MAKASINGIT NA ULIT SA INYONG LAHAT!!!
Wowoo...anong nangyayari dito? Sa mga nabasa ko, hindi ko maiwasang mapakamot sa ulo. Alam niyo mga kapatid, lahat tayo ay gusto na ibangon ulit ang industriya ng komiks. May kani-kaniya tayong paraan para sa atin. Walang makakapaghusga nito kundi ang market mismo. Kung meron tayong magandang paraan, sabihin natin ng maayos, ilatag natin ang lahat ng facts, at kung applicable ba ito sa panahon natin ngayon. Malaki ang respeto ko kay Gerry bilang isa ring creator ng komiks, ang paglalagay ng Komikero site sa internet ay isang malaking bagay na ni isa man sa atin ay hindi naisip noon. Aaminin ko, kung hindi ko nakita ang Komikero site, malamang wala rin ang blog na ito para mag-share ng experiences ko sa komiks. ang pagpapaangat ng komiks ay hindi nagagawa ng isang gabi, o ng isang tao. Dapat dito ay iba-ibang tao. wala akong tinitira na publication or indie publisher sa post kong ito, gusto kong lang makita ng lahat ng totoo na ganito ang kasalukuyang nangyayari sa industry. kailangan natin ng marami at malalim na studies kung paano ulit ito paaangatin.
Hindi Precious Hearts ang nagsimula ng pocketbook. May pinagmulan ito, at ‘yung pinagmulan na ‘yun, ‘yun ang nag-trigger para magsimula ang malaking industry ng pocketbook sa Pinas. Para sa akin, dapat ay mayroon ding komiks na mag-trigger para magsulputan pa ang ibang publishers nito. Dahil ang mga publisher, susulpot lang naman ‘yan kapag nalaman nilang bumebenta ang ganitong produkto. Isang example ang horror stories na ginagawa ng Psicom, ngayon ang dami nang nanggagaya sa kanila. Ibig sabihin, naka-create sila ng maraming market. at naka-create sila ng maraming publishers dito.
Ang sinabi kong komiks na may tabloid philosophy ay isang option. at tingin ko ay iba ang tinutumbok nitong 'way' kesa sa ginagawa ng mga komiks publishers ngayon. Naiiba ang laman, at mura ang presyo. Kapag itinabi mo ito sa mga komiks ng Psicom, o Neocomics, o Chocolate Chips, o kung anu-ano pang naglalabasan ngayon, ito lang ang naiiba. Habang ‘yang mga komiks na binanggit ko ay nag-aaway sa iisang market, ang komiks na parang tabloid ay gagawa naman ng sarili niya. Kukunin nito ang interes ng pangkaraniwang masa.
Okay, gusto kong subukan ang concept na ito sa komiks. Pero ang problema ko ay publisher, kung meron sa inyong willing mag-finance nito, handa kong isakripisyo ang oras ko para maging editor nito. Buo na ang konsepto ko kung ano ang ilalaman nito. At alam ko na rin kung sinong mga writers at artists ang kokontakin ko.
Wala tayong mararating kung personal na atake lang ang gagawin natin dito. At wala ring mangyayari kung puro tayo ‘intellectual masturbators’ dito.
15 Comments:
Ako nga pala iyong anonymous na nagsabi nung tungkol sa dalawang salawikain. Grabe! Hindi ako makapaniwala na si Gerry pala ang pinapatamaan dito. Dapat binasa ko ang kabuuan.
Ngayon, gusto kong linawagin iyong mga ang mga pinagsasabi nyo. Hindi naman porke't english ang isinusulat ni Gerry eh hindi na n'ya mahal ang sarili n'yang wika. Siyempre, gusto naman itong itagalog ni Gerry. Pero iyon nga, hindi naman lahat ng Pilipino eh tagalog ang winiwika, diba?
Kung tagalog lang kasi ang gawa ni Gerry eh hindi naman lahat ng tao eh makakaintindi. Isa pa, indie lang si Gerry at wala namang d'yang responsableng publisher para idubb sa iba't-ibang dialect ang gawa ni Gerry tulad ng Ace noon, diba?
Ginawa iyon ni Gerry para maipakita din n'ya na kaya pa rin ngayon ng Pinoy gumawa ng Komiks. Kaya nga ito at dinidistribute nya sa ibang bansa para maipatikim nya sa banyaga ang kanyang manok. At kahit sabihin n'yo pang pangit ang gawa n'ya, itinutuloy pa rin ni Gerry ang laban at ang paninindigan para bumangong muli ang natutulog na industriya. Mabuti nga si Gerry bukas ang isip sa lahat at hindi katulad nung mga binabanggit kong Makapili, yun lang kasi kaya nilang gawin at nagbingi-bingihan.
