Saturday, July 29, 2006

PATALASTAS...baka naha-highblood na kayo...

20 Comments:

At Sunday, July 30, 2006 3:37:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Bakit walang PERA sa sketch na ito? Bakit hindi parang tabloid?

 
At Sunday, July 30, 2006 5:35:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

may pera yan, nasa bulsa ko na hehehe

 
At Sunday, July 30, 2006 11:08:00 PM, Blogger wanda, ilusyunada said...

hahaha taruzh naman ng drawing na iteklavu!! i-drowing mo din si atashi ahihihihi

 
At Monday, July 31, 2006 10:57:00 AM, Blogger Manilaboy said...

Hi, Randy:

This reaction does not pertain to what you have posted, but rather, a delayed reaction to an old post I founbd in your archives. The topic here was about storytelling.

I agree with you. The old Filipino comics were, to put it bluntly, REDUNDANT. They were sort of WYSYWYG (and the Macs were invented 30-40 years later):•D

When I was writing scripts (and drawings as well) for ATlas in the mid-70s, I always made it sure that what the captions were saying never described what was happening in the illustrations. The trick was, I always read aloud the text and let a friend hear it. If he didn't grasp fully what was happening, it was fine. I started in Atlas at the same time Vincent Kua started. Tony Tenorio wanted the both of us to work as editors and both of us declined. That time, Vincent Benjamin didn't illustrate other people's script, except mine, because we had some sort of common belief - if you will - that we should be upping the ante of the local komiks, especially during those years when Atlas would tell us to write nothing but O. HENRY (surprise ending) type of stories. When TV and Movies called me, komiks became my part time preoccupation... just for the love it. Vincent stayed, and later, he ended up going to TV anyway. He must had been so frustrated afterwards?

I like the "GAME" you mentioned about the local komiks.

Here's some for you.

Who are the writers and illustrators of the following 70s serials: TRAHE DE TRAHEDYA • KWATANG • HAYDEE, THE BROWN GIRL AND THE WHITE IDOL • BLUE BOY • TUBOG SA GINTO • STARDOOM

and another one, a komiks writer who wrote a lot of scripts and edited a lot of komiks, but not even mentioned by anyone when they discuss local komiks. He later became a film director as well. The title of the serial was:
HELGA, ISANG HAKBANG NA LUPA.
This last one could be really, really tough, Randy, but give it a shot, anyway. And I think I'm going to visit your blog every time I visit Vancouver. I kinda stay on the Queen Charlotte's Island most of the time, you know, and it is a god forsaken, desolate place. Well, you've been writing some really monumentally awesome stuff here. And I'll visit again to find your answers to the "trivial pursuit" challenge.

-Joemari

 
At Monday, July 31, 2006 11:54:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Sana maisip yan ng Gospel komiks yang mga pinagsasabi nyo.

 
At Monday, July 31, 2006 7:42:00 PM, Anonymous Gospel Komiks Publisher said...

Okey. Reaction ito sa nagsabi na kalusugan, pera at edukasyon ang pinagkakainteresan ng karamihan ngayon kaya't dapat lang tumugma rito ang komiks na gagawin ngayon. Okey.

Kung pera, bakit hindi gumawa ng komiks tungkol sa actual TREASURE HUNTING? Yung fact-based ang istilo at hindi indiana jones o lora croft na panay action, adventure, thrill, at pure entertainment. Pwedeng ipasok dito ang psychology ng mga tao pagdating sa pera, politics, at kung ano-ano pa. Sa panahon ng kagipitan quick fix ang makakuha ka ng kayamanan. Tiyak ko, patok ito sa madla. Konting research lang. Maraming magagandang kwento tungkol dito: ang Marcos wealth, ang golden buddha, ang yamashita treasure, at mga iba pang mga Philippine art treasures na naipuslit abroad at pinakinabangan ng banyaga na di alam ng bansa. Gaya ng nasabi ko, matinding research ang kakailanganin dito. Pero kung maayos na magagawa, tiyak na rerespetuhin ng readers ang effort at baka na rin lumusog ang sales.

Okey ba ang ideya na ito?

 
At Monday, July 31, 2006 8:54:00 PM, Anonymous Mario Macalindong said...

