BLOG LESSONS
Kung gusto kong magkaroon ng kakilala, mag-blog ka. Kung gusto mong magkaroong ng kaaway, mag-blog ka. Kung gusto mong may makakilala sa iyo, mag-blog ka. Kung gusto mong may magmura at sumumpa sa iyo, mag-blog ka. Kung gusto mong mag-isip ng ilang araw, makalimutan ang trabaho, masayang ang oras na wala ka namang kinikita, hindi makatulog sa tuwa, at hindi makakain sa inis, MAG-BLOG KA!
Ilang beses ko nang pinlano na iwan na ang mundong ito ng pagba-blog. Ilang beses ko na ring naisip na wala namang akong napapala rito. Puro palabas, wala man lang pakabig. Minsan naisip ko rin na puro kayabangan lang naman ang laman nito. Minsan naman naiisip ko, sa dinami-dami ng tao sa Pilipinas, ako lang pala ang gumagawa ng analysis na ganito (o kung meron mang iba e hindi naman nagsi-share).
Nagkaroon na ako dito ng maraming kaibigan na hindi ko pa nakikita hanggang ngayon. At higit sa lahat, nagkaroon ako dito ng mga kaaway.
Ang problema sa internet, hindi mo alam kung sino ang kausap mo. Hindi mo alam kung kailan seryoso at kung kailan nagbibiro. Hindi mo rin alam kung sino ang seryoso at sino ang tarantado.
Ang pinakamasakit na nangyari sa akin dito sa blog ay nang magtampo sa akin ang teacher ko. Hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit. Kung anu-ano na rin ang pinaratang sa akin ng kung sinu-sinong mambabasa nito—charlatan, poseur, siraulo at walang kakuwenta-kuwenta ang sinasabi.
Meron naman dito, ang tinitira ay ang komiks industry, meron naman ang mga artist at writers, meron din naman, iyung mismong mga trabaho ko, at ang pinakamalala, iyong personal na atake.
Naisip ko, hindi talaga nawawalan sa mundo ng taong iba ang takbo ng utak kesa sa mga nakasanayan mo.
Pero kailangan kong tanggapin ang lahat ng ito. Ginawa ko kasi ang blog na ito. Kung hindi ko ito ginawa, e di sana nananahimik lang ako sa bahay. Kesa naman nagsasayang ako ng ilang minuto o oras sa pagsusulat nito ay dapat gumagawa na lang ako ng synopsis ng isang nobela, o kaya nagbabasa ng libro, o kaya nagpa-praktis ng drawing, o kaya nag-gy-gym.
Pero ang dami kong natutunan sa blog. Hindi lang itong topic ko tungkol sa komiks. Sa blog, natuto akong bumasa ng takbo ng utak ng tao, natuto din akong maging pasensyoso, natuto akong mag-isip sa mga bagay na hindi ko naiisip dati para lang may maisulat dito.
Malutong akong magsulat, sanay akong magmura sa mga isinusulat ko, marunong din akong makipagsabayan sa mga kahayupan ng mas hayup pa sa kahayup-hayupan. Pero dahil nga hindi naman ang paghahanap ng kaaway ang purpose ko para magsulat, kaya natuto rin akong magpigil at maging disiplinado.
Gusto kong maging malinis ang laman ng blog na ito. Malinis in the sense na puwede tayong magpunahan ng kani-kaniyang trabaho pero dapat objective. Maniwala kayo, ako ang pinaka-open at pinaka-liberated at pinakamawalak ang pang-unawa na taong makikilala niyo. Sabihan niyo lang ako sa tamang paraan.
Kung makikita ninyo ako ng personal, at makikilala niyo ako ng harapan, masasabi ninyo na ibang-iba ang nakikita ninyong hitsura ko dahil sa mga pinagsusulat ko dito. Sa totoong buhay, tahimik ako, mahiyain, at hindi sanay makipag-showbisan.
Kaya sa aking mga fellow bloggers, at mga bisitang readers, pagpasensyahan niyo na minsan kung nasasaktan kayo sa laman nito, o kaya naman ay tumataba ang puso ninyo, o kaya naman ay tumatalino at bumubobo kayo. Isa lang ang ibig sabihin, kahit paano ay pinag-aaksayahan ninyo ng panahon na damhin ang laman ng blog na ito.
Pasensya na din na kung minsan ay may mga wrong spelling, wrong grammar, wrong sentence, wrong paragraph. Meron din na hindi masyadong na-edit. Meron ding nai-copy-paste ko lang dahil sa pagmamadali. May nakaligtaang pangungusap. Nakalimutan ang credit na dapat ay sa kanya. Nabaligtad ‘yung ibig sabihin. Lumihis ‘yung ibig kong puntuhin. Ibig lang sabihin nito, kina-career ko man itong pagba-blog e meron akong ‘real life’ na mas pinagtutuunan ng pansin. Kailangan kong magtrabaho para lang may makain at maka-survive sa araw-araw na gastusin. May mga tao akong tinutulungan, financially and morally.
