Friday, July 28, 2006

TABLOID PHILOSOPHY

“To be an entrepreneur you have to be a visionary. You have to see how to exploit the market, how to stimulate and then supply a demand. It’s creative like that.”
-Unknown character from Brian Talbot’s The Tale of One Bad Rabbit comics

Struggle para sa baguhang publisher ang maglabas ng komiks ngayon. Magsusugal ka sa isang abstract market. Maglalabas ka ng ‘Manga’ dahil iyon ang tingin mong uso. Pero magtataka ka, nakakailang isyu pa lang ay humihina na rin. Maglalabas ka ng komiks na pa-‘artsy-fartsy’, pampa-boost ng ego. Okay lang ‘yun, sarili mo namang pera ‘yun.

Ngunit para sa isang seryosong publisher na handang maglabas ng pera para bumenta ang produkto niya, kailangan niya ng masusing pag-aaral sa market. Ang kauna-unahang pag-aralan dito ay ang kultura ng Pilipino, ang kanyang pangangailangan, ang kanyang kakulangan, ang nagpapaaliw sa kanya, ang kapupulutan niya ng aral na mayroon pa pala siyang halaga sa lipunan, ang magpapaangat ng kanyang kaligayahan.

Sa sitwasyon na nakikita ko sa mga naglalabas ng komiks sa kasalukuyan, ang mga independent publishers na ito ang gumagawa ng sarili nilang ‘limitadong ‘market’. Bakit natin lilimitahan ang market kung may pagkakataon na magkainteres dito ang lahat ng Pilipino? Wag niyo nang pansinin ang mga komiks enthusiasts, wag niyo nang intindihin ang mga geeks and nerds and weirds na teenagers. Kunin niyo ang malaking bilang ng Pilipino.

Tabloid philosophy. Ito ang hindi sinusubukan ng mga independent publishers ngayon. O kaya ay ang pilosopiya ng romance pocketbooks (ayon sa latest survey, ang romance pocketbook ang may pinakamalaking readership sa bansa, pangalawa sa mga nagbabasa ng Bibliya).

Ginawa ko ang sample cover na ito hindi para sabihin na mukhang pera ang mga Pilipino. Ginamitan ko ito ng tabloid philosophy na kung sakali mang kahit ikaw ay isang simpleng tao na napadaan sa bangketa at makita ang komiks na ito, siguradong mapapalingon ka. Kalimutan mo kung ano ang content nito, o kung sinu-sino ang mga nag-drawing sa loob. Ang mahalaga dito, sa labas pa lang ay makakuha ka na ng atensyon.

18 Comments:

At Friday, July 28, 2006 8:53:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Randy, maganda itong naisip mong topic at ideya na maglabas ng ganitong klaseng babasahin...bilib na talaga ako sa iyo. Magpameryerda ka naman!

Konting comments lang sa design ng KOMIKS MASANG PILIPINO at baka makatulong:

Mas OK siguro kung mas i- highlight mo ng konti pa ang salitang KOMIKS kesa PERA( masyado yatang bumulaga ang salitang pera sa cover design mo) dahil sa palagay ko naman ay mas marami ang nilalaman nito tungkol sa komiks at konti lang ang topic tungkol sa PERA ng sa ganun ay hindi madaya ang mga mambabasa nito ganun din sa mismong litrato ay mas OK pa rin siguro kung may litrato rin ng komiks, di ba?... O baka naman hindi pa nga ito tapos, waaa! pero bahala ka, hehe!

Maganda 'yung nakaisip gumawa ng POSPORO, kasi binibili ng mga tao sa buong Pilipinas...kasi kailangan, dahil kung hindi ay wala silang pangsindi sa kalan at sa sigarilyo.

...at sa KOMIKS, paano mapapalabas na ganito?

..at TAMA ka uli sa sinabi mo Randy dati, na wag na lang nating pag usapan kung mabaho ang singit at butas ang brief...KOMIKS na lang!

 
At Saturday, July 29, 2006 12:12:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

nilakihan ko talaga ang salitang PERA dahil puro pera ang laman nito hahahaha. joke. ihanap mo nga ako ng sponsor na magpi-finance nito. kukunin kitang kanang kamay ko.

