Friday, July 28, 2006

DETAILING RESPONSIBILITIES

Huwag ipagkamali ang sinabi kong ang dapat lahat ay kumuha ng reponsibilidad para alagaan ang industrya ng komiks. Alam kong marami akong nasagasaan, o kaya ay may nagtaas ng kilay sa nakaraang post ko. Alam ko rin na marami ang nagbabasa nito na mga seniors ko sa publication na hindi na lang nagsulat ng comments.

Gusto ko ring sabihin na tama ang sinabi ni Gener (bahala siya kung ayaw niyang magpakilala, okay lang sa akin) na dapat ang isa na bumubuo ng industriya ay maging responsible. Tama rin ang sinabi ni Gerry Alanguilan na hindi dapat akuin ng writers at artists ang responsiblidad para paangatin ulit ang komiks.

Magkakontra ba?

Pero para sa akin ay hindi. Parallel ang idea ng dalawa. Hindi magtatagpo pero iisa ang purpose—ang bigyang linaw ang nakaraang pangyayari sa industry, at bigyang linaw din ang nangyayari sa kasalukuyan. Kaya sa puntong ito, minabuti kong bigyang linaw (para mas malinaw) at idetalye ang binitiwan kong salita tungkol sa responsibilidad.

Para sa akin, ang responsibilidad ay kumporme sa kakayahan ng isang tao at kumporme sa sitwasyon. Relative ang responsibilities na dapat hawakan.

Hayaan niyong isa-isahin ko ang bawat taong bumubuo ng komiks industry at kung paano maia-apply ang responsibilities na dapat ay sa kanila:

Publisher- ito ang big boss. Ang trabaho nito ay pag-aralan ang kanyang business at kung paano ito magsu-survive sa isang society. Responsibilidad nito na gumawa ng paraan para pag-aralan ang nangyari, nangyayari at mangyayari pa lang sa industry na kanyang kinalalagyan. Kumporme sa kakayahan ng publisher na pag-aralan ang lahat ng ito. Kung hindi abot ng kanyang kapasidad ang ilang aspeto ng industry, o kaya ay hindi niya mabigyan ng pansin ang bawat detalye ng business, dapat ay mag-hire siya ng mga taong capable sa mga gawaing alam niyang hindi niya napagtutuunan ng pansin.

Nang magsimulang lumaki ang comic strip sa Western countries, naisip ni Don Ramon Roces na maglagay din ng ganito sa magasing Liwayway dahil alam niyang tatanggapin din ito ng mga Pilipino. Unang-una, aware na ang mga kababayan natin noon na may lumalabas na mga strip tulad ng Yellow Kid at Krazy Cat. Kaya nga nang I-launch ang Kenkoy, nagkaroon itong magandang feedback.

Half page lang ang nakalaan para sa Kenkoy sa magasing Liwayway. Nang makilala ito, ginawang whole page. At ilang taon pa, ginawa nang 2 pages, at naging colored pa. Responsibilidad ito na gawin ng editor (na sa pagkakaalam ko ay si Don Ramon Roces na rin—correct me if I’m wrong) dahil alam niyang isa sa kinakagat ng tao sa Liwayway ay ang Kenkoy. Marketing wise, kung sino o ano ang bumebenta, iyon ang ibigay mo sa mamimili. Strategy ito ng editor (na niri-report naman niya sa publisher/namumuhunan) para gumanda pang lalo ang sales nila.

Magaling ang pag-aaral na ginawa ni Don Ramon Roces. Dahil nagsusulputan na rin sa local market ang ilang titles tulad ng Prince Valiant, Flash Gordon, etc., lumabas na rin ang mga kuwentong tulad ng Kulafu, Palasig, etc. Nang mabuo ang tinatawag na comicbook ng Superman, Batman, etc. (ibig sabihin ay hiwalay na itong entity at hindi na palaman lang sa magasin), naglabas na rin ang Roces ng hiwalay na komiks (although nauna na ang Halakhak na hindi rin naman nagtagal sa market). Ang pagkakaroon ng sariling identity (na hindi kasama sa magasin) kung kaya lumakas ang komiks sa Pilipinas.

