PAANO PAAANGATIN ANG KOMIKS?
Wowoo! Ilang araw lang ako nawala e tambak na kaagad ang nag-comments dito. Sa nabasa ko ay maayos naman ang takbo ng usapan. Pero hindi talaga maiwasan na meron pa ring nagpo-post na ang hanap lang ay away. Sa mga nakakaintindi, pagpasensyahan niyo na.
Ngayon, balik tayo sa usapan…
Ang experience ko sa komiks publication ay sa editorial at creative department kaya sa totoo lang ay hindi ako komportable na pag-usapan ang business side ng pagpa-publish ng komiks. Pero willing akong matuto, at sa nabasa ko nga sa mga comments dito, valid lahat ng points, kailangan lang ay timbangin natin ng maayos at tama. Noong makausap ko nga si Gerry Alanguilan noong nakaraang toycon, sabi ko, may fear pa ako sa pagpa-publish ng komiks. Totoo ‘yun. Unang-una, kung ako ang maglalabas ng pera para sa publication, kailangan ay alam ko na kakagatin ng marami. Napagdaanan ko na ang gumawa ng komiks noon na xerox lang, o kaya ay pa-art-art, kaya hindi na iyon ang gusto kong gawin ngayon.
Iniisip ko, dapat lahat ng readers ay maabot ng komiks ko, kaya nila itong bilhin sa murang presyo, at dapat ay mai-distribute ito ng malawak sa buong Pilipinas. Pero hindi lang doon natatapos ang alalahanin ko, kailangan kong maghanap ng printer na mura para kahit na magbaba ako ng presyo ng komiks (halimbawa ay P20.00 ang isa), ay hindi naman ako malulugi. Kailangan ko ring makipag-deal sa kung sinu-sinong tao—dealers, distributors, may-ari ng printing press, mga tauhan na nagpapatakbo ng makina ng printing, readers, etc. I mean, madugong trabaho ito. At alam ko na darating ang panahon, kailangan kong iwan ang pagsusulat at pagdu-drawing para lang tutukan ang business side ng komiks.
Isa sa inspiration ko as publisher ay si Jun Matias (may-ari ng Precious Hearts Romances). Isa ako sa unang batch ng workshopper nila noon sa Tagalog romance. Saksi ako sa paglaki ng Precious Hearts. Mula sa isang lumang bahay na ginawang bodega, ngayon ay isang malaking warehouse na na punum-puno ng iba’t ibang materyales—pocketbooks, children’s book (siya rin ang may-ari ng Lampara Books na kalaban ng Adarna), puzzles, magazines. Si Jun Matias ay dating scriptwriter sa tv, kasama niya ang ka-partner na si Richard Reynante, itinayo nila ang Precious sa maliit lang na puhunan. Ang totoo, ayun sa kuwento sa amin noon ni Jun, nangutang pa siya sa ate niya para lang may maipang-puhunan sa binabalak na negosyo. Sa bangketa unang nabuo ang Precious, karamihan ng nilalabas nila noon ay pocketbook na sexy at sex-related ang laman. Malakas ang bentahan sa bangketa.
Nang medyo maging stable na ay saka na nila nabuo ang lines ng mga titles ng pocketbooks nila ngayon na nakikita natin sa bookstores. Sila ang biggest publisher ngayon ng romance books.
Sa tagumpay na ito, kailangan niyang I-sacrifice ang pagsusulat niya sa tv. Dadagdagan niya ang oras para pag-aralan ang bawat detalye ng negosyo niya. Alam ko, may mga times na masakit sa ulo, laging puyat, hindi matapos-tapos ang iniisip para sa business. Ang reward lang dito ay ang laki ng kikitain mo, o ang sarap ng pakiramdam na sabihing ang company mo ang biggest publisher ng pocketbook sa Pilipinas.
Kaya nga may fear pa ako sa panahon ngayon. Hindi pa ako handa sa ganitong lifestyle. Sa halos 17 years kong paggawa sa komiks, ngayon ko pa lang nai-enjoy na nababayaran ako ng eksakto sa talento ko. Ngayon pa lang nag-iinit ang palad ko na mag-drawing sa komiks. Hindi ko pa ito kayang I-give-up ngayon.
Pero bukas ako sa lahat ng possibilities. Actually, may printer na nag-aalok na sa akin, bibigyan nila ako ng discount sa 32-page na komiks. Pinag-aaralan ko na rin ang print-on-demand. Pero hindi pa talaga ako tinatawag sa linyang ito.
Kung gaano kadugo ang pag-iisip ko dito, mas madugong isipin kung paano ulit paaangatain ang industriya ng komiks. Sa akin, bago mo mabuhay ang komiks, kailangan mo munang pag-aralan kung paano ito namatay. Ang dami pa nating dapat malaman na detalye sa industriyang ito. Ngunit ang masakit, kanino tayo matututo? Puwede ba tayong pumunta na lang sa bahay ni Donya Elena Roces ngayon at magtanong kung paano nila napasigla ang komiks? O kaya ay kontakin ang mga dating editors na wala nang interes sa komiks ngayon? O kaya ang mga distributors na hindi mo na mahagilap kung saan lupalop na nakarating? I mean, sino ang magba-validate ng lahat ng ating pinag-uusapan?
Lahat ng ating sinasabi ay subject for debate. Unless mai-prove natin ng husto na tama ang pinaninindigan natin. And one thing para mai-prove natin ‘yan…mag-publish tayo ng sarili natin.
That’s why may fear pa ako na mag-publish ngayon. Dahil para sa akin, para buhayin ulit ang komiks, kailangan ay kalat ito sa buong bansa at regular ang labas (na hangga’t maaari ay weekly). Nakikita ulit ito sa lahat ng sulok ng Pilipinas-- bangketa, estero, kanto, tindahan, lugawan, at lahat ng kasuluk-sulukan. Hindi natin mabubuhay ang komiks kung isa o dalawang titles lang ang ilalabas natin. Tapos pipresyuhan natin ito ng halos P100. Shit! Kung ako e bibili ng babasahin ko, hahanapin ko na lang ang FHM, halos ganu’n din ang presyo. Sulit pa ako.
Ngayon, bago ko magawa ang ganitong klase ng publication ng komiks, kailangan kong mamuhunan ng malaking-malaki. Sa tingin niyo, kakayanain kong bang mag-publish ng 100,000 copies ng komiks kada-isang linggo? Shit! Ang laking pera nu’n!
Sa kasalukuyang sitwasyon ng komiks, ang reality ay hindi tayo makakakuha ng isang mayamang-mayamang publisher na mamumuhunan ng milyon para lang dito. Alam niyo kung bakit? Sira ang reputasyon ng komiks sa atin—business wise at artistic wise. May kilala nga ako, dating writer sa komiks na ngayon ay writer sa pelikula, pero isinusuka na ngayon ang komiks. Ibig sabihin, ang ‘lang’yang writer na ito na natuto sa komiks, isinusuka na ang kanyang pinanggalingan (nakabasa yata ng libro ni Wertham).
