Saturday, August 26, 2006

CULTURE SHOCK

Gusto kong isa-isahin lahat ng topics ng mga comments na umuulan dito sa blog ko. Hindi ko na kasi mapigil dahil kung saan-saan na napupunta ang usapan. Okey lang naman sa akin kung ako ang tatanungin, pero makailang beses kong inisip kagabi, hindi kaya nababoy na ang blog na ito? Alam ko na hindi naman magkakakilala ang karamihan ng nagpo-post dito, at ang mga hindi magkakakilalang ito ay walang namang mawawala kung makipag-away sila kahit kanino dito. Pero naisip ko na, hindi dapat ito maging wrestling arena ng mga illogical at offensive na pananalita kundi maging discussions para mahukay pa natin ang lahat ng tungkol sa industriya ng komiks.

Ngayon, kung gusto niyo talaga ang makipag-away sa kung kani-kaninong tao, ibigay n’yo sa akin ang mga email n’yo isa-isa…at ibibigay ko kung sino ang gusto n’yong murahin. At wala na akong pakialam kung magpatayan pa kayo.

Joke lang. Anyway, magkukuwento lang ako tungkol sa ‘culture shock’ (hindi Culture Crash, lilinawin ko lang, baka kasi haluan na naman ng kung anu-ano). Ginawa ko itong personal para hindi ako makasagasa ng tao. Pero sana ay mabigyang linaw nito kung bakit ang mga nagku-comments dito ay wala pa ring pinagkakasunduan (well, wala naman kasing perpektong pinagkakasunduan sa mundong ito. Ultimo nga diyos, pinagdedebatehan din kung meron o wala). Kung may tatamaan man ako sa article na ito, pasensya na, pero ito ang view ko na nabuo ng mga experiences ko sa komiks industry. Saka naniniwala ako sa kasabihang, “Ang pagsasama ng tapat, ay pagsasama ng maluwat.” Sa madaling salita, honest akong tao.

MY FOUNDATION

Nakilala ko ang komiks, kinder pa lang ako, sa Odiongan, Romblon. Probinsyano ako na ang tanging libangan para maaliw ay ang magbasa ng komiks. Maraming arkilahan ng komiks sa lugar namin. Lahat ng sari-sari stores noon, may nakasabit na komiks. Pati bigasan, tindahan ng ulam, ng gulay at prutas. Napakalawak ng naaabot ng komiks noon. Marami akong kamag-anak na nakatira sa baryo at sa bundok (may mga kamag-anak akong magsasaka na nakatira sa mga bundok). Kapag napupunta ako sa kanila, nakakakita rin ako ng komiks sa kanilang mga taguan.

Ang komiks noon, abot ang pangkaraniwang Pilipino. Mapa-siyudad, at mapa-bundok.

Ang komiks noon, hindi lang kuwento ang natututunan ko. Pati ang kultura ng Maynila (hindi pa ako nakakarating noon sa Maynila). Probinsyano ako, pero lahat ng kuwento sa komiks noon ay nakaka-relate ako. Sa mura kong edad, grade 1, naa-appreciate ko na ang mga matured stories (well, hindi ko pa rin naman talaga ang alam ang definition ng mature sa hindi). Masa ang kuwento nina Pablo Gomez, Carlo Caparas, Mars Ravelo, etc. May mga writers noon na hindi ko masakyan dahil masyadong ‘advance’ ang plot ng kuwento, isa diyan si Jim Fernandez. Pero sa kabuuan, ‘yung komiks na binabasa ko noong bata pa ako, reflection siya ng bawat Pilipinong kilala ko. Mapa-fantasy, action, drama, ay tatanim sa isip mo na ‘Pilipino ito!’ kung nakikinig din kayo noong araw sa drama sa radyo na ‘Zimatar’, malalaman niyo na tama ako. Ang Zimatar ay kuwento ng isang prinsipe, adventures niya sa kung saan-saang kaharian, mga bruha, maligno, etc. I mean, fantasy ang lahat ng nasa Zimatar, pero maiintindihan mo ang mga characters, dahil sa loob ng diwa mo, nakaka-relate ka na ‘Pilipino sila’.

Grade 6 nang makarating ako ng Maynila. Medyo nag-aadjust pa ako sa kultura ng siyudad. Bagong kalaro, bagong kaklase, naninibago pa ako dahil kahit sanay akong mag-Tagalog, iba pa rin ‘yung nakasanayan ko na lahat ng kausap ko dati ay puro Bisaya.

Sa Maynila, mas maraming arkilahan ng komiks. In fact, maraming nakapalibot noon sa eskuwelahan namin. Kaya bumagsak ako ng 2nd year high school dahil sa kababasa ng komiks. Nahuli ako ng teacher ko at ipinatawag ang mga magulang ko dahil dito.

Ang pagbabasa ng komiks, ayon sa pagkakaintindi nu’ng araw, ay walang pinipiling kultura. Marami akong kasabay na nagbabasa rin ng komiks sa mga arkilahan. Kagaya rin noong nasa probinsya ako. Wala sa isip namin noon ang class A, class B, o kung anu-ano pang class. Ang komiks ay komiks, sa simpleng kahulugan nito.

