Ito ang sulat sa isa sa nagpost dito:
Kung gayon, kung ikaw ay isang comics artist tama lang na 'wag mo nang pansinin ang aspeto ng pangangalakal?
Kung ikaw'y interasado naman sa pangangalakal ay tama lang na wag mo namang intindihin ang ebolusyon ng sining sa komiks?
Siguro mali po ako pero, kung ang mga tila magkahiwalay na mga interes na ito ay di maiintindihan ng magkabilang panig, ay hindi ba't maaring lalong lumalim ang di pagkakaunawa ng sining at pangangalakal? Kaya nga tinawag na comics "industry" dahil hindi lang ito art kundi pati komersyo, hindi po ba?
"Commercial art" ang involved ika nga. Nakasalalay ang buhay ng isang comics creator at publisher sa aspeto ng "pangangalakal"; sa paglalako ng "komiks" para mabuhay siya. Ang pagiging comics creator at ang paggawa at pagbenta ng komiks ay 'livelihood' din, hindi po ba?
Wala po akong sinasabi o hini-hint na dapat diktahan ng malaliman na pag-aaral ang history ng comics industry sa Pilipinas. Ang pinupunto ko lang, ay ano naman ang consequences kung hindi naman malaliman ang pagtingin natin sa history na ito?
Mas mabuti ba na limitahan natin ang pagunawa natin sa history ng Pilipino comics INDUSTRY? Ang art at commercial aspects nito ay may hiwa-hiwalay na mga departments tulad ng nabanggit ninyo? East is east and never the twain shall meet?
May hiwalay na history para lang sa Pilipino comics "art" history at may hiwalay naman na history para sa Pilipino comics business? Kailanman ay walang ugnayan ang dalawa?
Dapat ba na habambuhay na lang nakatuon ang comics creator sa "art" aspect? Kung gayon, kaya pala maraming Pilipino comics artist NGAYON ang walang trabaho bilang comics artist at writer sa SARILI NIYANG BANSA. KARAMIHAN NAGTATRABAHO PARA SA COMICS, ANIMATION, AT GAMING INDUSTRY NG IBANG BANSA. Kung ang publisher naman ay habambuhay nakatuon sa komersyo, 'wag na lang tayo magtaka kung bakit hanggang ngayon, maliit ang respeto nila sa "sining" ng mga Pilipino sa comics at pipitsugin ang binabayad ng mga businessmen na ito sa mga Pilipino comics creators.
Inuulit ko po: wala po akong dinidikta kung ano ang dapat tuunan ng pansin sa history ng Pilipino comics industry. Ngunit kung patuloy ang di pagkakaunawa (ng malalim) sa sining at pangangalakal ng Pilipino comics; ang di pagkakaroon ng isang ika nga'y "holistic history" ng Pilipino comics industry, ay wag na lang tayo magtaka kung bakit hanggang ngayon, bagsak ang industriyang komiks sa Pilipinas.
Ito po ay isang wari na kumukulit sa isip ko matagal na, dala marahil ng kadalasang bisita at pag-appreciate ko sa mga datihan ninyong entries dito sa blog 'nyo. Dati po akong sumusulat komiks at ngayo'y nasa ibang propesyon dala ng matinding pangangailangan sa pera. Nandoon pa rin ang pagnanasa ko na sana bumalik sana ang dati nating industriya. Nakapanghihinayang. Pati ang mga kabataan ngayon, hindi alam at hindi nawawari ang nawawalang "legacy" ng industriyang ito. Sayang.
Sana po ay hindi ako nakasakit ng ninumang damdamin sa inihayag ko dito sa blog 'nyo, Mr. Randy. Salamat po sa pagkakataong naibigay ninyo sa aking makahayag dito sa blog 'nyo.
Ito naman ang sagot ko:
Ang totoo ay gusto ko ang mga ganitong usapan sa komiks dahil nahuhukay natin ang mga dapat nating malaman tungkol sa industry. Ang mga ganitong usapin ang dapat na kasama sa mga conventions dito sa atin para lahat tayo ay matuto. Sabik ako sa ganitong mga usapan dahil sa totoo lang ay iilang tao lang ang nakakausap ko tungkol sa ganito (wala pang lima).
