KOMIKS AS ART!
Nakabili ako ng back issue ng Modern Painters magazine noong isang linggo at hulaan niyo kung ano ang main feature nila.
Yes! Comics as an artform!
Ang makikita sa cover ay ang Peanuts ni Charles Schulz. Ang buong article ay tungkol sa mga visionaries ng American comics tulad nina Jack Kirby, Will Eisner, Robert Crumb, Art Speigelman, Chris Ware, Charles Schulz, at marami pang iba. May nag-post dati sa message board ni Gerry Alanguilan ang tungkol sa exhibition ng mga comics art sa New York, ang kinalabasan ng event na iyon ay ang article na mababasa sa magazine na ito.
Sa kasalukuyang panahon natin, highly debatable pa rin kung tatanggapin nga sa artworld ang komiks. Gaya rin ng debate kung tatanggapin din ang komiks sa literary world naman. Ang lupit ano? Bastardo talaga ang komiks alinman sa art at literature.
Ang weird talaga minsan ng mga sitwasyon. May nabasa naman akong article, ang tunay daw na painter ay ‘yung gumagamit lang ng oil paint. The rest, gaya ng watercolor, acrylic, pastel, etc. ay hindi daw maituturing na tunay na art. Napapakamot na lang ako sa ulo kapag nakakabasa ako ng ganito. Meron talagang mga taong conservative pagdating sa maraming bagay. Mali ang ganito, mali ang ganoon. Doon natin malalaman na talagang iba-iba ang tao. Ang gusto nating mangyari ay hindi applicable sa iba.
Ako, ang tingin ko sa komiks ay parehong art at literature. At ako bilang creator ang mag-iinterpret nu’n kung bakit art at literature ang tingin ko dito. Siguro naman ay mas kapani-paniwala ang komiks kumpara sa mga ito:
Sleeping as an Art Form
Killing as Art
The Art of Motorcycle Riding
The Art of Nothing
Ilan lang ‘yan sa mga libro at article na nabasa ko.
Ito pa ang iba: itinuturing na ngayon na ang pagtatahi ng damit ay art. Pati ang paggawa ng cake ay art. Pati ang pagmumura ay art na rin. Hehehe! Ang lawak-lawak naman ng sinasakop ng demonyong art na ito.
Isa pa sa nakikita kong ‘wall’ kung bakit talagang hindi ikino-consider na art or literature ang komiks ay dahil sa rating dito ng maraming tao. Hanggang ngayon, ang paniniwala pa rin, ang komiks ay talagang pambata lang. Well, siguro nga dahil sa pangalang ‘comics’ (funnies). Mabuti na lang at binigyan ito ni Eisner ng bagong katawagan (graphic novel).
Pero sa maniwala kayo at sa hindi, kung sa ibang bansa ay pambata ang tingin nila sa komiks, dito sa Pilipinas ay hindi ganito ang tingin ng ating mga kababayan. Mabibilang ko sa daliri ang lahat ng komiks na pambata na lumabas dito sa Pilipinas, pero ‘yung mga komiks na may temang pang-adults e siguradong tatambakan tayo. Ano lang ba ang komiks na pambata dito? Funny Komiks, Bata Batuta, Kiddie Komiks, Culture Crash (pang-teenager).
Isa lang talaga ang sa tingin ko ay masakit na tingin ng ating mga kababayan pagdating sa komiks. Baduy at bakya! Pero hindi pambata.
ART & PHYSICS
Kasalukuyan kong binabasa ang librong Art & Physics: Parallel Visions in Space, Time and Light ni Leonard Shlain. Masasabi ko na isa ito sa pinakamagandang libro na nabasa ko tungkol sa art history and theory. Siguradong magugustuhan din ito ng mga mahihilig sa science.
Mababasa sa pagsisimula ng librong ito ang sinabi ni Shlain: “I am by profession neither a physicist nor an art critic, but a surgeon, so I brought to both art and physics a relatively unbiased eye and a beginner’s mind. Though my innocence demanded that I do far more research than an expert might have had to do to understand the nuances of my subject, it also had distinct advantages. Because I do not rely on either field for my living, for instance, I can be somewhat freer in my speculations than professionals who have something at stake to lose. I approach physics as if I were an artist trying to explain its principles to other artists. Similarly, by using a scientific interpretation, I hope to demystify art.”
Dahil sa librong ito, naintindihan kong lalo ang abstractionism at abstract expressionism na talagang hindi ko masakyan noon pa.
Meron ditong mga points na tingin ko ay makakapagbigay ng further observations pagdating sa komiks art. Lalo na sa styles at presentations na nagdi-depende sa culture na pinanggalingan ng isang creator.
Isa pa sa pinakagusto ko sa librong ito, nagkaroon akong interes sa subject na Physics na talagang isinusuka ko noong nasa eskuwelahan pa lang ako. Ngayon, gusto ko tuloy mag-enroll ulit sa fourth year high school para maintindihan ko ang pinagsasabi ni Shlain.