OK lang, pero hindd dapat ganito ang ilabas ng Gospel komiks...dapat tungkol sa VALUES. Marami na ngayong mga kabataang masasama ang asal(pero marami ring mabubuti).Lumalaban o pinapatay nila ang kanilang sa kanilang mga magulang(indirectly),pati na kapatid(selos,mana...inggit, atbp). Walang ginagawang mabuti para sa kapwa, makasarili at makademonyong kaisipan.

Kung paano ito malulunasan?... ito ang dapat gawin ng Gospel komiks. Wag na lang silang makisawsaw sa politika na di bagay isulat para sa komiks nila ng sa ganun ay respetuhin sila ng readers.

Tungkol sa topic na gusto mong ilabas sa komiks. OK naman, kung ito ba ay makakatulong sa mga estudyante sa kanilang pag aaral, maganda iyan.

Mas maganda kung ang ilalabas na komiks ay kung paano maiaangat ang kabuhayan ng mga mahihirap. Kapag may writer na gumawa nito at maganda...tutulungan ko siyang ihanap ng publisher.

Dati kasi ay may kaibigan akong publisher na intersado sa ganito...sayang nga dahil talagang ka close ko ang mabait na publisher, nga lang ay nagkaroon kami ng personal na problema ng writer niya at nahihiya akong lumapit ngayon sa kanya. Yung kay Randy na Pilipino komiks...doon ko sana gustong ilapit.

Payo ko sa inyo, makipagkaibigan kayo sa mga publisher .Maganda ito at wala namang mawawala sa inyo. Paano makipagkaibigan? pag aralan ninyo ito.

 
At Monday, July 31, 2006 9:00:00 PM, Anonymous Gospel Komiks Publisher said...

To Mario

Hindi ko po kayo maintindihan. Siguro ako ang me diperensiya. Ang tingin po ba ninyo sa treasure hunting e immoral? Walang values? Bakit po ganito ang pananaw ninyo? Kailan nagiging masama ang pagtrea-treasure hunt? Kailan naman ito nagiging mabuti? Bakit hindi pwedeng ganito ang ilathala ng Gospel Komiks?

 
At Monday, July 31, 2006 10:02:00 PM, Anonymous Mario macalindong said...

May VALUES? OK,maganda pala ito, pasensya na at nagkamali ako ng pagkain tindi.

Maganda itong ilathala ng Gospel Komiks!

 
At Monday, July 31, 2006 10:05:00 PM, Anonymous Mario Macalindong said...

...at sana madagdagan pa ang mga magagandang ideya na pwedeng gawing nga mga writers natin.

salamat sa iyo!

 
At Tuesday, August 01, 2006 8:15:00 AM, Anonymous Kidlat Romantiko said...

At sana magkaroon naman ng maayos na ilustrasyon ang mga drowing nila. Kaya din siguro hindi nahihikayat ang mga mag-aaral ng kanilang isipan na mabasa at magkaroon ng interes sa kanilang libreng komiks na gospel eh dahil mala-bulok na atlas komiks ang istilo ng mga artist na gumagawa dito.

Dahil para sa mga bata't hayskul, (me pang-elemntarya at me panghayskul) dapat ang estilo ng mga komiks artist dito eh naangkop sa pihikang panlasa ng mga mag-aaral na magbabasa nito.

Makakatulong din ang aking mga pinagsasabi sapagkat magkakaroon din ng interes ang mga kabataan sa pagbabasa ng komiks. At tingin ko naman makakagawa naman ang mga comic artist nito na hindi naman mala-hapon o kano ang estilo.

Naalala ko nung hayskul ako ang Gospel Komiks. Ang pangit ng pagkakasulat ng istorya tapos hindi pang-komiks ang lettering at halata mo pang signpen at pentel ang ginamit na paninta sa gawa. Kinulayan nga sa Adobe eh light lang naman na pagkulay. (tamad!)

Naniniwala din naman ako dun sa mga sinabi ni Mario Lumindog na gumawa ng Komiks katulad sa Japan na tungkol sa edukasyon, kalusagan, ekonimiya o kung ano pa mang makakarelate sa Masa na makakatulong sa kanila.

Sa ganitong paraan, naniniwala din naman ako na ma'y ikauunlad din ang komiks dahil makikita din ng masa ang kahalagahan ng komiks pagkat ito'y nakakatulong at nakakapaglibang pa sa kanila.

Subalit marami na rin naman ang gumawa nito eh na kahit iyong pipitsuging at taihan ng walang inidoro na atlaskomiks ay gumawa na nito eh. Bakit di bumenta?

