PAGSUSURI SA NAKARAANG INDUSTRIYA
Nakapag-produce tayo ng mahuhusay na writers at artists noon. Ang ilan sa kanila ay yumaman sa larangang ito. May nagkapangalan. At mayroong nagkaroon ng karangalan sa lipunan.
Ang nagawa ng komiks sa mga taong ito ay nakapagpaangat sa kanila—materially at socially. Kumita ang publisher, naging maayos ang buhay ng mga contributors. Nagkaroon ng malaking readership ang komiks. Sa katunayan, dumating sa puntong 90% ng tao sa Pilipinas ay nagbabasa na ng komiks. May mga awards sa mahuhusay na writers at artists. May mga nobelang naging pelikula.
Maganda ang takbo ng industriya ng komiks noon. Naroon ang fame and glory. Ang daming humahanga, ang daming nag-aambisyon na makapasulat at makapag-drawing sa komiks. Ang daming gustong magkapangalan.
Ngunit sa biglaang pag-ikot ng mundo…ito na…biglang humina ang komiks. Pahina ng pahina. Yung magagaling, nag-alisan na. Yung mga dating nag-aambisyon na maging publisher, nag-isip na lang ng ibang business.
Biglang nawala ang malaking bilang ng readers ng komiks. From 90%, naging 1% na lang. Nawala na ang mga awards night. Nag-retiro na ang mga nagkapangalan at yumaman.
Ang kawawang industriya, iniwan na lang sa kangkungan. Pero huwag ka, hindi pa rin sila tumitigil sa kakukuwentuhan. Ginugunita (ang lalim ‘no?) pa rin nila ang nakaraan, ‘yung awards, ‘yung malaking singil, ‘yung inuman tuwing payday.
Pag napupunta ang usapan nila sa pagbagsak ng industriya, ang sinisisi ay ang kultura ng Pilipino. Kesyo daw hindi naman tayo readers (e bakit naging 90% ang readership ng komiks?). May nagsabi naman na kasi ang dami nang form of entertainment, may tv, computer, sinehan (e bakit ang Japan mas marami pang form of entertainment kesa sa atin?). May nagsasabi naman na kasi mahirap na ang ekonomiya ng Pilipinas (e bakit kapag sale sa SM o kaya showing ng Lord of the Rings at Superman, ang dami-daming tao, nakakabuwisit dahil di ka makahinga?) May mga nagsasabi naman na dahil ang papangit na ng mga kuwento at drawing (bakit kaya? Wala kayang responsibilidad ang mga editors at art directors para salain ang mga trabahong ito?)
Andito na tayo ngayon sa modern age. Bagsak na ang industriya. Si Mars Ravelo, kumikita pa rin sa kanyang mga creations kapag ipinapalabas sa sine at tv. Si Carlo Caparas, tuloy-tuloy pa rin ang pagdi-direk sa pelikula.
Ito ang tanong. May pakinabang pa ba ang komiks sa kanila? Ibahin natin. May nagagawa pa ba sila para sa komiks?
Ano ang punto ko sa mga kuwentong ito ng nakaraang industriya ng komiks? Simple lang. Nakikita natin ang karaniwang sakit ng isang mortal na tao. Kapag may pera ka, kapag may pakinabang sa ‘yo, ang dami-dami mong frends. Ang dami-daming umaangkas sa ‘yo. Pero kapag wala ka nang silbi, at sa tingin nila ay wala nang mangyayari sa ‘yo, aba! Bahala ka sa buhay mo! Mamatay kang mag-isa diyan!
Yan ang tunay na kuwento ng komiks.
Bakit kaya nagkaganito?
Aba! Ewan. Itanong kaya natin sa mga lolo nating panot.
Baka kasi noong kasikatan ng komiks dito sa atin, lahat e nasilaw sa kita at katanyagan? Wala bang nag-predict na darating ang panahon na baka biglang mag-iba ang ikot ng mundo ng industriya? O kung meron mang nag-predict, naisip kaya agad nila kung paano kokontrahin ang mga problemang darating? May nagkaroon na ba ng vision noon na baka nag-iiba na ang market a? Nag-I-evolve na ang kultura ng Pilipino? Dumadami na ang kalaban sa entertainment, so kailangang makaisip tayo ng mainam na strategy na kaya pa rin nating tumapat sa kanila as a medium of entertainment?
Sa palagay ko wala. Kasi kung meron, bakit bumagsak pa rin ang komiks?