Kinuha ni Don Ramon si Tony Velasquez na mamahala sa creativity side ng komiks dahil alam niya na pioneer ito sa larangang ito. Sabay nilang pinag-aralan ang market. Kung ano ang hinahanap ng mga tao. Kaya sa kasaysayan ng komiks, makikita mo kung ano ang kinahihiligan ng mga tao. May era na malakas ang horror, kaya naglalabas sila ng ilang titles pa ng mga kuwentong horror. May era din na malakas ang adventure, kaya nadadagdagan ang titles ng mga adventure komiks.

Kakaunti pa lang ang may television at radyo noon. At karamihan ng mga baryo sa Pilipinas ay walang libangan. Kaya binigyan sila ni Don Ramon ng isang libangan na madali nilang maaabot, mura ang presyo, malawak ang circulation. Ang ganito kagandang timing ang dahilan kung bakit lumakas ang komiks.

Ang lahat ng ito ay malinaw na halimbawa ng tamang marketing strategy.

Mid 70s hanggang mid 80s, sa aking pagkakalam, ito ang pinakamalakas na dekada ng komiks. Marami na ang may radio, marami na rin ang may tv. Wala pa akong malinaw na study tungkol dito, pero tingin ko ay isa sa malaking dahilan ang sistema ng lipunan. Martial law years. Hindi ko alam kung dahil maunlad ang Pilipinas (pangalawa sa pinakamayamang bansa sa Asya kung hindi ako nagkakamali) at hindi gaanong mabigat na gumastos para maipambili ng komiks, o dahil masyadong nasasakal ang freedom noon ng mga gustong manood ng tv at sine. Sa komiks, ang dami-daming kuwento, iba-iba. May sobrang bait sa gobyerno, at may metaphorical na ang pinatatamaan ay ang gobyernong Marcos. Again, ang number one source of entertainment ng isang pangkaraniwang Pilipino ay ang komiks. Dahil mura, at malawak ang circulation. Dito na nagsulputan ang iba’t ibang publishers ng komiks, bukod sa mga Roces. Pero sa kabuuan ng kalagayan ng industriya noon, malinaw na monopolyo ng Roces ang kabuuang business ng komiks sa bansa. Mula sa mga writers, artists at distributors ay hawak nila.

Then, nawala si Marcos sa pamumuno. Hindi na rin si Don Ramon Roces ang may hawak ng publication, naisalin na niya sa mga anak at apo. Nagbago ang sistema ng lipunan. Nagbago ang papel ng advertising sa bansa. Nag-iba ang anyo ang business world. Maging ang media ay nag-iba. Mas naging adventurous ang mga pelikula at palabas sa telebisyon.

Sa kabuuan, nag-evolve ang thinking ng mga Pilipino (hindi na mahalaga kung dumami ang tumalino o bumobo, ang importante dito ay nag-iba ang sarili ng isang Pilipino-media appreciation, pagtingin sa society, pakikisalamuha sa kapwa, paghahanap ng libangan sa sarili).

So kailangang sumabay sa pagbabagong ito ng lipunan. Kapag hindi ka sumabay, tiyak na mapag-iiwanan ka.

Offguard sa ganitong sitwasyon ang namamahala ng komiks ng panahong ‘yun. Naglalabas pa rin sila ng komiks na iba’t iba ang titles ngunit marami sa mga ito ay hindi na kinakagat ng maraming Pilipino. Offguard din ang mga maliliit na publishers kaya wala na silang nagawa kundi ang magsara.

Naiwan na lang na nag-I-exist ang komiks ng mga Roces dahil kaya pa nilang igapang ang kanilang komiks. Marami pang puhunan, hawak pa nila ang distributors at mga contributors. Sila pa rin ang nagmo-monopolyo ng industriya.

Then, patuloy sa pag-evolve ang society, mas naging adventurous ang media appreciation ng mga Pilipino. Marami nang komiks ang hindi nila kinakagat—una, dahil nagsusulputan na dito ang salitang corny, baduy, luma na. Ibig sabihin, talagang hindi na nakasabay ang komiks sa pag-evolve ng thinking ng mga Pilipino.

