Sunday, August 06, 2006

ROMANCE NOVELS


Nakita ko ang ten minute docu sa isang group ko ng mga Tagalog romance authors. Baka interested din kayong panoorin ito.

Tagalog Romance Video

After komiks, nag-try din akong magsulat ng romance books, itong 'yung ilan sa mga TITLES na nagawa ko. Hindi lang ako nagtagal sa pagsusulat nito dahil hindi talaga ito ang forte ko. Pero ang dami kong natutunan sa paggawa ng romance na hindiko natutunan sa komiks or alinmang literary workshops.

30 Comments:

At Sunday, August 06, 2006 3:59:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Kudos Randy dito sa video link mo. Ang galing. Very informative. Hindi trivia. Sana napanood, at may natutunan, ang mga komikero dyang mahilig sa sabong. (Alam 'nyo na kung sino ang mga 'yon).

O ano? Masasabi 'nyo pa bang lahat o karamihan sa mga Pilipino hindi nakakaunawa ng TAGALOG? Sa mga komikerong "ameriCAIN" heto ang translation:

TAGALOG Romance pocketbooks are the SECOND most widely read non-textbook print material in the Philippines outside of the Bible (the tagalog versions of which are also the most read.) KARAMIHAN SA MGA PILIPINO, KAHIT IBA-IBA ANG DIALECT, NAKAKAUNAWA NG TAGALOG.

Mas okey 'yung FACTUAL survey kesa sa "personal experience" di ba?

Obvious din na INTENTIONAL at DELIBERATE ang pag-gamit ni Gerry & Co. ng ENGLISH sa mga "global" komiks nila. Bakit kamo?

Una, sapagkat Gerry & Co. are catering to a Westernized or WESTERN-CENTRIC upper and middle income audience that comprise only a small percentage of the income class distribution in the country. Probably one or two percent.

At dahil nga sa maliit ang market o audience na ito ng mga sosyal at elitista, competitive pa dahil sa ang kalaban mo e mga advanced western products, talagang walang lilitaw ditong malawakang "Pilipino" Komiks industry.

Ang pinagbibidang "mini-comics industry" nina Gerry at ng mga Indie-kuno e ILUSYON. Sila-sila lang ang bumubuhay at naga-aliw sa kanilang mga sarili dito sa maliit na, at MARGINALIZED pang, comics market nila na karamihan e mga sosyal at WESTERN-CENTRIC.

Pangalawa, kaya sinasadyang gumawa ng ENGLISH comics sina Gerry & Co. ay dahil sa ang mga utak at preferences nila e lantarang WESTERNIZED. GLOBAL. Mas ikinatutuwa nila kung ang mga gawa nila e pinupuri ng banyagang audience sa AMERICA o Japan kesa sa Pilipinas; lalong-lalo na kung kumikita pa ng DOLLAR ang ENGLISH comics nila abroad.

Pangatlong dahilan: AKALA ng mga Komikerong ito, walang market para sa original, intelligent, at bagong TAGALOG komiks dito sa bansa.

The End.

Okey. Itabi na muna 'yang PRIDE Chicken na 'yan. Gusto ko namang mag-comment sa video.

First comment: Nadeja-vu ako sa overall comment tungkol sa Tagalog Romance Pocketbooks ngayon. Ito ay ang comment na kahit na mababaw, paulit-ulit, binabasa lang ng mga kababaihan at low income market, at may room for improvement, ay patuloy ang pagtangkilik ng Pilipino sa babasahing ito. GANITONG-GANITO ang comment sa Pilipino Komiks noong 70s at 80s. Agree ka ba dyan, Randy? Ganyang-ganyan. Pero ano ang nangyari sa komiks? Hindi ba't hindi nag-improve ang quality? Tapos ano ang nangyari? Nang bumagsak ang monopolyo ng mga Roces, hindi ba't nawala na rin ang komiks?

Ito pa: nagsimulang sumibol ang tagalog romance pocketbook noong mga 1992. Sa sobrang patok, na-interview pa ang mga female writers nito sa "Make My Day" talk show ni Larry Henares.

Purple Hearts o Purple Shadow pa yata ang leading publisher nito noon. 1992 was also the year (or was it 1993?) that Don Ramon Roces died. Ominous ba? Me pagka-twilight zone ano?

Second Comment: PRINTED material ang TAGALOG Romance Pocketbook. Naging matagumpay ito ngayong mga panahon na ito despite the proliferation of pirated dvds, cable, cellphones, etc. LESSON: Walang kinalaman ang advanced technology at di magiging hadlang sa isang print publication business KUNG ang primary market mo ay ang low-income class at hindi WESTERNIZED audience. Ewan ko lang kung tama ako sa obserbasyong 'yan.