Isa pa, part na ang English ng Pilipino Language. Hindi n'yo na maiaalis iyon sa Pilipino kung may Pilipinong dalubhasa magsalita ng Inggles o Pilipinong mas dalubhasa naman magsulat at magwika ng tagalog na Pilipino. Sinakop tayo ng kano eh, at natuto ng Inggles sa mga unang henerasyon na iginamit ito bilang pagtangaw ng utang na loob sa pagtulong nila sa atin.
Magalit kayo at magtaka kung hirap na hirap sumulat ng tagalog si Gerry (na hindi naman), pero huwag kayong magagalit kung English ang isinusulat ni Gerry no. Mabuti nga si Gerry may pagkapilipino pa ang mga istorya n'ya at pag english naman ang isinusulat n'ya eh wastong english naman ang naisusulat n'ya na pang-pilipino at hindi tulad nung mga taglisherong mga writer sa komiks.
Kung susulat si Gerry ng tagalog, siyempre iyong tagalog na naaangkop sa pananalita natin at ng buong masa ngayon para mas maging kanais-nais ang istorya. Gaya ng sabi ni Randy, iyong nakikita ng mambabasa ang sarili nya sa bawat pahina na ang ibig kong sabihin nakakarelate ito sa istorya.
Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika'y higit pa sa malansang isda. Sinu-sino iyong mga Pilipinong iyon? Iyon iyong mga taong binabanyaga ang mga sarili sa inggles o sa kung anong wika tulad ng hapon at insik o sabihin nating kinakalimutan ang pagkaPilipino (karamihan sa mga ganitong tao iyong mga anak mayaman). Si Gerry ba ganun dahil lang inggles ang isinusulat n'yang istorya?
Nakikita nyo naman at nababasa sa blog nya ang kanyang pagsuporta't dedikasyon sa mga bagong tagalokalkomiks. Nakikita nyo rin naman ang pagmamahal nya sa Pilipinas. Ang dami-dami nga nyang naipapayo sa blog nya tapos ganyan pa iyong iba diyan.
Napakainformative nga ng mga sinusulat nyang history at mga artist na kasalukuyang kinalimutan na ng mga bagong henerasyon ngayon. Hindi ko akalain na maraming ganito kalabis ang galit kay Gerry dahil isa si Gerry sa mga hinahangaan kong manunulat at artist ngayon sa Komiks. Iyong iba naman dito nagpopost lang para manirang-puri imbes na bigyan ng ideya si Gerry upang makagawa ng maayos na Komiks na gusto nyo.
Kahit sinabi ko pa iyong mga kasabihan na iyan hindi nangangahulugan na kailan tagalog na agad ang gawa ni Gerry ang mahalaga may utak Pinoy pa si Gerry sa gawa nya at handa niyang harapin ang anumang suliranin tulad ng pan-lalait nyo. Nakikita ang pagiging tunay na Pilipino sa pag-uugali ng isang tao.
Bigyan nyo na lang ng ideya si Gerry kung papaano makakapaglikha ng komiks na gusto nyo at hindi siraan o lait-laitin. Sinasamantala nyo ang blog ni Randy para manira ng kung sino eh.
-PEACE-
Kahit ano pang depensa ang gawin ni Gerry at ng ibang tao dito, mukhang di na mababago ang pananaw ng mga nagagalit sa kanya dito (alam niyo kung sino kayo).
Sapat nang naipaliwanag ni Gerry ang sarili niya. Bayaan na lang ang ibang mag-alburuto diyan.
Balik ako sa topic...
Randy, naalala ko noon may naglabas ng tabloid format na comics dito, full-color, pero reprint ng mga american newspaper strips. Weekly ang labas, at pagkakaalala ko less than 5pesos bawat kopya. Pero di naglaon, nawala din.
Sa iyong opinyon, kung Pinoy strips ang nilalaman (not necessarily in tagalog), papatok kaya ang ganitong format? At kaya kayang ibagsak ang presyo na sing-halaga lang ng isang tabloid na peryodiko? Kung ilapit ang ideya na ito sa Manila Bulletin (tagapaglathala ng Liwayway), Philippine Star (may Sunday Comic Strip section ang peryodiko nila) o Inquirer (naglalabas ng Libre), bukas kaya sila sa ganitong tipo ng babasahin?
Puwede kaya?
Bakit hindi magkaroon ng symposia (live) na kung saan e, imbitahin ang mga dating nagpapatakbo sa negosyo ng Pilipino komiks? Sila, sa tingin ko, ang tamang resource persons na makakasagot sa mga tanong na pang-komersyo.
