ANOTHER PREVIEW
Okay, bago malagas ang buhok sa mga tumbong n'yo...e pakakalmahin ko muna kayo.
Preview pa lang ito ng upcoming project ko, under na naman ng isang mainstream komiks sa US, na hindi ko pa puwedeng sabihin kung ano ang title.
Next year pa sisimulan ang buong komiks nito, dahil ngayon pa lang ay dinudugo na rin ako sa kadu-drawing ng robot at mecha sa current project ko na Guardian Empires.
Pinost ko lang ang maaga ang mga pages na ito dahil gusto kong makakuha ng reactions kung ano pa ang dapat kung i-improve sa drawing ko. Seryoso ako ngayon na makatanggap ng mga puna dahil binabalikan ko lahat ng lessons ko tungkol sa pagdu-drawing. Kahit may actual na akong dinu-drawing, tuloy pa rin ang pagpa-praktis ko. Walang mabilis na paraan para mapaganda ang trabaho kundi pag-aralan ito ng paulit-ulit. Sa loob ng mahigit 15 years kong pagdu-drawing, ngayon ko lang naintindihan na ang pinakamagandang foundation sa lahat ay ang kailangang 'matatag' ang basic sa pagdu-drawing.
Kaya nami-miss ko 'yung mga araw na ipinapakilala pa lang sa akin ni Hal Santiago sina Andrew Loomis, Burne Hogarth at Jack Hamm. Mabuti na lang at nakapagpundar din ako ng libro ng mga masters na ito dahil alam ko na darating ang araw (tulad ngayon), na babalik at babalik din ako sa mga lessons nila.
10 Comments:
Mas naging dynamic ito, Randy. Parang hindi ikaw. Compliment 'yun. 'Nga pala, medyo konting variations pa ng facial expressions at medyo limited. Otherwise, good layout.
manila-
marami ring tumitirador sa 'kin, pasimple nga lang.
anonymous-
thanks ng marami. at least alam ko na kung ano yung dapat ko pang tutukan. tuloy-tuloy na yung pagdu-drawing ko sa mainstream kaya dapat mahuli ko kung ano talaga 'yung hinahanap ngayon.
Randy boy!!! Ganda ng gawa mo, medyo agree ako ng konti kay anonymous. May napansin lang ako, nde kaya nagkakahawig ang BG mo sa The Raven? La lang napansin ko lang hehehe... naalala ko na naman ang Stacy na yan, buhay pa kaya yun? Lol!
Manilaboy:
Salamat sa papuri :) kaya lang next time wag mo na banggitin bulong mo nalang c(".) ... lol! :D Iba ang timpla ng ugali ng mga tao dito talagang may nagagalit.
hirap talaga magdrowing ng aksiyon, dapat lagi dynamic...napansin ko lang kinakapa mo pa rin ang foreshortening :)
pero malayong-malayo to sa mga gawa mo dati. Galing!
Alex Toth:
"Logical story/art progression and I'd like to see it adhered to by experimentalists today, whose tricky designs and strange copy area placements distract and confuse readers, and destroy panel to panel continuity patterns and plot progression of story and art just to be "different"! I applaud the desire and filling the NEED--but I seriously question the validity of the RESULT.
Our job is COMMUNICATION! To tell a story!
Any "transmitting' desvice or applied technical method, which gets in the way of the "transmitting/message/story, etc. is a NEGATIVE element, GRBLING that which OUGHT to be CLEAR and instantly UNDERSTOOD, and OUGHT to be SIMPLY STATED with ECONOMY!"
Ayos! ang blogs mo Randy! ilang weeks lang sa month na ito, 1000+ na agad ang bumisita! Astig!!!! at ang isang topic mo mag 100 comments na! puros nakikipag talo hehehe.. ganda!
Kc nung bumisita ako dito 13104 ang visitors mo ngayon 14000+ na! Dagdag ka pa ng pagtatalunan! hehehe
O eto dagdag ng pagtatalunan: ba't hanggang ngayon di pa nakasaksak 'yung bluepen mo sa puwit ng manok ni Gerry?
Bluepen! Wag mo pansinin mga negative comments sa yo, bro! Your caricature is OH-SAM!
Bluepen! Wag mo pansinin mga negative comments sa yo, bro! Your caricature is OH-SAM!
OH-SAMA!
Post a Comment
<< Home