GALLERY ART VS. COMMERCIAL ART
Naipakilala ako ng isang kaibigan sa may-ari ng isang maliit na gallery. Nauwi kami sa kuwentuhan sa isang maliit na cofeeshop.
Ipinakilala ako. Sabi ko, gumagawa din ako ng art. Ang ini-expect sa akin ng gallery owner, isa ako doon sa mga artists na nakakausap niya sa galleries at museums. Sabi ko, iba ako. Sabihin na nating nasa pinaka-mainstream ako ng ‘popular art’ (pop art) nakalinya. You pay me, gagawa ako ng art. Or gumawa man ako ng art, gusto kong matiyak na may makakaintindi o maka-relate man lang sa ginawa ko.
In short, I’m one of those paid hacks or one of those guys na ‘want-to-be-famous’ sa point of view ng mga ‘art people.’
Ang mga ginagawa ko ay komiks, art concept and design, book illustration, animation at 3d.
Sabi ko pa, minsan cruel ang art world. May wall na nakaharang sa pagitan namin at doon sa mga ‘gallery artists’. Sila ‘yung mga itinuturing na ‘nagpapabago ng mundo sa pamamagitan ng kanilang sining’, samantalang kami, nag-aakyat lang ng pera sa producer o publisher. Ang tingin pa nila sa amin, hindi namin naiintindihan ang geometry sa paintings nina Edouard Manet, o ang time and space sa gawa ni Pablo Picasso, o ang motion and light sa gawa ni Jackson Pollock, o ang non-Euclidian vision ni Salvador Dali. Well, sa tingin ko, marami sa amin ang hindi alam o hindi naman interesado sa mga art ek-ek na pinagsasabi ko, pero ang mga taong kagaya ng trabaho ko-- illustrators, animators, graphic designers, ay nakakaintindi ng conceptualization, perspective, rendering, color theory, execution at style. In fact, maipagmamalaki ko na ang mga taong ang mas malakas ang ‘radar’ o ‘awareness’ para maipakita ng tugmang-tugma sa tunay na buhay ang kanilang mga trabaho.
In komiks illustrations for example, hindi puwedeng ang alam mo lang I-drawing ay stick na tao na ang background ay parang kinahig ng manok na halos na yata ng kulay ay ginamit tapos tatawagin mo itong love story. Pero sa painting, puwede mo itong gawin. Then lalagyan mo lang ng matinding title tulad ng ‘The Parallelism of Love’ tapos pababayaan mo lang ang viewer na magbigay ng sarili niyang interpretation.
Dito natin malalaman na ang komiks illustrator ay disiplinado sa paggawa ng human figure, pagpapakita ng emotions sa mga characters, at believable background drawings. Sa gallery artist, bumili ka ng malaking canvass, lagyan mo ng kulay itim na tuldok sa gitna, lagyan mo ng title na ‘The Beginning of the End’, puwede mo na itong I-display sa gallery. Sigurado, kahit paano ay may papalakpak sa iyo. At ‘yung pumapalakpak na ‘yun, bibilhin sa ‘yo ‘yun ng kalahating milyong piso.
Ang pangontra naman dito ng mga gallery artists, nasa age na tayo na wala nang imposible na mai-translate ang mundo sa tunay nitong features—may camera, videos, etc. na-explore ng ng husto ng ating mata ang lahat ng sulok ng mundong ito. Hindi man tayo nakarating sa ilalim ng dagat o sa loob ng bulkan, meron namang mga pictures diyan na puwedeng tingnan, or website na puwedeng bisitahin. Pero ‘yung ‘inner universe’ ng isang artist, na exclusive lang para sa kanya, siya lang ang puwedeng magpakita nu’n sa atin bilang viewer. Ma-appreciate man natin o hindi ang kanyang ginawa, at least naipakita na niya kung ano ang meron siya sa kanyang sarili.
Weird ang pagtingin ng mga tao sa art, hindi ba?
Nang mabasa ko ang biography ni Norman Rockwell, isa pala siya sa hindi nakaligtas sa puna ng mga ‘art critics’. Ang totoo nga niyan, si Rockwell mismo ay hindi itinuturing na artist kundi isa lamang simpleng ‘illustrator’. Sabi nga nu’ng sumulat ng life story niya, napaka-bias ng ‘art history’. Ni hindi man lang nabanggit kahit palayaw ni Rockwell bilang isa sa most-influential and most-loved painter ng 20th century.
Dito tuloy pumasok sa isip ko, na halimbawang kasabay ni Rockwell nabuhay sina Michaelangelo at Da Vinci, susubukan kaya nilang gumawa rin ng cover art para sa Saturday Evening Post newspaper? O kung nabubuhay sila ngayon, susubukan din kaya nilang gumawa ng 3d sa computer o Flash animation?
Naisip ko rin, nakakulong tayo sa sarili nating panahon. Kung ano ang available, doon tayo kakapit.
Sa western countries, mahalaga ang original paintings na nakasabit sa mga galleries. Pero sa Japan, ganoon din ka-importante ang mga printed artworks bilang pang-displey sa loob ng bahay.