Ibig sabihin, hindi sila alert. Naka-offguard, kumbaga sa boxing.
Sino ang sinisisi ko sa pagbagsak na ito? Lahat. Mula sa publisher hanggang sa letratista. Bakit? Ito ang magandang tanong. Bakit nga ba?
Gusto niyong malaman ang simpleng sagot? RESPONSIBILIDAD. May responsable ba sa inyo? O ang salitang responsibilidad ay iniwan niyo na rin mula nang wala na rin kayong nahihita sa komiks?
Andito kami ngayon, mga bagong dugo ng industriya (kung industriya pa nga itong masasabi). Hindi namin inabot ang glory days niyo sa komiks. Ang inabot namin ay ang mahinang kalagayan nito. Ang marami sa inyo, hindi na nga namin inabot.
Gumagawa kami ng studies. Sinusuri namin ang nangyari dati, para kahit paano ay matuto kami sa generation namin ngayon. Ayaw na naming maulit ‘yung dati. Gusto naming maging responsible sa abot ng aming makakaya. Ang marami sa amin, hindi trabaho ang turing sa komiks…kundi buhay, karugtong ng sarili. Kaya ayaw naming makita na bumabagsak ang komiks.
Kaya tulungan niyo kami. Ngayon ko kinukuha ulit ang salitang responsibilidad na galing sa inyo. Ilatag niyo ang mga dapat ilatag. Ilabas niyo ang mga kaalaman niyo na dapat naming matututunan. Gawin natin solid at matatag ulit ang industriyang ito.
O baka naman…wala talaga kayong mailalatag. Masakit ang katotohanan.
15 Comments:
Okey. Halimbawa me mga taong me pera at interesadong mag-publish ng local komiks ngayon.
1. Anong market survey o data ang nandiyan para makumbinse sila na sumabak sa business na ito? Me market ba? Anong klaseng mga Filipino audience ang nandiyan? Anong klaseng mga local komiks ang dapat gawin? Mga ingles at mala-banyagang amerikanong komiks ba tulad ng mga ginagawa ni Mr. Alanguilan and company ang dapat gawin? Manga?
2. Me assosasyon o mekanismo ba ngayon na honest at dependable na maaaring asahan ng mga Pilipino comics creators ngayon para lumawak ang distribution ng komiks nila at higit sa lahat, maayos na inaabot sa kanila ang kita sa pagbebenta ng local komiks?
3. Kung ang sagot sa mga katanungan sa taas ay WALA, ano naman ang ginagawa ng mga "indie self-publishers", local Pilipino komiks fans, at mga tulad ni Mr. Alanguilan, tungkol sa bagay na ito? Aba'y ang lalaki ng mga kinikita nila. Me mga network dahil sa kaba-blog at pagso-sosyal nila. Me mga kilala sa local entertainment media. Dami nilang mga resources. Me pinag-aralan. Pero ano ang dini-disseminate nila? Komiks Art appreciation lang?
Well, sa nabasa ko sa post ni Mr. Alanguilan dito sa blog ni Randy, bilang isang komiks artist daw, walang responsibilidad ang comics "ahrtist" sa kalakalan. Ganoon ka-simple, ganoon ka-mediocre, ganoon ka-2oth century.
Galing no? Parang me nag-elect kay Gerry Alanguilan para magsalita para sa lahat ng mga Pilipino komiks artist sa bansa. Tindi ng imahinasyon ng manok na 'to. A legend in his own mind--er--blog.
Well, kung ganyan ang comment ni Mr. Alanguilan at ng mga tulad niyang mga AM-BOY o Anime-BOY nakikita kong tama ang analysis ni Randy sa post niya dito. Walang RESPONSIBILIDAD nga ang mga Pilipino (kuno) comics creators ngayon. Parang mga Juan Tamad, hinihintay na lang na me bumagsak o dumating na mayaman na publisher, tapos bayaran sila ng katakot-takot na pera para gawin ang mga mala-banyagang comics nila. Atse-tse.
bakit ba galit na galit ka kay gerry? heheheh...biktima ka ba ng karahasan :)
anyways, saka ko muna sasagutin yang mga questions sa taas. 2 days nang wala ang internet connection ko. nagri-rent lang ako ngayon.
GRABE ANG SMART WIFI!!!!!!!!!
LAGING WALANG CONNECTIONNNN!!!!!!!
Hindi ako galit personally kay Gerry Alanguilan. Am sure he's shy, demure, and athletically fit in person.
