Saturday, August 05, 2006

EXXAGERATING, DISTORTING

Pakalmahin muna natin ang issues tungkol sa business side ng komiks. Balik muna ulit tayo sa form.

Isang cartoonist noong early 80s ang nagdu-drawing ng kakaiba sa kanyang mga cartoons. Ito si Nerddie P. Castro, wala akong masyadong information tungkol sa kanya. Ang kakaiba sa kanyang gawa, hindi lamang niya in-exxagerate ang kanyang drawings kundi dinistort pa. Hindi rin niya sinusunod ang law of gravity sa kanyang mga eksena. Narito ang isang example ng kanyang ginawa na may pamagat na ‘Tayo’y Mag-Joking-Joking: Gamot sa Taong Nakasimangot’.


Cartoons ang gawa ni Castro kaya madaling tanggapin kung ano mang distortions ang gawin niya sa kanyang trabaho. Ang pinakamahirap ay kung gumawa ka ng kakaiba na kailanman ay hindi pa nakikita ng mga ‘traditionalists’ sa publication.

Mid-90s, pagkatapos magpatawag ng meeting noon sa Counterpoint sa lahat ng contributors kung ano kaya ang puwede naming I-offer sa mga readers na bago sa paningin. Iba’t ibang suggestions ang lumutang, may kuwentong ganito, may drawing na ganito.

Nagbuo kami noon ng grupo, gumawa kami ng prototype ng komiks na isa-submit namin kay Joelad Santos sa Counterpoint. Sa lahat ng nag-contribute, ‘yung sa akin ang mas pinagtuunan ng pansin ng lahat. Dahil sa lahat ng matang nakatingin sa gawa ko noon, iyon ang sinabi nilang pina-weird na komiks na nakita nila.

Narito ang example ng unang page. Malayung-malayo ito sa komiks na nakasanayan natin. Pero ang kuwento nito ay inspired ng mga kuwento nina Og Mandino at Chicken Soup for the Soul.



Alam kong magkaka-problema ito sa marketing kung sakaling ilalabas ito ng time na ‘yun (well, pero malay natin, baka pumatok). Pero ito ang naisip ko nu’ng sabihin sa meeting na kailangang may bagong mabasa at makita ang mga readers.

Walang nangyari sa meeting namin, sa tingin ko. Dahil wala naming lumabas na bago sa paningin ng mga readers after ng ilang buwan. Wala namang nagbago.

Ang nagbago lang, ‘yung mga nakaupo sa itaas pagkalipas ng ilang buwan pa. Nawala na si Joelad Santos sa Counterpoint. Doon na pumasok sina Mr. And Mrs. Guerrero. Isinara na ang Counterpoint at isinama na lang ito sa Kislap Publishing.

3 Comments:

At Saturday, August 05, 2006 1:58:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Okey ang cartoon style na 'yan a. Sa isip ko, ang medyo malapit-lapit sa ganyang concept ay yung mga cartoons ni Bert Sarile, of BAROK fame.

Noong una, medyo di ko na-appreciate ang cartoon styloe ni Bert Sarile. Ngayong malaki na ako, saka ko lang naa-appreciate.

Alam mo Randy, 'yung ganyang collage style ng comics hindi ako naniniwala na di pwedeng magkaroon ng market diyan. Ang traditional market ng mga Roces ay yung income class C at D. Ang sample comics na 'yan na experimental at medyo radical ay dapat mina-market malapit sa mga university-crowd noong araw pagkat bukas ang isip ng mga estudyante sa ganyang mga klase na gawa. Medyo, naunahan mo pa nga ng ilang taon ang mga Vertigo covers ni Dave McKean e. :)

Correct me if I'm wrong pero, parang me naalala akong parang ganyang gawa din sa Heavy Metal magazine noong early 1980s? I could be wrong.

Question: Kung sakaling mailabas iyan noong araw, ano naman kaya ang pangalan ng komiks 'nyo?

 
At Saturday, August 05, 2006 5:57:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Cguro title nyan naunang sample eh pwedeng..... Lastik Pipol!

Itong pangalawa, Tinagping Imahinasyon... lol!

wala lang...

 
At Sunday, August 06, 2006 8:29:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

manilaboy-
hmmm, nariyan na pala si joelad s canada.

iskandar-
actually, marami nang komiks ang lumabas sa western countries na ganito ang style before mckean. isa nga sa gumagawa ng ganyan dito ay si elvert bañares na ngayon ay isa nang mahusay na filmmaker dito.

bluepen-
hahaha. natawa ako sa mga titles na binigay mo. cool! pwede!!!

manilaboy-
wow! sige send mo sa email ko ang sample page ng sinasabi mong komiks. gusto ko rin kasing makita.
aside from drawing, paborito ko rin ang mag-layout. actually naging trabaho ko rin before ang mag-layout ng cover at content ng mga showbiz magazine at songhits dito sa atin. so may kaunting knowledge ako sa layouting.

 

Post a Comment

<< Home