MINIMALIST SPACE
“Form is emptiness, emptiness is form.”
-The Heart Sutra
“Less is more.”
-Anonymous
Nang maganap ang first Japanese-American treaty noong 1853, at nang magkaroon ng demand para sa exchange of goods ng magkabilang kultura, nakaapekto ito ng malaki sa mundo ng sining ng mga Westerners.
Ang likha ng mga Hapones, tulad ng nasa ibaba, ay bumali sa lahat ng paniniwala ng mga Western thinkers tungkol espasyo (space). Kung babalikan natin ang lahat ng artworks ng West, naroon ang estrikto nilang pagkilala sa paglalagay ng detalye sa mga paintings. Masyado silang nahumaling sa teorya at pamantayan ng mga physicists tulad nina Euclid, Newton, etc. na ang mundo ay binubuo ng mekanikal na basehan.
Ang paggamit ng perspective ang isa sa pangunahing rule ng mekanikal na pagsasalarawan ng mundo. Sa paggamit nito, nagkakaroon ng sukat at mga bilang (numbers) ang distansya ng mga bagay-bagay maging ang pagtingin ng ating mata sa mga ito.
Ngunit nang makarating nga ang ilang paintings ng Hapon sa Western countries, nag-iba ang kanilang pananawa tungkol sa space. Sa Eastern philosophies, ang empty space ay tinatawag nilang ‘kawalan’. At sa Zen teachings, ang kawalan na ito ay ‘kinalalagyan ng posibilidad ng lahat ng bagay’. Kaya ang halos lahat ng Asian artworks (particular na sa Japan, Korea at China) ay nagpapakita ng kawalan sa kanilang mga artworks. Ibig sabihin, ang mga kawalang ito ay kinaroroonan ng mga bagay na tayo na sa ating sarili ang makapagpapaliwanag.
Sa representasyong ito ng mga Asians, nalalaman natin na ang mundo ay ‘organic’ at binubuo ito ng mga organic characteristics. Tayo bilang Asyano, naniniwala na ang espasyo ay nagbabago. Na ang mundo ay patuloy na nag-I-evolve. (Kahit bago pa inilabas ni Charles Darwin ang kanyang theory of evolution).
Ang paniniwalang ito ng mga Asyano ay naging impluwensya ng mga modern Western artists tulad nina Manet, Monet, Degas, Gaugin at Van Gogh.
At sa paglipas ng mga taon, tinanggap ito at binigyan ng katawagang ‘minamalism’
Ang komiks, bilang isang visual medium, ay hindi dapat kalimutan ang terminong ito. Tayo bilang komiks creator ay may responsibilidad sa ating mambabasa na ibigay sa kanila ang kuwento at mga pangyayari na kanilang mauunawaan.
Responsibilidad ng writer na magbigay ng good storytelling. Samantalang responsibilidad naman ng artist na magpakita ng good visual storytelling.
Sa point-of-view ng artist, ang visual storytelling ay ang mahusay na paggamit ng espasyo (space). At dito papasok kung kailan natin dapat gamitin ang mga presentasyong minimalism o maximalism (kung may word ngang ganito).
Ang kagandahan sa komiks, kaya nating itugma ang drawing natin sa mismong kuwento. Ang vision ng writer ay nagiging vision na rin ng artist.
Mahusay ang paggamit ni Leinil Yu ng minimalism sa Silent Dragon. Tumugma ito sa kuwento tungkol sa kultura ng Japan.
Ginamit ko rin ito sa Flying Objects na kung tutuusin ay wala naming kinalaman sa kultura ng Japan. Ngunit bakit minimalist ang naging vision ko dito?
Unang-una, ang kuwentong ito ay isang mystery. Tungkol ito sa paghahanap ng bida sa UFO sa isang ulilang bayan. At ang pinakamahalaga, ipi-print ito ng balck & white. Ang ganitong mga basehan ang naging puhunan ko para gawing minimalist ang drawing dito. Naisip ko na mas magandang gamitin dito ang ‘black is black, white is white’, wala nang in-between. Kaya malakas ang gamit ko ng itim, at malakas din ang gamit ko ng puti.
Sa mga baguhang papasok sa linyang ito ng paggawa ng komiks, masyado tayong nakatutok sa detalye ng mga bagay-bagay. May tendency na gusto nating ipakita ang lahat sa isang panel. Mula sa alikabok hanggang sa brand name ng sapatos ng isang ekstrang karakter na wala namang kinalaman sa istorya.
May mga pagkakataon na kailangan nating mag-decide sa paggawa ng drawing. At kailangang ang lahat ng possibilities ay buksan natin. Walang masama sa paggamit ng iba’t ibang approach pagdating sa art, ang mahalaga dito ay mabigyan ng hustisya ang pinaghirapan ng writer.
1 Comments:
kuya ^^ pacencia na ngayon lang ulet nakadalaw musta na po? i-lagay ko link mo sa blog ko ha? ^^
kudos!!!
Post a Comment
<< Home