Monday, June 12, 2006

KUWENTO

Sabi ni Gary Granada sa intro ng isa niyang album: “Ang tao ay hindi lamang religious at political being, siya rin ay created for endearment. Ibig nating lumingap, at ibig nating lingapin. Sa madaling salita, madrama.”

Ang malaking bahagi ng kuwentong Pilipino ay madrama. Nakatatak na sa atin ang mga kuwentong emosyonal mula sa mga libro, tv shows, pelikula, radyo at iba pang media. Likas sa atin ito. Dahil tayong mga Pilipino ay maalalahanin, magalang, mapag-aruga, mapagmahal at romantiko. Ang mga katangiang ito ang dahilan kung bakit nakaka-relate tayo sa mga sitwasyong nakakapagpalambot ng ating puso.

Ang mga pelikula nina Lino Brocka, Ishmael Bernal, ang mga kuwento nina Lualhati Bautista, Ricky Lee, ang mga komiks nina Pablo Gomez, Elena Patron, Gilda Olvidado, iyan ang resulta ng tunay na damdamin ng karaniwang Pilipino.

Sa kabuuan, ang mga kuwentong ito ang itinuturing nating ‘may puso’. May puso ang kuwento kapag naiiyak tayo sa mga eksenang nakakaiyak, tumatawa sa mga eksenang nakakatawa, nagagalit sa mga eksenang nakakagalit. Ibig sabihin, nakukuha tayo ng buong-buo ng kuwentong ating pinanonood o binabasa.

Sa kabilang banda, ang kapatid ng kuwentong ‘may puso’ ay ang kuwentong tinatawag na ‘may utak’. Sa mga kuwentong ito, sinusubok ang ating kakayanan, ang estado natin sa buhay, at ang abot ng ating pang-unawa at pag-iisip. Mas malaking bahagi ng mga kuwentong ito ang madalas kong makita at mabasa sa gawa ng mga Westerners. Sa mga pelikula pa lang, kahit fantasy ay logical, nakukundisyon tayo na dapat natin itong paniwalaan dahil may matibay na basehan at eksplanasyon. Masarap panoorin ang mga palabas na CSI o kaya ay X-Files, nakakapag-exercise ang isip natin.

Hindi ko alam kung may teoryang ganito: Bakit ang mga kuwentong ‘may puso’ ay karamihang nagmumula sa mahihirap na bansa? At bakit naman ang mga kuwentong ‘may utak’ ay karamihang nagmumula sa well-developed countries? Dahil ba sa kalagayan ng mga mamamayan nito? Gaya rin ng mga katanungang: bakit ang dami-daming relihiyon at pinaniniwalaang ‘Diyos’, ‘Tagapagligtas’, ‘Manunubos’ ang mga mahihirap na bansa? Wala na ba silang pag-asa kundi ang mga ‘celestial beings’ na ito?

Gawin pa nating mas particular: Ang mga nagsusulat ba ng mga kuwentong ‘may puso’ ay ‘yung mga taong may masakit at mapait na karanasan sa buhay? Gusto ba niyang I-share ‘yung emotion, at ‘yung lesson na natutunan niya sa mga karanasang ito?

Samantala, ang mga nagsusulat ba ng mga kuwentong ‘may utak’ ay iyong stable ang emotion? Aware nga kaya sila sa feelings ng sensitiveness ng isang individual?

Anu’t anupaman ang kasagutan sa mga tanong na ito, isa lang ang malinaw, ang kuwentong ating pinanonood at binabasa ay nagiging repleksyon ng ating sarili.

Gusto ko ang mga kuwentong may mabababaw na plot. Nakakaaliw ang mga pelikulang kung-fu na nagliliparan at nagtatalsikan sa mga suntukan at sipaan. Ang mga kuwentong ito ay nakakapagpasaya ng panandalian.

Ngunit ang mga kuwentong ‘may puso’ at ‘may utak’ ay mga kuwentong nagiging bahagi na ng buhay ko as a reader at viewer. Ang mga kuwentong ito, kahit ilang taon na nating napanood at nabasa, nakatatak pa rin sa ating isip.


Isa sa paborito kong komiks na ‘may utak’ ay ang Watchmen ni Alan Moore. Bawat isang issue nito ay naghahamon sa reader na mag-isip kung ano ang mangyayari sa susunod.