At dahil mag-isa na lang na nag-I-exist ang komiks ng mga Roces, nang mag-collapse sila, nag-collapse na rin ang lahat ng nasa ibaba. Distributors, contributors. Wala nang ibang sumalo. Sino ang sasalo e wala namang ibang komiks noon maliban sa pag-aari ng Roces?

Ito ang synopsis ng kasaysayan ng publisher kung ano ang role niya sa komiks. Nagtagumpay ang komiks noong mga bata pa tayo. Maganda ang sinimulan ni Ramon Roces. Ang masakit, nang magbago na ang lipunan, hindi na rin nagbago ang ilang mga aspects sa paggawa ng komiks. Hindi napagtuunan ng pansin ang mga maliliit na detalye, tulad ng papel na gagamitin, kalidad ng printing, sistema ng distribution (wala na sa bangketa ang major market ng komiks nitong mga huling taon, nasa bookstores na, at meron pa nga sa ilang tindahan na wala namang kinalaman sa publishing, halimbawa ay drugstores, 24-hours stores, etc.).

Nawala na rin ang pananagutan ng publisher/namumuhunan na gumamit ng mabuting advertising para I-promote ulit ang komiks. Business wise, sumakay na lang sa agos ng pagbagsak ng komiks ang mga publishers. Noong regular employee ako sa Kislap, nakita ko kung paano patayin ng publisher ang ilang titles kapag bumaba na sa 3,000 ang purchased order (dami ng ipi-print na komiks). Pero dumating pa rin na inabot ito hanggang 1,000 copies. Nagtipid na rin sa papel, gumamit ng mababang quality ng newsprint. At mula sa 32 pages, ginawa na lang 29, kung hindi ako nagkakamali. Pinahalungkat sa amin ang mga lumang komiks noong 60s, at ang ilan doon ay pina-scan at ni-reprint. Sa sobrang higpit ng sinturon ng publisher sa pagtitipid, ginawa na ang mga paraan kung paano hindi siya gagastos ng malaki. Of course, nag-suffer ang quality dahil sa ganitong sistema. Parang inilalabas na lang ang komiks noon para lang maipakita sa distributors na linggu-linggo pa rin ay may lumalabas. Pero business wise nga, wala nang panahon ang publisher para iangat ulit ang industry. Wala akong natatandaan noon na nag-meeting kaming lahat na gumagawa ng komiks para pag-usapan ang kasalukuyang nangyayari sa industrya namin.

Natural death ang nangyari sa komiks. Kumbaga sa isang pasyente, hindi na binigyan ng gamot. Dinasalan lang at pinabayaan na lang na mamatay.

Ang publisher ang nasa itaas ng lahat ng gumagawa ng komiks. Responsible siya para pakilusin ang nasa ibaba ng kanyang posisyon. Alam kong ginagawa rin niya, ngunit hindi buong puso. Wala na sa kanya ang passion na sinimulan noon ni Don Ramon. Dito siya nagkulang.

Itutuloy

(Mahaba pa ang article na ito, kaya sana ay subaybayan niyo ang mga susunod pa. Open ako sa suggestions at puna sa kung ano man ang isinulat ko dito.)

15 Comments:

At Saturday, July 29, 2006 1:12:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Talagang magka-contra ang mga pananaw nina Gener at ni Alanguilan.

Pero mas lamang sa palagay ko si Gener. Multi-tasking na ngayon e. Sa hirap ng buhay sa bansa natin, hidi ka makaka-survive if you only know one trick, ika nga.

Bakit sina Mars Ravelo, from comics artist, naging entrpreneur at publisher na successful? Ang Image artists at si Todd Macfarlane? Si Stan Lee na dating writer lang, naging Publisher at ngayon ay movie producer?

Bakit iniisip ni Alanguilan na limitado ang pag-iisip ng isang comics writer or artist? Hindi nila kayang umintindi ng mga basic concepts ng business at commerce? Bakit niya nilalahat ang mga Pilipino writers at artists? Sana mag-ingat si Mr. Alanguilan sa pagge-generalize niya.