So paano natin ito mabubuhay ngayon? Isa na lang ang paraan natin. Tayo na mismo ang mamuhunan sa mga sarili natin. Willing kayong maglabas ng P30,000.00 kada linggo? O kahit kada-buwan na lang. Ako, hindi ko kaya. Kaya nga hindi pa ako handa sa ganitong obligasyon.
Alam niyo kung bakit malakas ang pocketbook? Dahil regular ang labas nito at kayang-kaya ng masa ang presyo. Sa bangketa, makakabili ka ng P10.00 hanggang P15.00. Sa bookstore, makakakuha ka ng P25.00 hanggang P35.00. Noong active pa ako sa pagsusulat ng romance, ang Precious ay naglalabas ng 7-10 titles kada-buwan. Sa nakikita ko ngayon, tingin ko ay aabot na sa 20 titles ang inilalabas nila. Kasabay ng Precious, nariyan ang Valentine Romances na naglalabas ng kulang-kulang 10 titles. Nariyan ang 18K Romances. Nariyan ang Pacyno. Nariyan ang Nem’s. At sangkatutak na mga independent publishers (na itinitinda ang mga pocketbooks sa kalye sa halagang P5.00). Ngayon, ito ang matatawag kong industriya. Buhay na buhay ang pocketbook sa Pilipinas.
Ganito ba ang nangyayari sa komiks ngayon? Magbigay kayo ngayon sa akin ng publication ng komiks na naglalabas ng 5 titles ng komiks na GAWANG PINOY (at hindi reprint ng American comics) kada-buwan? O kahit 3 titles na lang?
Ito ang masakit na reality.
33 Comments:
Honga Randy, yan ang isa sa napansin ko na click sa masa, pati ang yaya at katulong namin eh. pocket book ang hilig.
Oo ganyan nga talaga ang nangyayari kasi ang mga story sa pocket book ay hango sa totoong buhay. Na halos karamihan sa mga pinoy eh naranasan ang ganitong pangyayari na gusto nilang mabasa at makita ang sarili sa storya na nababasa nila. Mas sikat pa nga ang pocket book hangang ngayon kesa sa comics.
Ang pocket book, nde parin laos hangang ngayon. Nagsimula ito nung nasa first year college ako, ngayon may asawa't anak na ako, click parin ang pocket book at yun ay nakikita ko sa mga taong nakapaligid sa akin lalo na ang mga mahihirap na tao. DAhil ang pocket book ay mura na marami ka pang natutunan at na i aaply sa buhay nila.
Jose Makabayan (ihi lang pahinga)
Sang-ayon ako sa analysis mo, Randy. Sa tingin ko, kaya hindi nagtatagumpay ang mga glossy, ingles, at P85 to P100 na "Pilipino" comics ngayon, e dahil sa pang-affluent lang ang target market nito. Ang mga publishers at comics creators na involved dito ay hindi pinapaabot sa nakararami ang produkto nila. Bakit?
Unang dahilan: kinagisnan na nila, dahil na rin siguro sa income class level nila, ang istilo ng banyagang comics. Na-condition na ang mga isip nila sapul pagkabata na wala nang hihigit pa sa US comics o Japanese comics. Kaya hayun, hanggang sa pagtanda nila, iyan ang ginagawa. Kahit sabihin pa nilang Pilipino ang gawa nila, subsconsciously, banyaga pa rin.
Pangalawa, ang tingin lang nila, kikita lang sila kung sa affluent class sila magta-target market. Kahit maliit daw ang market na ito,basta may pambayad, buhay ka na. Industry na raw kahit kokonti ang mga titles. Ang hindi nila nare-realize, sa tipo ng "purely entertainment" "fantasy" at "foreign inspired" ng kanilang mga comics, taob sila ng nagko-kompetisyong mga "foreign entertainment" medium ngayon na mas maaliw kesa sa print.
Pangatlo--Hindi sila marunong magsalita at mag-isip ng Pilipino. Masakit, pero harapin naman nila ang totoo. Nababaduyan pa nga sila sa sarili nilang wika, ikinahihiya pa. English daw mas accessible pa.
You want proof? Bisitahin nyo ang mga blog ng mga 'yan at mapipilitan kang gumamit ng ingles PARA MAINTINDIHAN DIN NG MGA FOREIGN VISITORS DIN NILA.
Fourth--warped AT MABABAW ang pagka-quality conscious nila. Mas binibigyan nila ng importansya ang coloring, glossy na papel, at mala- american at japanese style art, kesa tuunan nila ng pansin ang originality at ganda ng kanilang comics storytelling.
Fifth-- Karamihan sa kanila ngayon mga bata o isip-bata. Conserbatibo pa ang pag-iisip. Sarado pa nga ang mga isip 'nyan sa SEX. Kung hindi mga prudes, mga manyak. Walang maturity sa pananaw nila sa sex.
Mabenta ang pocketbook dahil mura na, medyo mahaba pang basahin. At ang babayaran mo, writer lang. Maliit ang overhead. Ang artist, mahal ang bayad. Isang katunayan iyan. Di mo naman puwedeng kuriputin, dahil bakit sila gagawa ng komiks sa halagang P75 per page, e puwede silang gumuhit ng isang storyboard na mga 20 frames o panels, diyes mil na ang ibabayad sa kanila.
Bilang artist sin, naiintindihan ko iyon. Kapag pumayag ka sa mababang rate, gutom ang aabutin mo.
Nararamdaman ko din ang nararamdaman mo, Ka Randy. Nagsawa na din ako sa pa-xerox xerox lang na komiks. Maganda yung legitimate. Pero dapat nga, mura. At widespread ang circulation.
Pero sa ngayon, kailangan kumain ang aking mag-anak. Kaya't di ko magawa iyon.
Kaya't di ko rin alam kung bakit kinamumuhian ng iba si Gerry A. Naging matapang siya. Binitiwan niya ang limpak-limpak na salaping ibinabayad ng foreign publishers upang unti-unting magtayo ng sarili niyang publishing company.
Isa pa, hindi naman inihalal ng mga taga komiks si Gerry A. sa isang posisyon na Presidente na kapag nagpabaya ay pwedeng sisihin kagaya ni Gloria Arroyo.
Kung alam nyo lang na maraming nabigyan ng tips para sa mga baguhan itong taong ito at may nailapit sa mga publisher para magkaroon ng hanapbuhay ang ibang artist natin, baka naman mabawasan man lang kahit konti ang hinanakit nyo sa kanya.
Kung hindi niya ito ginawa para sa iba, kung wala siyang nagawa para sa ibang tao, eh baka ipatapon nyo na sa Dapitan itong kawawang Gerry A. o kaya barilin nyo sa Luneta.
Si Michael De Mesa po ang gumanap ng Valiente na ikinanta naman ni Vic Sotto. VALIENTEEEE!!!
O eto Randy pasencia ka na pero tignan mo ang pinagsasabi nito na nagagalit sa mga Pinoy. Tapos sulat ka tungkol dito at tungkol din sa komiks.
Hate Letter Against Filipinos:
http://www.bartmarquez.com/?p=37
Paumanhin talaga sa post ko ah.