Sa punto naman ng pag-aaral ng history, dapat talaga ay pag-aralan natin ang lahat ng aspect ng industriya ng komiks. Makakatulong ito ng malaki sa industry mismo. Masasabi ko na si Scott McCloud ang example ng ganitong uri ng tao sa American comics. Pero may mga taong tulad nina Alan Moore na ang pinagtutuunan ng pansin ay pagpapaganda ng kanyang kuwento. Ganun din si Jim Lee na ang pinagtutuunan naman ng pansin ay ang pagpapaganda ng drawing niya. Hindi naman natin puwedeng i-deny na kasama pa rin naman silang dalawa sa history ng komiks ng US. Sabi ko nga, personal choice ito. Kung may lalabas na isang Scott McCloud o isang Neil Cohn sa Pilipino komiks, makakatulong siya ng malaki sa mga tanong ng maraming tao tungkol sa komiks. Sa kasalukuyan ay wala pa tayong naipu-produce na ganito. Pero kahit paano ay meron tayong mga websites at blogs na nagbibigay ng informations tungkol sa komiks. At malaking tulong ito sa mga ngayon pa lang mag-aaral ng tungkol sa komiks.
Sa aking pagkakaalam din, dalawang propesor lang sa university ang nag-aaral tungkol sa industriya ng komiks. Pero ang pag-aaral nila ay nakatuon pa rin sa mga creators of the past, at ilang highlights ng industry. Pero 'yung visions, theories at internal aspects ng Pilipino komiks ay kulang pa tayo ng tao.
Hindi ko itinuturing ang sarili ko na pinag-aaralan ng husto ang industry ng komiks. Kung ako ay magiging bahagi ng history ng komiks natin, gusto kong maging isang creator tulad ni Coching o Ravelo o Redondo at hindi bilang isang historian. Although meron akong mga studies sa sarili kong pananaw, pero hindi ko puwedeng i-inject sa lahat ng tao na ito ang absolute truth sa pag-aaral ng komiks. Masuwerte rin ako kumbaga dahil nag-iisip ako tungkol sa industry at hindi lang sa craft at talent na taglay ko. Mas maraming magagaling na writers at artists sa akin sa komiks. Sumikat sila, ako hindi. Ang lamang ko lang ay may vision ako at ilang prinsipyo sa paggawa ng komiks. Bukod doon ay wala na, dahil artistically speaking, kaya nila akong ilampaso.
Bukas ang blog ko sa lahat ng usapin tungkol sa komiks. Ang gusto ko nga ay magkaroon talaga ng debate at malalimang discussions dito na magsisimula sa mga readers. Pero syempre, dapat nakatuon lang sa komiks. Wag na nating pag-usapan kung butas ang brief ko o mabaho ang singit ko.
12 Comments:
Dapat ay mag-blogcast ka rin, Randy. Parang masarap na pakinggan ang mga ganyang balitaktakan habang kumakain ng pandesal sa umaga. :D
o nga no hehehe. mapag-aralan nga yan.
Ang madalas kong nakikitang puna sa mga artist ngayon ay inilalagay sa mga balikat natin ang pagka-angat ng industriya ng komiks. Bakit kaya? Sa atin lang ba nakasalalay ang pag-angat ng ating industriya?
Nasa artista lang ba nakasalalay ang pag-angat ng industriya ng pelikula?
Nasa mga kantatero lang ba nakasalalay ang pag-angat ng industriya ng musika?
Maraming artist ang walang alam sa "kalakal" ng kanilang industriya. At hindi natin sila pwede masisi kung may mga artist na ganoon. Ang aspeto ng "art" at "business" ay parang mantika at tubig.
Merong mga taong bihasa sa dalawa, pero bihira sila. Siguro kahit papano magkaroon ng education ang isang artist sa basics ng business, at least para hindi sila maisahan, pero kung talagang hindi nya gamay ito, ay wag natin syang sisihin at pagisipan ng masama.
Randy, ang trabaho natin ay artist at writer. Yun ang alam nating gawin. Hindi sa ating kakayahan lamang nakasalalay ang pag-angat ng industriya ng comics. Kailangang merong taong MAYAMAN o isang grupo ng tao na MAY PERA para maginvest sa comics. Kailangan nating ng PUBLISHER. Sa artist at PUBLISHER nakasalalay ang pag-angat ng industriya ng KOMIKS.
Kailangan may mga businessman na magaasikaso ng mga bagay na ito kasi sila ang may education, sila ang may experience, ito ang kanilang dahilan kung bakit sila nasa mundo, at ang pinakaimportante... SILA ANG MAY PERA.