Third comment: Ayan, me propessor nanaman sa university ang gumagawa ng study sa tagalog romance pocketbook as the popular reading form ng mga Pilipino ngayon. Si Dra. Encanto ang ngalan niya. Ang puna ko lang, limitado nanaman ang obserbasyon ni Dra. at nakatuon lang sa sociological at literary merits ng tagalog romance pocketbook medium. Hindi nanaman binibigyan atensyon ang economic considerations dito.

Pasintabi Randy kung masabi ko na dominated ngayon ng Precious Hearts Publications ni Jun Matias ang medium ng pocketbooks sa bansa. Agree ka ba? Ang nasapit kaya ng Pilipino Komiks Monopoly ay masapit rin kaya ng Tagalog Romance Pocketbook na hawak ngayon ng Precious Hearts? Pareho ba ang mga situational variables? Ito ang maganda sanang ma-consider ni Dra. Encanto sa kanyang research. Makakatulong ang mga ganitong pag-aaral sa pag-unawa ng lahat sa history ng comics industry ng bansa.

Pag mawala kaya ang Precious Hearts e, mabuhay pa rin kaya ang Tagalog Romance Pocketbook, na karamihan e SILA lang halos ang publisher?

 
At Sunday, August 06, 2006 10:45:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Hindi ako naniniwalang ang pocketbook ay magkakaroon ng monopoly gaya ng ginawa ng mga Roces sa komiks. Totoong ang Precious ang may pinakamalaking titles ngayon na inilalabas sa pocketbooks, pero hindi sila ang may hawak ng buong distribution ng buong pocketbook industry. Ikalawa, marami pa ring kilalang romance writers (na may cult followers) na wala sa Precious na may mga sarili nang publication, tulad nina Helen Meriz (although yumao na siya, ipinagpapatuloy ng kanyang mga anak ang pagre-reprint ng kanyang mga nobela). Bawat isang publication ng romance pocketbooks ay may pangtapat kay Martha Cecilia ng Precious, andyan sina Gilda Amor, Susan Espeña, etc.

 
At Sunday, August 06, 2006 11:48:00 PM, Anonymous Anonymous said...

ito para madali na ninyong mabasa...

The Alchemist (Portuguese: O Alquimista) is a book that was first published in Brazil in 1988 and is the most famous work of author Paulo Coelho. It is a symbolic story that urges its readers to follow their dreams. The plot draws largely from an English legend, "The Pedlar of Swaffham", which has been also used by Leo Perutz in "By Night under the Stone Bridge" and Borges' Tale of Two Dreamers, collected in Universal History of Infamy.

Many have compared The Alchemist to Saint-Exupéry's The Little Prince, a children's book about another boy, the Prince, who leaves his home in search of greater things, learning valuable lessons about life and love on the way. It is also interesting to note that much of The Little Prince also takes place in the desert.

Originally written in Portuguese, it has, as of 2004, been translated into over 40 languages and sold over 50 million copies in more than 150 countries.

 
At Monday, August 07, 2006 4:26:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Kaka intriga, Teacher ba talaga ni Gerry to sa Tagalog subject o eklay lang. Sensya na po, kc galit na galit kau kay Gerry A. & Co. Mayroon ho bang namagitan sa inyo or pinagmulan ng samaan ng loob, baka pwede nyong pagusapan yan ng harapan? Kung dati pa yan, abah eh 2006 na po ngayon, malapit na 2007, ilang pasko at mahal na araw ang lumipas.

To the point na L U M I P A S cguro naman alam natin ang ibig sabihin nyan... So tama na yan, daming magagawa... Ilibing na salimot yan kc lumipas na yan eh... mag go on na... deretso lang, wag nang lumingon pa sa likod... Iwanan na ang lumang baul at ilibing sa lupa... Puro simento na tinatapakan natin.... kung kakal kalin mo pa ng husto ang simento, masusugatan kalang... lalo lang magdurugo ang puso mo kung paulit ulit mong gagawin ito...

Tago lang ako baka makatangap ako ng death threat... lol!

Mga tols! Buti si X-MEN nde nasali sa ganitong usapan... cgurado... chatroom labas ng blogs na tol! lol

 
At Monday, August 07, 2006 8:03:00 AM, Anonymous Anonymous said...

malaki talaga problema nitong 'tagalog teacher' ni gerry. sabagay, sumubok na 'tong mag-publish dati eh, nagpa-siklab na rin sya pero wala sigurong nangyari at nalugi yung kanyang first publishing venture, kaya eto at sagad sa buto ang inggit kina Gerry, Reno, Randy at iba pa.

gaya ng sinabi ni Joemari Lee walang masama kung gusto mong i-market sa abroad ang komiks mo at wala ring masama kung anong lengwahe ang gamitin.

manahimik ka na lang pare ko, (o mare ko?). Kung gusto mong makatulong sa pagbangon ng industriya ng komiks, magpa-siklab ka ulit at this time siguraduhin mo na merong bibili ng gagawin mo. ang hirap kasi sayo dito ka lang sa mga blog nagpapa-siklab kaya muka kang kawawang ksp. Masakit pa rin bang isipin yung failed venture mo sa publishing? Na walang kumagat dun sa monopoly theory mo? Tsk... move on man, and again pa-siklab ka ulit.