At sana naman po ay may kinahihinatnan ang mga ideya niyo at dapat nasa gawa at hindi puro daldal lang, kungdi matutulad lang tayo sa senado na nauuwi sa PROCRASTINATION ang magagandang usapan na nauuwi naman sa pangakong napako. Dumadami kasi ang bukas...
Meron bang Publisher na nagbabasa nito?
Lam nyo mga kabayan, okay lahat effort na ginagawa ni Gerry walang reklamo ang mga pinoy artist sa kanya.
Maganda at nakaka tulong na inaangat ng kalidad ng isang pinoy artist, kaya lang si Gerry medyo masama ang tabas ng mga binibitawan na commento sa ibang artist na ikina kasama na iba nating pinoy artist.
Kaya nde nyo masisi kung bakit maraming nagagalit na pinoy artist kay Gerry A. May freedom syang gumawa ng gusto nya, pero wag naman nyang masamain ang ginagawa ng ibang artist na binabanatan nya ng negatibong commento.
Tulad nalang nyang ginawa nyang story ngayon, kung promising sa inyo abah eh no problem. Comment ko lang kay Gerry cguro napanood nya ang chicken little. lol Medyo nonsense at walan dating ang story. Kung ako ayun litsunin ko ang manok nayan at pakain sa mga batang nasa lansangan... oks na sa akin ang buto...
Uy! si Gerry na naman ang sikat sa blog na to!
Sang ayon ako dito kay extranghero na to. Kung ako kay Gerry A. Asikasuhin nya nalang ang business nya at tigilan ang pag alipusta sa ibang pinoy artist...
Puta talaga oo! nag babangayan na naman kayo! Lubayan nyo na si Gerry. Bugbog na bugbon na, pinupog nyo pa. Lahat nalang ata ng blogs na binisita ko si Gerry ang topic. Kakasawa yang ginagawa nyo, tigilan nyo na si Gerry.
Pakiusap, kalimutan nyo na ang mga nagawa ni Gerry noon sa inyo. matutong mag patawad. kasi kung yung nakaraang mga negative comment na nakuha nyo kay Gerry ay itutuloy nyo parin. Abah eh walang katapusan na banatan sa blogs to.
Baka nasa ilalim na ng lupa si Gerry, cge parin ang banat nyo. Ewan ko lang kung pati si San Pedro eh may reklamo din. (joke lang)
Basta tigilan na tung gulo na to... Kc nababasa ng mga bagong artist ang mga article na ang banat ay kay Gerry. dadami ang mga bagong silang na artist na masama ang magiging tingin or pananaw sa pagkatao ni Gerry.
Yun lang... Letche!!!! talaga sinong umutot!!!
Jose MAkabayan (ihi lang pahinga)
Ako rin. Pagod na akong isipin si Alanguilan. Malinaw naman na mali ang post niya dito, tapos ang dumedepensa hindi siya kundi yung mga died in the wool friends niya dito tulad nina Reno, Mario, Manilaboy at kung sino-sino pang mga komikero na mababaw ang comprehension at reasoning powers. Sorry ha? Eto pa, di pa ko tapos...
Alam nyo, hindi lang naman si Gerry ang pinatatama e. Kayo mismong mga komikero na tulad niya KASAMA dun! Sa sobrang FREEDOM 'nyo ngayon na maging radical (kuno) e nasaan na tayo ngayon, aber? WHERE HAS YOUR ARTISTIC FREEDOM WITHOUT VISION OR RESPONSBILITY COME TO? ME SARILI BA TAYONG COMICS INDUSTRY?
Hindi ba't halos lahat kayo kumukuha ng comics jobs abroad sa U.S. Japan at kung saan-saan pa? Kumikita pa kayo ng malaki dahil sa foreign exchange. Oo nga ginagamit nyo ang pera para ipakain 'nyo mga pamilya nyo, etc. etc. bla bla bla. Pero bottomline: YOU, WHO THINK YOU ARE BETTER, HAVE NOT HELPED CREATE A LOCAL, INDIGENOUS, COMICS INDUSTRY AND WORSE, YOU DON'T REALLY CARE. YOU ONLY THINK SHORT TERM. Like GERRY, YOU ONLY THINK OF YOURSELVES AND YOUR SHALLOW COMICS ARTIST'S PRIDES. You don't think of the BIG PICTURE. All of you, like Gerry, are not really creative. You are only SKILLED comics artists with no vision, integrity, or courage. There's a difference. Obvious ito sa mga pinagpupuputak niyo sa taas. Tama si Randy. You are hedonists. You have no sense of history or responsbility. You have no vision. You are a lost command. And worse, you take pride in your inadequacies and insufficiencies.
Nabasa nyo ba ang Inquirer kahapon? Si Carlo Caparas pinarangalan ng National Commission on Culture and the Arts for HELPING PROMOTE THE FILIPINO LANGUAGE in his MORE THAN 800 komiks works. Dahil dyan, naalala AT MINAMAHAL pa siya hanggang ngayon ng mas maraming Pilipino na nakikidalamhati sa mga obra niya. Di lang 'yon, merong foreign publisher na gustong i-reprint at i-translate ang mga gawa niya noon dahil sa ang mga tema daw niya ay UNIVERSAL kahit na nasa wikang Pilipino isinulat.
E yung chicken comics ni Gerry, yung Maskarado ni Reno, Kai at kung ano-ano pa, maintindihan kaya ng mas nakararaming Pilipino na ngayon ay hindi masyado nakakaunawa ng ingles? Me pera ba sila para maabot 'yang mga comics na pinag-gagagawa 'nyo? Me mayamang publisher ba na willing magsugal ng malaki sa mga gawa 'nyo? WALA.
Ano bang klaseng mga komiks ang ginagawa ninyong mga U.S. komikero at anime/manga boys ngayon? Ang mamahal. Limited readership na banyaga pa ang wika. Ang mga istorya at estilo, banyaga din. Walang originality, kung meron man, ang babaw. Manok na nagsasalita? Wow. Ako kaya, gumawa ng kumakantang brief? O dili kaya, nagmumurang condom? Babaw.
Karamihan pa sa inyong mga komikero, walang pakialam at responsibilidad na gumawa ng makabago at malayang PILIPINO comics industry. Ang laman ng karamihan sa mga utak nyo at mga gawa e TRIVIA, o mga maliliit na bagay na walang kakawenta-kwenta. Pambata. Conservative. Safe. Dull. Trivia that is only of interest to the rich, idle and the shallow-minded.
You're only making comics to entertain your little tribe of rich folk. How funny. How truly, KOMIKERO.
Hmmm!?
Ang hindi marunong magmahal sa Sariling Wika, ay higit pa sa MALANSANG ISDA.
Ang Hindi marunong lumingon sa Pinaggalingan, ay hindi makararating paroroonan.
AGRee, naman ako dun sa sinabi nung pangatlong anonymous dahil sa nakikita ko ngayon na maraming mga comic book creators ang mga BONDYING ang pag-iisip at alipin pa rin ng estilong banyaga tulad na lang ng Manga na pati istorya na pinagsusulat eh walang ka-pinoy-pinoy (dapat itawag sa mga ito MAKAPILI kasi makahapon.)
