BAGONG PAKULO, LUMANG PORMULA
Sa pagka-curious ko na baka may makita akong bago, ay pinanood ko ang unang episode ng Captain Barbell sa Channel 7. At tulad ng dati, asa pa ako!, katulad din ito ng mga dati ring palabas na matitindi ang press release sa una pero mapapakamot ka na lang ng ulo kapag aktuwal mo nang pinanood.
Hindi ko masyadong kabisado ang kuwento ng Captain Barbell ni Mars Ravelo, pero alam ko na malayo na ang tv show na ito sa mismong kuwento sa komiks. Ang kuwento sa tv, para ka lang nanood ng Smallville, na may kasamang Spider-Man (The Movie). What else is new? Siguro dahil nga unang episode pa lang, at tatakbo pa naman ng mahaba ang kuwento. Pero pwede ba namang maging excuse ‘yun?
Isa pa sa nakita kong loophole ay ang future ng Pilipinas ayon sa kuwento. Hindi man lang nagbigay ng malinaw na background kung ano ang structure ng lipunang Pilipinas doon sa future. Ang karakter na si General ay isang mayaman at maimpluwensyang tao, kontrabida siya, pero ginawa niya ang bidang si Mr. B. Si Mr. B naman, hindi ko malaman kung kanino nagsisilbi, kay General ba o sa gobyerno ng Pilipinas? Well, baka sagutin ang mga katanungan kong ito sa mga susunod na araw.
Isa sa nakita kong mahina sa presentasyon ng palabas ang inconsistency ng overall designs—mapa-characters at environments. Ang hitsura ni Mr. B (na kahawig ng hitsura sa videogame character ng Tron) ay smooth at malinis tingnan. Ipinapakita nito na ang design ng future ay minimalist electronic age. Kabaligtaran naman ito ng hitsura ng mga tauhan ni General, particular na ‘yung character ni Ian Veneracion—na isa namang impluwensya ng industrial age kung saan maraming mga bakal-bakal na nakalaylay sa katawan, mga wires na nakalawit. Sa madaling salita, rusty at heavy metal ang dating. Ang nakakatawa pa sa role ni Veneracion bilang isang cyborg, nang pinakita na ang mukha niya ay nakalawit pa ang balbas niya—na kinulayan lang ng silver color.
Para sa akin, hindi masama na pagsamahin ang mga elementong ito—gaya ng pagiging minimalist, industrial, organic, o kung ano pa. Pero sana naman ay magkaroon ng consistency at mayroon distinguishing element na magpapatunay na ang mga characters na ito ay galing sa iisang panahon at sa iisang lipunang ginagalawan. At ‘yan ang dapat na sinasala ng concept artists ng bawat palabas. Isa sa natutunan ko sa ganitong linya ay ang awareness ko sa pagtingin sa mga designs ng Hollywood films. Sa pelikulang Star Wars, kung tutuusin ay napakalawak ng universe nito, pero kung panonoorin mo ng buong-buo, wala kang makikitang inconsistency sa designs ng beings at environments ng iba’t ibang planeta. Dahil ang vision at wavelength ni George Lucas ay nakukuha rin ng kanyang mga designers tulad nina Doug Chiang, Ryan Church, etc.
Pagdating naman sa action sequences, masasabi kong napakahina pa rin ng ating pelikula pagdating dito. 70s pa lang ay perfect na ito ng mga Chinese at HongKong films,pero sa atin, mahigit 20 taon nang nakakapanood ng ganito ang ating mga filmmakers ay hindi pa rin makuha ang techniques ng mga Chinese. Halata pa rin sa mga pelikula natin ang paglalagay ng tali kapag lumilipad, tumatalsik, o tumatalon ng mataas ang karakter. Pati ang mga pagsuntok, pagsipa at pagsangga sa mga labanan ay napak-weak ng pagkakagawa. Tinatanong ko tuloy kung may background ba ng ‘art of fighting’ ang mga fight choreographers natin o puro imagination lang kung paano ang actual na sparring sa ginagawa nila.
Mahaba pa ang tatakbuhin ng kuwentong ito at alam ko na mag-I-evolve pa ito. Hindi ko lang alam kung sa ikagaganda o sa lalong ikasasama. Baka magaya lang ito sa mga dating palabas na namatay-nabuhay-namatay-nabuhay ang mga characters para lang humaba. Na kung hindi pa magri-react ang mga naiinip na viewers ay hindi pa tatapusin ang kuwento.