Hindi lang ako sang-ayon sa mga sinasabi niya tungkol sa mga bagay na non-comics art related at sa epekto ng kanyang ginagawang mga american influenced comics. Kelangan niyang mag-research at mag-isip ng mabuti bago siya tumuk--este--magsalita tungkol sa mga bagay na di niya nauusisa ng mabuti.
Madali siyang ma-excite kaya't minsan di na siya nagiisip bago siya dumakdak. Example: 'yung post niya sa article 'nyo. Am sorry, pero talaga po namang napaka---** Hay naku, candidate for diabetes.
Napansin ko halimbawa pag nasa bookstores ako tulad na lang ng National. Bibili lang ako ng DC Superheroes at hahanapin ko dun sa pwesto nila ng magazines. Wala! At ano ang mga nakapuwesto dun? Iyong mga sexy tulad ng FHM, songhits, Time, Gaming magasins, K-Zones, Witch o Winx komiks at iyong mga bulok na komix ng atlas na talagang patapon at namumulok na dun dahil wala namang bumibili. Kaya kahit ako na naghahanap ng komix ay nahihirapan pa at san ko makikita ang mga hinahanap ko nandun pa sa Children's na katabi ang mga pang baby na storybooks. Hindi ko sa sinisisi ito ano pero ang mga komiks na local kadalasan ay nasa maling puwesto kaya bibihira makita ng iba katulad nyang ginawa ng National na kahit yung mga pangteenager, adult komix (like Preacher ata yun) at comic compilation ay nakapuesto rin sa Children's halimbawa na lang ang mga local publish na dc superheroes at nautilus na dapat naman eh katabi ng magazines o songhits eh nasa maling pwesto kaya halos wala ring bumibili diba. Pero hindi ko ito sinasabing isa ito sa dahilan ng pagbagsak ng industriya ng komix kundi sinasabi ko itong dahilan kung bakit hindi rin nakikilala o nakikita ang mga komix sa atin na sa tingin ko ay dahilan kung bakit bumagbagsak ang nasabing industriya na hindi naman nakikilala ng mambabasang pinoy ang komix. Sa tingin ko dapat ay nasa maayos na lugar ng bentahan din ang komix na dapat ay maging kapansin-pansin din tulad ng mga namumukadkad na pocketbooks at Bob Ong books. Naway naiintindihan nyo ang mga pinagsasabi ko dito. Dapat nasa magandang puwesto rin komiks sa bookstore at hindi nakalagay o nakakalat kung saan saan na iisipin nilang komix lang yan...
Oo, nasa childrens sa National na ang ibig kong sabihin ay nasa pinakasulok-sulukan pa ang komix kaya hindi napapansin ng mambabasa na kahit ako nahirapan pang makita kung san ang komix dun eh. Kala ko nga dati walang masyadong komix ang National eh yun pala'y nasa tila tagong lugar. At hindi readers daw ang Pinoy eh bakit pag yung mga katkatwang aklat ni Bob Ong at yung mga Pocketbooks ay bentang-benta? Witch comics mabili din diba? OH!?
One of the frustrations in an interesting and important topic such as this, is that often, we don't get comments or INFORMED OPINIONS from people who are more knowledgeable about these things.
Please don't get me wrong. I think some of the comments in this post have their value. But can we elevate the discussion on a more MACRO level?
The issue, as I see it, is trying to jumpstart on a holistic level, Filipino comic books. By that, I think we mean a NATIONAL level, not NATIONAL BOOKSTORE.
If you check, I think you will find that National Bookstore is mostly found in highly urbanized areas of the country. They only have approximately 200 branches nationwide. And there are relatively few highly urbanized or urbanized areas in the Philippines which is an archipelago of 7,100 plus islands.
Being an archipelago indeed poses some distriubtion problems expecially today with the high cost of transportation and freight.
Gentlemen (and ladies) I think we should focus on distributing Filipino comics in those NON-urbanized areas of the country which are certainly more than the urban areas, and certainly a bigger market. Celphone companies are concentrating on this big CDE market, as did the old Filipino komiks industry.
Please remember, that in the non-urban areas where the old Filipino komiks of yesteryear was distributed, they had practically no competition with regards to shelf space and the rural folks at the time, were very receptive readers given the dearth of reading and other entertainment material in said areas. I believe the same is still true today.
The question however, is what distribution network exists in these areas that modern Filipino comics creators and publishers can depend on.