-Fefe-

 
At Monday, August 07, 2006 9:25:00 AM, Blogger Reno said...

Sayang, di ko mapanood ang video. Di siguro compatible sa mac.

Patok na patok nga ang mga romance novels. May sarili siyang section sa National bookstore. Ibig sabihin, maraming bumibili.

Kung gagawing komiks format kaya ang mga Pinoy Romance novels na yan, papatok din kaya?

 
At Monday, August 07, 2006 9:35:00 AM, Anonymous Anonymous said...

ahehehehe... Move on pala dapat ang sasabihin ko nde go on hahaha! Ayos ah may naka ka kilala pala kay Mr. Tagalog Teacher ni Gerry. So tama nga hinala ko na may namamagitan nga... So yan pala ang dahilan kung bakit ganun nalang ang banat ni teacher...

HAi! nako, dapat talaga mag move on na 19 kopong kopong pa ata talaga yan... Dear teacher bat nga po pala may halong english ang banat nyo, kung gayung tagalog ang pina ngangalandakan nyong dapat gamitin.(korek me kung mali ang pagkaka intindi ko.)

tago ulit!

:)

 
At Monday, August 07, 2006 12:55:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Ang tatalas ng banat ni teacher, yun pala semplang sa takilya. ehehehe....

Paturo ka na lan ke Gerry kung pano kumita! hehehe...

Puro dakdak wala naman palang nagawa.

 
At Monday, August 07, 2006 1:43:00 PM, Anonymous Anonymous said...

BUKING na kung bakit galit na galit kay Gerry at kilala na sila!

 
At Monday, August 07, 2006 3:39:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Mas OK 'yung suggestion ni JM. Bakit? aba, ikaw na ang maging writer 'nung The Alchemist na iyan, eh talo mo pa ang nanalo sa lotto. Sumikat ka na, nagkapera ka pa ng malaki.

Kaya kayong mga nagbabalak gumawa ng komiks, maging inspirasyon po ito sa inyo.

 
At Monday, August 07, 2006 6:17:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Ano nangyayari dito? Ba't me iba nanaman pinatatamaan ang mga nagpo-post dito? Una si Gerry, tapos me isa nanaman? Tama na, no! Ano ba kayo, mga psychic? Nalalaman 'nyo dahil sa meron kayong mga feminine instinct? Baka lumala pa to mga 'tol! Wag nating idamay ang kung sino-sino pa dyan. Hoy, Gerry's Tagalog Teacher! You've made your point! Natalo na ang kung sino mang mga pikon dyan at nagkapersonalan na. Sa ibang blog ka na bumisita.

 
At Monday, August 07, 2006 6:21:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Kakatuwa. Una, panay ang kutya ng mga komikero na wag daw magpersonalan. Tapos heto, bumalimbing. Sila ngayon ang namemersonal. Di pa sila sigurado sa mga pinatatamaan nila. Hoy, bulok style 'nyo.

 
At Monday, August 07, 2006 7:35:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Palagay ko Manilaboy, you are working on a wrong premise.

Pag binasa mo ang mga previous posts dito sa nakakalito at pagkasaya-sayang blog na ito, ay makikita mo na hindi tinitira si Gerry at ang mga komikero dahil sa karapatan nilang gumawa ng banyagang komiks at ibenta nila ito abroad kung iyon ang market nila. Karapatan nila 'yun kung gusto nilang magpakano o magpaka-hapon. Hindi mapipigil 'yon.

Ang pinupunto ng iba dito ay ang WISDOM ng kanilang choice. Bawal ba 'yon?

Kung kayo ay may karapatang gumawa ng tila mali, wala rin bang karapatan ang iba na pumuna sa pagkatama ng napili nyo? One way street ba? Kayo ang defenseless underdog at ang pumupuna ay ang oppressor? Malaya kang gumawa ng mali pero walang karapatan ang iba na pumuna? Puna lang naman e. Di ka naman binabanatan o ang komiks mo e pinupunit. Walang bang kalayaan at karapatan ang pumuna, lalong-lalo na kung me punto ang puna?

Ang nakakapagtaka, e bakit parang si Gerry ang dinidepensahan kahit na malinaw naman na mali ang sinabi niya. At hindi lang simpleng mali, kundi MALAKING mali. Manilaboy, paki-review na lang ang past posts dito para makita mo.