 
At Sunday, July 30, 2006 3:39:00 PM, Anonymous Anonymous said...

That's Gerry. :)

 
At Sunday, July 30, 2006 4:36:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Bakit tila mas maraming comics creative people ngayon kesa sa pabliser?

Karamihan pa sa mga creatives na ito e, walang trabaho. Bakit walang mga komiks pabliser na nagsasamantala dito?

Oo nga, marami ang mga baguhang artists at writers, pero karamihan sa kanila ay bata (o bata ang isip), hilaw sa karanasan ng buhay, at higit sa lahat, kulang sa galing at husay. Limitado ang kanilang mga imahinasyon at pag-unawa pagka't lagi silang nakatuon sa kani-kanyang "Planet Art".

Ang masa ay kalipunan ng sari-saring interes at hilig. Kung nais mong buhayin muli ang industriya ng komiks sa bansa, dapat ay matugunan mo ang karamihan sa mga iba't-ibang mga interes at hilig na ito.

Ngunit paano mo ito magagawa kung ang mismong mga komiks writer at artist ay walang responsibilidad na alamin ang mga interes na ito at gumawa ng mga obra na tumutugon dito?

Paano magagampanan ng isang publisher ang kanyang tungkulin kung sarado at limitado ang imahinasyon at kakayahan ng mga nakapaligid na creative people?

Kung ang Pilipino komiks ay tutoo ngang MEDIUM, bakit sa kasalukuyan ay limitado lang ito sa mga cartoon, superhero, fantasy, children's at humor? Dahil ba sa ito ay ART? Pampa-aliw lang? The end?

Siguro iyan ang dahilan kung bakit mas madami ngayon ang mga komiks creatives kesa sa publisher. Maraming mga comics writer at artist ngayon inaatupag lang ang art at fantasy, hindi lumalabas sa sarado nilang mga mundo. Dahil dito, nilimitahan nila ang kakayahan ng mga sarili nila at ng kanilang sining. Hindi bukas ang kanilang mga isip sa pangkalahatang MUNDO.

Bakit magtatapon ng pera ang publisher kung ganito ang karamihan sa mga comics creatives? No wonder hanggang ngayon bagsak ang industriya ng Pilipino comics. Nakatuon kasi masyado sa ART at hindi ang REALITY.

 
At Monday, July 31, 2006 3:03:00 PM, Blogger Reno said...

Ipo-post ko uli dito, mukhang mas akma sa topic na ito...


Maraming magagaling na creators. Marami ding bano. Pero di lamang sa quality ng produkto nakukuha ang customer. Siyempre, sa huli, pag nasubukan na ang produkto, doon na magiging mahalaga iyon. Pero kung hindi maibenta nang mabuti, di rin masusubukan ng consumers.

Marketing. Advertising. Distribution. At kung anu-ano pa. Kahit anong produkto, kailangan yan. lalo na't kung hindi consumer goods (tulad ng pagkain). Ang mga halimbawang naitala sa itaas, halos walang promotion, maliban sa Darna. Pero sinubukan nga ng tao ang Darna, pero di kinagat. Bakit? Kasi, hindi nag-meet ng expectations ng target market. Maging ako, di ko nagustuhan.

Kaya't pagdating sa responsibilidad, tama si Mr. Valiente. LAHAT ay responsable. Responsable ang publisher na ibenta ang produkto. Responsable ang creators na gawing maganda ang produkto. Hindi turuan.

Sa pagkakaintindi ko sa post ni Mr. Alanguilan, ayaw lamang niya na inilalagay ang lahat ng responsibildad sa balikat ng creators.

Ngayon, kung creator ka at marunong ka din sa larangan ng kalakal (tulad ni Todd McFarlane nung siya'y nagsisimula), e di responsibilidad mo pareho ang bnabanggit ko sa itaas.

 
At Monday, July 31, 2006 8:48:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Mawalang galang na po, Reno. Nabasa ko ang July 20, 2006 post ni Randy at ang comment dito ni Gerry Alanguilan.

