MALIKHAING KOMIKS (the book!)
Sa wakas ay natapos ko na ring sulatin ang aklat na ito tungkol sa komiks. Ang totoo ay pangatlo na ito, ngunit sa kamalas-malasan ay hindi ko na inilabas ang naunang dalawa—dahil nagka-problema noon sa scheduling ng publisher, at sa takot ko na rin na ang karamihan ng mga laman doon ay immature ang content at ang iba naman ay napaglipasan na sa balita.
Ibang-iba na ang industriya ng komiks ng Pilipino sa kasalukuyan. At may kani-kaniyang opinyon na ang mga gumagawa ng komiks ngayon na aplikable para sa kanila. Ang aklat na ito ay dugo at pawis ng mga karanasan ko sa komiks, teorya at pilosopiya, at mga pangarap ko para sa medium na ito.
Ginawa kong personal ang paglalahad dito para wala nang kumontra pa kung ano ang sasabihin ko tungkol sa industriya. Kaya kung may magtatanong kung ano ang komiks (sa aking opinyon), ay isasampal ko na lang sa kanila ng buong-buo ang aklat na ito.
Hindi pa ako nakakahanap ng publisher nito, ngunit iniisip ko pa kung ako na lang ang maglabas ng pera para dito. Ano man ang mangyari, natitiyak ko na lalabas ang librong ito ngayong taon na ito.
THE MALAY MYSTERIES
Isa din sa dahilan kung bakit ilang linggo (o buwan) din akong nawala dito sa blog world ay dahil sa mga projects na hindi dapat iwanan. Tapos na ang kontrata ko sa computer game na ginagawa ko (dating War of the Worlds at ngayon ay TerraWars: New York Invasion). Sa loob ng mahigit dalawang taon ay nakatali ako sa pagiging game developer, ngunit marami akong natutunan, hindi lang sa technical sides ng computer arts (graphics, 3d, etc.) kundi sa pakikisama na rin sa mga taong first time ko lang din nakilala na ngayon ay malalapit ko nang kaibigan. Malaki ang potensyal ng game na ito na makilala sa gaming world. Kung ako ang tatanungin, gusto ko pang gumawa ulit ng isa pang computer game, marami pa akong gustong malaman sa linyang ito.
Ang komiks na ginagawa ko sa kasalukuyan ay ang ‘The Malay Mysteries’. Nakakatawang nagdadadakdak ako sa blog na ito tungkol sa komiks ng Pilipino pero matagal-tagal na rin akong hindi gumagawa ng komiks.
Well, kaya ko tinanggap ang project na ito ay dahil sa magagandang dahilan. Ang kuwento ay may kinalaman sa Malaysian folklores na kahawig na kahawig ng sa Pilipinas. Ang writer nito na si Jai Sen ay isang mahusay na book author na naisipang mag-try magsulat sa komiks. Ito ay inilabas ng Shoto Press, isang Japanese independent publisher. Ang regular artist nito ay isang Malaysian. At higit sa lahat, ito ay nominated sa Eisner Award noong 2003.
Guest artist lang ako dito ngunit malaking karangalan sa akin na maka-team ang mga taong iba ang pag-iisip tungkol sa medium ng komiks.
Dito sa Pilipinas, ang kailangan natin para mapaunlad ulit ang industriyang ito, ay hindi ang mga ‘geeks’ at mga ‘nerds’ na walang pinag-uusapan kundi malaki ba ang suso ni Darna o kaya tuli na kaya si Captain Barbell? Para mapasigla ulit ang medium na ito, ang kailangan natin ay mga ‘visionaries’. At higit sa lahat, may puso para sa komiks.
SULAT
Sumulat dito si Ardee, dating editor sa GASI at anak ng kilalang writer na si Elena Patron. Ito ang nilalaman:
"Isa ako sa mga tinaguriang "Jollibee Editors". Ngayon ko lang nalaman na ganoon pala ang tawag sa batch namin. Anyway, hindi ko na rin masasabing baguhan ako sa industriya noong maging editor ako dahil "exposed" na rin ako sa Komiks. Komiks ang bumuhay sa akin at ang nagdala sa akin sa unibersidad. Dahil sa aking ina na si Elena Patron ay natuto akong magmahal at magmalasakit sa industriya. Nakakalungkot nga dahil ang mga araw ko sa GASI ang masasabi kong pinakamakulay at masaya. Sana ay mabuhay muli ang industriya. Mabuti nga at inilalabas ngayon ng ABS-CBN ang seryeng KOMIKS at hanggang dito sa Amerika ay aking napapanood sa pamamagitan ng TFC ang ilang mga serye at nobelang aking nakatuwaang basahin. "
Ang totoo, dahil naging editor ako ng komiks noong mga huling hininga na ng Kislap Publication, ang dapat na itawag sa akin ay ‘turo-turo editor’. Kung ano kasi ang ituro ng may-ari, iyon na lang ang sinusunod ko.
Mas masakit pa nga ‘yung nangyari sa akin. Mahal na mahal ko ang komiks, pero nu’ng time na ‘yun e napipilitan lang akong gawin ang trabaho ko para sa sweldo.
Kaya sa paglipas ng panahon ng pagbagsak ng komiks, naglabasan na ng mga sisihan. Sinisisi ng writer at artist ang editor. Sinisisi ng editor ang writer at artist. Sinisisi ng publisher ang ekonomiya. Sinisisi ng mga ahente ang publisher.
Pero na-try niyo na ba nating sisihin ang mga sarili natin?
Hmp! Ayoko na ngang mag-isip ng mga ganyang bagay. Makapag-coffee break na nga lang.
Teka…pwede bang mag-softdrink kapag coffee break?
6 Comments:
This is something to look forward to, Randy. Akala ko nailabas na para makakuha ako ng kopya pag- uwi ko ngayong June... Pero sana matuloy na.
Thanks Rey, niri-review na ito ng isang publisher.
^^ galing nman~~~
well written...except that this is far from the truth...you guys are funny...live a little! such a waste of time. ha ha ha
to ardee,
sori sir, ngayon ko lang nabasa ulit itong post ko, nakalimutan kong i-insert ang mismong sulat mo sa akin (ouch). ipagpaumanhin po ninyo. ang nagnyari ay naituloy doon mismo sa sulat ko. ang labas tuloy ay yung sulat ko e parang naging sulat ni ardee (grrrr)
nailagay ko na ang sulat ni ardee sa article na nasa itaas, kung hindi pa nag-react si anonymous (na ang ginamit pa ay randy din) ay hindi ko mapapansin. pasensya na po.
Post a Comment
<< Home