Ang totoo ay gabi-gabi kong sinusubaybayan ang Love of the Condor Heroes at ang Jewel In The Palace dahil lang sa iisang dahilan. Bago ang presentasyon ng mga palabas na ito para sa akin. Mayroon ding mga loopholes pero hindi naman kasing-sama ng mga illogical na palabas natin.
Siguro ako lang ang malakas ang loob na punahin ng diretsahan ang palabas na Captain Barbell sa tv. Although marami na ring mga forums akong nabasa na marami na ring puna ang palabas dito (tulad ng ang costume daw ni Richard Guttierez ay hindi bagay sa kanya dahil ang liit ng kanyang leeg kumpara sa masel-masel na costume). Siguro kailangan ko ring mag-react dahil viewer ako. At may tendency na hindi na ulit ako manood ng pabas na ito.
Sa point of view naman ng mga nasa likod ng palabas, naiintindihan ko rin sila…noon. Pero ngayong tumanda na ako’t lahat, hindi pa rin ako naaaliw sa mga fanstasy-action-adventures na pelikula natin. Sa drama at sexually-oriented films lang talaga tayo magaling.
At ‘yung pormula na matagal nang pinangangalandakan ng marami na PARA SA MASA, hindi ko na rin masakyan. Ang masa para sa atin ay ‘yung mga taong ayaw nilang ipanood ang Da Vinci Code, ‘yung mga nababayaran tuwing eleksyon, ‘yung milyun-milyong walang trabaho ngayon. ‘Yung masang hindi na nila binibigyan ng panahong mag-isip para sa sarili, lumago, at matuto sa kanyang kinalalagyan.
14 Comments:
Sir Randy, Joseph po from Tagaytay! Kung di ako nagkakamali ikaw yung na feature sa Reader's Digest na artist! ASTIG! Mabalik tayo ke Captain Barbell, masasabi ko din na lumaki ako na may impluwensya ng komiks, napanood ko ung version ni herbet/edu na captain barbel pati na din ung kina sen. bong. and what set them apart is the costume, of course, pero kahit bago ang costume pero pareho parin ng effects at ung pagka 'cheesy' nung kwento eh parang walang pinagiba, para na rin sinabi na meron kami bagong costume kaso luma ung script at pati mga camera. di ba dapat tayong magevolve sa ganitong larangan, hindi yung nakukulong na lang sa nakaraan. hindi ko sinasabi na magaling ako pero alam ko kung ano ung tunay na maganda sa kopya, sa totoo lang tulad nyo inabangan ko dahil ang sabi sa 'pr' ng GMA7 ginastusan ang costume, so therefore siguro dapat inayos din ung scripts at effects as well pero katulad nyo din, nabigo ako, mas gugustuhin ko pang paulit-ulitin ang pedro penduko at panday. nasasabi ko din po ito dahil meron akong mga kaibigan na matatawag na creative writers and theye had the same reactions as you did. ako naman po sna lang eh pagisipan nila mabuti pati na rin nung mga tinatawag nilang 'creative writers'. creative ba yung year 2006 na eh and dahilan pa rin ng pagiging kalaban eh ang makaganti dahil pinagtawanan siya nung bata pa sila, maybe it's time to move on.
Alam nyo sa totoo lang, parang ang laki ng kakulangan sa creativity ng mga Fantaserye natin ngayon katulad ng:
Darna tv series- Angel Locsin na naging Angel Locsin na kumulot lang ang buhok at nabawasan ng damit..Madaling napagsawaan ng manonood dahil sa mga makalumang istorya at pangit na pagganap ni Angel Locsin bilang maskuladang superheroine na si Darna(mas maganda pa yung batang Narda dati na nagiging Darna...)
Sugo- Kastila at Pilipino na nagkukung-fu tapos parang lumabas pang masama ang Pilipino (Si Apo Abukay!) sa istorya?!
Panday- Isang Kargador na napasok sa komiks na Ginaya sa mga european fantasies na me samurai pa minsan. At pano naging Panday si Tristan kung di naman siya gumagawa ng Espada? Patay ng patay ng wala namang lumalabas na dugo(medyo nawalan na nga ng aral) At parang nababoy pa ang istorya ni magaling na si Flavio...