Para sa discussions at personal niyong matanong si Shlain o kaya naman ay bumili ng libro, puwede kayong bumisita sa www.artandphysics.com
4 Comments:
Very Interesting po. Mapakomiks, teleserye at Pelikula'y likha ng Sining. Sa paniwala ko nga po'y isa ang komiks sa may pinakamatinding sining sapagkat nagsasanib dito ang sining ng pagguhit, paglikha at literatura. Iyon nga palang sinabi ng nagkomento tungkol sa wala tayong creative identity eh sa tingin ko naman e meron...Si Lastikman (dahil ba american inspired na superhero?), ang Culture Crash (dahil ba anime inspired at malahapon ang dating?) sa tingin ko naman eh meron at kahit nga ang mga Fantaserye eh meron din naman. Sapagkat ginawa ang mga ito para sa atin na maipagmamalaki natin sa lahat. Hindi naman po kanais-nais kung sabihing Pilipino-kuno ang mga ito diba? Paumanhin po.
Iyan ang nakakainis na pananaw ng karamihan sa bansa natin eh. Ang tingin nila sa komiks ngayon eh laos, baduy, cheap at kung anu-ano pang bulok na pananaw sa ganitong uri ng Sining. Naaalala ko pa nung highschool ako. Sa maniwala kayo't sa hindi eh ako lang ang may hilig sa komiks sa buong klase o marahil eh sa buong campus namin yata. Madalas pa ako pagtawanan ng kaklase ko pag may dala-dala akong komiks. Sasabihin pa sa akin "Bat ka nagdadala niyan wala ka namangmapapala diyan?!" iyong iba nama'y "laos na iyan Ragnarok na uso ngayon boy!". Iyong
Lintik pananaw ng karamihan sa bansa natin.Tingin ko'y dapat yata'y isinasakomiks na ang lahat ng babasahin sa atin eh. Di tulad ng ibang bansa tulad sa Europe, USA at Japan ay talagang malaki ang pagrespeto sa komiks. Ito'y isang uri ng sining pangkomunikasyon, tama?
Friend Wylz,
I agree. Comics is a form of mass communication. But unlike you, I do not see it as a predominantly "artform". For me, it is more of a "MEDIUM" of communication that INCIDENTALLY uses art. Example: fotonovels are usually photographs in sequence when put together with dialog and without much human artistic intervention, that to my mind they can properly be termed as comicbooks.
Now, as a medium, comics must cater to the majority, or the masses. Who are the masses? The masses do not have one brain or soul. They are composed different individuals or groups with varying tastes and preferences. Consequently, any media must cater to this diversification that is not only catered to entertainment and to children or child-like interests. Television, radio, pocketbooks, the internet, etc. caters to such diversification. Mainstream American comics on the other hand, and the few Americanized or Japanized "Filipino" comics being sold in the market today, are NOT diverse. Its evident. You look at these comics, and they do not as much try to reach their potential as a medium of communication, meaning they don't go beyond just mere storytelling for entertainment and are mostly for kids and young teenagers/young adults. Its depressing. Maturity, innovation and diversity is SCANT. It is reflective of the creative bankruptcy that characterize today's generation of Filipino comics creators (and publishers) who are more inspired by mainstream American and Japanese media. You see it not only in their mediocre and humdrum works but also in the way they talk, they dress, they look,...almost makes you want to puke, sad to say.
Malaki ang respeto ng komiks sa ibang bansa pagkat ang mga taong gumagaawa ng komiks sa mga bansang ito ay di gumagaya sa gawa ng ibang bansa, nagiisip at may laman ang mga gawa nila, at higit sa lahat, hindi nila kinikilala na may limitasyon ang komiks.
Para maging tunay na medium ang comics, kailangan na dumami ang mga categories nito na cume-cater sa interes ng bawat miyembro sa isang lipunan. Makikita natin ito sa comics industry ng Japan at Europe. Hindi gaano sa U.S. at lalong BLANKO pag ibaling natin ang paningin natin sa Pilipinas.
Medium nga ang comics ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nakakalkal ng husto ang potensyal patungo dito dahil sa ang kasalukuyang henerasyon ng mga comics creators at publishers na Pilipino ay kung di nakatali pa sa tradisyonal na pag-iisip ay na-brainwash naman sila ng ga-higanteng mainstream American at Japanese media. Isa pa, mabababaw at mahina ang kanilang creative thinking, at walang tiwala sa kulturang Pilipino.
WAKAS.
Thank you! Naniniwala po ako sa sinasabi niyo. Masyado ngang makabanyaga ang ilan sa komiks ngayon. Para pa rin tayong sinasakop ng Kastila.
Post a Comment
<< Home