Kung nagawa ni Gerry na magpaumanhin sa mga gumagaya sa istilo ng hapon, bakit dito sa kapwa Pilipino comics creators tulad niya na naghahangad na magpabangon ng isang makabago at malayang industriya sa bansa, e di siya makapagpaumanhin at umamin na me nasabi siyang mali?

Tapos kung sino-sino ang mga pinatatamaan ng mga hilaw na akusasyon at retaliation dito sa cyberspace. Tsk tsk.

Malaya nga kayong kumopya. Pero ano ang hahantungan niyan? Ano ang consequences? Ang istilo ba ngayon e Kanya-kanya? Mukhang ganoon nga ba?

Ang isyu dito e kung ang mga pinaggagawa ninyo e makakatulong sa malawakang pagbangon ng local "Pilipino" Komiks Industry pagkat iyon ang central topic dito sa blog ni Randy.

Mababangon ba kung ang tina-target market 'nyo e abroad? Mababangon ba kung ang kumikita lang e ang comics artist (o writer) na binabayaran ng foreign publisher? Mababangon ba kung ang ginagamit na wika ng inyong mga komiks e INGLES at di tagalog? Mababangon ba kung ang presyo ng inyong mga komiks e P85 to P100 na di kaya ng karamihang hirap sa pera? Mababangon ba kung ang mga tema, istilo, at sangkap ng inyong mga komiks ay malaki ang hango sa kultura ng mga nasa Amerika o Japan?

Manilaboy, bago mo ipagmalaki ang karapatan 'nyo bilang "artist" bakit hindi ninyo subukang sagutin ang mga tanong na ito ng matino, konting reflection at may linaw?

Hanggang ngayon e wala pang nakakasagot ng matino diyan. Sa halip, ang mga sagot na nakikita e: "Kalimutan na yan. Daanan na lang sa inuman. Mind masturbation lang 'yan. "Komiks" na lang ang pag-usapan. Move on." Walang nakikitang urgency o importansya sa nangyayari ngayon.

Dahil sa di 'nyo masagot ng diretso, maayos, at me sense ang mga katanungang ito, kaya kayo tuloy napagkakamalan ng maraming nagbabasa dito, na "komikero" nga kayo in the truest sense of the word. Wala kayong pagpapahalaga sa kahihinantnan ng mga ginagawa 'nyo.

Manilaboy, alam kong bata ka pa at di mo nadaanan ang nadaanan namin sa komiks. Hindi 'nyo nalalaman ang maraming taong hindi nabayaran at tinakbuhan ng mga Roces nang isara nila ang kanilang mga komiks, construction at lumber businesses. Di lang sarili kundi pati pamilya at kabuhayan nadamay.

Ewan ko sa mga ibang nag-post dito pero ako at marami sa mga kasama ko ang naapektuhan sa pagsara ng komiks noong araw.

Ang mga kaso namin sa labor nakabinbin. Wala kaming makolekta dahil nga sarado ang mga ganid at monopolistang pabrika ng mga komiks.

Swerte kayo, nagagawa 'nyong magpasarap. Wala kayong pakialam sa nangyari noon. Ang iba sa amin, heto, sinusubukang maibangon muli (kung kaya) ang kabuhayan naming nawala dito sa bansa. Tapos me biglang darating at sasabihing kung ikaw ay comics artist o writer e hanggang dyan ka na lang at wala kang kakayahang ibangon ang nawalang kabuhayan.

Oo, may karapatan siyang sabihin iyon. Wala rin ba kaming karapatan na ipakita sa kanyang mali iyon?

Sinasabi niya na walang kinalaman ang pagmamahal sa kapwa Pilipino at pagmamahal sa bansa (patriotism at nasyonalismo) kung ikaw ay makikipag-communicate. Tama ba yon?

Walang pumipigil o nagco-constrict sa ginagawa ninyo. Kung meron kayong nakikitang ganoon e sa isip 'nyo lang 'yon. Meron lang pumupuna sa pamamagitan ng wika at salita; walang nanakit sa inyo ng pisikal dito sa cyberspace. Sa isip siguro pwede pa.

At kung totoo ang mga punang iyon, kaya ka siguro nakakaramdam ng pagkakakulong e dahil sa nako-konsensiya ka. At hindi lang ikaw kundi ang karamihan sa inyo diyan.

 
At Monday, August 07, 2006 9:08:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Mr. Old timer, una sa lahat, humihingi ako ng paumanhin sa mga sagot ko na may halong jokes! Hindi ko kc alam na ganyan pala ang naranasan ng mga kababayan nating komik artist noon. Akoy baguhan at nde ko alam ang storya nang nakaraang henerasyon sa komiks. Ang tanging nakikita ko ay ang pangkasulukuyang panahon na kung saan kailangan nating kopyahin ang stilo ng america at hapon upang mapaunlad at makasabay sa bagong henerasyon ng komiks. T

iklop tuhod akong nakikiramay sa iba pa nating kasamahan sa industriya ng komiks na nawalan ng kabuhayan. Nalulungkot ako sa nabasa ko sa paliwanag mo. Sensya na pero ma sentimental ako sa ganitong pangyayari.