Captain Barbell tv series- Iba nga sa original na istorya ni Ravelo...Mas nagugustuhan ko pa rin yung mga lumang pelikula (kahit Bad Special FX) kaysa dito dahil sa funny side ni Capt. Barbell bilang si Enteng hindi tulad nung ginawa nilang si Teng na animoy si Clark Kent...Nakakatawa ang story nung orig na Revelo eh...At tsaka dapat kasi there's more to the story than those cool special effects kasi nga ano pa ang magandang special effects kung pangit naman at ginaya lang ang istorya katulad nung nangyari sa 2003's CB at 2004's Lastikman?
Im sorry about this na ganito kahaba ito pero dahil isa akong masugid na manonood ay may karapatan akong magkomento sa pinagagawa nilang fantaserye na madaling pagsawaan...Mas gugustuhin ko pa atang paulit-ulit na panoorin ang mga Masked Rider at Pulis Pangkalawakan...Hay!
At tsaka bukod sa hindi pa naging kanais-nais ang bagong origin ni CB na mas pinaseryoso eh ang pangit naman nung Richard G na si Teng at siya din si Capt. Barbell! Parang yung bulok na Darna tv series...Halata pa ring nagtipid eh...Biruin mo yun! Richard G na me peklat sa mukha na gagawing Barbell ang Barbanium(?) tapos itataas para makasigaw ng Capt. Barbell(!) ang mangyayari si Richard G pa rin na mawawalan lang ng peklat sa mukha at mababalutan ang katawan (lang pwera mukha na dapat nakamaskara) ng spandex na puro faked muscles at mahabang pulang kapa...Ooopps! Mukhang sobra na ako ah! Sorryy!!! Sana maging maayos ang magiging remake ni CB sa komiks kung sakali...Sana nga eh iretell nila ng maganda at di makaluma ung tunay na story, origin at concept ni Ravelo katulad ng Lastikman na sinulat ni Sir. Gerry kamakailan...
hELLO. Nais ko pong mag-comment sa sinabi ni Wylz. Isa po ako sa mga nakabasa sa lastikman ni Jerry Alangilan. For sale sa National nang mabasa ko. Hindi ko mabili dahil sa taas ng presyo, lampas P100, kaya binasa ko na lang ng libre. Sorry po pero sa version naman na ito ng lastikman, parang elitista ang dating. Mainstream Americanized, ika nga na medyo palihim. Walang emosyon. Predictable ang kwento. Formula. Tanging visual storytelling style lang ni Arnold Arre ang tila nagligtas kay Ser Jerry, sana naman maging mas creative, original at daring siya. Ganito na ba ang komiks ng Pilipino? Mahal? Pang-elitista? Me pagka-kano at manganized na? Kung ang TV e napupuna nating di orihinal ang mga gawa, ba't sa mga kasalukuyang komiks na ginagawa ng mga US trained oriented comics creators tulad ni Alangillan, e nagagawa pa ng iba na maging plastik? Sana magpaka-totoo naman tayo.
Vince
the last paragraph was well said.
Ok..Tama nga ang sinabi mo...Maging ako rin naman eh nakikita ko sa industriya ng komiks na nabanyaga na ang kultura japanized minsan at minsan americanized...Pero maayos naman ang pagkakabasa ko sa lastikman ni Gerry iyon nga lang nakakabitin puwera iyong inilabas nilang Darna...At sa tingin ko'y mukhang lumabas naman ang originality at pagkapinoy...Binalik iyong tunay na origin ni Lastikman...Paumanhin kung hindi ako maayos magsalita...
Same as Comic Industry din naman po...
Kaibigang wylz. Salamat at di ka nairita sa sinabi ko. Observasyon ko lang naman ang pinapahiwatig ko at wala ako nais na masama. Salamat uli sa sagot mo.
Tungkol sa sinabi mong sa ibang comics industry ng ibang bansa ay nawawalan na ng identity ika nga dahil sa laki ng media power ng mga kano at hapon, dahilan ba ito para itaguyod ang kasalukuyang nangyayari sa comics scene dito sa bansa? Dahilan ba ito para hindi tayo magmatapang creatively na maging orihinal at higit sa lahat, gumamit at magsalita ng wastong TAGALOG sa mga likhang komiks natin? Hindi 'yung baklang tagalog ha, o taglish bagamat malawak ang gamit ng mga nito. Corny na ba at pangit ang mgasalita ng buong tagalog pag gumawa ka ngayon ng komiks? Ipagpaumanhin sana ng lahat diyan kung sabihin ko na hindi ko ito nakita sa Lastikman ni Mr. Alangilan. Masyado na ba tayo na-brainwash sa tindi ng american at japanese mainstream media na buong-buo nating nayayakap ang kanilang impluwensiya at kultura?