Could we please have more INFORMED opinions out there?
Thank you.
Ang malaking problema noon ng Pilipino Komiks na naabutan ko noong 1970s at 1980s habang nagtatrabaho sa barberya ng tiyo ko sa Tambo, Paranaque, ay sa tinding dami nila noon, dahan-dahang nawala ang kalidad ng pagsusulat at pag-dibuho. Mali ba ako sa puna na ito?
Karamihan sa mga komiks na ito ay mababaw ang mga istorya at walang imahinasyon ang mga drawing. Iilan lang ang may kalidad.
Oo nga't industriya siya. Pero kung ganyan naman ang kalidad ng produkto nito, ang ikli naman ng itinagal nito.
Kung ibaling naman natin ang tingin natin sa comics industry ng Japan at Hong Kong, ay hindi ganyan ang sitwasyon. Malawak malaki at masagana ang kanilang mga comics industry. De kalidad pa ang karamihan sa mga comics nila. Nagtatagal pa hanggang ngayon.
Matagal naming magkakaibigan pinag-isipan ito at ito ang aming naging consensus: ang pagkakaiba ng comics industry ng Japan, HongKong at Pilipinas ay, ang industriya ng komiks sa Pilipinas (paglikha, pag-distriubte at paglako) ay kontrolado lang ng iisang grupo: ang pamilya ng yumaong Don Ramon Roces. Dahil dito, kokonti ang nagtapang na mangahas sa negosyo ng komiks. Walang mga bagong ideya ang pumasok. Walang mga innovation sa paglalago ng negosyo ang pumasok.
Sa Japan, Korea, U.S. at sa Hong Kong, wala kang nakikitang monopolya sa komiks. Kung bumagsak ang isang comics company dahil hindi siya makasunod sa mga innovation ng maraming pumapasok na kompetisyon, siyang mag-isa lang ang bumabagsak at hindi kasama ang mga kompetisyon niya na patuloy na lumalago at umaasenso. Dito sa Pilipinas iba. Nang bumagsak ang Roces komiks monopoly, kasama na dito ang mga distribution network nila, ang mga tauhan, atbp.
Siguro, ang malaking aral para sa lahat ng nagnanais na ibangon muli ang industriya ng Pilipino komiks sa bansa ay ang magmatyag ng mabuti sa paglitaw muli ng monopolya sa komiks na pwedeng manggaling sa Pilipinas, U.S., o sa Japan.
Kailangang may malayang kompetisyon sa negosyo ng komiks na nagbibigay ng "check and balance" sa lahat. Kailangang ang distribution system ay hindi biased at patas ang pagtingin sa sinumang komiks publisher ang magmamatapang na pumasok sa negosyong ito. Kailangan din na maging honest ang mga distributor na ito sa kanilang pamamalakad at di dinadaya ang kita ng publisher tulad ng ginagawa dati ng mga distribtor at sub-agent nila sa banketa.
Nais ko lang mag-comment sa sinabi ni anonymous na meron pa naman daw mga taong nagbabasa ng komiks at ang kanyang mga binigay na mga halimbawa ay W.I.T.C.H., DC Superheroes, at kung ano-ano pang mga lisensiyadong U.S. o Japanese comics na madalas binibenta sa National Bookstore. Ingles ang gamit ng salita dito.
Sa palagay mo ba anonymous e, ilan ba ang mga nagbabasa ng mga English publications na 'yan? Ilan bang mga kopya ang inilalabas at nilalathala niyan? Katumbas ba nila ang dami ng mga readers ng tagalog romance pocketbooks o dili kaya ng mga tagalog news tabloid?
Ang top three tagalog tabloids (Abante, People's Tonite, at Pilipino Star Ngayon) ay bumebenta ng higit sa 500,000 copies daily. Talo pa nila ang mga top three English broadsheet newspapers (i.e., Inquirer, Bulleting, Phil. Star)
Sa palagay ko, may mga ilan lang na mga daan ang nabebenta ng mga ito pagkat mas marami ang nakakaunawa sa wikang Pilipino at di Ingles. Isa pa, mga mayayaman at "westernized mentality" karamihan ang tumatangkilik at nakakaunawa dito.
Ang pinupunto ko dito ay hindi tamang model ang mga banyagang publications na ito kung ang hangad natin ay ang malawakang pagsibol muli
ng Pilipino comics industriya sa bansa.
Sang-ayon ako sa pananaw ni anonymous ay dapat nasa tamang lugar at kategorya ang Pilipino comics.
