Friday, July 14, 2006

DRAWING QUESTIONS

Tatlong tao na ang nag-email sa akin tungkol sa pagdu-drawing. Ito ang mga tanong nila:

Ano po ba ang sekreto niyo para gumaling sa pagdu-drawing?
Gumagamit ba kayo ng models, halimbawa ay baril, kotse, etc. para kopyahin?
Ano po bang ginagamit niyong lapis o kaya ay pen?

Ito ang mga sagot ko:

Ang totoo niyan ay hindi na ako naniniwala sa panahon ngayon na mayroong sekreto pa sa pagdu-drawing. Lahat na ng techniques at paraan ng mga great masters sa pagdu-drawing—noon ay ngayon—ay itinuturo na kahit saan. Ang dami nang libro na nagkalat sa bookstores, ang daming tutorials na puwedeng I-download dito sa internet, at ang dami nang workshops at eskuwelahan na puwedeng puntahan.

Ang kailangan na lang pagtutuunan ngayon ng estudyante ay ang pagtitiyaga sa pagpa-praktis. PRACTICE, PRACTICE, PRACTICE. Iyan ang pinakamahalaga sa lahat. Aanhin mo ang sangkatutak na technique at tutorial kung hindi mo ito ina-apply ng aktuwal? Ako nga, may panghihinayang sa sarili ko. After kasi na mag-quit ako sa komiks noong early 90s, itinigil ko na rin ang pagpa-praktis ko sa pagdu-drawing. Napunta ako sa kung anu-anong career. Naisipan ko lang ulit hawakan ang lapis noong year 2000. Biruin mo ‘yung mahigit sampung taon kong nawala sa pagpapaunlad ko pa sana sa pagdu-drawing. Honestly, naghahabol pa rin talaga ako ngayon. Hindi ako tumitigil sa pagpa-praktis. Sa katunayan, magugulat ka sa dami ng sketchpad ko sa bahay, lahat ‘yun puro praktis ang laman.

Technically speaking, Yes, gumagamit ako ng references lalo na doon sa mga bagay na hindi ko kabisado. At naniniwala ako na kahit ang mga great masters ay gumagawa rin nito. Lalo sa linya ng pagiging komiks artist, hindi puwedeng wala kang reference. Kapag hiningian ka ng drawing na ang eksena ay noong 17th century, kailangan mo talagang maghanap ng kokopyahan.

Mayroon akong dalawang technique kung paano kumopya. Ang una ay ang pagkopya ko ng aktuwal. Halimbawa, naghahanap ako ng pose ng isang magandang babae, maghahalungkat ako sa magazines at maghahanap doon ng magandang shot at iyon ang kokopyahin ko. Kagandahan sa technique na ito, nahahasa ang awareness ng mata ko. Napagkukumpara ko ang layo ng mata sa kilay, halimbawa. O ang lapad ng balikat kumpara sa balakang.

Ang ikalawang technique ko ng pagkopya ay sa isip. Dito, nahahasa ang pagiging palatandain at imagination ko. Halimbawa, may nakita akong poster sa isang billboard, tinatandaan ko ‘yun ng husto. Kaya pagdating sa bahay, idinu-drawing ko yun sa papel. Alam ko na hindi kopyang-kopya ang nangyari pero at least nagkaroon ka ng recall doon sa nakita mo. Kaya nga ang dami kong references sa bahay. Alam ko naman kasi na lahat ‘yun ay hindi ko makokopya ng aktuwal. Kaya ang ginagawa ko na lang ay tinatandaan ko sa isip kung ano ang nakikita ko at ‘yun ang nagsisilbi kong lesson.

3. Pagdating naman sa gamit. Sa tingin ko ay walang particular na lapis o pen o papel ang ginagamit ko mula noon pa. Although may ilan akong mga kaibigan na nagsa-suggest na gamitin ang ganitong klase ng ink o ganitong klase ng cartolina. Minsan nga nakaka-discover na lang ako ng gamit na hindi rin alam ng mga kaibigan ko. Para sa akin kasi, ang materials ay secondary lang. Kabisaduhin mo muna ang craft mo, then ang materials dadating na lang ‘yan ng kusa base sa pangangailangan mo.

8 Comments:

At Saturday, July 15, 2006 2:12:00 AM, Blogger dibuho at espasyo said...

pre mustasa !langya kasal n pla c cocoy buti nman pra hindi mambabae,he,he...mga 2 weeks plang ako d2,bahala k n muna dyan basta kta nlang pag may panahon...

 
At Sunday, July 16, 2006 11:17:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

hey ver, ibig mong sabihin nasa pinas ka na? text mo ko. kita tayo. dalawin natin si cocoy sa bahay nila.

 
At Monday, July 17, 2006 5:42:00 PM, Blogger Rey said...

I had the same dillema before, Randy. Nang mag- college ako, tinigil ko ang comics drawing(personal, hindi pang- publish)and concentrated on my career. But then hinahanap talaga ng isip. So in 2002 nga, almost nine years na hindi nag drawing ng anumang comics related, i started again. And boy, was it a struggle. I have to start from scratch again since hindi sinusunod ng kamay ko ang gusto ng utak ko.

kaya yun, hanggang ngayon, naghahabol.

 
At Monday, July 17, 2006 8:32:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

tama ka dyan. dapat talaga wag kalimutang magpraktis lagi lalo na pag iba na ang career ng isang tao. ang pagdu-drawing kasi,ang tingin ko ay hindi lang basta pinagkakakitaan. para rin itong meditation. nakakasama natin dito ng husto ang sarili natin. parang nakikpag- date? hehehe

 
At Monday, July 31, 2006 9:40:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Here are some links that I believe will be interested

 
At Tuesday, August 01, 2006 4:28:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Tama yang sagot mo, lito lapid este Randy Valiente...

NGayon talaga wala ng sikreto sa pag do-drawing... Kailangan mo lang talaga ang practice, practice at practice.

Pag may sobra pang time, kamutin mo ng konti ang alaga sa baba. Dahil baka magtampo, minsan naman eh pag practisin mo din... bwahahaha Minsan ang sobrang serious eh nkaka sira sa drawing... lol

Jose Makabayan (ihi lang ang pahinga)

 
At Wednesday, August 09, 2006 1:35:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Here are some links that I believe will be interested

 
At Wednesday, August 16, 2006 2:06:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Your are Nice. And so is your site! Maybe you need some more pictures. Will return in the near future.
»

 

Post a Comment

<< Home