Sa title ko na ‘Gallery Art vs. Commercial Art’, ano kaya ang tunay na commercialized o ang kumikita ng malaki? Ang komiks illustrator ba o ang gallery painter? Kung si Jim Lee kaya ay bigyan ng offer na 100 million dollar para gumawa ng painting para sa gallery, ano kaya ang magiging desisyon niya? Kung si Andy Warhol kaya, bigyan din ng offer na 500 million dollar per page para gumawa ng drawing sa Superman comicbook, ano rin kaya ang magiging desisyon niya?
Pantasya ko lang ang mga ito. Pero puwedeng mangyari sa real world.
Pera ba o art?
Nag-painting na lang si Toti Cerda kasi wala siyang kinikita noon sa GASI. Iniwan ni Frank Frazzetta ang pagiging comics illustrator at nag-concentrate na lang siya bilang book cover painter, dito siya nababayaran ng sulit.
Si Jackson Pollock, kaya tuwang-tuwa sa pinaggagawa niyang pagsasaboy ng pintura sa canvass (action painting) dahil binabayaran siya ng malaki dito. Pagawin mo siya sa cover ng isang contemporary fiction book, tatanggi siya. Unang-una, maliliitan siya sa bayad, or, baka masiraan siya ng bait sa hirap mag-painting ng human figure. Pero subukan mong alukin ng 10 billion o kaya ay ibayad mo ang kalahati ng Amerika, bukas-makalawa, bibili ‘yan ng librong Dynamic Human Anatomy ni Burne Hogarth para pag-aralan.
Weird, di ba? Well, art is art. Kaya nating mabuhay bilang hard-core, fully-pledged, die-hard, super-duper loyal sa pagiging artist, pero dapat tapatan din ito ng equal at karapat-dapat na bayad (pera man o kung anumang may pakinabang tayo). Lahat ay may kapalit.
Pero halimbawa kayang ang isang artist ay inalok ng malaki para maging isang accountant sa bangko o kaya ay maging buy and sell agent?
Ibang usapan na ito. Dito na natin makikilala ang artist na praktikal, at ang artist na art lang talaga ang gustong gawin.
*******
Sa nagpost dito na nagtatanong ang tungkol sa Devil Car (hindi ko alam kung saan entry mo pinost dito sa blog, basta natanggap ko lang sa email)...puwede mong i-visit ang site na ito http://devilcarkomix.blogspot.com
Official blog yan ni Vic Poblete, ang writer mismo ng Devil Car. Sa question mo kung sino ang artist nito, si Karl Comendador, then si Lan Medina.
****
May free download na rin sa game na Terrawars...
www.terrawars.net
4 Comments:
Mayroon na bang nagtangkang gumawa dati ng Pilipino Komiks na ang klase ng art ay hindi naturalist at classical? Ang ibig kong sabihin ay, may nagtangka na bang gumawa ng Pilipino kOMIKS na ang uri ng art ay symbolical o abstract o surreal o impressionist? Kung meron na, ano po ang title? Karamihan kasi sa nakikita kong mga Pilipino comics artist, kabilang na dito ang mga datihan at kasalukuyan, ay limitado ang kanilang art styles at perceptions hindi tulad sa mga gallery artists na hindi limitado ang art styles at perceptions. Siguro masasabi nyo na kaya walang limitasyon ang mga tiga-gallery ay hindi sila nakakulong sa pagka-"commercial" ng comics art na malimit maging experimental sa art. Siguro kung magiging mas daring ang mga commercial comics artist na Pilipino sa kanilang pagdo-drawing, na hindi limitado sa formalist, natural o classical style, ay may asenso at respeto silang makukuha sa Philippine art world.
Well, wala pang malakas ang loob na sumubok nito (sa mainstream sa pagkakaalam ko). Pero meron noong komiks sa underground na nag-try gumawa ng ganito. Isa dito ay yung grupong Sining Ekis ni Elvert Banares. Ang totoo, nag-try ako ng ganitong noon sa Counterpoint, ipinakita ko sa isang editor,pero hindi na-approve. Series sana ito sa komiks. Kaso nga experimental kaya hindi nagustuhan. Tinalakay ko ito sa book na sinulat ko. At isa ring kartonistang Pinoy noong early 80's na gumawa nito sa kanyang mga cartoons sa Atlas.Ipo-post ko dito ang samples para makita niyo.
Salamat po. Aabangan ko 'yan. You know, sa sinabi 'nyo bilang insider noon sa Pilipino comics industry ang aking impression ay hindi progresibo ang pag-iisip ng mga namamahala sa komiks. Alam ko sa states may nakikita akong mga abstract ang dating ng art sa comics nila lalo na sa mga cover. May mga photo collage pa nga. Dito sa atin, walang pagbabago. Salamat uli sa sagot.
Sa totoo lang ay mahirap kasing subukan dito ang abstract komiks. Unang-una, hirap makatagpo ng market sa ganito. Kung ako naman ang mamumuhunan e hindi ko rin naman ito susubukan. Kaya ang nagta-try lang nito, gaya nga ng sabi ko, ang Sining Ekis, dahil mayayaman naman sila hehehe. Hindi nila kailangan magtrabaho para kumain. Saka sila naman ang gumagastos ng komiks nila. Kaya okey lang na kahit anong gawin nila.
Post a Comment
<< Home