Cguro kung na i share mo lang ang iyong experience nung umpisa, hindi cguro lumaki ang isyo na halos mapanira at patama na sa isat isa ang mga komento ng iba nating pinoy artist.

Muli, akoy humihingi ng paumanhin... Ang hangad ko lang bilang isang pilipino, ay makitang nagkaka isa tayong lahat... Sana mga kabayan maging bukas ito sa ating isipan... Ang pahayag ni Old timer ay hindi na biro...

Balik naman tayo sa isyu. sabi mo:

"Ang isyu dito e kung ang mga pinaggagawa ninyo e makakatulong sa malawakang pagbangon ng local "Pilipino" Komiks Industry pagkat iyon ang central topic dito sa blog ni Randy."

Bilang isang baguhan at mambabasa at adik sa komiks. Sa nakikita ko, malabong i angat at ibangon ang local Filipino komiks kung ang gagamitin nating stilo ay ang traditional style ng filipino artist. Noon itoy patok dahil walang impluwensya ng "mangga" walang mga advertisment or napapanood ang kabataan tungkol sa anime or nababasang mangga.

Ngayon, halos kahit saan ka tumingin may makikita kang impluwensya ng hapon or american. Totally nawala na talaga ang pinoy komiks natin. Kita mo ang mga bagong mga artist ay impluwensyado narin ng mangga or anime style, dahil ito ang patok sa mga kabataan ngayon.

Kung meron mang bibili ng komiks na gawa sa traditional style ng pinoy, tayo tayo lang din mga artist at mga natitira pang matatanda na hilig ay komiks nung unang henerasyon. Ilan lang tayong magbabasa nito. Sa mantalang ang nakakararaming kabataan ang hilig ah manga at anime kahit sa buong mundo.

Masakit tangapin pero talagang mahirap i angat ang filipino komiks kung ang nakapaligid ay impluwensya ng america at hapon.

Ang tanging paraan na ginagawa ng iba pa nating pinoy artist at mga baguhan ay kopyahin ant stilo ng america at hapon para mapansin na ito ay gawa ng pinoy. Magugulat ka nalang minsan sa balita na pinoy pala may gawa nun kala mo american or japanese made, kahit bali baligtarin pa pinoy parin ang nasa likod nito.

Ganun kagaling ang pinoy, mahusay pati sa "pangongopya" eh ganun talaga eh. At saka yun ang paraan para magkaroon ng trabaho agad. Kailangan sumabay sa agos, kung sasalungat ka, magpag iiwanan ka at nde ka makaka alis sa kina katayuan mo.

Sa ngayon, kung nde pa alam ng ibang mga old timer, maraming baguhan ang nag uumpisang umusbong na gumagawa ng komiks na gawa nila. Pero wag kau magdaramdam dahil sila rin ay sumasabay sa agos, gamit nila ang impluwensya ng hapon.

So ang opinion ko, mahirap i angat at ibangon ang filipino komiks kung nde tayo magkaka isa. Kahit anong pilit pa gawin natin, kung ang iba naman ay salungat ang pananaw bale wala lahat ng effort na gagawin mo kung ilan lang ang agree dito dibah.

Kung paano naman i angat ang Filipino komiks, kailangan magkaisa ang lahat, oh di kaya sumabay sa agos, kung ano ang inn sa madla, yun ang gagawin natin at dapat mababa ang presyo para lahat ay nakakabasa.


bluepen

 
At Monday, August 07, 2006 10:52:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Ang hirap kasi sa mga pinagsasabi ninyo ay puro negatibo kaya negatibo rin ang feedback sa ilang nagpopost dito, kaya tuloy paurong ang usapan. Sana ay nagbabanggit naman kayo ng mga magaganda sa kabilang grupo. Tapos hayan pala na masama pala ang nakaraan na naranasan nyo kaya puro sama at pait ang dumarating sa inyo. Bakit di nyo subukang mag-isip naman ng iba at bago o mag post naman ng hindi ikasasama ng araw nila kahit minsan man lang, puro kasiraan na lang(napagkamalan ko tuloy na may deprensya sa ulo). Nagpapapuyat ang ilan jan na gumawa ng komiks tapos masama ang inyong sasabihin , sino ba namang hindi maaasar sa inyo. Sana pag- aralan naman ninyo kung ang sinasabi ninyo ay nakakasira ng araw o hindi.Pero hindi ko ito sinabi sa inyo dahil tinamaan kami sa mga sinabi pahayag nyo,talagang nakakabad trip nga gaya halimbawa ng "sino umutot?" "tae sa plato" na talagang malinaw na pang- aasar.