Pipitsugin yung mga writer at mga Artist eh. Halimbawa na lang sa mga educational magasins tulad ng salaguinto at bato-balani may mga komiks strip dun na ang corny ng pagkakadugtong ng katatawanan at masyadong cartoony ang drowing dun na inidrowing lang sa computer. (Mas pangit pa sa gawa ni Pol Medina Jr!)

Ngayon naiisip ko tuloy kung mahihikayat din ang mga iba't ibang mga manunulat halimbawa na lang ay iyong pinagsanib na puwersa ng komiks writer at doctor na nagsusulat sa dyaryo na sumulat ng komiks na pangkalasugan, subukan na rin natin itong mabentang misteryosong writer na si Bob Ong na hitik sa Kalokohan...O di kayay yung mga sumusulat ng mga tips sa sex, edukasyon nga, siyensya, agham o ekonomiya.

At iyang nabanggit ni Randy na pocketbooks bakit hindi rin hikayatin ang mga manunulat ng mabentang nobelang ito na sumulat din ng komiks?Ang kailangang comics artist dito eh yung mala ADonis at Venus na Filipino style na katulad nina Coching, Vincent Kua Jr o Redondo upang ma-attract din ang mambabasa realistic na drowing ng nasabing komiks artist.

At hindi yung komix artist na ang kaya lang idrowing eh malaki mata, matulis ilong at baba. Diba?


Sana naunawaan niyong lahat ang mga pinagsasabi ko at walang kokontra dyan na hindi ito informed.


Correct me if Im wrong naman sa ilan sa pinagsasabi ko.

-Kidlat Romantiko-

 
At Tuesday, August 01, 2006 8:21:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Anong Kalusagan o Pangkalasagan? Kalusugan ba ang ibig mong sabihin o kaguluhan?

 
At Tuesday, August 01, 2006 10:58:00 AM, Blogger Manilaboy said...

Ang bilib ko sa iyo, Ginoonbg Kidlat Tahimik... eheste...Kidlat Romantiko pala...is this: you're calling a spade a spade. Bravo! Dapat talaga ganito tayo kaprangka, para naman MAGISING sa katotohanan ang nagbabasa. Sabagay, ni anino ng GOSPEL KOMIKS ay hindi ko man lamang nasilayan ni GAPUTOK man. Animo'y isa itong masamang panaginip na tumimo sa aking damdamin... kung gaano KAPALPAK ang komiks na binaggit mo. Subali't, datapuwa't, wala akong karapatang husgahan ang komiks na nabanggit, dahil kahi't isang issue ay wala akong nasilayan. Sina Vic at Chat lamang ang aking na-SILAYAN.

Bagay lamang sa INODORO? ganito ba talaga kapangit ito, o ginawa mo lang eksaherado para ilarawan kung gaano mo kinamumuhian ang tipo ng komiks na ito? Siguro nga'y pangit ang komiks. Puwede ring pangit sa paningin mo, nguni't maganda sa mata ng iba.

Datapuwa't, nang makahawak ako ng komiks ng Atlas na ginawa noong 90s, muntik pa akong masuka. Sa kapangitan. Gimbal akong napamulagat sa labis na pagkabigla... na ang mga drawing ay parang mga KINAHIG NG MANOK!

Ito'y nasabi ko, dahil nasaksihan ng aking mga mata, ginoong huwes... este... Marboy 2000 pala. Bakit di ka mag-post ng GOSPEL komiks para naman maunawaan ko kung ano ang tinutukoy nitong katotong KULOG ROMANTIKO, EHESTE... KIDLAT PALA... KIDLAT ROMANTIKO?

 
At Tuesday, August 01, 2006 12:22:00 PM, Anonymous Mario macalindong said...

Mr Manila boy,

hehehe,Pasensya na at mukhang hiningi ng iba ang ibang gospel komiks ko(email ko na lang sa iyo kapag may nakita akong magagandang gawa dun para makita mo).Tama ka na hindi na nga gaanong pulido ang mga drawing ng arist dito pero nung hawakan daw ito ni Mar Santana ay mahuhusay daw ang mga illustrations dito( Si Lan Medina ay parang gumawa rin dito kung hindi ako nagkakamali).

Sa tingin ko ay kinulang lang siguro sila ng mahuhusay na artist dahil nahatak nga sa ibang bansa o ng glasshouse o kay Haberlin(yung mga bagong sibol na artists).

