghintay kalang...
Wag yung audience ang pagbintangan mo.
-Hindi pagbibintang ang ginagawa ko sinasabi ko ang problema, kung gagamit ka ng salita na pagbibintang magbasa basa ka ulit dahil mali ang pagkaka intindi mo.
Tingnan nyo mga sarili nyo bilang mga comics creator.
-Ikaw ang tumingin sa amin at tangapin na kami ang comics creator. Hindi mo kasi mantangap kaya galit na galit ka.
Nagtakip butas pa ang Anime' boy. Hoooo! Bistado ka na!
Sige, magbigay ka nga ng tunay na Pilipino komiks ngayon na original na gawa nyong mga global comics creators.
WALA NO? Panay U.S. at Japan "inspired" di ba? Kahit na nakabalatkayo pa 'yang "Pilipino" o "Tagalog" komiks (kuno) obvious naman na hindi e. Example: "Elmer".
O, since wala, kasi wala kayong mga kakayahan, tapang o talino, talagang tatangkilikin ang gawang banyaga. Hindi dahil sa gawa ito abroad kundi dahil sa ang foreigner ay gumagamit ng originality, creative courage, at integrity sa mga gawa nila. Iyon ang hanap naming mga reader. Kayong mga mahinang gaya-gaya sa foreign naman, di 'nyo matarok ang katotohanang 'yon. Palpak na, me communication problem pa sa PILIPINO readers nila.
Target market nyo pa yung mga westernized audience sa urban areas ng Pilipinas e di naman sila ganun karami. Panoorin mo ang video ni Randy sa tagalog romance pocketbooks nang matauhan ka. Mga "tanga" ang mga publisher nito kasi binibenta nila ng mura ang gawa nila, mababang kalidad ang papel, me magagandang istorya naman na hanggang ngayon tinatangkilik ng nakararaming Pilipino. Tanga no? Kung ikaw at ang mga katulad mo e MATALINO dahil dyan sa sinabi mo, mas gugustuhin ko na lang maging TANGA.
Sa mahal ng presyo ng komiks nyong bulok: Me bumibili ba naman ng marami dyan sa mga gawa nyo? Hindi, di ba? O!
Kay Gerry: Ang ELMER ay paraan para ibandera ni Alanguilan sa mundo na kaya ng mahinang creative talent tulad nya ang gumaya at pumantay sa FOREIGN standards. Kaya nga di ito di pang-lokal e. Ganyan din ang DARNA, LASTIKMAN ng Mango COMICS, QUESTOR EXTREME, ATBP.
Hmph. Di na ko magpapagod mag-comment sa iba pang sinabi mo, e obvious naman na BALUKTOT at LAME ang reasoning.
More power. Sana manalo ka sa contest ni Randy. YOU NEED IT.
Pwedeng magdagdag? Tama si Deviant artist kuno. Pero dapat modify mo kay Gerry.
Ang mga global comics ni Gerry, pinapakita sa mundo na FIRST CLASS ang PINOY manggaya sa mga concepts ng U.S., Japan at iba pagn bansa.
Bakit?
Kasi bilang mga Pinoy comcis creators (daw) di nila kayang gumawa ng kakaiba, original, at magandang mga comics techniques at estilo na masasabi mong tunay na kakaiba sa ibang mundo na me individuality at distinctiveness.
Magaling lang mangaya.
Tanga ka pala Roderick Paulate...
Sa panahon ngayon iintindihin mo pa ba yang sinasabi mo sa kumakalam na sikmura mo?
Trabaho ang kailangan para kumita at wag sumala sa pagkain.
Kung ipagpipilitan mo ang bulok na style mo sa pag drawing, walang kukuha sa'yo. Iba na ngayon, kailangan maramin kang alam, at para magawa mo ang ibat ibang style kailangan mo talagang ma kopya ang style ng ibang artist.
Masmaraming style na alam mas malaki ang potential na maraming kumuha sayo.
Tandaan mo yan TANGA at ULAGA ka! wala kang alam sa komiks kundi ang style mong bulok!
Mas marami ka palang pinagkokopyahan e hanggang ngayon wala pa ring ORIGINALITY ang nagreresulta sa pangongopya mo. Naging comfort zone mo na ang pangongopya kina Travis Charest, anime' etc. Dahil sa panggagaya mo, lalong tinatangkilik ng audience ang gawa ng original na pinagkokopyahan mo at di ikaw. Wala pang industriya ng orihinal at napapanahong komiks ang lumilitaw dahil sa pangongopya mo. Dahil sa galing mong mangopya, malaking asset ka para sa ibang comics, online gaming etc. industry ng ibang bansa at di ng bansa mo. Wala kang vision dahil nangongopya ka. Oo nga't kumikita ka sa pangongopya mo, pero ang di mo alam, ginagamit at ini-exploit ka ng foreign employer mo na mas malaki ang kinikita kesa sa 'yo.
Sa tingin ko anonymous, ikaw din si Roderick Paulate. May punto si Joklay na yan at may punto karin.
Pero kung sa pratikalidad hindi papasa ang sinasabi mo, mas uunahin ng mga artist na kumita kaysa gawin ang sinsasabi mo na originality kuno na mismo ikaw ay wala ring originality right?
Talagang mahirap ang buhay ngayon, maraming tapos sa pag aaral na hangang ngayon ay walang trabaho. Ilang milyong mga studyante ang nag tapos na walang trabaho na ang ibay nagpapakababa at pinag papalit ang profesyon sa mababang kinikita sa pabrika at etc.
Ang isang artist, karamihan hindi sila tapos sa pag aaral tanging talento ang kanilang nagagamit para kumita. Saan ka makakatisod ng dolyar sa kalye at sa isang buwan daig mo pa ang sweldo ng isang Senador. Oo nangongopya sila subalit may dahilan dahil ito ang kailangan ng ibang nag hire sa kanila.
