Monday, March 13, 2006

TRIP TO LUNETA

Parang magic ang nangyari sa akin kagabi!

Medyo sabog pa ang mga chapters para sa librong sinusulat ko about komiks. Hindi pa kasi ako makapag-concentrate sa dami ng 'raket'. Then kahapon ng umaga, binalikan kong basahin ulit ang mga naisulat ko na. Doon ko lang na-realize na mali lahat ng naisulat ko. Mali dahil parang hindi ganoon ang gusto kong gawing presentation sa libro. Masyadong pormal at academic. Gusto ko ay makaka-relate kahit hindi gumagawa ng komiks. Gusto ko lahat ng tao ay makabasa. Tagos sa puso, may humor, at down-to-earth na paglalahad.

Then bigla ko na lang naisip 'yung libro ni Ricky Lee na 'Trip to Quiapo' tungkol sa scriptwriting. Tiningnan ko ulit ang laman nu'n. Iniisa-isa ko ang bawat chapter. Naisip ko, dapat ganito kagaan pero very informative, dapat malapit sa reader ang pagtuturo.

Buong maghapon kong ni-revise ang lahat ng naisulat ko na.

Kinagabihan, naisipan kong mamasyal ulit sa Luneta. Member kasi ako doon ng 'Luneta Triva Society', samahan ng mahihilig sa trivia. Nakinig muna ako ng triviahan at debate. Maya-maya, sa gulat ko, paparating...si Ricky Lee mismo! Makikinig din ng nagti-trivia.

Sa sobrang pagka-excite ko, nakipagkuwentuhan ako sa kanya (kahit hindi niya naman ako kilala). 'Common man' si Ricky ng time na 'yun. Para lang talagang tambay na nagawi doon. Nagpakilala ako, sabi ko taga-komiks ako. Then napagkuwentuhan namin si Vincent Kua. Tapos kinuwento niya na ginagawa niya ang 'Trip to Quiapo 2' at tatlo pang libro. Tapos 'yung susunod niyang pelikula e horror. Tapos nagpameryenda siya ng Chippy at Pop, hehe. Tapos maya-maya umulan. Napakaripas na rin siya ng takbo. Hindi ko alam kung saan siya sumilong. Mahigit isang oras din bago timigil ang ulan.

Pag-uwi ko sa bahay, iniisip ko ulit ang ginagawa kong libro. Isa sa ilalagay ko sa acknowledgment page ay si Ricky Lee.

8 Comments:

At Thursday, March 16, 2006 3:23:00 PM, Blogger Unknown said...

wow ayos yun ahhh... pinagmeryenda ka ni ricky lee ng chippy hehehe... abangan ko yang libro mo dapat may complimentary copy ako dahil sa pinagtytyagaan kong basahin ang blog mo, plus nagsusulat pa ako ng comment medyo effort din heheheh.

 
At Thursday, March 16, 2006 3:37:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

hehehe...actually buong trivia boys pinameryenda niya. nagpasigarilyo pa. ala yatang magawa

 
At Friday, March 17, 2006 3:29:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Idol ko na to hehe,.. saya luneta boys din pla si KUYA RANDY (HAHA)

 
At Monday, March 20, 2006 12:49:00 AM, Blogger Rei Kyo said...

wow!ricky lee, astig....isa sa mga paborito kong writer ng pelikula at telebisyon..

 
At Wednesday, March 22, 2006 6:17:00 PM, Blogger Dennis Villegas said...

Pareng Randy, regular ba yang meeting ng mga nagti-trivia sa Luneta? Pwede kaya ako manood sa mga activities nila, interesado kasi ako sa ganyan e. Palagay mo ba sa linggo e nandun uli sila sa Luneta?
Thanks ha?
Dennis

 
At Thursday, March 23, 2006 10:12:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

hi dennis, yeah regular yun. masarap tumambay dun, ang daming magagaling, mga dating beterano sa mga quiz show, pati mga authors ng quiz books, dun na lang naglalagi heheheh

 
At Thursday, January 18, 2007 9:29:00 PM, Blogger Unknown said...

hi! napadaan lang ako. naghahanap kasi ako ng trivia about Luneta sa Internet. kailangan ko lang. Baka may alam kang kaunti. Gagamitin kasi para sa isang kuwentong sinusulat. Sana mayroon. Maraming Salamat at Good Luck sa mga adhikain!
=)

 
At Monday, January 10, 2011 12:46:00 AM, Blogger eNiLuAm said...

andun khpon ng mdling araw .. nkka'amaze ung mga nag'ttriviaq .. :) everyday b un ??

 

Post a Comment

<< Home