Kung babasahin natin ng maiigi ang ang mga binitaw na salita ni Mr. A, ay hindi ito responsive sa view ni Randy na LAHAT ay responsable sa pagbangon ng industriya.

Ang ginawa ni Mr. A, he was working on an entirely NEW premise na hindi naman sinabi ni Randy. At ang base pa ng premise ni Mr. A ay NAPUNA DAW NIYA na meron daw mga taong (di niya nai-specify kung sino) madalas itapon sa comics artist ang pagbangon ng comics industry. (E hindi naman ito ang sinabi ni Randy at lalong hindi ito ang pinupunto ng "anonymous" letter-writer na pinost ni Randy. Ang pinupunto nila, EVERYBODY/LAHAT has a responsibility to know the art and business side of comics)

Hayun. Mula doon kung ano-ano na ang pinagsasasabi ni Mr. A na ang naging conclusion ay:

"Hindi sa ating kakayahan lamang nakasalalay ang pag-angat ng industriya ng comics. Kailangang merong taong MAYAMAN o isang grupo ng tao na may PERA para mag-invest sa comics. Kailangan natin ng PUBLISHER. Sa artist at PUBLISHER nakasalalay ang pag-angat ng industriya ng KOMIKS. Randy, ammunition lang tayo. Kung walang baril, hanggang bala na lang tayo sa tambay sa kanto."

Palagay ko dito nalito si Mr. A. Kung susuriin po ninyo ng mabuti, ang ultimong pinupunto ni Mr. A ay wala daw sa kakayahan ng comics writer at artist na ibangon mag-isa ang comics industry. Bakit? Pagkat wala daw silang experience, talino at pera para gawin ito.

Pause muna.

Isipin po ninyo bago ko ituloy ito. Tama ba ang sweeping statement at broad generalization ni Mr. A na LAHAT ng comics writer at artist (without qualification or exception) ay walang experience, talino at pera para subukang iako ang karamihan sa responsiblidad na tulungang ibangon ang Filipino comics industry?

Itutuloy ko po ito pagkatapos 'nyong isipin ito. Very touchy ano po? :)

 
At Tuesday, August 01, 2006 9:46:00 AM, Blogger Reno said...

Yes, touchy subject. And we all understand things a little bit diffrently when we read each other's posts.

Re-read my post, too from above. Ito ang pagkakaintindi ko...

"...ayaw lamang niya na inilalagay ang lahat ng responsibildad sa balikat ng creators.

Ngayon, kung creator ka at marunong ka din sa larangan ng kalakal (tulad ni Todd McFarlane nung siya'y nagsisimula), e di responsibilidad mo pareho ang bnabanggit ko sa itaas."

Kung artist/writer ka na may kakayahan mag-publish, by all means gawin mo. Pero di nga lahat ng tao'y nasa kanila ang kakayahang ito. I've encountered some people who's viewpoit is blame the writer... blame the artist... and that would be unfair. (although kung palpak ang gawa nila, e di sisihin nga natin sila).

Tulad nga ng sabi ni Mr. Valiente, maganda nag mga ganitong discussion. Lahat naman tayo may sari-saring pananaw. Di natin talaga matutumbok kung sino ang tama o mali (o kung meron man).

Salamat, Mr. (or Ms.) observer. Dapat sana'y lahat sumasagot ng matino na tulad mo.

Tuloy ang discussion!

 
At Tuesday, August 01, 2006 4:08:00 PM, Anonymous Anonymous said...

talagang mahaba ang article na to... Kape lang ako, bumababa ang talukap ng mata ko sa kakabasa... lol


Jose Makabayan (ihi lang ang pahinga)

 
At Tuesday, August 01, 2006 7:44:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Reno: Nabasa ko ang post po ninyo. NOTED.

Ang isyu po dito ay ang sinabi ni Mr. A na aktwal na naka-post at hindi po ang inyong sariling wari o opinyon kung ano ang sinabi ni Mr. A. May kaibahan po ang dalawa kung inyong mamarapatin.