Isa rin sa gusto kong komiks na ‘may puso’ ay ang American Splendor ni Harvey Pekar. Nararamdaman ko ang emosyon ng writer at mga karanasan niya sa buhay sa bawat issue nito.

8 Comments:

At Thursday, June 15, 2006 9:27:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Ang mga gawang komiks po ba ng henerasyon ngayon na pinangungunahan nina Gerry Alanguilan atbp. ay masasabi ba nating "may puso", "may utak", o "waste(d) of time"?

 
At Wednesday, June 21, 2006 6:03:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Palagay ko po ay karamihan sa mga komiks ng Pilipino ay hindi ma-drama kundi MELODRAMA. Magkaiba po ang tunay na drama sa melodrama.

Sa drama, me logic ang tema at pacing ng istorya. Sa melodrama naman, walang logic halos, sapagkat ang pakay ng kwentong melodramatic ay ang makapag-elicit ng emotional reaction sa audience sa bawat eksena. Halimbawa ng melodrama ay ang zarzwela, ang karamihan sa mga soap opera o telenovela o "fantaserye" na napapanood natin sa t.v. na dahil sa melodrama ay di na halos kapani-paniwala minsan at overacting pa minsan. Ganito rin ang karamihan sa mga komiks noong araw, at lalong-lalo na ngayon. Sana walang masaktan kung sabihin ko na ang mga gawa nina Gerry Alanguilan, Arnold Arre, Marc Dimaano, Reno Maniakis, Gilbert Monsangto, Budgette Tan, at marami pang iba, ay me melodrama at contrived ang mga story situations para lang makapag-elicit ng emotional response.

 
At Thursday, June 22, 2006 12:25:00 PM, Blogger derrick macutay said...

paano b to prof randy....
Palagay ko ko ang mga gawa nila k gerry et al ay may puso,may utak at hindi waste of time gawin at basahin. Pinagpaguran yan ng mga artists/writers..masasabi lang cguro ng isang tao yan kun cya ay walang puso,utak at nagsasayang lang ng oras bumili at bumasa ng gawa ng iba na pinagpaguran ng husto.
Ang komiks nga ngayon ay melodramatic kumpara sa mga nauunang henerasyon. Bawat panahon ay nagbabbago ang anyo ng pamamaraan ng pagsusulat base sa karanasan ng mga writers at artists. Ang melodrama ay masasabi nating eksahersyon ng emosyon ng mga characters..pero magkaiba ang treatment na ito sa komiks at televesion,na mas kinakikitaan ng ganito sa mga drama sa tv upang mas maabot ng masa kaysa sa komiks.Makabagong medium pero d nagbabago ang pormula ng pagtrato ng melodrama. Kung walang eksahersyon sa komiks palagay mo ba mapalalabas ng writer o illustrator ang emosyon ng character na mas kapanipaniwala? ang zarzuela namn ay melodramatic hindi dahil walang logic ito...karamahihan sa zarzuela ay mga komedya at musicals na kailangan naman talagang iexxagerate upang ilabas ang tunay na emosyon at diwa ng palabas(spanish era pa lang ito)pag dating nman ng mga amerikano,ang zarzuela ay naging pamamaraan ng mga nasyonalistikong pilipino upang ipahayag ang kanyang damadamin laban sa mga mananakop...paano naging melodramatic un?heheheheibig sabihin walang logic ang mga pinoy freedom fighters?aaa.... over acting ang mga pinoy?
In fairness naman sa mga gawa ng mga makabagaong dibuhista, gumagawa sila ng mga istorya na lihis sa normal na takbo ng buhay,totoo marami clang nakikitang kadramahan ng mga pinoy at pinas...alin sa tatlo....makikita mo lang sa mababaw na pananaw ang mga gawa nila o may makita kang konting mensahe o manonood n lang ako ng sine kaysa bumile ng komiks.Bahagi n ng mga writers at artists ang maglabas ng mga emosyon mapadrama o melodrama at nasa tumitinggin na yun kun isusuka nya o hindi..kanya kanyang opinyon lang yan.
Inom tayo randy!
Ilabas mo uli un mga articles mo sa art history,aestethics,art appreciation at history of philippine komiks.