May mga komiks na ganito na ipinagmamalaki sa mga mukha ng mambabasa na gawang pinoy at pinipilit ikumpara ang sarili sa Japan o kung hindi naman eh sa America. Kung minsan, naiisip ko tuloy na parang mga walang pinag-aralalan ang mga ito sa klase.
Kung minsan kaya nagkokomiks ang ganito lalo na iyung mga MAKAPILI kasi gusto lang magpa-AZTIG. Gusto lang magpa-impress sa Crush nila na kaya nilang magdrowing ng mas gwapo pa kay Son Goku o di kayay kay Eugene. PWE!!!
Sang-ayon naman ako sa sinabi ni Manila boy tungkol kay Gerry. Sabihin natin ng maayos iyung mga pagkakamali ni Gerry pero huwag naman yung tila naninira ka na. Tulad ko, masasabi ko na hindi tama iyong gawin nyang ingglesero ang mga manok niya kasi pang-pilipino to eh at maraming hindi makakaintindi lalo na iyong mga matatanda sa mga sinasabi ng mga manok sa komiks na gaya na lang ng FUCK o MoDErPaker na yan kasi mga bagong gagong salita ito mula sa kano na kina-iimpluwensyahan na ng kabataan. Lalo pa tayong nababanyaga sa ganito kasi eh...
Huwag naman po kayong mag-ipon tapos ilalabas(na parang pupu) ang
sama ng loob kay Gerry bagkus ay magkaisa tayo bilang mga artist at mga taga-suporta sa Komiks upang mapasiglang muli ang indusatriya.
Kung hindi para tayong mga senado gaya ng sabi ni KULOG na nag-mimeet lang yata para magtalo na nauuwi nga lang sa wala. PagDeBATEHAN natin ang komiks at huwag si Gerry. Sabihin natin ng maayos ang pagkakamali niya at huwag siraan o kutyain.
Buti nga, may mga ideya si Gerry na ibinibigay niya dito eh, at sa Tingin ko hindi naman nang-aalipusta si Gerry sa mga kapwa artist eh. Kung may sinabi siyang mali sa iyong gawa, huwag mong dalhin iyon na galit o hinanakit sa iyong puso't isipan bagkus dalhin mo iyon bilang pag-subok sa iyong sarili at patunayan mo sa pagmumuka ng Gerry ALanguilan na ito na hindi ka ganun. Gamitin mo ang iyong sining para mapatunayan mo na mali siya sa kanyang mga pinagsasabi laban sa iyo.
Kung hindi, baka may magtanong sa iyo kung artist ka ba talaga o nagpapa-aztig lang na mataas ang pride.
Kung nang-aalipusta si Gerry eh di sinisiraan pala niya iyong pagkatao ng artist. Tingin ko hindi, kinicritic lang. Parang si David Campiti siguro o di kayay si Gilbert Monsanto.
Ngayon kung puro paninira ang kaya mong iganti imbes na ang iyong sining ay baka matulad ka lang sa iba diyan na mataas ang pride at hindi matanggap na kulang pa sa timpla ang drowing. Baka tumanda pa kayong ganun ah.
Buti nga si Gerry eh totoong-totoo sa sarili hindi katulad niyo o kahit katulad ko na duwag na natatakot siraan kung may mali man sa sinabi.
Matuto po tayong magpatawad. Mga Alagad kayo ng Sining diba?
Iyong Komiks na lang ang pagtalunan natin. Tama na!
Basta ako, maglalabas muna ako ng komiks na gusto ko, iyong naaayon sa gusto ko, walang sinusunod na standard, walang magdidikta, walang magbabawal...malaya! Graphic novel, pang-bookstore muna, sa pinaka-murang halaga. Kahit mag-self publish ako, wala akong pakialam kung kikita o hindi, basta ang mahalaga, mailabas ko ang gusto ko at ipagsigawang: shet! GANITO ANG KOMIKS! ITO ANG KOMIKS! Later on na siguro ang business side. Pagbibigyan ko muna ang sarili ko na mailabas ang mga ideas na naikahon sa isang bahagi ng aking utak sa matagal na panahon. Kasi noong panahon ng GASI, pigil na pigil...kaya ako naman, gigil na gigil.
Naniniwala ako na kaya pang buhayin ang komiks at mai-angat, hindi man malampasan ang estado ng pocketbook ngayon, kahit mapantayan lang. Off course hindi madaling gawin, kaya nga tayong mga nagmamahal pa sa Philippine komiks, kailangan talagang magkapit-kapit. Iyong mga nagsasabing puro dada lang tayo at walang resulta, hindi na dapat nakikisali sa usapan dito kung wala namang maitutulong. Dapat nga magalak tayo dahil hanggang ngayon, hindi pa rin namamamatay ang pag-asa nating mga comics artists na sisiglang muli ang komiks ng pinoy.
Naranasan ko na'ng magsulat sa telebisyon, sa kung ano-anong uri ng entertainment medium, pero sa komiks pa rin bumabalik ang sentro ng aking interes.
Sang-ayon ako kay Randy, maraming proseso, madugo at magastos para buhayin muli ang komiks sa Pilipinas. Pero walang imposible kapag ginusto. Kung ako nga'y magiging milyonaryo balang araw, hindi ko iisipin ang pera, magpa-publish ako ng maraming titles at ikakalat sa buong Pilipinas. Kesa isugal ko sa ibang bagay ang pera, isasapalaran ko na sa pagbuhay ng komiks na naging bahagi na ng literatura at kasaysayan ng ating bansa.
Ito'y sarili kong pananaw, kung may mga hindi sang-ayon, wala akong pakialam. Magrespetuhan na lang tayo ng paniniwala.
PEACE!
At ciempre dapat ganun din naman ang komikero at iyung sinasabi ng anonymous na makapili daw.
Okey tawa ni Gerry a. Para kang nasa impyerno.
E talaga namang sa kasalukuyang sitwasyon ng comics sa bansa...
TALAGANG NASA IMPYERNO TAYO.
MWA-HAHAHAHAHAHAHA! (may sabay pang buk-buk bukak at cockle-doodle doo!)
Wow! Cayn yu feyl it?! May binibitaw na salita nanaman si Gerry boy tungkol sa language as communication na...(hay naku kadyot lang kadyot lang! It hurts yu No!)
Bago mag-comment ang mga anti-Gerry at anti-komikero, at anti-comics art museum, please lang po. Mga iho, mga iha...ibalato na natin 'to sa kanya. We have better things to do.
Gerry represents a market segment for comics. Alam na 'nyo kung ano 'yun. Let's respect that. Its a small, self-important, shallow market, but its an "audience" nevertheless. If they appreciate the kind of contorted logic ni Gerry, fine. let them be. Don't take it against them.
Masakit isipin pero, kung babangon ang local "Pilipino" comics industry, sila (the komikeros) ang magiging minority (kung babangon nga ang industriya natin). Sa kasalukuyan, nangingibabaw ang minority na ito kaya, anong magagawa natin? That's right. We have to eat chicken shit (no pun intended.)