Ngayon, dahil sa hindi naman po ninyo masagot ng diretso kung oo o hindi ang tanong, naiintindihan ko po iyon pagkat ayaw ninyong malagay sa alanganin si Mr. A. Sa mga napagtanungan ko kasi kahapon ay matalik pala kayong kaibigan ni Mr. A kaya't nauunawaan ko ang pagka-partial ninyo sa kanya.

Anyway, di ayun. Ipagpalagay na nating ang sagot ay iyong iniiwasan ng iba diyan: na para kay Mr. A, walang kakayahan ang isang comics artist o writer na pumasok sa business dahil lamang sa pagiging comics writer o artist niya.

Nang mabasa ko ang mga nagbabatikos sa pananaw na ito sa mga sari-saring posts dito ay naisip kong may punto ang mga ito. Sorry po kung naka-offend ako sa mga pro-Gerry riyan. Inihahayag ko lang po ang mababaw kong opinyon. Wag po tayong magkalaban-laban at usapang-komiks lang ito.

Bago ako nakarating sa conclusion na iyon, ay binasa kong mabuti ang post ni Mr. A at aking napuna na hindi nga siya responsive sa binigay na proposition ni Randy na LAHAT ay responsable sa pagbangon ng comics industry sa Pilipinas.

Bagkus, naglihis siya: WALANG RESPONSIBILITY ANG COMICS ARTIST DITO. Ammunition lang siya. Nagdo-drawing lang siya. Mercenary for hire lang siya. Will work for money. IMPLIED po ito sa sinulat ni Mr. A. Hindi nga EXPRESS, pero IMPLIED naman. Malinaw na malinaw pong IMPLIED iyon kahit anong opinyon o wari ang sabihin ng iba diyan. Sorry po uli kung nakasakit ako ng damdamin sa mga makapro-Gerry riyan. Pero iyon po ang NAKASULAT e. Iyon po ang KAHULUGAN e.

Habang binabasa mo ang post ni Mr. A, nahahalata mo ring ayaw rin niyang ma-disclose ang ENCLOSED VIEW na ito kaya sa panghuling banat niya, sinubukan niyang i-cover up ito nang mag-conclude siya na me pagkapareho sa proposition ni Randy. Ito po iyon: HINDI KAYA MAG-ISA NG ARTIST ANG RESPONSIBILITY NA ITO, KUNDI KARAMIHAN SA RESPONSIBILIDAD AY NAKASALALAY DAW SA MAYAMAN NA PUBLISHER.

Ngayon, kung itatabi mo ang dalawang views na ito, makikita mo na taliwas ang dalawa. Ang una, walang responsibility ang comics artist/writer sa pagbangon ng comics indsutry sa bansa. Ang pangalawa, may responsiblity ang comics artist at writer, pero MAR MARAMI ANG RESPONSIBLITY NG MAYAMAN NA PUBLISHER.

Contradictory views negate each other. Hindi mo mare-reconcile 'yan. Its one or the other. At kung babasahin mo ng maigi ang buong text na nakasulat sa post ni Mr. A, makikita po ninyo na mas pinaninindigan ng prior text ang pananaw ni Mr. A na WALANG RESPONSIBLITY ANG COMICS ARTIST o WRITER SA PAGBANGON NG COMICS INDUSTRY SA BANSA.

Hahayaan ko na lang ang mga nag-post dito na bumabatikos sa puntong iyan. Kayo na ang humsga kung me mga punto sila. Pero in all fairness naman, call a spade if its a spade please.

Yun lang at maraming salamat.

 
At Tuesday, August 01, 2006 8:01:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Observer: Mabuhay ka.

Call a spade a spade. Gerry is a spade. Nagawa pa niyang i-quote si Coching sa blog niya na
hindi sa lahat ng oras e pera ang laging isina-sangalangalang.

These are not ordinary times. Bagsak ang comics industry. A livelihood. Tama nga na mag-isip ka ng pera. Pero kung pansarili lang at di pangkalahatan at pangmatagalan, forget it.