Kung kayang tumbasan ng Gospel komiks ang rate ng magagaling nating illustrators para tapatan ng mahuhusay na gawa, palagay ko ay maibabalik ang dating magandang quality nito(noong panahon ni Mar Santana).

Hindi naman natin masisisi sila na unahin ang mas malalaking magbayad dahil bukod sa pagiging praktikal ay may pamilya rin na pinakakain sila.

 
At Tuesday, August 01, 2006 4:07:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Lalim ng banat ng mga commento! lol

Sang ayon ako dyan sa sinabi mo Mr. Manila boy.



Jose Makabayan (ihi lang ang pahinga)

 
At Tuesday, August 01, 2006 7:19:00 PM, Anonymous Fredric Wertham said...

Mga ginoo:

Lahat po kayo ay may kanya-kanyang estilo kung papaano gumawa ng orihinal at naaangkop na Pilipino Komiks ngayon. Nasisiguro ko na maganda ang magiging resulta nito. Wala kayong dapat talunan. Walang dapat mangingibabaw sa inyo. Lahat ay pantay sa mercado. Basta't orihinal na Pilipino at nagagawa ninyong palawakin ang sariling wika natin, mabuhay po kayo.

Sana lang ay magkaisa tayo sa prinsipyo na kung gagawa uli kayo ng komiks ngayon, wag 'nyong kalimutan ang mga elemento kung bakit lumago ang komiks noon: abot-kaya ang presyo sa nakararaming mahirap, de kalidad at me nasyonalismo ang mga manunulat at dibuhista nito.

Mabuhay po kayo.

 
At Wednesday, August 02, 2006 7:46:00 PM, Anonymous erwinc said...

"He later became a film director as well. The title of the serial was:
HELGA, ISANG HAKBANG NA LUPA"

Joemari, hula lang ha... si Deo J. Fajardo ba 'to? Nabanggit nya kasi na nagkomiks din sya noong araw during his Robin Padilla-film days.

 
At Thursday, August 03, 2006 10:13:00 AM, Blogger Manilaboy said...

Erwin:

Ang sumulat ng HELGA, ISANG HAKBANG NA LUPA ay si MARCELO B. ISIDRO. Ang gumuhit ay si ALEX NIñO. Ito ang panahong yung mga babae ni Nino ay may hairstyle na kung tawagin yata noong 1950's ay KISS ME. Yun bang parang may pangil na buhok sa left and right side ng forehead. Ewan ko ba kung bakit ganito noon ang gawa ni Alex :•D

HAYDEE was written by Mars Ravelo Drawn by Nestor Malgapo. Made into film by Lea Prod. Starring Hilda Koronel & Ed Finlan.

STARDOOM. Orlando Nadres/Elpidio Torres. Lea Productions. Walter Navarro, Mario Ohara, Jimmy Morato, Hilda Koronel.

TRAHE DE TRAHEDYA: Mars Ravelo/Nestor Malgapo. Tower Productions. Directed by Artenmio Marquez. Marilou Destreza, Ed Finlan, Zandro Zamora.

KWATANG: Mars Ravelo/Jim Fernandez.
Lea Productions. Divina Valencia, Roger Calvin.

BLUE BOY: Bert Bornay/Nar Castro.
Joy Productions. First Directorial job of Elwood Perez. Starring Fred Cortez, Jr.

TUBOG SA GINTO: Mars Ravelo/Vir Aguirre. Lea Productions. Lino Brocka.
Eddie Garcia, Jay Ilagan, Hilda Koronel, Lolita Rodriguez.

 
At Thursday, August 03, 2006 3:29:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

hahaha. nice trivia joem...actually hindi ko talaga alam ang mga 'yan, dahil nung panahon ko ng pagiging adik sa komiks ay yung late 70s hanggang 80s-90s na laman ng komiks. hindi ko na inabot ang panahong yan. anyways, nakita ko ang mga dati mong gawa sa komiks nang magkalkal ako, ipost ko dito sa ibang araw joemari ha.

erwin-
nagkausap na ba kayo ni garing. regular ang pag-email namin. may ym ka ba?

 
At Friday, August 04, 2006 12:27:00 PM, Anonymous erwinc said...

hi randy, di pa kami nagkausap ni garing. pakibigay na lang ng email address nya sa cruzifix_e@yahoo.com, yan din ym ID ko. thanks

 

Post a Comment

<< Home