Civility na lang okey? Naniniwala ako na me matututunan tayo sa isa't-isa kahit iba ang ating mga pananaw. Gerry, paki-quote nga uli si Coching :)
Gerry Alanguilan: "Lahat ba ng Pilipino nakakaintindi ng TAGALOG? Kung gumawa ba ako ng komiks na tagalog LAHAT ba ng Pilpino makakaintindi? Hinde."
Please explain. Kung ako papasok sa komersyo ng pagbebenta ng komiks at gusto kong marami ang mag-appreciate nito, its only common sense that not ALL will understand it.
Not ALL but MAJORITY of readers who definitely know tagalog will. Not a minority, but MAJORITY.
Bakit? Kasi sa kasalukuyan, maraming Pilipino ang di nakakaunawa ng ENGLISH. Karamihan tagalog or worse, tag-lish. Nasa mga headlines ng pahayagan natin ito lalong-lalo na noong June, 2006, nang magpasukan ang mga bata at tinira ng media ang education system natin.
Also, what's your basis in saying or implying that ALL or MAJORITY of Cebuanos can't read or understand tagalog? Has there been an independent survey conducted for Arnold Arre's work on this that made you make such a gratuitous statement?
Well, kaya ka siguro mabait ngayon e kasi marami ngayon ang nanonood at nakakasangga mo. Hindi gaya ng dati, pag nag-iisa ang may maling salita lumalabas ang totoong pagka (expletive deleted). Understandable naman ang ploy mo dito para ma-maintain mo ang "customers" mo. Trying to look like the good guy ploy.
Thank you for affirming na ni minsan di mo talaga hinangad na tulungan ibangon ang industriya natin. At least you're honest in admitting that you're only in this for your self. Oops, "for art's sake" pala. Thank you also for admitting that you, and your fellow komikeros, are only "spectators" who, like NERO are just playing the fiddle while everything else is burning all around them. Thank you again for once more for confusing us and declaring your inner contradictions as an "ahrtist" by also (*sob*) yearning sa pagbabalik ng Filipino comics industry natin.
Pero alam mo, medyo nabuhayan ako sa sinabi mo. Talaga? Kung gagawa kami ng komiks, susuportahan mo? Talaga? Di mo lang sinasabi 'yan para magpa-pogi ka dito sa internet na marami ngayon ang nagbabasa? Galeeeng!
Sige, instead of putting out Elmer No. 2, how about publishing SOMEBODY ELSE's WORK FOR A CHANGE? Instead of publishing your "SELF"? Asahan ko 'yan ha? You'll be putting your money where your mouth is? Sige. Instead of Elmer No. 2, aasahan namin next month (or another another month) a new unknown comics creator published by Alanguilan (the pussycat) na TAGALOG at PILIPINO ang milieu.
Of course, if that doesn't happen, alam naman natin na marketing ploy nanaman to.
Oo nga pala. Sa personal experience mo lang binase ang decision mo? Tsk. How about reading the NEWSPAPERS? Did you consider THAT?! Kasi minsan (shrugs) newspapers publish results made by independent and competent survey companies. Minsan pa nga nababasa mo ng libre ang mga english broadsheets sa fastfoods e.
Saan-saan ka kaya nagpupupunta sa Cebu at Bohol at iyon ang naging impression mo? Well, its your call. Kung tingin mo karamihan ng Pilipino ay ingles ang kanilang naiintidnihan ngayon, I'm sure dadami ang readers mo, lalong lalo na sa Rockwell, U.P. Megamall, U.S. at U.K. I'm sure sa mga lugar lang na ito lalong dadami ang tatangkilik sa english speaking funny animal comics in black and white, NA GAWA LANG NI GERRY A, the individual.
Isa pa: Ano ba ang primary market ng ELMER? Kung English yan, ba't mo pa binibenta dito sa Pinas? Trip mo lang?
Salamat at nalinawagan naman ako sa mga sinabi mo Gerry. Sorry na sa sinabi ko. Sabagay, hindi naman lahat ng tao eh mapagsasalita mo ng tatlong lengguahe dahil hindi naman lahat ng tao ay pinanganak na tulad ni Rizal na nakakapagsalita ng dalawampung wika.
Hindi rin natin sila masisisi kasi mga Cebuano't Visaya sila na may sariling diyalekto. Eh kung yung hapon at Instsik nga eh pangalawang language lang tulad ng english hindi mo na mapagsalita, tayo pa kayang pinoy.
Buti nga nakakaintindi tayo pareho ng dalawang language eh ang Pilipino at English. Angmalaking problema lang hindi ito naiwiwika ng wasto kaya tuloy nagkakaroon ng Tag-lish at English Carabao.
Salamat and Sori
Gerry Alanguilan: "Ang communication, para maging effective, kailangang di sya tinatali ng patriotism at nationalism. Recognize natin na patuloy na lumiliit ang mundo. Parte na tayo ng isang global community."
No wonder tag-lish na rin tayo kung magsalita pati dito sa blog. Wala na palang Pilipinas. Global community na. Wala na palang Pilipino language. Pilipino Komiks is dead. Long live Pilipino Komiks.
SI gERRY LANG ang di nationalistic at di patriotic kaya ganyan ang communication at logic niya: INEFFECTIVE.
Di na ko pupunta sa blog nya at sa mga iba pang naka-link sa kanya.
Sayonara
Wowoo...anong nangyayari dito? Sa mga nabasa ko, hindi ko maiwasang mapakamot sa ulo. Alam niyo mga kapatid, lahat tayo ay gusto na ibangon ulit ang industriya ng komiks. May kani-kaniya tayong paraan para sa atin. Walang makakapaghusga nito kundi ang market mismo. Kung meron tayong magandang paraan, sabihin natin ng maayos, ilatag natin ang lahat ng facts, at kung applicable ba ito sa panahon natin ngayon. Malaki ang respeto ko kay Gerry bilang isa ring creator ng komiks, ang paglalagay ng Komikero site sa internet ay isang malaking bagay na ni isa man sa atin ay hindi naisip noon. Aaminin ko, kung hindi ko nakita ang Komikero site, malamang wala rin ang blog na ito para mag-share ng experiences ko sa komiks. ang pagpapaangat ng komiks ay hindi nagagawa ng isang gabi, o ng isang tao. dapat dito ay iba-ibang tao. wala akong tinitira na publication or indie publisher sa post kong ito, gusto kong lang makita ng lahat ng totoo na ganito ang kasalukuyang nangyayari sa industry. kailangan natin ng marami at malalim na studies kung paano ulit ito paaangatin.
hindi precious ang nagsimula ng pocketbook. may pinagmulan ito, at yung pinagmulan na yun, yun ang nag-trigger para magsimula ang malaking industry ng pocketbook sa pinas. para sa akin, dapat ay mayroon ding komiks na mag-trigger para magsulputan pa ang ibang publishers nito. dahil ang mga publisher, susulpot lang naman yan kapag nalaman nilang bumebenta ang ganitong produkto. isang example ang horror stories na ginagawa ng psicom, ngayon ang dami nang nanggagaya sa kanila. ibig sabihin, naka-create sila ng maraming market. at naka-create sila ng maraming publishers dito.
ang sinabi kong komiks na may tabloid philosophy ay isang option. at tingin ko ay iba ang tinutumbok nitong 'way' kesa sa ginagawa ng mga komiks publishers ngayon. naiiba ang laman, mura ang presyo. kapag itinabi mo ito sa mga komiks ng psicom, o neocomics, o chocolate chips, o kung anu-ano pang naglalabasan ngayon, ito lang naiiba. habang yang mga komiks na biannggit ko ay nag-aaway sa iisang market, ang komiks na parang tabloid ay gagawa naman ng sarili niya. kukunin nito ang interes ng pangkaraniwang masa.