 
At Tuesday, August 08, 2006 8:22:00 AM, Anonymous Anonymous said...

ANo kaya ang masasabi nyo dito?
-----------------------------------------------------------------------------
gerry's tagalog teacher said...

LAM MO, BLUPEN, IKAW RIN SUMERYOSO KA RIN DIYAN SA SINULAT MO E.

IKAW NA RIN ANG NAGSABI, DAPAT MABABA PRESYO NG PRINTING. SIGE. PAANO MO SOSOLUSYONAN YAN? DADAANAN MO BA SA SAYA O MAGSESERYOSO KA?

BAKIT TILA IWAS KA SA MGA NAGTATAGISANG IDEYA? E ME KONEKSYON NAMAN ITO SA KABUHAYAN SA KOMIKS, DI BA?

DI KO MAINTINDIHAN ANG MGA NAGTATALONG PANANAW AT EMOSYON SA YO.

Monday, August 07, 2006
gerry's tagalog teacher said...

Pucha, 'tol! Code ko 'yan. Walang puslitan!

Monday, August 07, 2006

----------------------------------------------------------------------

Kaka high blood talaga tung mga kabayan natin. Nde ko malaman kung saan ako lulugar.

Lam mo Tagalog Teacher, seryoso ako sa mga pinag gagawa ko. Ang problema lang eh ang mga taong katulad mo, ikaw ang dapat sabihang monopoly dahil gusto mo ang masusunod kesyo dapat tagalog at bla bla bla, iba iba ang tao, wala kang pakialam kung anong gawin nila or gusto namin, bakit ikaw ba magpapakain sa pamilya namin, eh yang gusto pinaglumaan na ng panahon andyan ka parin. Napag iiwanan ka na. Kaka asar ka, sayang ang simpatya na binigay ko sau ng mabasa ko story mo. Kaya nagkakaroon ng grupo or dalawang panig dahil sa tulad mong baluktok mong pananaw mo. Tama ka sa mga pinag sasabi mo, pero iba na takbo ng buhay ngayon, kung mananatili ka sa prinsipyo mo, magugutom ka nyan.

Kung seryoso kang tao bat nde ka mag pakilala kung sino ka? ang lakas ng loob mong bumanat ng kung ano ano at yung iba dyan mahilig mag tago, para kayong mga engot na nag aagawan pa ng code name. Ikaw teacher ang dapat mag seryoso sa ginagawa mo, walang nag babawal sau na mag komento ng ganyan pero nde ka nagiisip na ang mga banat mo ay nakakasira sa kapwa mo.


Sabi mo TAgalog Teacher:

IKAW NA RIN ANG NAGSABI, DAPAT MABABA PRESYO NG PRINTING. SIGE. PAANO MO SOSOLUSYONAN YAN? DADAANAN MO BA SA SAYA O MAGSESERYOSO KA?

Email mo sa akin ang address mo para mapadalhan kita ng kopya ng komiks na gagawin ko sa murang halaga... pero nde pa ngayon...


Drama drama ka pa, ako namang engot nag padala sau. Kung nde mo rin pakikingan ang dahilan ng mga binabanatan mo, abah! malaki ang problema mo talaga.

 
At Tuesday, August 08, 2006 8:29:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Nakalimutan kong sagutin ang SIGE. PAANO MO SOSOLUSYONAN YAN? DADAANAN MO BA SA SAYA O MAGSESERYOSO KA? Dadaanin ko sa SAYA dahil masaya ang komiks, alangan namang maging malungkot ako habang ginagawa ko ang komiks ko. Simula palang sa pag pasok ko sa komiks seryoso ako. Magkaka trabaho ba ako sa komiks kung nde ako seryoso. Ang hindi seryoso ay yung mga taong walang magawa....

Langya Randy, minsan lang akong bumisita napadalas tuloy gawa nitong si Tagalog teacher. Para akong tanga na nakikipag diskusyon sa kanya, buti pa bumalik na ako sa trabaho ko.

 
At Tuesday, August 08, 2006 9:30:00 AM, Blogger Reno said...

So, tanong ko lang po uli...

Kung gagawing komiks format nga kaya ang mga pocketbook romances, papatok din kaya?

Tanong ko lang ang opinyon ninyo. Yun ang topic ni Ka Randy, eh. :)

 
At Tuesday, August 08, 2006 9:59:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Nde yan papatok, mas gugustuhin ng mga reader na mabasa agad ang lahat ang story kasya basahin nila ang komik format na magiging series dahil sa haba nito, at mas makaka mura sila sa pocket book kaysa komiks.