Ang sinasabi niyang kailangan ang MAYAMAN NA PUBLISHER? C'mon. WHERE ARE THEY? Nag-iisa na lang ngayon ang mga komiks writers at artists. Wake up! Sila na lang ang gumagawa ng komiks ngayon, at para pa sa komiks at entertainment industries ng ibang bansa, hindi para sa sariling bansa.

Kung ikaw ay Pilipino at comics writer at artist pa, tapos ganito ang sitwasyon, ano, uupo ka pa diyan, hihiga sa silong ng puno, nagdo-drawing lang at nakabuka ang bunganga, hinihintay bumagsak ang prutas sa bibig? Kung Oo, e di para kang si Gerry and co. Hayun, nasa komikero blog nagpapatalbugan ng artwork; pataasan ng ihi, hinihintay na may mayamang maglabas ng malaking pera para sa "talents" nila NO MATTER WHETHER ITS FOREIGN OR LOCAL BASTA THE PRICE IS RIGHT. Pero marami ba ang takers? Wala, di ba?

Teka, makisabay na rin ke Juan Makabayan at kanina pa rin ako naiihi e.

 
At Tuesday, August 01, 2006 10:55:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Karamihang iluustrators doon na ipinost ko(PKMB)ay tambak ang trabaho ngayon. Si Lan Medina, kung nakikilala nyo ay pinag- aagawan ng mga comics publishers maging sa abroad.Yung isang artist na gumagawa PARIAH ay Pilipino (pati colorist) ay nagsisimulang pumalaot. Yung isa pa ay magsisimulang tambakan ng trabaho ngayong papasok na sunod na buwan(isa ako sa tumutulong na ihanap ng client para ipakilala ang gawa niya at libre kong ginagawa). Yung naunang dalawang illustrator ay talagang hinahanap at kung paano sila makokontak.

At kilala nyo ba 'yung artist na huling naipost? Si Leinel Yu? Isa siya ang pinakasikat na illustrator na Pinoy( sa grupo ng pinakabata) sa buong mundo sa larangan ng komiks.

KAYO?

Kung may kilala kayong publisher na naghahanap ng mga illustrators, tulungan ninyo ang mga iba pang may potential na artists( 'yung mga hindi pa nabibigyan ng magandang trabaho at nagugutom ang pamilya).Ito ang tanging magandang magagawa natin para sa kanila.

 
At Thursday, August 03, 2006 6:26:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Mario:

Magandang balita 'yan na merong maraming publishers ang kumukuha kina Lan at kung sino-sino pa. Pero may kutob ako, karamihan sa mga ito, foreign jobs at kokonti lang ang mga local artists ang inaalukan.

Pero, ipagpalagay na natin na totoo ito. E bakit hanggang ngayon wala pa kaming nakikita dito sa local scene? Gumamit ba sila ng invisible ink sa mga comics pages nila kaya hindi manim makita o mabasa?

Me nagyabang sa blog 'nya na 2006 daw "will be a big year for Filipino Comics". E hanggang ngayon, kalagitnaan na ng taon, ang nakikita namin, bagong anime-inspired local comics: NEO-COMICS at ang Chicken comics ni Mang Gerry. Iyon na ba ang big year for 2006 or has someone laid a very big egg?

 
At Friday, August 04, 2006 12:54:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Totoo ang sinabi mo pero parehas naman na nakakagawa si Lan M.Yung Fantasya, Siglo at Basted ay meron siyang gawa. Mas maraming project siya sa labas ng bansa.Pero sa tingin ko, kung matatapatan ito ng magandang rate sa atin palagay mo ay mas uunahin niya itong sa Pampinoy na komiks kesa sa labas kasi nagawa na niya ito at isa siya dati sa nangunguna at active na illustrator natin dito sa ating bansa.

Pero dahil sa medyo malaki naman kinikita niya ngayon (balitang nagpapagawa na ito ng bahay sa Antipolo) ay darating siguro ang panahon na baka magpublish na rin ito ng sarili niyang komiks.

Kaya tama rin naman na gumawa muna siya sa labas ng bansa pansamantala para naman may maipuhunan dahil kung hindi, imposible niyang magawa ito.