Dapat ay hiwalay na kategorya ang Pilipino comics sa children's books, FHM, U.S. at Japanese mainstream graphic novels, atbp.
Kung marapatin sana, dapat me mga sariling Pilipino comics specialty stores o dili kaya'y tunay na Pilipino Komiks conventions na di kasali ang mga banyagang publications. Sana ay may mamulaklak na sub-culture ng tunay, bago at napapanahon na Pilipino komiks.
Ngayon ko lang na-realize. Alam 'nyo ba, na ang mga tindahan noong 1970s at 1980s sa banketa ay panay Pilipino komiks lang ang binibenta at inuupa? Hindi kaya pwede silang taguriang mga "Pilipino" comics specialty stores? Naunahan pa natin ang mga U.S. comics specialty stores ng Amerika! Sa panahon ngayon, pwede pa kaya ang ganitong pamamaraan ng pagbenta ng Pilipino comics? Sa banketa? Kung Oo, saan namang mga partikular na lugar?
Palagay ko po ay kailangan dito ng mga resource persons. Specifically mga circulation managers na may experience sa komiks o print publication distribution hindi lang sa metro manila kundi sa buong Pilipinas.
Kung aasa lang tayo sa mga may mahilig lang sa pagbabasa ng komiks na wala namang background sa circulation o sa pagbebenta ng komiks, ay walang mapupuntahan ang usapan dito kahit na magaganda ang mga comment.
Malaki ang maitutulong ng tamang impormasyon. Bakit hindi magkaroon ng pagiimbita sa mga taong me actual experience sa publication? Kung kinakailangang magambag-ambag para sa speaker's fee nila, bakit hindi? O dili kaya'y maimbitahan sa isang kainan, para mabigyan tayo ng mga insights tungkol sa distribution ng print publications sa Pilipinas? Isa sa mga naisip ko ay imbitahin sana ang circulation manager o business manager ng yumaong ABANTE KOMIKS. Kumuha ng impormasyon kung bakit hindi ito nagtagumpay hindi lang creatively kundi pati na rin sa business side. May makukuha tayong mga aral dito e.
Hayaan mo at hahanapin ko si Willie Fatal na siyang editor at siyang nag aasikaso ng ABANTE KOMIKS.Naalala ko na pinuntahan niya ako dati sa opis para iabot ang mga original illustrations sa akin at minsan ay sa Cubao niya ito iniaabot. Nakakwentuhan ko ito sa pagtitipon ng grupo ng mga gumagawa noon sa nasabing komiks. Mabait itong si Willie, kulang lang siya sa ideya. Sana kung naabutan pa natin na nagpapatakbo ng nasabing komiks ay natulungan na natin sila, kayo nina Gener,Anonymous-bakit ayaw mong magpakilala, NPA ka ba?, Randy at Gerry at iba pa.Mahuhusay at ginto ang mga kaisipan ninyo.
Tulungan tayo kapag may bagong maglalabas ng maramihang komiks. Ito'y upang buhayin at patataging muli ang komiks...at di lang iyan para matapos na rin ang ating diskusyunan dito sa blog ni Randy na mukhang sumisikip na at baka maglaglagan na ang mga texts sa ere.
Kelangang ituloy ang mga diskusyong ganito. Hindi ito pwedeng tapusin na lang ng basta-basta. Bakit ba kelangang tapusin na lang ng bigla? Me resolusyon ba tayong na-attain? Kung meron, ano ito?
Mario dearest:
Bakit ba tuwing pinaguusapan ang "pagbangon ng Pilipino Komiks" e lagi nating tinuturing na hiwalay na "object" ang komiks?
Hindi ba't walang komiks kung walang mga publisher, writer, artist, atbp. na GUMAGAWA nito?
Siguro mas magkakaroon ng linaw ang usapan kung i-revise natin ang tanong: paano natin sisimulan ang pagbalik ng interes ng maraming tao na gumawa muli ng marami, mahusay at makabagong PILIPNO komiks?
Kung sang-ayon ka diyan, tingnan mo ang mga nakapaligid sa iyong mga Filipino comics writers at artists (karamihan artists) here and abroad. Ano ang kanilang mga ginagawa, ano ang kanilang inaatupag? Bakit walang publisher sa Pilipinas ang nangangahas na i-publish ang mga gawa nila ng matagalan? Hindi simple ang sagot pero wala tayong mararating kung di natin simulan ngayon ang pag-ungkat sa bagay na ito.
