Sunday, July 16, 2006

14 Comments:

At Monday, July 17, 2006 7:03:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Bakit po kailangan malaman ng taong interasado sa pagiging comics artist o writer o publisher, ang history ng Pilipino Komiks Industry na di biased at walang bahid ng censorship o bias?
May mga kilala ba kayong mga historian na gumawa na nito na di masyado nakasandal sa perspective ng isang komiks art collector?

Salamat po.

 
At Monday, July 17, 2006 8:28:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

di kita magets?

 
At Tuesday, July 18, 2006 5:11:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Kailangan po ba nating malaman ang tunay na history ng Pilipino comics industry?

Sino ang makikinabang dito?

Kung kailangan nating malaman ang tunay na history ng Pilipino comics industry, ano-anong aspeto ang dapat nating tuunan ng pansin? Dapat lang ba tayo naka-limit sa mga gawa ng mga dibuhista at writer, at ng kanilang mga karakter? Paano ang societal context ng era nang lumabas ang mga isyung ito? Ang uri ng pamamalakad ng mga publishing houses noon? Isasantabi ba natin ang mga ito?

Maraming salamat po.

 
At Tuesday, July 18, 2006 6:04:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Ang mga artist po ba na may adhd katulad ni Rob Liefeld ay may pag-asa pa bang maimprub ang sining sa pagguhit lalu na kung ito'y komiks?

 
At Tuesday, July 18, 2006 8:11:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

anonymous 1-
Ang pag-aaral ng history ng komiks ng Pilipino ay personal choice. hindi natin puwedeng diktahan ang lahat ng komiks creators na kailangan nilang pag-aralan ang tungkol sa kalalim-laliman ng industry. in addition, dahil personal choice nga ito, hindi lahat e iba-ibang aspect ng industry ang pinag-aaralan nila. karamihan ng mga artists, ang pinag-aaralan lang ay ang gawa ng mga dating illustrators. ang mga writers naman, yung mga dating writers din. pag publisher ka, ang una mong pagtutuunan ng pansin siyempre ay yung business side ng komiks noon.

 
At Tuesday, July 18, 2006 8:15:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

anonymous 2-
anong adhd? di kita magets.
hindi ko alam ang kuwento ni rob liefield kaya hindi ko alam.

 
At Wednesday, July 19, 2006 8:01:00 AM, Anonymous Anonymous said...

anonymous begs for MOAR

 
At Wednesday, July 19, 2006 1:44:00 PM, Blogger erwinc said...

galing nito Randy ha... san ba mapa-publish 'to. siguradong proud dito si Mang Hal at ang buong batch 1988 ng Art Nouveau, kung nasaan man sila...hehehe.

 
At Wednesday, July 19, 2006 6:37:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

thanks erwin. hindi ko nga matandaan ang mga classmates natin, gusto ko silang mameet talaga. naabutan mo ba si elmundo garing? nakuha ni mar macalindong ang ym niya. kaso di ko matyempuhan. gusto ko ring makausap. nasa amerika yata sya ngayon, nagwu-work sa animation.

 
At Thursday, July 20, 2006 7:46:00 AM, Blogger erwinc said...

di ko na inabot si Garing pero na-meet ko sya sometime in 1994, mga ilang beses ko ding napasyalan dun sa boarding house nya sa Quiapo. Madaming koleksyon yun, halos karamihan ng Prince Valiant ni Mang Vir sya ang nakabili. Pa-send naman ng YM ID nya sa cruzifix_e@yahoo.com, yan din ang gamit ko sa YM. thanks.

 
At Thursday, July 20, 2006 5:45:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Kung gayon, kung ikaw ay isang comics artist tama lang na 'wag mo nang pansinin ang aspeto ng pangangalakal?

Kung ikaw'y interasado naman sa pangangalakal ay tama lang na wag mo namang intindihin ang ebolusyon ng sining sa komiks?

Siguro mali po ako pero, kung ang mga tila magkahiwalay na mga interes na ito ay di maiintindihan ng magkabilang panig, ay hindi ba't maaring lalong lumalim ang di pagkakaunawa ng sining at pangangalakal? Kaya nga tinawag na comics "industry" dahil hindi lang ito art kundi pati komersyo, hindi po ba?

"Commercial art" ang involved ika nga. Nakasalalay ang buhay ng isang comics creator at publisher sa aspeto ng "pangangalakal"; sa paglalako ng "komiks" para mabuhay siya. Ang pagiging comics creator at ang paggawa at pagbenta ng komiks ay 'livelihood' din, hindi po ba?

Wala po akong sinasabi o hini-hint na dapat diktahan ng malaliman na pag-aaral ang history ng comics industry sa Pilipinas. Ang pinupunto ko lang, ay ano naman ang consequences kung hindi naman malaliman ang pagtingin natin sa history na ito?

Mas mabuti ba na limitahan natin ang pagunawa natin sa history ng Pilipino comics INDUSTRY? Ang art at commercial aspects nito ay may hiwa-hiwalay na mga departments tulad ng nabanggit ninyo? East is east and never the twain shall meet?

May hiwalay na history para lang sa Pilipino comics "art" history at may hiwalay naman na history para sa Pilipino comics business? Kailanman ay walang ugnayan ang dalawa?

Dapat ba na habambuhay na lang nakatuon ang comics creator sa "art" aspect? Kung gayon, kaya pala maraming Pilipino comics artist NGAYON ang walang trabaho bilang comics artist at writer sa SARILI NIYANG BANSA. KARAMIHAN NAGTATRABAHO PARA SA COMICS, ANIMATION, AT GAMING INDUSTRY NG IBANG BANSA. Kung ang publisher naman ay habambuhay nakatuon sa komersyo, 'wag na lang tayo magtaka kung bakit hanggang ngayon, maliit ang respeto nila sa "sining" ng mga Pilipino sa comics at pipitsugin ang binabayad ng mga businessmen na ito sa mga Pilipino comics creators.

Inuulit ko po: wala po akong dinidikta kung ano ang dapat tuunan ng pansin sa history ng Pilipino comics industry. Ngunit kung patuloy ang di pagkakaunawa (ng malalim) sa sining at pangangalakal ng Pilipino comics; ang di pagkakaroon ng isang ika nga'y "holistic history" ng Pilipino comics industry, ay wag na lang tayo magtaka kung bakit hanggang ngayon, bagsak ang industriyang komiks sa Pilipinas.

Ito po ay isang wari na kumukulit sa isip ko matagal na, dala marahil ng kadalasang bisita at pag-appreciate ko sa mga datihan ninyong entries dito sa blog 'nyo. Dati po akong sumusulat komiks at ngayo'y nasa ibang propesyon dala ng matinding pangangailangan sa pera. Nandoon pa rin ang pagnanasa ko na sana bumalik sana ang dati nating industriya. Nakapanghihinayang. Pati ang mga kabataan ngayon, hindi alam at hindi nawawari ang nawawalang "legacy" ng industriyang ito. Sayang.

Sana po ay hindi ako nakasakit ng ninumang damdamin sa inihayag ko dito sa blog 'nyo, Mr. Randy. Salamat po sa pagkakataong naibigay ninyo sa aking makahayag dito sa blog 'nyo.

 
At Sunday, July 30, 2006 4:41:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Great drawing! KILLRAVEN RULES!

 
At Friday, August 11, 2006 3:46:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Keep up the good work. thnx!
»

 
At Wednesday, August 16, 2006 1:05:00 PM, Anonymous Anonymous said...

I really enjoyed looking at your site, I found it very helpful indeed, keep up the good work.
»

 

Post a Comment

<< Home