 
At Saturday, July 29, 2006 1:02:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Sa kasalukuyan, ang tatlong pinakamahahalgahan ngayon ng mga Pilipino, ayon sa isang suryvey sa dyaryo, ay ang mga sumusunod: Kalusugan (Health), Finance (Pera or pagkakakitaan), at Edukasyon (Education). HINDI ESCAPISM O PANTASYA. Oo nga't may mga supporter at reader nito, pero kung sa dami nila ay di nila mapapantayan ang tatlong bagay na pinangangahalagahan ngayon ng mas maraming Pilipino na baon ngayon sa hirap.

Kaya, sang-ayon ako sa tabloid komiks ideya ni Randy. Pang-komersyo. Ang tanong: me mga writers at artists ba ngayon na makakagawa ng komiks content para sa mga concepts na ito?

Ang aking wari: WALA.

Bakit? Kasi karamihan sa kanila, panay pantasya ang nasa isip. Pa-niche-niche marketing sa konting mayayamang market. Pa-engles-engles na lengwahe ang ginagamit. Gaya-gaya sa mga superhero at anime comics ng U.S. at Japan. Pambata ang mga komiks at isip bata ang mga comics creators ngayon kasi karamihan sa kanila mga totoy.

Ito ngayon ang responsibilidad: Kung talagang may responsibilidad ang mga creative people ng Pilipino Komiks, bakit hindi dito ang tuunan nila ng pansin? Kasi, sabi ni Gerry Alanguilan, dapat daw hindi akuin lahat ng responsibilidad na ito ng mga comics writer at artist. Mga ammunistion daw lang sila at sunod-sunuran sa utos ng pablisher. Ows?

 
At Saturday, July 29, 2006 2:04:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Ner Pedrina(ikaw pala, hehe... 2 na kayong kilala ko pero mas pogi yung isang Gener kaya magpapogi ka na rin 'tol at... sa paanong paraan?... madali lang 'yan at gagawa ako ng komiks para dyan).

Entertainment kasi ang isa sa tinututukan ng mga writers natin (hindi illustrators dahil pwedeng sumunod ang mga artist sa dikta ng writers). Siguro ang kelangan na lang sa mga comics creators natin ay pag usapan ang mga ilalaman ng komiks na kailangang isulat sa panahon ngayon. Marami ito at tama ang ibang sinabi mo...kailangang ngang ilatag ito sa market at dahil nga kailangan nga, for example...sa education...eh bibilhin nga yang komiks na iyan kung makakatulong nga ito sa kanila. Pero dapat...TALAGANG MAKAKATULONG!

Marami sa mga Pinoy ang sakitin at 20% ng buhay nila o ng kinikita nila ay sa hospital lang napupunta. Maaring 20% din ng buhay nila ay nababawasan din dahil sa sakit.

..eh kung gumawa kaya ng KOMIKS tungkol dito. Kailangan lang na mag research ng writer at pag guide ng dalubhasa dito at...PRESTO! makakabuo na tayo ng ganitong komiks.

Yung isa ngang artist na kontak ko, dumadayo pa sa Palawan para lang kumuha ng larawan ng mga halamang gamot para sa gagawing project.

Binanggit ko ito dito dahil meron daw ganitong inilalabas na komiks sa Japan noong araw at mabili nga raw ito.

O, ano pang hinihintay natin? GAWA NA TAYO NG KOMIKS!!!

Teka at magpapakulo muna ako ng dahon ng bayabas...kumukulo yata ang tiyan ko.

 
At Saturday, July 29, 2006 5:58:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Mario:

Ako po si Gener Tablan. Sori po kung napagkamalan 'nyo ako sa iba. Kasalukuyan po akong nagtatrabaho dito sa Port Area, Manila, empleyado ng iss sa mga newspaper at magasin dealers. Tuwing alas onse ng gabi dinadayo namin ang mga dyaryo sa port area, kinokolekta at pagkatapos ay pinapamahagi/binebenta sa mga sub-agent/dealers namin sa Metro Manila. Comics reader ako ng foreign at local.

Maari po bang makapag-react?

Bakit hit sa tv ang 24? CSI? Alias? Rockstar: Supernova? The Apprentice? Mga tsismis talk shows ng Pinoy? WWF? O ang pelikulang Da Vinci Code? O ang dating X-Files?

Kung susuriin 'nyo ang mga palabas na ito ay hindi pure fantasy at escapism tulad ng mga fantaserye ng GMA at ABS-CBN.