Tama rin naman ang ginawa ni Gerry A na gumawa rin muna sa labas bago magpublished dito dahil malamang wala rin siyang magiging kapital sa gagawin niyang project, isa pa ang pagbili ng mga lumang collection/ originals na komiks, yung pagtatag ng website na komikero. Kung di niya iyon ginawa malamang WALA lahat iyan at siguro MAHINA ang kumunikasyon ng mga taga komiks dahil sa totoo lang ay sa KOMIKERO lang talaga ito nagpasimula(na magkakilala ang mga dating at mga bagong komekiro) at ito rin ay nabanggit na ni Randy.

Pasensya ka na brod pero OK naman ang punto mo...pero sa tototo lang kapag prinsipyo ko ang susundin ay mas tinitingnan ko lagi ang mga magagandang nagagawa ng isang tao, kung meron mang depekto sa nagawa na niya ay hindi ko masyadong pinagtutuunan ito ng pansin.

Kung bumabanat man ako sa isang sitwasyon, pinipilit ko pa ring mas manaig at ipakita ang positibong bagay...dahil sa tingin ko ay ito ang higit na makakatulong.

Magandang araw sa inyo!!!

 
At Wednesday, August 09, 2006 3:07:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Here are some links that I believe will be interested

 
At Wednesday, August 16, 2006 4:06:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Interesting website with a lot of resources and detailed explanations.
»

 
At Wednesday, August 15, 2007 12:16:00 PM, Anonymous Anonymous said...

aaminin natin na marami ng makabagong gadget isang halimbawa na dito ang internet na kinalilibangan ng tao tv cell phone.subalit ang komiks ay isa sa pinakamabisang paraan upnang madaling idopt ang nagyayari sa ating bayan maraming artist at writer ang nag hihirap dahil sa personal na pananaw.marami rin sumikat kung baga sa larangan ng makabagong komiks.subalit nakakalungkot isipin na walang originality poro na lanmg pang gagaya sa mga foriegner katulad ng american comics ant japaneses manga invition sa panahon nasasayang lang ang angking talino na pinang hahawakan nila sapagkat wala silang oiriginality hindi kagaya ng mga batikang international artist na ginagamit sa movie at hinahangan ng boung mundo dahil sa husay ng kanilang kathang isip.ilang panahon din ang pag subaybay ko sa komiks wala akong nakitang pagbabago ganoon parin lagi ginagaya ang gawa ng iba saka ang kaibahan international company may sarili silang tao na gumaganap sa bawat papel katulad ng penciler inker colorist writer at computer editing
samantala dito laganap ang pamimiki at sabihing sarli daw nilang gawa ito sana sa lahat ng publisher at meyembro ng adviertising pag uukulan nyo ito ng pansin bago tayo maging katawa tawa sa ibang bansa.katulad iyan ng basura ng iba ay pulutin at pakakamahalin at paangatin pa ito.samantala may sarili naman tayong talino na dapat nating gamitin dito mismo sa sa ating inang bayan.komo sikat ang gawa ng ibang artist sa ibang bansa kokopyahin natin at ipagmalaki pa ito.at kalimutan ang kinagisnang kultura ng komiks sayang marami pa namang magagaling na artist na di nabigyan pansin dahil sa pagkawala nito.punahin ninyo ang bawat gawa ng pinoy ilustrator at writer di ba magkawig lahat si darna si wonderwoman si plastik man si lastik man si gagamboy si spider man si superman captain barbel di ba puro pangagaya marami ngang magagaling na artist pero nasa international company naman sila nag tatrabaho except dito sa pinas.
bat di nating subukan mag creat ng new hero na wala pa bokabolaryo ng comics.for me art is the best way to show your talent for creativity and not to recopying some other artist work.hope nxt time mag iba naman sana ang komiks bagong karakter bagong kuwento at bagong pag asa sa kinabukasan ng sining ng ating bansa salamat po.....sana nauunawaan ninyo ang ibig kung sabihin.

 

Post a Comment

<< Home