 
At Thursday, June 22, 2006 2:35:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

yan ang mga comments na gusto kong marinig. at least may natututunan ako sa ibang point of view. o di ba ang sarap.

 
At Friday, June 23, 2006 6:45:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Derrick,

Salamat sa iyong comment, DERRICK. Pero makakagawa ka naman ng maayos na komiks na walang exaggeration o illogical na ka-dramahan. Nariyan ang From Hell o V for Vendetta ni Alan Moore, Sandman ni Neil Gaiman, Blankets ni Craig Thomas, Persepolis ni Marjane Satrapi (na laging binibida ni Ser Randy), Mort Cinder ni Breccia, Lone Wolf and Cub, Strangers in Paradise ni Terry Moore, MAUS, at marami pang iba.

Ang pinupunto ko dito, e sobra na ang mala-pormula na melodrama. Ang LASTIKMAN na pelikula (at Komiks ni Alanguilan), melodrama kung napanood mo. Ito ba ang gusto nating ipagmalaki? Bagamat marami ang mga fans ng melodrama, hanggang dito na lang ba tayo? Ito ba ang limitasyon ng Pilipino Komiks? Kailan pa ba tayo magma-mature? 21st century na, andyan pa. Oo ngat pinagpaguran nilang gawin ang mga melodramang mga komiks nila, pero melodrama pa rin e. Pormula. Predictable. Walang pagbabago. Ang innovative lang 'yung mga foreigner. Elmer the chicken, kung basahin mo melodrama, e sa hanggang "angst" lang ang alam na tema ni Alanguilan. Parang galit lang ang komportableng emosyon ni Gerry. Kung basahin mo ang first issue ng ELMER, parang improvised version ng early issues ng HOWARD THE DUCK (Melodrama din ang Howard ha?) 'Yung Harimanok din na Pinoy komiks series dati, Melodrama. Contrived. Me puso at isip ngang inilaan sa pag-gawa ng mga melodramang komiks na ito, pero hanggang doon lang. Naisasawalat lang ang kakayahan o "skills" ng pinoy comics creator sa pagsulat at pag-drawing at hindi ang creativity o panibagong substance o innovativeness na gumawa ng isang obra na maaari mong sabihin na pang-Pilipino, naka-konekta at napapanahon. Ang nangyayari, pataasan lang ng ihi, sorry to say.

Pilipino komiks ba ito kung Ingles ang pananalita? Pilipino komiks ba ito kung ang mga tema at sitwasyon na tinatalakay sa kwento ay hango sa kultura at media ng ibang bansa? Isa pa, masasabi mo bang Pilipino komiks ito kung dagdagan mo pa ang gawanmg ito ng MELODRAMA? Para sa akin, bakla ang kinalabasan. Walang kasarian. Hindi ito innovative kundi "regressive". Mahina at walang tapang ang creativity. Duwag. CHICKEN.

'Yun lang.

 
At Saturday, June 24, 2006 4:03:00 PM, Anonymous Anonymous said...

What's going on here? :)

Mangaboy: Easy, lang. You have some points but as I said before, its Filipinos nowadays be and do things that are non-Filipino. Its symptomatic of our present fractured society. Hopelessness and poverty are all around despite whatever optism some polyannas out there may say.

And the very fact that the kind of comics being put out today by Filipino comics publishers and Filipinos are imitative of foreign influences is a reflection of creative bankruptcy. So, yes, its Filipino today to be a non-Filipino. A Filipino comic today is a non-Filipino comic. Its a confused mixture; a strangebrew of elements going nowhere just like our situation right now.

Today's Filpino comic is a NON-Filipino comic. Its a paradox if you get my drift. So quit bugging Gerry and co. already, hear?

 
At Saturday, June 24, 2006 8:09:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Wahoo G:

What the hell are you talking about?! Are you on crack? What's this "Its Filipino nowadays to be a NON-Filipino?"

If Filipino comics nowadays are not "Filipino" as you say, then what is it?

Confused

 
At Tuesday, June 27, 2006 8:21:00 PM, Anonymous Anonymous said...

We should not blame our artists. Artists are people too who have to live and eat. Artists do not survive on art alone. Gerry and the others like him have to earn big money and eat. What's wrong with pandering to the tastes of the economic elite anyway?

 

Post a Comment

<< Home