May elemento ng realidad at katotohanan ang mga nabanggit kong mga palabas na ito. May lalim at talino kadalasan kaya compelling panoorin. Hindi ka lang naaaliw, napapaandar pa ang utak mo at may silbi ang mga "adventures" ng mga karakter. Ika nga ni Richard Donner, director ng unang Superman movie, meron itong VERISIMILITUDE.

Inapply ang prinsipyong ito sa mga Chris Reeve Superman stories, gayon din sa iba't-iba pang tagumpay na mga fantasy movies tulad ng X-Men, Spiderman, etc. Gayon din sa mga thriller novels nina Robert Ludlum, Frederick Forsythe, John Le Carre, Ian Fleming, atbp.

Ang pinupunto ko dito ay kung ang Pilipino ay gagawa lang ng pantasya, lalong-lalo na sa komiks, ay bakit halos walang virisimilitude? Bakit laging aswang at demonyo ang mga kontrabida? Bakit ang elemento ng siyensya sa mga pantasyang Pinoy, ay hindi researched at laging imbento at di kapani-paniwala?

Kung me gagawa ng komiks base sa Kalusugan, Finance o Edukasyon, pwede naman itong i-incorporate sa mga fantasy type stories nila para maging compelling. Hindi kailangang maging purely pedagogical.

Halimbawa: ang komiks na nasa isip ko ay tungkol sa isang money launderer/courier set in the late 70s. Ang ginagawa niya ay tiga-transport siya ng mga kinurakot na pera ng mga pulitiko at cronies ni Marcos palabas ng bansa. Gumagamit siya ng alias pag dine-deposit niya ang mga pera sa iba't-ibang bansa.

Magkakaroon siya ng mga engkwentro at iincorporate mo dito ang konting facts tungkol sa Phil politics, finance, health at kung ano-ano pa. Kaya ko pang ituloy pero sigurado ako na madadagdagan 'nyo ito.

Ang problema, walang writer na me RESPONSIBILIDAD at oras na i-develop ito. Lalong-lalo na ang artist sa kasalukuyan na karamihan ay lasing sa pagdo-drowing ng maskuladong anatomy ng lalaki at babae. Wala silang RESPONSIBILIDAD para i-research kung ano ang mukha ng isang ordinary HongKong diner, ang fashions ng mga tao dito, ang believable architecture ng isang money changer sa Binondo, mga mukha ng pinoy, etc.

Kadalasan, dahil sa hindi nila kaya ang responsibilidad na ito, pinagpipilit nila ang mga sariling mundo nila. Pinipilit na iba na lang ang gawin. YUNG MADALI. Fantasy. Superhero. Cartoon manga. at kung ano-ano pang excuses.

Ika nga ni Peter Parker: "With great power comes great responsibility". Pero sa mga kasalukuyang Pilipino comics artists at writers, wala daw silang responsibility ayon kay Mr. Alanguilan. Bakit kaya? Ang dahilan ba ay dahil sa ang tingin nila sa sarili nila ay wala silang great power? Well, kung susuriin natin ang tinutumbok ng comment ni Alanguilan, ang sagot ay OO. At ang pananaw na iyon ay kunumpirma mismo ni Gerry Alanguilan sa post niya.

 
At Saturday, July 29, 2006 10:59:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Gener,

Bilib ako sa inyo na ang lalalim ng nilalaman ng isip nyo at ang ikinagulat ko ay hindi ka pala talagang taga komiks pero marami kang naiintindihan sa mga bagay na halos di na namin maarok.

Maganda rin na mabasa ito ng mga taong mahilig dumalaw sa komikero(sa labas ng site ni Randy V) na hindi maikakailang pinakapaboritong puntahan ng mga Pinoy na mahihilig sa komiks. Kailangan lang ay timbangin kung nasaan ang mas may bigat at higit sa lahat ay makakatulong sa pagbangon ng industriya.

Lahat ng mga pananaw nas nababasa ko ay may pakinabang. Sa negative side, makikita mo ang depekto at sa isang banda naman ay makikita ang advantages nito. Parang pasyente, kapag nakita ng doktor ang depekto ay aalaming din ang lunas dito.

At sa opinyon at tips naman ni Gerry A( at sa kanyang website) ay hindi maikakaila na maraming nakinabang. Basahin ang tungkol sa paggawa ng komiks at iba pang mga tips na pinagpuyatan niyang gawin.Yun na lang mag upload sa website niya ay malaking sakripisyo na kaya ko nasabi ay sapagkat ako mismo ay napapagod din minsan na gawin ito ...na para lang sa kapakanan ng mga taong bumibisita rito(sa labas,sa PKMB ng Komikero).