Siguro mas magkakaroon ng linaw ang usapan kung i-revise natin ang tanong: paano natin sisimulan ang pagbalik ng interes ng maraming tao na gumawa muli ng marami, mahusay at makabagong PILIPNO komiks?
'YAN ANG MAGANDANG TANONG!
Simple lang ang sagot ko diyan.
Maglabas ng maganda at KAPAKIPAKINABANG NA KOMIKS! Tapos!
Kahit naman hindi todo todo bigay ang drawing(na baka di talaga kaya ng ibang artist natin dahil nga karamihan ng mahuhusay ay hinahatak na nag US Publishers, ng Glasshouse, etc).
Mas pagtuunan ang sustansya ng kwento/salaysay na ikapupukaw ng mga mamamayang Pilipino lao na ng mga mahihirap.
Eh, kung maglabas nga ng komiks at itoy ikaaasenso natin, aba eh baka lahat na ng mga taong gustong guminhawa ang buhay ay bumili niyan.
Kung makakalunas sa gutom ang laman ng komiks, aba eh maraming gutom ang magpipilit na bumili ng komiks na iyan.
Pero ang problema nga lang ay kung paano makakagawa nito.
Pero naniniwala naman akong kayang gawin ng mga Pinoy ito, ng mga makakaisip magsulat ng ganito na writers natin, paano gagawin? eh di pag usapan...pag aralan o at magsaliksik muna.
Kilala nyo ba si Juliet? Sa aklat na THE TALE OF JULIET? Naku, mabenta yang aklat niya at worldwide ang market niyan, nga lang ay dahil mayaman na itong Pinay(nasa Canada siya) na ito ay sa charity na lang niya inilalagak ang kita mula sa aklat niya.
At kapag ito ay isinalin sa pangkomiks bilang babasahin, kahit dito lang sa bansa natin, tiyak na bibilhin ito ng mga tao.
Nakagandang inspirasyon ang laman ng librong ito at ang laman nito ay kapakipakinabang para sa mga katulad nating Pinoy. Kapag nabasa ito ng mga taong negatibo ang pananaw, mga taong sa tingin niya ay wala siyang pag asa sa buhay...malamang mabago nito ng aklat na sinasabi ko.
Yan ang sinasabi kong kapakibakinabang na babasahin at ito ang magandang gawing komiks.
Pero payo ko lang, huwag ninyo akong unahan, dahil kukonkin ko na ang taong ito para kumbinsihin na isalin ang akda niya para sa komiks( hahaha!, joke lang).
Mario dearest:
Sang-ayon ba kayo na ang LASTIKMAN ay maganda at kapaki-pakinabang? Bakit?
E yung Darna? Yung Neo-Comics? Yung The Passion? Yung Culture Crash? Yung Elmer? Mwahaha? Cast? Moo Moo Fighters? Text Men? ATX? Enchanted Kingdom? Mango Jam? DC Superheroes? Teen Titans? W.I.T.C.H.?
Interasado po akong malaman ang mga dahilan ninyo.
ups!magandang pag usapan din ito mga katoto, nga lang ay hayaan nyo akong makapag isip ng mas maganda at baka makatulong ito para sa lahat.Titingnan ko ito kung kaya kong sagutin sa susunod.
Pero magpapahapyaw ako ng konti...
Puro pang libang lahat ang mga komiks na tinutukoy mo(pero marami rin na may aral na mapupulot dito pero mas maraming natutuhan sa Gospel komiks kung sa VALUES ang pag uusapan.)...OK naman dahil marami namang taong gusto ay malibang din sa ganitong babasahin... dami ng tunatangkilik? di pa ako sure kung gaano karami.Pasensya na at di ko ito natutukan.
Sa punto ko kasi ay dapat magkaroon din ng iba pang klaseng lalabas na komiks ngayong henerasyon..na hindi pa naipo-prodyus ng mga komiks publisher kahit kelan.
Ito ang magandang pagtuunan nating ng pansin mga kaibigan.. at dito tayo magkatulung -tulong kung paano ito gagawin.
At kung maganda itong magagawa, palagay ko ay may mga publisher na magkakainteres dito.
Isa na ang Anvil Publishing House.
Sabihin nyo lang sa aking kung OK na at ako ang hahanap ng illustrators. Halos lahat ng illustrators dito sa Manila ay pwede kong kontakin.
Post a Comment
<< Home