Ngayon, nasaan ang mga pinoy na may originality ang gawa? Nasaan sila at nag exist pa ba sila? Mangilanngilan nalang ang makikita mo kung meron man.
Wag mong pagpilitan or hanapin ang naglaho na sa pinoy komiks! Praktikal na buhay ngayon.
Kaya ito'y manahimik ka nalang at ilagay mo sa baul ang prinsipyo mong originality at gumawa ng bago para may pagka kitaan ka naman... Isa kang HUNGHANG kapag nagpatuloy ka sa prinsipyo mong walang kalatuy-latuy. Magugutom ka nyan...
hehe
PWede makihalo? Suggestion lang po ito kay Anonymous... Isaksak mo sa baga mo yang originality mo, pabigat kalang sa amin at masakit sa mata pinag sasabi mo, isa kang makalumang tao sa mundo.
E saan naman napunta yang mga pagka-praktikal nyo aber? Ano ang maipagmamalaki nyo?
Na ang indibidwal na Pinoy graphic artist na magaling kumopya e world class na pwedeng gamitin ng ibang kompanya abroad? Oo nga kumita ka, pero sino ang mas nag-benefit? Sino ang mas lalong kumita sa gawa mo? Nagpapa-exploit kayo, mga pare, sad to say.
Kung me komiks project dito, ke tataas nyong sumingil, kala nyo nasa amerika kayo. Tapos ang nakasanayan 'nyong estilo abroad, dinadala nyo dito pero palpak naman karamihan. Walang nag-click. Asan na ang Lastikman? Darna? Culture Crash? Questor Extreme? Praktikal estilo nyo dito di ba? Kumita kayo di ba? Pero di naman nagtagal.
Honga. Dapat mag-lipovitan ang mga yan para tumagal. He he. Hoy, Hunghang! Magpakilala ka! Tanga lang ang nagtatago!
Ayos ba, Artlink? He he.
Hunghang at Anonymous! Saksakan kayo tanga! Pratikalidad sa buhay ng artist ang pinag sasabi ni observer dati.
Makitid talaga utak nyong umintindi ng sinasabi ng tao.
sinabi mo pang "Asan na ang Lastikman? Darna? Culture Crash? Questor Extreme? Praktikal estilo nyo dito di ba? Kumita kayo di ba? Pero di naman nagtagal." Pratikal ang ginawa nila kaya hindi tumagal. Kug magpapatuloy sila at ang katulad mo ang tao sa mundo maski ako hindi narin ako mag tutuloy mag publish pa ng komiks ko.
Ehem. Gusto kong mag-tanong sa sinabi ni "mr. observer dati" na wag na daw ipagpilit ang naglaho na sa Pinoy komiks at praktikal na ngayon. Maari po bang magaing definite kayo sa inyong sinasabi?
a) Ano ano po ba ang mga bagay na naglaho sa Pilipino Komiks?
b) Bakit naglaho na ang mga ito?
c) Ano ang ibig ninyong sabihin na dapat praktikal na ngayong isantabi na ang mga di maiturong "naglaho" na sa Pilipino Komiks?
d) Ang wikang Tagalog ba ay isa ba sa mga naglaho na sa Pilipino Komiks noon at di na praktikal gamitin ngayon?
d.a) Kung Oo ang sagot nyo, ano naman ang base nyo para sabihing naglaho na ang pagunawa ngayon ng nakararaming Pilipino sa Tagalog?
Para sa mga taong "ULAGA" (hiniram ko word na ito, maganda sa tenga hehe) Ewan ko ba kung bakit nag tatanga tangahan kayo o talagang tanga kayo.
Alam nyo ang sagot sa tanong nyo!
PWes, gusto nyong malaman ang sa akin cge eto.
sagot:
a. Katanga nitong taong ito, taga bundok cguro itong nagtatanong na ito at hindi alam ang mga nangyayari sa komiks at hindi marunong magbasa at umintindi sa mga pinag uusapan dito sa blogs ang daming nag kwento kung anong nangyari sa pinoy komiks tapos magtatanong pa. kung hindi ba naman saksakan ng pag ka ULAGA nito. Ang ilan sa mga nag laho sa komiks ay ang mga batikang artist na karamihan ay patay na, at yun ang hinahanap nyo ngayon. isa pa, wala nang publisher para makapag produce ng pinoy komiks.
b) SAksakan talaga ng tanga at ka tanga talagang tanong ito. Kaya mo bang pigilan ang pagkamatay ng pinoy artist? Kaya nag laho ang publisher dahil hindi na mabenta ang produkto nila. nalugi na...
c)Eto cguro milyonaryo or mapera ang taong ito kaya hindi alam ang ibig sabihin ng praktikal na buhay.
Sa hirap ng buhay ngayon, mas inu una ang pagkaka kitaan kaysa prinsipyo bilang makamasang pinoy artist. Mas gugustuhin nilang maka tisod ng dolyar kaysa magutom na gamit ang prinsipyo na gustong ipamukha ng mga taong makitid ang utak na maka pinoy kuno. Ang pwedeng itawag sa mga taong tulad nila na ayaw makitang umaangat ang kapwa nila ay DIKTADOR at monopoly... hehe
d)Ang tanong na ito eh hindi para sa akin, dahil ako kahit anong lingwahe eh okay lang sa akin, kahit tagalog, taglish, inglish or etc. okay lang. Hindi naglalaho ang wikang tagalog, tanga mo! kita mo tagalog ang sagot ko sayo!
Ayan ang sagot ko sa taong ULAGA
hehe
b.
Post a Comment
<< Home