Hindi masamang magsalita ng negatibo kung ito ay totoo, pero magsasalita naman ako kung may mga bagay na talagang makabubuti para sa marami.

...at ito ang sinasabi kong dapat mahusay din tayo pagdating sa timbangan.

Gener, salamat sa mga pananaw mo ha!...at kumain kang mabuti, mabuhay ka!

 
At Saturday, July 29, 2006 11:01:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Gener, ako yung nagpost sa huli.

Thanks!
Mario Macalindong

 
At Sunday, July 30, 2006 3:36:00 PM, Anonymous Anonymous said...

To anonymous"

*Burp* Salamat.

:)

 
At Sunday, July 30, 2006 4:59:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Nakapanghihinayang. Kung talaga ngang pinagpuyatan ni Alanguilan na mag-upload tapos sasabihin lang naman niya dito na wala talagang responsibilidad ang comics artist sa pagbangon ng comics industry sa bansa, ay sa kanya na ang blog niya. Two-faced siya. He's not promoting the rise of a comics industry to benefit all concerned. In the ultimate analysis, his blog is just there to promote HIMSELF and his works. Buksan 'nyo naman ang mga mata 'nyo. Its a marketing ploy.

 
At Sunday, July 30, 2006 5:03:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Mother Theresa:

AMEN sister! AMEN!

 
At Sunday, July 30, 2006 5:09:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Dr. Macalindong,

Paano ninyo mababangon ang Pilipino Komiks Industry? May prescription ba kayo? :)

 
At Monday, July 31, 2006 12:09:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Mother Theresa said...
Fredric Wertham said...
Jessica Soho said...
Fredric Wertham
Anonymous

Ipagpaumanhin n'yo pero malakas ang kutob ko na iisa lang ang bungo nito, hehe!

Randy, Pakitingin nga ng IP address nito? Nakikita mo ba? Pasensya na po sa inyo kung mali ako...WHEW! nalilibang na ako dito sa blog ni Randy, HAHAHA!

dIsCOhAn Na LaNg tAyO, hah :)

Okey, okey, okey di ko kayang sagutin g mag-isa iyan, sa totoo lang...tulungan na lang tayo total mahuhusay naman at may punto ang mga ideya nyo...malay natin kayo ang makalutas nmg problema ng industriya ng komiks. Sumusuporta lang ako, konting ideya, konting payo,... pwedeng sabihing ambag na 'yun.

Kung pwede sanang mas pagtuunan natin ang solusyon...yung problema, napag- usapan na iyan, di ba?

Sa gobyerno natin, hindi matapos tapos ang problema, kasi masyadong mahaba ang panahon sa balitaktakan at di pagtuunan ang solusyon. Ang masaklap ay nauuwi sa bangayan kaya hanggang ngayon ay di tayo makausad. Pero kung mas pag-uukulan natin kung paano ang solusyon, iyan ang masarap pag usapan.

Sa Japan, matapos bombahin..at wala pa yatang 5 taon...bumabangon sila, kasi sa solusyon sila nakatuon at hindi sila masyadong nakapukos sa problema... sa pulitika...kabaligtaran ito sa gobyerno natin.

Kapag paurong lagi ang banat natin(ayon ito sa napapansin ko,sori kung mali ako), hindi ito patas...pagtuunan naman natin ang solusyon. Tulungan tayo mga parekoy!

Magandang araw sa inyong lahat!!!

 
At Monday, July 31, 2006 3:09:00 PM, Blogger Reno said...

Mother Theresa, Fredric Wertham...

Kung salungat ang opinyon niyo sa ibang mga nagpo-post dito, ok lang. Feel free to voice out your opinion (like Gener Tablan). Pero huwag naman personal na atakihin ang iba.

May mga puntong tama si Gener. May mga puntong tama si Gerry. Pati si Mario meron din (na para bang nagsisilbing mediator na dito, a). Pero huwag naman manira. Kung titignan niyo, ni minsan di binastos ni Gener si Gerry. Passionate lang si Gener sa mga sinasabi niya, (gayun din si Gerry), pero di nila siniraan ang isa't-isa.

 
At Monday, July 31, 2006 8:23:00 PM, Anonymous Anonymous said...