Buhay pa naman si Ramon Marcelino, ang mga pamilya Guerrero at ibang Roces diyan. Si Willie Fatal, pwedeng matanong kung bakit di nag-click ang ABANTE Komiks, lalong-lalo na ang publisher nito, ang ABANTE TONITE tabloid. Mga circulation managers ng tabloid at iba pang mass-based publications pwede ring maimbita. Ganoon din ang sina Jun Matias ng Precious Hearts. Yung mga manunulat ng Tagalog Romance Pocketbooks at lalong lalo na ang mga distributors at agents ng mga tabloid sa bansa.
Kung nationwide distribution ng komiks ang pag-uusapan, ang mga distributors ng Tabloid, dyaryo, bibliya at tagalog romance pocketbook ang tamang pagtanungan. Mga circulation managers nila, specifically.
Ang lahat ay nagsisimula sa TAMANG KAALAMAN at hindi sa dagliang pagkilos at pagsabak.
Madaling sabihin, pero ganyan ang buhay negosyo. Ang unang objective: GET THE FACTS. INFO. COMPARE. ANALYZE. CRITICIZE. REFINE. TAPOS, EXECUTION. Gawa ng BUSINESS PLAN. IPA-REVIEW ITO SA MGA NEGOSYANTE. I-REFINE ULI. I-FINE TUNE.
Pagkatapos, ipakita ang business plan sa prospective na financier. Nasisiguro ko na sa processong ito, ang LAGING GINAGAWA NG MGA NEGOSYANTE, ay mas malaki ang tsansa na me maglalabas ng pera.
(Pagod na akong isipin ang Gerry na 'yan!)
Hi Joem,
Binura ko na ang posts ni 'youngstudd' dito. Ang tingin ko kasi, isa yan sa naninira sa yo gaya ng nabasa ko sa PKMB. Sinasamantala niya ang mga debate dito, then nagpo-post siya ng kung anu-ano.
Tungkol dun sa nagpopost na kontra sa mala banyagang komiks daw ni Gerry,ito baka makatulong ...
Hayaan mo at kapag MALAKI na ang kapital ni Gerry A, I suggest natin na mag salin din ng ELMER sa wikang Tagalog.
..para dalawang lengguwahe na ang lalabas. TITINGNAN NATIN KUNG ALIN ANG MAS PAPATOK...
KUNG ITO BA ANG KAGUSTUHAN NG NAKARARAMI, SUNDIN NATIN!
At kung mas bebenta nga, aba...yan ang magandang balita!
...gaya ng mga inilalabas ng ADARNA BOOKS, dalawang wika ang ginagamit dun ng author 'dun.
...at kapag mabentang mabenta na...isalin naman sa wikang BISAYA at ILOKANO naman...gaya ng ginagawa LIWAYWAY.
...at para na rin WALA NG MAGALIT kay Gerry A. Tapos!
Mario: Please, 'wag ka nang magbigay ng ganyang mga rason na SPECULATIVE at CONJECTURAL. Hindi bagay sa 'yo. Mga Komikero lang tulad nina Reno at Gerry ang ganun kung mag-rason.
Secondly, baka lang nakalimot kang basahin uli ang mga post ni Elmer Fudd--este, Gerry Alanguilan pala. Read it again. Malinaw na he was not promoting bilingualism in his comics work. Rather, it was based daw on his "personal experience" in Cebu na di daw lahat ng mga Pilipino nakakaunawa ng TAGALOG. Isa pa, sabi ni Lord Gerry na huwag daw dapat nakatali sa patriotism at nationalism ang pag-communicate. Transalation: Walang kinalaman daw ang pagmamahal mo sa kapwa pilipino at bansa mo kung magsasalita ka ng tagalog (O ng kung anumang klaseng lengwahe, for that matter). Bakit? Kasi daw, GLOBAL na tayo. Transalation: sinakop na ang mga isip natin ng mga banyaga.
Malabo ba 'yon? Ang linaw naman e.
"Wala tayong mararating kung personal na atake lang ang gagawin natin dito. At wala ring mangyayari kung puro tayo ‘intellectual masturbators’ dito."
Tama ka Randy, wala talagang mangyayari kung puros personal na atake ang gagawin. Nde naman pagkaka kitaan yan or maipambibili ng pagkain para sa pamilya nila. Maging praktikal tayo sa buhay natin mga kabayan, kayo nandyan, nde lang dahil para sa bansa nyo ang ginagawa nyo, kundi para may makain ang pamilya nyo sa tatlong beses sa isang araw. Isipin nyo nalang ang mga kababayan nating naghihirap, ang mga taong walang trabaho lalo na ang mga bagong graduate na tagaktak na ang pawis at gutom sa kakahanap ng trabaho wala parin. Ang hirap ng buhay dibah, ma swerte kayong nabiyayaan ng galing at talino sa pag guhit o paglikha ng komiks nde nyo kailangang mag tapos ng pag aaral para makamit ito, kahit papaano kumikita ng dolyar at nde sumalasala sa oras ng pagkain.
