SKETCHING FOR A CAUSE
Isang magandang project ang naisip ng Concerned Artists of the Philippines. Isa ako sa naimbitahan na sumama sa isang sketching session na ginanap noong nakaraang June 2. Naka-pose sa harapan ng mga artists ang mga magsasaka, mangingisda, estudyante, propesyunal, at iba pang uri ng tao sa lipunan. Hindi biro ang event na ito dahil naging gathering na rin ng mga sikat at mahuhusay na pintor ng bansa. Mas maraming dumating na mga social-realist artists dahil ito ang forte nila.
Ang lahat ng mga drawings at paintings na ginawa ay ipagbibili at ang lahat ng kikitain ay ibibigay sa pangangailangan ng mga mahihirap nating kababayan.
Magkakaroon pa ulit ng ganitong mga sessions at bukas ang CAP na mag-imbita pa ng mga artists para dito. Magpo-post ako dito kapag may mga susunod pang activities tulad nito.
Puwede ring mag-email sa concerned_artists_phil@yahoo.com
KOMIKS AS ART?
Dinalaw ako noong isang araw ng dating kasamahan sa ‘pakikibaka’. Active member din siya ng Concerned Artists of the Philippines at madalas na ang exposure niya ngayon pagdating sa sining—mapa visual arts, films, music at theater—ay social realism.
Dati rin akong social realist pero dahil sa experiences ko as a commercial artist (at bayaran para mabuhay) pero mahilig magbasa ng mga libro tungkol sa history at theories ng art, na may kahalong personal na kabaliwan, nalaman ko sa sarili ko na mas surrealist-leaning ako ngayon.
Kung magpipinta ulit siguro ako ngayon, ang message na gusto kong iparating sa viewer ay hindi ko ibibigay ng harapan at direkta (social realists). Masyado akong fascinated sa imagination at thinking process ng isang tao. Gusto kong matuto siyang umunawa sa mga messages na hindi parang kanin na isusubo sa kanya. Gusto kong magkaroon ng ‘intellectual masturbation’ sa sarili ang viewer kung ano ang pakahulugan niya sa art na nasa kanyang harapan.
Para sa akin, ang direktang message na ibig ipakita ng artist ay mayroong particular na ‘target market’. Halimbawa, ang isang painting na makikita ang mga magsasakang nagra-rally, maaring maka-relate dito ang isang mahirap at ordinaryong manggagawa. Ngunit kung ipapakita mo ito sa isang tulad ng boss ko sa Makati na tumira ng matagal sa New York, USA at may malaking bahay sa Forbes Park, mapapailing lang siya. “Leftist!” Maaring ito kaagad ang reaction niya.
Sa aking pananaw, ang mga interpretations ng viewer sa isang art ay magdi-depende kung ano siya. Relativity!
Ang tingin ng pulubi sa litsong baboy ay pagkain. Sa mayaman naman ay cholesterol. At maari din na ang tingin naman dito ng relihiyoso ay isang santo na dapat sambahin.
Nang makita ng kaibigan ko ang mga original komiks pages na naka-displey sa dingding ng working area ko (kasama sa mga naka-displey ang gawa nina Hal Santiago, Mar Santana, Jun Borillo, Nestor Malgapo at Nestor Redondo), naitanong kaagad niya. “Anong tawag sa style na ‘yan?”
Sabi ko, “Komiks art. Pen & ink.”
Nagulat ako dahil iba ang pananaw niya sa art ng komiks. “Napaka-sensual pala ng art ng komiks. Ngayon lang kasi ako nakakita ng original na ganito. Hindi siya bastos pero nararamdaman ko na may libog siya. Ibang klase ang dating niya sa akin.”
Sa puntong ito, may natutunan ako sa ibang klaseng pagtingin sa art ng komiks.
4 Comments:
Nge! Comics is just comics no...For kids...
nge! sino naman nagsabi sa yo? nakabasa ka na ba ng komiks nina pablo gomez, elena patron, gilda olvidado, carlo caparas? local pa lang yan.
pag international, itatanong ko kung nabasa mo na rin ang komiks nina art speigelman, will eisner, neil gaiman, alan moore?
Hoy, Fuck the crabs!
Kung ang tingin mo e, pambata lang ang komiks, e ikaw ang CRAB! PAK U!
Mr. V: Tungkol sa comment 'nyo na kokonti lang ang mga pambata ngayon (o pan-teenager) na komiks, ay hindi po ako agree. Look: Enchanted Kingdom, Charm, Moo Moo Fighters, DC Kids, DC Superheroes, Walt Disney, Darna, Lastikman, Cast, 'yung mga xerox na manga (gaya) na "indie-kuno", at marami pang iba. Talamak ho ngayon ang mga "kiddie' komiks na binebenta sa pinoy na gaya-gaya sa US comics at Anime. Bakit ang dami-daming nagbubulag-bulagan dito? 'Tang nang mga crabs yan, o! :)
-anonymous
Hey easy lang...hehehe...puso mo.
Tungkol dun sa sinasabi mong mga pambatang komiks na lumalabas ngayon, yeah, agree ako dyan. Sila na nga ang makikita natin sa present market ngayon. Pero kung pag-uusapan natin ang komiks industry ng filipino as a whole,wala pa sa 1/8 ang mga komiks na lumalabas ngayon sa dami ng lumalabas noong early 90's and before pa. at ang karamihan ng komiks noon ay hindi pambata (kundi pang-masa)...Filipino Komiks, Lagim, Shocker, etc. etc. etc. at sangkatutak na etc.
Post a Comment
<< Home