Wednesday, June 07, 2006

VINCENT'S FRIENDS

Ilang buwan na rin mula nang mamatay si Vincent Kua Jr. pero madalas pa ring may sumulat sa akin (pati na blog entry ko) tungkol sa kanya. Siguro dahil konti lang kami sa web world na may tribute tungkol kay Vincent (kasama sina Dennis Villegas, Gerry Alanguilan at Elvert BaƱares). 'Yung ibang mga sumulat sa akin ay mga dating kaibigan ni Vincent na wala nang contact sa kanya. Kahit paano ay nagpapasalamat sila sa space na inilaan ko dito para sa isang batikang creator ng komiks.

Sa totoo ay wala na rin akong contact sa mga kamag-anak ni Vincent. Hindi ko alam kung active pa 'yung number niya na ginagamit ng kanyang pamangkin, dahil minsan ko nang tinawagan pero laging naka-off. Wala rin akong idea kung nasaan na rin ang mga original drawings at compilation ng mga nobela ni Vincent. Pero pipilitin kong makipag-kontakan sa iba pang kaibigan ni Vincent sa industriya kung sino pa sa kanila ang nag-iingat ng ilan niyang trabaho.

Sa mga kaibigan ni Vincent, maraming salamat sa inyong lahat sa pagbabasa ng blog na ito.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home