Pasensya na kabayan kung dinala ko dito ang topik ng komiks sa kabilang topic, puno na kc dun sa kabila ang haba na. so dito ko nalang nilagay ang issue na to. Kulit kc nitong si Tagalog teacher eh.

 
At Tuesday, August 08, 2006 10:32:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Ano yan, yung SIKLAB nanaman? Si Lawrence nanaman ba ang gumugulo? Yung grupo nila ? Si Randy kasama doon di ba? E sa kaya naman di bumenta sa takilya ang tagalog magazine nila e ang bubulok ng mga creators at gawa nila. Si Patrick Berkenkotter, kopyang-kopya si Alex Ross. Si Hannibal, pilit na naga-alex nino. Si Romy Don, parang mga tao niya sa textbook: walang expression o iisa ang expression. Meron pa diyang Buddy Paraiso na ga-pangit din ang drawing parang kinahig ng manok! Yung drawing at writing ni Randy, di maintindihan tulad ng ke Kua. Yung ke Lawrence naman saksakan din ng bulok. Tapos me mukha pa siyang hamakin ang gawa ng iba na di daw Pilipino? Oy! Ba't di niya inglesin ang magazine niya para maintindihan ng lahat? Pati yung gawa ni Vincent Kua, laos na. Tena, mga 'tol let's hit these guys!

 
At Tuesday, August 08, 2006 11:37:00 AM, Anonymous Anonymous said...

HOY! Ano na naman ang binabalak ninyo? Panibagong gulo na naman?

 
At Tuesday, August 08, 2006 11:55:00 AM, Anonymous Anonymous said...

As what I posted a while back, Philippine society today is fractured.

There are disparate and contending beliefs due to an overall lack of respect for authority and reason. Everybody right now is loking out for himself.

Comics today in the Philippines is a reflection of that fractured society.

And what are comics? They would never exist without the people; the publishers and creators that make them, agree?

The things these people put on paper are a reflection of their thoughts and beliefs as influenced by their environment.

The way I see it, Gerry and the Komikeros reflect a love and openness for things foreign. They are not to be faulted for this. Almost every product right now, from your tv show to the clothes you wear to the food you eat, are "foreign" sourced moreso from America. Compound this with the overall disenchantment today of Filipinos towards their government, politics, economy and community, the end result would be the komikeros: a mish-mash of confusion and lack of empathy for their country. Now when I said that I did not mean it in a disparaging way. I am not saying that this is wrong either. The komikeros are an honest reflection of the Filipino psyche today. As I said in my previous comments posted in this blog: its more Filipino to BE a NON-Filipino. Gerry and the Komikeros' works, thoughts and actions are precisely that.

SO LET'S NOT KNOCK IT.

 
At Tuesday, August 08, 2006 3:36:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Oldtimer

Masakit gunitain ang nakalipas lalo nat kung ito'y mag taglay na dusa at pait, na para bang mahirap nang makaalpas sa gunitaing yaon. Pero naisip mo bang marami ring tao ang nagdurusa ngayon nang higit pa sa iyo.Sa nakaraan mong sinapit ay sa kabila noon ay isang lumipas na pwede mong gawing isang batayan upang sa susunod na hamon at pagkakataon ng buhay ay maging matatatag na di basta mabubuwal ng isang unos. Kapatid, maraming higit na mas mapait sa nangyari sa iyong buhay.Marami diyang halos di na makakain dalawang beses isang araw. Masuwerte ka nga at nakakapag internet ka pa, naipapahayag mo ang saloobin at kahit papaano ay napapakain mo ang pamilya.Ipagpasalamat mo na ito dahil ipinagkaloob Niya ito sa iyo, ipagpasalamat mo na binigyan ka ng hininga , na hindi ka nakaratay sa banig ng karamdaman.Yung iba nga ,nakatira sa ilalim ng tulay pero nagagawa pa nilang magsaya kahit paano.Pero ikaw, puro pasakit ang nakikita mo dito sa mga taong ang ilan ay nagmamalasakit gaya ni Bluepen, Randy, Reno,Mario at iba pa riyan. Hindi mo ba nararamdaman ang pagmamalasakit ng sinasabi nila? Kung may puso ang mga ipinapahahag nila, dapat ay suklian mo rin ng ganitong pagtrato para naman hindi ka nila pagdiinan dito na sa tingin ko ay dinidikdik ka na lalong magpapadugo ng sugat sa iyong nakaraang sinapit.

Kuya Cezar Magpayo

 
At Tuesday, August 08, 2006 3:54:00 PM, Blogger Reno said...

Wahoo g...

You're mr. wahoo guerrero, right?

Naalala ko lang pangalan mo dahil sa mga breakdowns na ginawa no for WEIRD SCIENCE noon sa KILABOT kiomiks.

'la lang.