To Reno:

Oy, Shimata! That's a first. Si Gerry ni namemersonal pag passionate? Di siya naninira pag passionate din ang kausap niya? C'MON!

Speak for yourself.

Pati ikaw, ganun din. Patalikod pa. You'll deny it?

As "Gherri" would say, "Pwede Ba? You're barking up the worng tree."

 
At Tuesday, August 01, 2006 9:34:00 AM, Blogger Reno said...

Who or what is "Shimata?"

As for me, RENO MANIQUIS, di ako naninira ng patalikod.

Sino ka ba?

 
At Tuesday, August 01, 2006 12:25:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Oi! Abah! abah! mga tinamaan kayo ng lintek!!! kaya nde na assenso bansa natin eh! mga puta kayo! ang baho na ng utot nyo ganyan pa asal nyo sa isat isa. Kung gusto nyong umasenso, wag kayong mag siraan at silipin ang butas ng may butas. Mahalin nyo bansa natin! Magkaisa kayo! itayo nyo kung ano ang dapat itayo! wag lang yang nasa baba nyo at nde tugma dito sa pinag tatalunan nyo na alang kwenta! Leche! plan...

Oi! Reno, bulag ka ba or nde maka intindi. Nde ko inaaway si Gerry hah... Comment lang to. Misan kc nde sya nag iisip na nakaka sakit sya ng kapwa nya. Though minsan may point sya, yun nga lang walang pakundangan mag salita. Kc kung nde nakasakit si Gerry nde mag post ng comment ang mga punyeta na tumitira sa kanya. Wag kayong mag isip talangka.

May kanya kanya kayong pamilya, at kaya kayo nasa comics dahil sa trabaho para kumita. Ang pag bibigay ng negatibong commento sa kapwa na ikaka sira ng isa ay nde nakakatulong. Pinag mumulan ito ng gulo tulad nalang nitong nangyayari ngayon. Kung mananahimik si Gerry at tumigil sa mga banat na nakakasakit ng iba. nde ito pagmumulan ng ganito. Trabaho nalang ang intindihin nya. wala pang away. At sa mga nasaktan, matutong magpatawad at trabaho nalang din ang intindihin.

Kahit anong gawin nyo PERA parin ang kailangan ng tao sa lahat ng bagay. Kaya okay tung idea ni Randy Valiente (Si Lito Lapid gumanap ng Valiente dibah!) hahaha


Oh! eto para sa inyo! isang essay ng koreano na nag aaral dito sa pinas.

Please pass it to all Filipinos you know.

The message goes:
As you know, we have plenty of Koreans currently studying in the Philippines to take advantage of our cheaper tuition fees and learn English at the same time.

This is an essay written by a Korean student i want to share with you. (Never mind the grammar; it's the CONTENT that counts) Maybe it is timely to think about this in the midst of all the confusion at present.

MY SHORT ESSAY ABOUT THE PHILIPPINES
Jaeyoun Kim
Filipinos always complain about the corruption in the Philippines. Do you really think the corruption is the problem of the Philippines? I do not think so. I strongly believe that the problem is the lack of love for the Philippines.

Let me first talk about my country, Korea. It might help you understand my point.
After the Korean War, South Korea was one of the poorest countries in the world. Koreans had to start from scratch because entire country was destroyed after the Korean War, and we had no natural resources.

Koreans used to talk about the Philippines, for Filipinos were very rich in Asia. We envy Filipinos. Koreans really wanted to be well off like Filipinos. Many Koreans died of famine.

My father & brother also died because of famine. Korean government was very corrupt and is still very corrupt beyond your imagination, but Korea was able to develop dramatically because Koreans really did their best for the common good with their heart burning with patriotism.

Koreans did not work just for themselves but also for their neighborhood and country. Education inspired young men with the spirit of patriotism. 40 years ago, President Park took over the government to reform Korea. He tried to borrow money from other countries, but it was not possible to get a loan and attract a foreign investment because the economic situation of South Korea was so bad. Korea had only three factories. So, President Park sent many mine workers and nurses to Germany so that they could send money to Korea to build a factory.

They had to go through horrible experience. In 1964, President Park visited Germany to borrow money. Hundred of Koreans in Germany came to the airport to welcome him and cried there as they saw the President Park. They asked to him, "President, when can we be well off?" That was the only question everyone asked to him. President Park cried with them and promised them that Korea would be well off if everyone works hard for Korea, and the President of Germany got the strong impression on them and lent money to Korea. So, President Park was able to build many factories in Korea. He always asked Koreans to love their country from their heart.