Wala tayong PERA para magpalimbag ng libo libong komiks, at wala tayong distribution system para magdistribute ng comics natin sa buong bansa. Yung nagtanong sayo, sya, baka may pera sya. Kasi kung walang tayong CAPTIAL, kahit pa drawing tayo ng drawing at magsulat tayo ng magsulat hanggang mapudpod ang mga daliri natin, pero WALA TAYONG PUBLISHER para ilabas ang mga gawa natin, walang mangyayari sa atin.
Andito tayo, handang handang gumuhit at magsulat. Kung may may MALAKING PUBLISHER dyan na willing maginvest ng pera para maglimbag at magdistribute ng comics natin sa buong bansa, wala akong dahilan para tumanggi.
Kahit si Alex Nino, willing UMUWI dito, basta may publisher dyan na willing syang kunin, bayaran sya, at respetuhin sya bilang artist.
Pero nasaan ang mga publisher na ito? Bakit hindi sila ang tanungin kung bakit wala silang ginagawa para buhayin ang industriya? Sila ang may pera para gawin ito.
Randy,ammunition lang tayo. Kung walang baril, hanggang bala na lang tayo na tambay sa kanto.
Kaya sa mga nagsasabi na bakit ganito, bakit ganoon, bakit sa ibang bansa kayo gumagawa, bakit wala kayong ginagawa para buhayin ang industriya, ang masasabi ko lang... PWEDE BA? You're barking up the wrong tree. Sorry ha? Di ko alam tagalog nun e.
tama ka dyan, ger.
Ang puna ko sa comment ni Alanguilan: ang mga ganyang pananaw na isolationist ay defeatist at fatalist. 'Wag na tayo magtaka kung bakit ganito ang state ng comics industry: limitado sa mga kokonting elitistang customers na kini-cater ng mga comics ni Alanguilan at ng mga iba pang tulad niya. Nagawa pa niyang magmuni-muni sa blog niya kung paano mare-revive ang Filipino comics industry tapos ganyan ang comment nya dito.
About your comment that in other comics conventions, the business flipside always has space for discussion, I've gotta ask: don't you have comics conventions over there? How big are they? If so, what do you talk about in your cons anyway?
Curious ako sa view ni Gerry na 'ammuniton' daw ang mga comics artists at writers ng isang mayamang publisher. Okey.
Sino ba sa mga kasalukuyang Pilipino comics artists at writers ang maituturing mong ammunition? Marami ba ang mapapatay ng mga balang 'yan?
Ipagpalagay na natin na me mga nagmamagaling sumulat at mag-drawing diyan. Pero di pa ito sapat.
Kung magri-representa ka sa isang mayamang prospective publisher, ang madalas itanong ay, ILAN BANG MGA KOPYA NG COMICS ANG BIBILHIN NG READING PUBLIC KUNG BABAYARAN KO NG KATAKO-TAKOT ANG MGA NEW BREED NA PILIPINO COMICS WRITER AT ARTIST NGAYON? ANO BA ANG MGA SALES TRACK RECORD NILA?
Ang LASTIKMAN ba ay na-sold out? Ilang kopya lang ba ang inilathala? Nabawi ba ang investment ng publisher? Me profit bang kinita? Sino ba ang mga -ehem-"ammunition" na ginamit dito?
Ang Darna: Golden Anniversary Limited Series naman. Sino ba ang mga ammunition dito? Me mga lampas 100,000 sales kaya ang naabot ng mga bala natin dito?
Ang mga ammunition kaya ng culture crash, nakaabot kaya on a consistent basis, 100,000 sold out copies a month? Ang Questor Extreme? Ang "Passion"? Cast? Neo Comics? Basted? Fantasya? Txt Men? Otaku Fan? Atbp. Sino ba ang mga ammunition dito na pwedeng gamitin ng potential comics publisher para mabawi ang investment niya? Ano ba ang mga ideas ng mga ammunition na ito? Ano ang guarantee ng serbisyo nila?
Kung ang sagot sa mga katanungang ito ay nakabibinging tahimik, ang ibig sabihin lang ay walang track record ang mga "ammunition" na ito na maipagyayabang sa mga potential na comics publisher. At bakit kaya? Dahil ba sa wala O KONTI LANG ang responsibility ng mga artist na ito para tulungang ibangon ang industriya ng Pilipino Komiks? Base sa sagot ni Gerry, at sa kasalukuyang lagay ng comics industry sa bansa, mukhang wala o kokonti nga lang ang responsibility (at capability) ng kasalukuyang Pilipino comics artists at writers na karamihan, westernized o japanized ang istilo.