Gusto ko sanang ILANTAD kung sinu- sino ang mga nagpopost dito na ayaw magpakilala( nakumpirma ko kanina lang ) pero bilang respeto sa bawat isa ay minabuti kong huwag na lang.
Ilang araw ko ng sinusubaybayan ang topic dito sa blog ni Randy at napapansin kung hindi talaga patas(dahil nga may nakatago ang pangalan ay di nila malaman kung sinu- sino ba talaga ang mga nagpopost dito).
Sayang dahil kung nagpapakilala sana ang bawat isa, sana ay mas maganda itong tingnan dahil sigurado akong magbibigay ng respeto ang bawat isa.
Maganda pa naman ang topic at ito'y para sa lahat.
Pinipilit kong mamagitan na lang pero sa ganitong sitwasyon ay totoong napakahirap gawin,ipagpaumanhin na lang po sa inyo.
Pero sa tingin ko naman ay matatapos na rin ang balitaktakang ito.
Pahabol:
Nagpapasalamat ako sa ilang empleyado ng BAYANTEL at PLDT na nakausap ko...mabuhay kayo diyan!
MARIO: Nandito tayo para pag-usapan ang IDEYA at hindi ang MAGPAKILALA! Ang hirap naman kasi sa iba diyan, pag nalagay sa alanganin ang mga pinagsasasabi, walang maturity para amining mali sila; tuloy pa rin ang self-denial tulad ng mga ibang "komikerong" nagpo-post dito. Bakit nila gusto pang kilalalanin ang mga taong nagbigay ng masakit na katotohanan? Dahil ba sa gusto nilang tirahin ng personal? Lalo na ng patalikod? Siyempre. Obvious, di ba? May mga stages 'yan e. Parang death. Anger, denial, bargaining at ang kahuli-hulihan: acceptance. Sa ngayon, nasa anger stage pa ang mga komikerong natamaan dito. Ang iba naman tulad nina Reno, Mario, Ong, at ng ilang anonymous, ay nasa self-denial naman. Normal lang 'yan. Alam naman naming di 'nyo pwedeng sabihin na agree rin kayo sa mga sinasabi ng ibang di maka-Gerry dito dahil sa baka mag-retaliate sa inyo ang iba sa tribu 'nyo.
Ang nakakainis, maayos ang topic na inilabas ni Randy: PAANO IBANGON ANG LOCAL COMICS INDUSTRY tapos "out of nowhere" heto si Gerry, tadtarang pinipilit ang kabaligtaran: HINDI MABABANGON ANG LOCAL COMICS INDUSTRY; ANG COMICS ARTIST WALANG RESPONSIBILIDAD DITO; MAYAMANG PUBLISHER LANG ANG MAY RESPONSIBILITY DITO(KUNG MAY SUMULPOT). Malinaw di ba? Pilit pa siyang nage-evade nang sabihing hindi raw lahat ng Pilipino marunong ng tagalog kaya gumagamit siya ng ingles sa comics niya. SAY WHA?!!! Tapos you have the chicken balls to promote this spin?!! Gaya ng sinabi ni Mrs. Pacquiao, hindi nga lahat pero MAJORITY marunong ng tagalog, nakakaunawa ng tagalog. KAYA NGA PUMAPANGALAWA NGAYON ANG "TAGALOG" ROMANCE POCKETBOOKS SA BIBLIYA BILANG NO. 2 NA BABASAHIN NGAYON SA BANSA. At alam nyo bang mas maraming Bibliya sa bansa na salin sa tagalog ang binabasa ng Pilipino kesa sa Ingles?
To sum: walang kumakagat sa bulok na mga "spin" nyo.
Heto't may mga taong nagnanais na seryosohin ang kalagayan nila, tapos heto si KILLJOY ALANGUILAN nagsasabi ng YOU'LL NEVER MAKE IT. Aba'y sino ang maiinis diyan?
Siyempre, 'yung karamihan na gustong sumugod. At mga PILIPINO sila, di tulad ni Gerry.
Nakalimutan na yata niya ang panatang makabayan. Corny no? Panatang makabayan. Pambata lang. Pero pagtanda, wala na.
"Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino. Sa isip, sa salita, at sa gawa."
Tingin 'nyo ba makakagawa kayo ng panibagong "mass-based' Pilipino komiks ngayon kung mismong sa isip, salita at mga gawang komiks 'nyo e DI PILIPINO?
Sige nga, what's so Filipino about ELMER? MASKARADO? AFTER EDEN? CULTURE CRASH? IGNITION? HUMANIS REX? CREST BUTT SHOP (or whatever Gerry calls it)? Ipagpalagay na nating MAJORITY ng Pilipino e ingles nga ang naiintindihan tulad ng dine-delusyon ni Gerry. O, PILIPINO nga ba ang mga komiks na 'to? Karamihan ba sa mga english-speaking Filipino readers e tumatangkilik dito? Industry ba ito? Me mga minimum ba ng 100,000 copies sold ang mga ito? Hindi, di ba? FACE FACTS. Ito ang iniiwasan ng karamihan dito. Ayaw ng iba dito na GUMAYA SA INYONG MGA KOMIKERO at sa "mini-comics industry" nyo na pang-sosyal at pang-geek lang.
Kaya may mga ibang naiinis dito kay Gerry (AT SA MGA IBANG KOMIKERONG HAMBING ANG PAG-IISIP NIYA) ay dahil sa he is promoting a BACKWARD VIEW.
At PLEASE. Wag nyong gawing dahilan ang pagsamba ni Gerry sa mga obra ng dating Pilipino artists. Heto ka, aktwal ka nang gumagawa ng lantarang foreign-inspired comics work TAPOS NAGAGAWA MO PANG SABIHING PILIPINO ITO? KARAMIHAN SA MGA PILIPINONG NAKAKAUNAWA NG INGLES TATANGKILIK DITO? Bakit? Dahil ba sa ang creator nito e, sumasamba naman sa gawa ng ibang Pilipino comics ng nakaraan? Parang me MALI a. Mass-delusion!
Hayaan mo at kapag MALAKI na ang kapital ni Gerry A, I suggest natin na mag salin din ng ELMER sa wikang Tagalog.
..para dalawang lengguwahe na ang lalabas. TITINGNAN NATIN KUNG ALIN ANG MAS PAPATOK...
KUNG ITO BA ANG KAGUSTUHAN NG NAKARARAMI, SUNDIN NATIN!
Kung parehas lang, aba...yan ang magandang balita!
Betcha by golloy WOW!