Masuwerte nga ‘yung mga taong ipinanganak sa mayamang pamilya, o ‘yung may mga mana sa magulang, o ‘yung kahit hindi na magtrabaho kahit kailan ay may kakainin. ‘Yun bang mga wala nang pinu-problema kundi ano ang isusuot sa date nila, anong sine ang panonoorin sa weekend, anong cellphone ang in ngayon. Subukan ninyong magkaroong ng ‘tunay na responsibilidad’ sa sarili niyo at sa pamilya niyo, malalaman ninyo ang sinasabi ko.
Hindi bagay sa edad ko ang takbo ng utak ko. 14 years old pa lang ay naka-focus na ako sa gusto kong mangyari sa buhay ko. Ngayon, ang dami kong nakikita sa kalye, magsisingkuwenta na e hindi pa rin alam ang gagawin sa sarili. Kasama na diyan ‘yung mga talangka ang utak, mainggitin, tamad, hindi responsable, at kulang sa edukasyon. Ang sarap pagkakaltukan ng mga taong ito. Paano kang uunlad kung ganitong mga tao ang nakapaligid sa iyo? O kung umuunlad ka man, hindi ka tatantanan ng mga hinayupak na ito. Titigil lang sila pag nakasubsob ka hindi lang sa lupa kundi sa poso negro.
Pero alam niyo bang sa lahat ng ito ay natutuwa pa rin ako. Dito ko na-realize na kahit paano pala ay may silbi ang existence ko. Dahil kung hindi, wala nang makikialam sa akin. Para sa inyong lahat: I love you all. Tang inumin niyo, ‘wag Milo. J
(dahil kailangan niyo ng Vitamin C, hehe.)
7 Comments:
Hindi nangunguhulugan na kung walang naglalagay ng comment, ay walang nagbabasa ng blog 'nyo. Alalahanin 'nyo na marami sa ating mga Pilipino ang mahina ang pag-unawa at pag-iisip. Marami ang hindi critical ang isip at walang sariling mga pananaw. Karamihan sumasabay sa malaking agos ng karamihan. Kakaiba kayo at ng iilang blog na naka-link sa inyo. Hindi ko akalain na meron palang mga nagko-komiks na nag-iisip; ng hindi lang tungkol sa komiks ha? Kundi tungkol sa pangkalahatang mundo na ginagalawan ng komiks. Bihira po ito. Sana 'wag kayong manghinayang sa ginagawa 'nyo. Ipagpatuloy po ninyo. Kung hindi ngayon, para sa darating na panahon ang inyong mga naisulat dito. More Power.
tara randy inom n lang tayo.....! ika nga-you can please anybody but not everybody. ganyan talaga life..pagwalang kontrabida,walang bida..pag walang panabla,e d puro pato n lang tayo...pagwalang popeye,walang olive.....pagwalang wala,ano saysay ng meron....sakay lang tol at kumapit ng maige dahil pagnagpatanggay ka sa agos either lumubog ka o lumangoy k.
inom n lang tayo!
k lng yan pareng randy!araw araw akong nagbabasa sa blog mo!anyway d2 ako ngayon sa kuwait as interior designer!
hello, pasensya na at wala naman talaga akong pinatatamaan sa entry ko na ito. gusto ko lang e maging responsible tayo lahat sa mga usapan tungkol sa komiks.
derrick-
puro ka inom! kaya may tb ka na hahahah. joke! hoy may naghahanap kay rey, pumunta ka sa site ni gerry, hinahanap sya dun.
ever-
andyan ka na pala sa kuwait, di ka man lang nagsabi. kelan uwi mo?
kinasal si cocoy 2 weeks ago, ako lang ang bisita nya na classmate heheheh, saka si reg pala
ako ganito rin ang iniisip. although wala naman akong sinusulat pa (siguro) na nakasakit sa damdamin ng iba since puro personal(mostly) ang sinusulat ko.
Talagang nakakabaliw talaga itong pagba-blog, minsan naman may sumulat din dito, sinisingil ako ng utang dahil ang laki daw ng utang ko sa tiyuhin niya, galit na galit pa yung loko. e hindi ko naman sila kilala.
Tama ang mga sinabi mo Mr. Randy,,, ang makakarelate lang sa mga sinasabi at nararamdaman natin ay yung kamukha natin na may artistic instinct... 2loy-2loy mo lang ang blog mo,,, madami na rin ako nabasa sa mga sinulat mo at masasabi ko na lahat naman e may sense at kapakipakinabang. We're just good observers kaya dapat naipapaalam natin kung ano ang tama...Cheers!
Post a Comment
<< Home