Many Korean scientists and engineers in the USA came back to Korea to help developing country because they wanted their country to be well off.

Though they received very small salary, they did their best for Korea. They always hoped that their children would live in well off country.

My parents always brought me to the places where poor and physically handicapped people live. They wanted me to understand their life and help them.

I also worked for Catholic Church when I was in the army. The only thing I learned from Catholic Church was that we have to love our neighborhood. And, I have loved my neighborhood. Have you cried for the Philippines? I have cried for my country several times. I also cried for the Philippines because of so many poor people. I have been to the New Bilibid prison. What made me sad in the prison were the prisoners who do not have any love for their country.

They go to mass and work for Church. They pray everyday. However, they do not love the Philippines. I talked to two prisoners at the maximum-security compound, and both of them said that they would leave the Philippines right after they are released from the prison. They said that they would start a new life in other countries and never come back to the Philippines.

Many Koreans have a great love for Korea so that we were able to share our wealth with our neighborhood. The owners of factory and company were distributed their profit to their employees fairly so that employees could buy what they needed and saved money for the future and their children.

When I was in Korea, I had a very strong faith and wanted to be a priest. However, when I came to the Philippines, I completely lost my faith. I was very confused when I saw many unbelievable situations in the Philippines. Street kids always make me sad, and I see them everyday. The Philippines is the only Catholic country in Asia, but there are too many poor people here.

People go to church every Sunday to pray, but nothing has been changed. My parents came to the Philippines last week and saw this situation. They told me that Korea was much poorer than the present Philippines when they were young. They are so sorry that there are so many beggars and street kids. When we went to Pasangjan, I forced my parents to take a boat because it would fun. However, they were not happy after taking a boat. They said that they would not take the boat again because they were sympathized the boatmen, for the boatmen were very poor and had a small frame. Most of people just took a boat and enjoyed it.

But, my parents did not enjoy it because of love for them. My mother who has been working for Catholic Church since I was very young told me that if we just go to mass without changing ourselves, we are not Catholic indeed. Faith should come with action.

She added that I have to love Filipinos and do good things for them because all of us are same and have received a great love from God. I want Filipinos to love their neighborhood and country as much as they love God so that the Philippines will be well off.

I am sure that love is the keyword, which Filipinos should remember. We cannot change the sinful structure at once. It should start from person. Love must start in everybody, in a s mall scale and have to grow. A lot of things happen if we open up to love. Let's put away our prejudices and look at our worries with our new eyes.

I discover that every person is worthy to be loved. Trust in love, because it makes changes possible. Love changes you and me. It changes people, contexts and relationships. It changes the world. Please love your neighborhood and country.

Jesus Christ said that whatever we do to others we do to Him. In the Philippines, there is God for people who are abused and abandoned. There is God who is crying for love. If you have a child, teach them how to love the Philippines.

Teach them why they have to love their neighborhood and country. You already know that God also will be very happy if you love others.

That's all I really want to ask you Filipinos.
(FOR THE LOVE OF OUR COUNTRY PLEASE PASS THIS MESSAGE)

Sana mga kabayan, kahit konti eh naintindihan nyo ang essay ng koreanong ito. Sakit isipin pero totoo.

Kaya mya Lintek! kayo tigilan nyo gulo, mahalin nyo kapwa nyo at trabaho nyo!

Puta sinong umutot!!!!

----
Jose Makabayan (ihi lang ang pahinga)

 
At Tuesday, August 01, 2006 5:17:00 PM, Blogger Reno said...

Ang gulo ng mga nagpo-post dito. Anonymous, ikaw ba si "does gerry hate manga"? Nakakalito na...

Sabi ni "does gerry hate manga" sa akin...

"Pati ikaw, ganun din. Patalikod pa. You'll deny it?"

Kilala ba niya ako para gumawa ng ganitong statement?

Anyway... Ituloy mo na lang ang mga articles, Ka Randy...

 
At Tuesday, August 01, 2006 8:27:00 PM, Anonymous Anonymous said...

What is love without knowledge/wisdom? I look around and see the corruption, poverty, misery and the people who perpetuate the cycle, the exploitation, through plain old "love" of country. Ignorance is indeed bliss, moreso if you LOVE it.

 

Post a Comment

<< Home