Kung tutuusin, ang kawalan ng creative identity sa ngayon ng Pilipino Komiks dahil sa talamak na panggagaya nito sa mainstream media ng amerika at japan, ay symptomas, sa paningin ko, ng pagka-fracture ng ating society ngayon.
Bagsak ang ekonomiya. Kokonti lang ang nabubuhay ng marangya. Marami ang hindi nakatapos sa kanilang mga kurso. Marami wala trabaho. Mababaw at tanga ang isip ng karamihan. Resulta: fractured society at culture. Symptom: ang kasalukuyang at karamihan sa mga "Pilipino-kuno" komiks natin ngayon na walang creative identity at intelligentsia. Example: Lastikman ni Alangilan and co. Darna, Mwahaha, MangoJam, Moo moo fighter, Culture Crash, Ignition, Enchanted Kingdom, Textmen, ATX, Y2K, at kung ano ano pang "halo-halo" Pilipino-kuno Komiks na nandiyan na merong cultural at intellektwal "identity crisis".
Salamt at 'yon lang po.
Vince
Vince:
I think your comment that Filipino comics today have no creative identity or distinguishing mark is correct. It is indeed a reflection of our culture and society's loss of confidence in ourselves as a race. And if I may be so bold as to extend that thesis further, it is indeed "Filipino" nowadays, to do comics that isn't really "Filipino". What is a "Filipino" nowadays anyway?
Sure you may have those banal and inconsequential accomplishments like climbing Mt. Everest, having a famous singer, a champion boxer, and so on. But bottom line is, the Philippines is still a Third World country. Those so-called "accomplishments" are only air. Pride. But what does that give you in the long run anyway? Third World.
So I think that in today's set-up, rightly or wrongly, a Filipino comic is properly a NON-Filipino comic. It is an accurate, I think, description of Filipino comics today. No substance. All flash and air. No creative comics artists and writers, only skilled comics artists intellectually enslaved by waht you said is the mainstream american and japanese media prevalent today.
Wahoo G.
Inggit lang kayo. You're just attacking people to compensate for your impotence and inadequacies to create and publish your own comics.
You'll just live the rest of your lives reading other people's crap and bitching about it in a blog 'cuz that's how you justify your pathetic existence > intellectual masturbation.
Mukhang effective ang strategy ko a. Ang totoo kasi, kaya ako nag-post ng ganito ay para malaman ko kung may tao pa ngang pumupunta dito sa blog ko (mahigit isang buwan din akong nawala).Sabi na nga ba't ang daming reactions.
Sige ilabas nyo ang lahat ng sama ng loob nyo hehehehe!!!
Pero seriously speaking, masakit sa akin ang pumuna ng gawa ng iba. para sa akin kasi, may kani-kaniya talaga tayong trip kung ano ang gusto natin. ang dami kong collections sa bahay na films at komiks na alam kong hindi maganda sa paningin ng iba pero napakaganda para sa akin. ang bunga ng ganito e ang hindi ka pagkakasundo sa panig ng magkakaibang tao. at dito pumapasok ang intellectual masturbations. tama man o mali, masakit man o masarap, ang mahalaga ay makita naman natin ang other side of the coin na hindi natin ini-expect na sasabihin ng ibang tao.
Ako rin naman po...Patawad sa mga nasabi ko rin...Sa totoo lang, pareho din naman po ako ng nakikita ko sa komiks at fantaserye...Ang parehong industriya na medyo bumabagsak...Salamat sa mga komento...
Mr. Fuck the crabs said..
Okey, so does that mean that you find the present comics scene in the Philippines "better"?
You know, people who resort to insults and name-calling are people who don't have any valuable insights or arguments to contribute. They're usually "komikeros" I gather. :)
wala na po talagang original na komiks illustrator sa ngayon lalo mga bata pa kasi puro na sila americanized at japanized. puro mga mala-xmen at manga na ang mga dinodrowing. wala na yung mga katulad ng drowing nina redondo, coching, alcala, santana, malgapo, maniclang, etc. kakalungkot.
Post a Comment
<< Home