Pag malaki na ang "kapital" ni Gerry?
Bakit pa ko maghihintay? Anong mapapala ko kung maghintay ako? Kikita ba ako dyan, just for waiting for this guy to lay another EGG? No way, Gokongwei!
Mario, ang nakikita ko lang malaking kapital, e 'yung letter "G" sa pangalan ni Gerry.
Ako'y naimbitahan ng malugod nating kabayan nasi Randy Boy. Matagal tagal narin akong nde nabisita dito pati sarili kong blogs nde ko narin napupuntahan.
Ang topic PAANO PAAANGATIN ANG KOMIKS?
Linaw dibah, so hindi natin dapat isama dito ang galit kung kanino man. Malinaw din dito sa mga nabasa ko na maraming ayaw kay Gerry A.
Aminin ko sa inyo, nung wala pa ako sa mundo ng komiks ang linya ko eh puro sa programming/web designing lang at patuturo ng flash animation. Studyante ko ang nagbukas sa akin sa mundo ng komiks hangang sa malaman ko ang pa contest ng Culture Crash Comics 3rd placer nila ako sa best short film. dahil dito parati kong kino kolekta ang C3 nila hangang sa nalugi na ito.
Naging fanatic ako sa mangga na stilo. Hangang sa nabasa ko ang Article ni Gerry tungkol sa mangga pinoy na gumagaya ng stilo na ito.
Sa totoo lang sumama loob ko sa kanya sa mga banat nya noon, pumasok sa isip ko, "yabang naman nito, parang nde sya pinoy, eh ano naman kung yun ang style na ginagawa ng ibang pinoy, yun ang click sa madla eh, wala syang magagawa dun." Hangang sa maimbitahan ulit ako ni Randy na join sa forum ng komikero.
Dun ko nakilala si Gerry boy at nakausap din. Na realized ko na nde naman ganun kasama talaga si Gerry para sa ating mga artist na kababayan. Nataon lang na iba ang pananaw nya, kya nya naisulat ang article na yun na kasulukuyang maraming pinoy artist sa ngayon ang gumagamit ng anime style. Dahil nga dun, napatutok ng husto ang mata ng mga artist sa gingawa ni Gerry A. Tulad ng sinabi ko wala tayong magagawa dito kahit na mag tatalak at tirahin ng masasakit na salita si Gerry, ito ang way nya kung PAANO PAAANGATIN ANG KOMIKS?.
Bat nde nyo subukang kausapin si Gerry pagusapan at linawin ang lahat kung bakit ganito at ganun. Kung ako tatanungin nyo, wala na akong pag daramdam kay Gerry A. simula nung makausap ko sya sa forum dahil nasabi ko sa kanya kung bakit ako nagdamdam at ni accept nya yun at both side we say Sorry. Dibah mas maganda yun.
Tulad ng sabi ng iba, Matutong mag patawad, ilibing ang nakaraang pagkakamali ng isang tao, at harapin ang bukas.
Lol! ahaheheh... napahaba ang kwento ko. Langya ka Randy, kaya mo cguro ako inimbita dito dahil alam mong mahaba ako mag comment.
Balik tayo sa issue na PAANO PAAANGATIN ANG KOMIKS?
Sa aking pananaw, para mapa angat ang komiks dapat gumawa tayo ng kakaiba na cguradong click sa masa at mura na kayang mabili ng mga mambabasa lalo na ang mga mahihirap.
At isa pang way para mapa angat ang komiks, dapat yung kilala ng nakakarami ang gagawa para sya ang mag trigger sa iba pa nating magagaling na artist.
Kailangang may mag break through sa natutulong nating komik industry. Nde yung maganda nga ang klase ng pagka print ng komiks at ang gagaling ng gumawa nito. Kaso sa sobrang galing, sobrang mahal din. Kaya nde mabasa at mabili ng mahihirap na kababayan. Ang tanging nakakabili lang ay ang may pera.
Kung maibabalik lang natin sana ang dating panahon na kung saaan sikat ang mga pinoy komiks natin. Mura na magagaling pa ang storya at guhit nito.
Sa ngayon, mukhang malabo na yun. Kaya kung ano ang in sa market yun ang ginagawa natin. Mahal lang talaga.
Though, marami akong kilalang kapwa pinoy na gustong sumubok mag self publish ng komiks nito sa murang halaga lang at isa na ako dun. Pondo lang din ang kulang para maisa katuparan ang pangarap na ito.!!!
Yun lang po ang ma share ko dito. Maraming salamat po! Mabuhay po kau.
Mabuhay ang mga pinoy Artist! KAya natin! Mag redhorse tayo!!!! lol
Isa pa,ipakita natin sa publisher na solid tayo at hindi tayo nag aaway-away( eh paano kung makita ng nagbabalak na maging PUBLISHER itong blog ni Randy V na GANITO PALA ANG NAGYAYARI SA ATIN? NAGBABANATAN NA PARANG SA SENADO?
At ang nakakatawa, eh KOMIKS lang naman ang pinag-uusapan at hindi pambansang usapin, hehehe!
Di bale na kung tungkol sa giyera sa Mindanao ang topic, siguradong magulong pag usapan 'yun, eh KOMIIIKKKSSS! komiks lang 'yan! Walastik naman o!
Hindi pa nagsisimulang magbuo ng komiks eh halos MAGPATAYAN na yata ang mga tao rito. NAKU! Matatakot ang mga namumuhunan at hindi na sila maglalabas ng perang malaki...aba, di sila sigurado...sasabihin nila MALAS...kasi nga MAGULO..di ba pamahiin yata ng mga Intsik yun? o dun yata sa FENG CHUI na nabasa ko?
Bluepen, Mario:
Ang galing 'nyong mag-downplay. Really. Ang galing. Me makita kayong naglalabanang ideya at di makayanan ng mga intellect 'nyo makisabay, agad 'nyong itinatabi para mag-inuman. Kaya walang sumusulong e. Ang daming intellectually weak. Tapos ang mga pinagsisigaw pag gumawa ng bagong Pilipino Komiks e: "KONTING RESEARCH", "KONTING TALINO"...atbp. E sa mga pagco-comment 'nyo, di nyo naman isinasakatuparan 'yang mga pinagsasasabi nyo (si mario lang, di ikaw, bluepen) Sorry ha? Tagos ba?
Anyway, sa comment ni Mario na gumawa ng Komiks. O sige. Pero bumabalik tayo sa gulong e. At iyon ang punto ng pagtatalo dito.
Kung gagawa ka ng Komiks, UNANG TANONG: Anong wika ba ang gagamitin mo para magkaroon ka ng access sa mas maraming mambabasa? English ba o Tagalog? Bakit importante ito? Answer: PERA. Mas kikita ka kasi kung mas marami ang makakabasa, makakaintindi at makakaunawa sa ginagawang komiks mo. At di mo magagawa yun kung di mo alam kung ano ang mas malawakang wika ang ginagamit ng target readers mo.
Kaming mga "negative" e naniniwala sa wikang tagalog pagkat mas marami ang nakakaunawa nyan dito sa Pilipinas. Mas malaki ang market. Mas bukas pa sa creative experimentation at freedom.