 
At Tuesday, August 08, 2006 6:45:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Walanghiya kayong mga sour-grape animators. Tigilan 'nyo na si Gerry! Kung hindi kayo makagawa ng komiks 'nyo, 'wag kayong mamersonal! Lalong-lalo na kayong mga wala na sa Atlas Komiks na bulok! Kayong mga matatanda na, laos na, "oldtimer" pa!
MAGPAKILALA KAYO! SINO KAYO?!

 
At Tuesday, August 08, 2006 9:11:00 PM, Anonymous Anonymous said...

yung mga nagWAWAHO WAHOO jan, sila sila rin 'yan, maniwala kayo.Basahin nyong mabuti ang kanyang sinasabi. Respetadong tao si Wahoo Guererro at di yun basta basta magpopost dito,di iyon mag-akaya ng oras dito.Marami 'yung business,dati na niyang negosyo ang komiks at sa kanila yung publication dun sa loob mismo ng Gasi, ibang buliding lang.Isa si Joven Tan na editor dun na ngayong writer/director sa pelikula.

 
At Monday, August 14, 2006 8:16:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Namputsa, me naglagay lang ng Wahoo G, kung ano-ano na ang pumasok sa mga limitadong kukote 'nyo! Bakit 'nyo ba kaagad naisip na dating publisher iyon? Dahil ba sa hanggang komiks lang ang naging mundo 'nyo? Si Wahoo Guerrero lang ba ang me ganoong palayaw? E kung 'yung G e Gorospe? Gualdino? Putsa, mag-iingat kayo sa mga assumptions at mga akala 'nyo. Daig nyo pa ang mga witchhunter.

 
At Tuesday, August 15, 2006 10:04:00 AM, Blogger ARTLINK STUDIOS said...

Ito ang masasakit na katotohanan, bakit nyo minamaliit ang mga nag iindie comics?Dahil ba sa lumaos na ng dati nyong istilo sa pag mamarket sa Komiks?Kaya bumagsak ang industriyang ito, dahil sa mga katulad nyo na SOBRANG MATATALINO.WALA KAYONG GINAWA KUNDI ANG MANLAIT NG KAPWA NYO.WALA KAYONG GINAWA, KUNDI ANG MAMUNA, IMBES NA TULUNGAN ANG MGA "MINORITY" NATO.BAKIT DI KAYO GUMAWA NG HAKBANG PARA MAIBALIK ANG SIGLA NG KOMIKS NA ITO.ITO BA ANG TINUTURO NYO SA AMING MGA KABATAAN?ANG MAMINTAS NG MGA NAGSISIKAP? Hindi ibig sabihin na English ang ginagamit na medium, hindi na sila Makabayan.SOBRA SOBRANG PANINIRA NA ANG NABABASA NAMIN TUNGKOL SA MGA NAGSISIKAP PANG MGA ARTIST.TAPOS GANITO LANG ANG ITUTURO NYO?KAYA HINDI TAYO UMUUNLAD AY DAHIL SA MGA KATULAD NYO NA WALANG INISIP KUNDI ANG MANGAMPANYA NG GALIT LABAN SA NYO.BAKIT GANYAN KAYO?DAHIL BA SA HINDI NYO MATANGGAP NA NALAOS NA ANG DATING SIGLA NG INDUSTRIYA NA NOON AY PAWANG MGA KAPITALISTA ANG NAGBEBENEFIT AT GINAGAMIT LAMANG ANG MGA ARTIST?IBA NA PO NGAYON.MATATALINO NA ANG PRESENT GENERATION.MAY IBA'T IBANG KLASE NA NG EXPRESSION PARA SA PAGIGING NATIONALISTA.TANGGAPIN NYO NA KASI NA ANG TALINO NYO, NAIWAN NA NG PANAHON AT BAGKUS TULUNGAN ANG MGA NATITIRA PANG ALAGAD NG SINING.NAKAKAWALANG GANA KAYO SA TOTOO LANG.KUNG TOTOO KAYONG PILIPINO, GUMAWA RIN KAYO NG PARAAN HINDI YONG PURO LANG KAYO DAKDAK AT DISCOURAGEMENT.Kawawa naman yong mga nagsisikap, sana magbuo na lang kayo ng publishing na tutulong sa mga writer at artist..bibilib pa kami sa inyo at mararamdaman pa namin na isa kayong kapwa- Pilipino.

 
At Thursday, August 17, 2006 11:19:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Artlink/John Becaro:

Dre, me sagot sa post mo. Pakihanap na lang.

 
At Monday, October 01, 2007 3:00:00 PM, Blogger Ida Gomez said...

hi randy!
would you be able to provide me with authors of filipino romance novels and possibly their emails or contact details? this would be of great help for a service that my company is looking into.

you may email me at imgomez@chikka.com or contact me thru 6316166 local 261. thanks so much!

 

Post a Comment

<< Home