Imbis na pag atake ng personal ang gawin nyo, ibaling nalang sa ibang mga baguhan sa komiks ang pag share ng nalalaman nyo. Sa gayon, nde lang kayo nakatulong mabibigyan nyo pa ng magagandang idea ang mga baguhan.
Kaya mag babait lang kau mga kabayan. tigilan ang away hah...
Sensya na nag kokoment lang po...
Okey, okey,okey...sige at makikinig na lang muna ako sa inyo at baka naman lumalagpas na ako sa sinasabi ko.
Pero post lang kayo lalo na kung ito ay higit na makakatulong.
-PEACE-
Teka, teka, teka...para patas ang diskusyunan dito, meron ba kayong mga planong maglabas ng komiks? Baka pwede naming makita o baka naman meron kayong mga ginagawang komiks na pupwedeng PANGGULAT sa mga mambabasa natin.
Kung wala pa, aba eh magsimula na kayong magplanong bumuo ng komiks total nandito na rin tayo at napag uusapan din lang naman eh...sayang!
Gawa rin kayo ng blog na kagaya nitong kay Randy at kami naman ang bibisita sa inyo.
...At promise di kami manggugulo, ilalagay din namin ang tunay na pangalan, tutulong kaming magbigay ng mga karagdagang tips na maaring makatulong sa inyo kung ibig ninyo...at mas maganda na rin kung wala ng personalan para naman tuluy-tuloy ang pag usad ng komiks natin kung sakali man at matuloy ito.
At ito ang pinakamaganda...malaya kayong makakagawa ng komiks na gusto ninyo.
Bluepen:
Tama ka, wala dapat personalan. Pero agree ka rin siguro na dapat wala rin dapat MISINFORMED at STUPID comments na PAATRAS lang ang hinahantungan. Lalong-lalo na kung ang mga PAATRAS na pananaw na ito ay tahasang IPINAGPIPILIT ng nagco-comment. Sana me MATURITY rin ang mga ilang nagbabasa dito na umamin at tumanggap sa pagkakamali nila. Hindi yung kung ano-ano pang mabababaw at walang ka-kwentang depensa ang pinuputak to save face. Hindi ba, Mario? Hindi ba, Reno? At yung iba pang maka-Gerry dyan?
Tama ka, pero nde mo mapagbabawalan ang mga taong bumibisita dito na nag kokomento din. Iba iba ang pananaw ng tao, nde pwedeng yung gusto mo lang ang makikita dito. Kung baga palitan lang ng diskusyon, idea at iba pang mapag uusapan. Ang blogs na to ay open sa mga taong gustong makihalo sa usapan.
Kahit na stupid or paatras man yan oks lang, binabahagi lang nya ang gusto nya, pag pinatulan mo yun ikaw ang talo, lalabas na ikaw ang makitid ang utak naturingang may pinag aralan at professional tapos biglang pumatol sa stupid na sinasabi mo, kaya pati ikaw masasabing stupid din. (Oh! baka magalit ka pa nyan, nde ko kinakampihan ang stupid na yun, kung baga pinapaliwanag ko lang para nde MISINFORMED na sinasabi mo. Korek? kablag! Aray!)
Andito naman si RAndy na handang burahin ang sa tingin nya eh nde na maganda sa diskusyon... (lol! halos lahat ata masakit sa mata! yung makulit lang ang binura ni RAndy Lol!) Sabihin nating yung mga stupid na sinasabi mo, eh sila ang ice breaker! minsan kc, ang mga stupid na sinasabi mo nakakapag tangal din ng init ng ulo dahil minsan mga patawa sila sa ka nonsense na banat, though minsan nakakahagip sa patama nila!
Dahil open ang blogs na to sa lahat, so lawakan pa natin isip natin, open wide baga... Yan iladlad pa ang kamay sabay ngiti... ayan ganyan nga... Oh! hinga ng malalim.... inhale! xhale!! inhale!!! xhale!! uhulk! hulk! ulk! pwe! pwe!! pwe!! buyset na langaw yan pumasok sa ilong! ahehehehe..
Really dumb.
Dumb...uhala ka sa buhay mo wahoong impostor... kakabaliw na tong blogs ni gerry daming makukulit... cge kulitan gusto nyo game ako... para parehas magpakilala kau...
Blogs ni Gerry? GERRY? Nahihilo ka ba 'Dre?
Randy! abutan mo nga ng IHI itong si Bluepen nang makapagpahinga. :)
Hehehehe... Tama ka matandang bading... Hilong-hilo! na nga ako sa kakabasa ng novela sa blogs ni Randy.
Ang baboy mo naman, ang alam ko mga manyak na bading ang umiinom ng ihi.
Post a Comment
<< Home