So, sa pananaw din ni porkchoplukalike, sa creators nakasalalay ang industriya.
Maraming magagaling na creators. Marami ding bano. Pero di lamang sa quality ng produkto nakukuha ang customer. Siyempre, sa huli, pag nasubukan na ang produkto, doon na magiging mahalaga iyon. Pero kung hindi maibenta nang mabuti, di rin masusubukan ng consumers.
Marketing. Advertising. Distribution. At kung anu-ano pa. Kahit anong produkto, kailangan yan. lalo na't kung hindi consumer goods (tulad ng pagkain). Ang mga halimbawang naitala sa itaas, halos walang promotion, maliban sa Darna. Pero sinubukan nga ng tao ang Darna, pero di kinagat. Bakit? Kasi, hindi nag-meet ng expectations ng target market. Maging ako, di ko nagustuhan.
Kaya't pagdating sa responsibilidad, tama si Mr. Valiente. LAHAT ay responsable. Responsable ang publisher na ibenta ang produkto. Responsable ang creators na gawing maganda ang produkto. Hindi turuan.
Sa pagkakaintindi ko sa post ni Mr. Alanguilan, ayaw lamang niya na inilalagay ang lahat ng responsibildad sa balikat ng creators.
Ngayon, kung creator ka at marunong ka din sa larangan ng kalakal (tulad ni Todd McFarlane nung siya'y nagsisimula), e di responsibilidad mo pareho ang bnabanggit ko sa itaas.
Ganda ng tanong at ang ganda rin ng sagot!!!
Oh sya, para sa inyong nag tanong at sumagot, simulan nyo na ang paghuhukay...
Laliman nyo pa, mga 6 below the ground...
Jose Makabayan (ihi lang ang pahinga)
Pasensya na po sa una kong reply. Sa pangalawang pasada sa pagbabasa... Gusto kong maki halo sa kuro kuro.
Nde lang basta sa publisher lahat ang responsibilidad. Tingnan nyo nalang ang mga publisher sa ibang bansa.
Naghahanap sila ng magagaling na artist/creator at kapag nakita nilang magaling talaga at maganda ang storya ng comics. Click agad ito. mostly mga pinoy ang magaling sa ralangan ng ilustration at visual art. Sa story, ngek! nde nila gusto ang taste ng story ng pinoy. Hangang drawing, ink at kulay lang tayo sa comics.
Kita mo nga, sa dami dami ng na ipublish na sinulat ng pinoy nde lahat tumagal ito. Kc nakakasawa ang ginagawa nilang pag sulat, puros kopyahan ng kopyahan at saka paulit ulit ang storya. Iniba lang ang scene pero suma tutal ganun din. Pati sa pelikula at Tele serye na ginagawa ngayon na galing din sa comics.
Dibah nakakasawa parati nalang ganun, iniba nga ang serye sa TV pero kinopya naman ang foreign TV series. Edi ganun din kasawa, minsan ikakagalit mo pa dahil binaboy ang paborito mong foreign TV series.
So sa Pinoy comics ganun din, so ang responsibilidad talaga eh nasa parehas na antas lang. though dapat lamang sa Artist/creator. DAhil ang Publisher sila lang ang mag pondo sa gagawin mong comics.
Kung kopya lang at walang originality gawa mo, abah eh magtanim ka nalang ng kamote. Lalangawin lang ang comics na gagawin mo. Kahit itodo pa ng publisher ang pera nya para sa comercial or advertisement ng comics na ginawa mo.
Kaya ang mga investor or publisher na mga na una eh nalugi na. Kc nga bagsak ang sales. DAhil ang comics na ni produce nila eh walang originality.
Kaya nga ang mga pinoy artist sa ibang bansa nalang nag ta trabaho, dahil malaki na kita nila, at saka kahit kopya gawa nila, nde nakaka sawa dahil malawak ang mundo compare sa liit ng pinas.
ahehehe oh ayan... cguro kahit konting sense meron ang kuro ko.
Jose Makabayan (ihi lang pahinga)
Here are some links that I believe will be interested
Really amazing! Useful information. All the best.
»
Post a Comment
<< Home