Si Col. Sanders naman, naniniwalang ENGLISH daw pagkat karamihan sa mga Pilipino e di nakakaunawa ng Tagalog. Ang target market kasi ng Fastfood owner na ito, e yung kokonting sosyal at elitista ng lipunan natin (at yung U.S. at iba pang english speaking market abroad)na WESTERNIZED o WESTERN CENTRIC. Sa paniwala niya, me "comics industry" daw dito. Hindi yata PILIPINO comics industry, basta lang daw "comics industry" na GLOBAL.
Ang topic ni Randy: PAANO PAANGATIN ANG COMICS INDUSTRY. Iyon ay tinatalakay ng pagtatalo dito sapagkat kung paaangatin mo ang industriya, siyempre, aalamin mo kung saang market ang tatangkilik sa PILIPINO comics industry. Yung comics ba na TAGALOG ang wika at PILIPINO ang tema at sitwasyon, O yung mga INGLES ang wika at GLOBAL o KOPYANG BANYAGA ang mga tema at sitwasyon?
Siyempre, kung mahina ang pag-iisip ng mga nagpo-post, dinadaan na lang nila sa tawa, sa ngiti, sa inuman, na may sabay pang: "KALIMUTAN NA 'NYO 'YAN. MIND MASTURBATION LANG 'YAN. MAGKAKAPATID KAYONG LAHAT. PAKITA NATING SOLID TAYO SA MGA PUBLISHER. HAHAHAHA." ... talagang walang mapupuntahan ang matinong usapan. Di ba, Mario? Di b a Bluepen?
Alam mo Mr. Gerry's tagalog teacher, may punto ka sa sinasabi mo at ganun din si Mario. Kaya lang parang napasobra ang seryoso mo sa pag babasa, pati joke eh pinatulan mo. Alam mo naman ang pinoy kapag problema ang pinag uusapan at magulo na sinasamahan ito ng konting tawanan o biro. Para ba mawala ng konti ang init ng ulo. Ikaw narin ang nag sabi na "agad 'nyong itinatabi para mag-inuman." for your information, hindi nga ako marunong uminom or kahit anong bisyo wala ako. Pasensya na hah nilinaw ko lang ang pag aakala mo sa sinabi ko na "Mabuhay ang mga pinoy Artist! KAya natin! Mag redhorse tayo!!!! lol". Kaw naman, wag mo namang seryosohin ng husto, yung usapang komiks ang seryosohin mo nde ang joke.
Balik tayo sa PAANO PAANGATIN ANG KOMIKS? sa komiks isa rin akong baguhan, nag research muna ako tungkol dito, kasi gusto kong gumawa ng komiks at mabasa ng mga pinoy ang laman ng utak ko. lol! sarap kcng mag kwento. Pero bago yun, gusto kong ma experience kung pano gumawa talaga ng komiks. Nag try ako, practice, practice, at practice pa. Then nung sa tingin ko na okay na ako, nag hanap ako ng client, dun ko na meet si Randy Valiente!!!! Leche! marami akong natutunan sa dito sa taong to! ahehehe... Minalas nga lang at sa una kong gig, naloko ako at nde binayaran! swerte nga si Randy kahit papano may na huthot sa trabaho nya!!! Saklap ano? lol ganyan talaga pag baguhan prating unang biktima.
MArami akong hinangaan na kapwa nating pinoy na nasa komiks! Sinabi ko sa sarili ko, gusto korin gawin ang ginagawa nila! (makadag dag man lang sa mag aangat sa pinoy!) sarap ng feeling pag marami kau dibah. Sakit nga lang sa mata kapag nakikita mo na kapwa mo pinoy artist nag titirahan dito sa blogs, away ng away, para bang mga bata. Hindi ako nag mamagaling or tulad ng sinasabi mong downplay na yan. Sinasabi ko lang ang nakikita ko at reaction ko dito sa mga nababasa ko.
Isipin mo na lang, si Randy Boy inimbitahan ako para mag comment dito, unang isip ko nung nde ko pa nababasa ang mga komento, "Cguro may magagandang nangyayari sa blogs ni Randy or happenings! Makasilip nga!" pag dating ko dito, ano ang nakita ko? Ay!!! sus! Gino-o! may nagaaway na naman pala dito! Aray! dibah!
Gusto kong simulan at subukan sa sarili kong komiks, pinaghandaan ko yun. 50thou ang budget ko para mag publish. Ang problema, pag dating sa printer, gugulangan ka ng mga buwayang may ari ng printer. Kapag nakita kang interesado, tattasan nila ang presyo ng imprenta nila. Kc nung una, mababa lang ang printing, abah eh nung bumalik ako at nalamang interesado ako biglang nag taas.
Isa ito sa kalimitang problema, dahilan bakit nde maingat ang Komiks natin, lalo na sa mga baguhan tulad ko na gustong mag self publish ng komiks nila. Syempre pag ganun parati, mabuti pa ngang mga trabaho nalang ako as colorist/digital-inker/penciler sa labas, kikita pa ako ng malaki. Wala pang hirap.
Nde ibig sabihin eh sumuko na ako, itinabi ko muna ang pag self publish ng komiks na gagawin ko. I need more experience sa mundo ng komiks ang gagawin ko at saka ipon uli ng pondo para dito.
So ang ibig kong sabihin para maingat ang komiks! dapat mura (nde yung mag mumura ka sa mahal ng komiks!) ang benta ng komiks na mabibili ng kahit sino, dapat mura din ang printing!!!!
Yaan mo, balang araw may pinoy na maglilikha ng ingay sa mundo ng pinoy komiks! Hintay hintay kalang wag kang mainip! dun mo makikita kung PINAAGAT ANG KOMIKS ( simple lang naman eh hawakan mo ang komiks ng dalawa mong kamay sabay taas at sigaw ng Darna!!!!) wag mong kalimutan may barbel sa paanan mo! Itaas mo narin! Lol! (konting patawa lang!) wag sanang seryosohin ang joke at baka mangamoy ang hangin.
P.S.
Randy boy! tapos ko na kulayan ang drawing mo:
http://www.deviantart.com/view/37522310/
Yung dalawa mong chika babes wag mo nang linisin ng husto ako na bahala dun, kakainip na eh.
Gawin ko lang muna itong kay segovia habang wala ka pa.
LAM MO, BLUPEN, IKAW RIN SUMERYOSO KA RIN DIYAN SA SINULAT MO E.
IKAW NA RIN ANG NAGSABI, DAPAT MABABA PRESYO NG PRINTING. SIGE. PAANO MO SOSOLUSYONAN YAN? DADAANAN MO BA SA SAYA O MAGSESERYOSO KA?
BAKIT TILA IWAS KA SA MGA NAGTATAGISANG IDEYA? E ME KONEKSYON NAMAN ITO SA KABUHAYAN SA KOMIKS, DI BA?
DI KO MAINTINDIHAN ANG MGA NAGTATALONG PANANAW AT EMOSYON SA YO.
Pucha, 'tol! Code ko 'yan. Walang puslitan!
Post a Comment
<< Home