Pagkatapos kung tumigil sa pag-aaral noong 2nd year high school, pinakiusapan ko ang nanay ko na ipasok ako sa workshop ni Joseph Christian Santiago. Then, inilipat kaming lahat na estudyante kay Hal Santiago.

Nakilala ko ang ‘inner world’ ng komiks. Kung paano ito ginagawa, sino ang mga gumagawa nito, paano ito pini-print, at paano ito binebenta.

Ang tingin ko noon sa mga artista sa pelikula ay parang Diyos, mahirap abutin. Pero ‘yung mga gumagawa ng komiks, kahit idol ko sila ng husto, e parang ang tingin ko ay simpleng mga tao lang. Madaling maabot, madaling lapitan, madaling makausap. Totoo nga. Dahil sa pagtira ko ng ilang buwan kina Sir Hal, nariyang madalas mamasyal sina Vic Catan, F.C. Javinal, Vir Redondo, Menny Martin, etc. Nakakausap ko sila ng personal. I mean, napaka-normal ng eksena (subukan n’yong kausapin ngayon si GMA o kaya si Dolphy, malalaman niyona hindi normal ang eksena between you and them).

Nakakita ako ng komiks ng Amerkano noong nag-aaral na ako kay Sir Hal (although kilala ko si Superman, pero sa sine ko lang siya nakita). Ang tingin ko noon sa komiks ng mga Kano ay ‘another art reference’. Ibig sabihin, maraming drawing ng Kano ang puwede mo ring pagkunan ng style—Kubert, Wrightson, Kane, etc.

Nahubog ako ng husto sa komiks ng Pilipino—mapa-marketing, editing, storytelling. Ang foundation ko bilang komiks creator ay walang duda na binuo ng Filipino komiks industry. Ang nasa isip ko noon, ang komiks (kahit sa ibang bansa) ay kapareho rin ng komiks na kinalakhan ko.

OTHER’S FOUNDATION

Mid-90s nang bigla akong manibago sa eksena ng komiks. Nariyang mabalitaan ko na nasa bansa si Whilce Portacio. Nasa isip ko, sino ‘yun? Hindi ko siya kilala dahil hindi naman ako nagbabasa ng US comics. Pero nagulat ako dahil bakit sikat siya? Lumalabas siya sa tv, napi-feature siya sa mga dyaryo. Meron siyang seminar sa Megamall. Then, ‘yung ibang mga artist sa GASI, nagpuntahan sa kanya para magpatulong na maka-penetrate sa komiks sa Amerika.

Then, nalaman ko na din, na meron palang ‘sub-culture’ noon ng US comics dito sa bansa natin. I mean, meron palang mga tao na ang sinusundan lang ay ‘yung gawa ng nasa ibang bansa. Sila ‘yung tinatawag noon na mga indies. Makikita ang mga gawa nila sa ComicQuest sa Megamall. Isa dito ang Alamat. Nakapunta pa ako noon sa opisina ng Taekwondoggs. Nasali pa ako sa grupong Sining-Ekis.

Nagpa-workshop ako sa komiks illustration noon sa QCCircle. Isa sa nakilala ko sa Lawrence Mijares (publisher ng Siklab), may binabanggit siya noon na mga artist ng komiks na hindi ko kilala. Nalaman ko na gumagawa pala ang mga taong ito sa Amerika. Nabuo sa isip ko, na habang kaming mga struggling writers at artists dito sa local scene, meron palang mga maliliit na grupo na gumagawa rin sa US.

Then, na-introduced din ako sa Glasshouse Graphics. Wala akong kilala ni isa man sa mga artist na naroon. Ibang-iba ang kultura ng mga tao sa mga grupong ito.

Sa kabuuan, culture shock talaga. Ibang mga tao ang nakasanayan ko noon sa local komiks.

Sa eksenang ito ng mga gumagawa ng komiks sa US, nakita ko ang ilang mga bagay na hindi ko nakita noon sa GASI at Atlas. Number 1 dito ang EGO. Para bang ‘yung simpleng achievement ng isang artist na makagawa ng pin-up o kaya ay ma-publish-an ng isang komiks sa US, ay para bang napaka-powerful na ng tingin niya sa sarili. I mean, si Mang Yong Montaño, na isang old master na kaibigan ko—nakapag-drawing na sa US, nakahawak ng hindi na mabilang na nobela, series ay short stories sa komiks, ay hindi mo kakikitaan ng ego. Para ka lang nakikipag-usapa sa tatay mo. Nakikipagbiruan pa. Itong mga grupong ito na ‘may superstar syndrome’, kakilala lang ang mga sikat sa US ay parang sikat na rin kung umasta.

TWIST

Then, namatay ang local komiks. Lumalaki na rin ang sub-culture na ito ng mga Japanese at American comics followers. Sila na ang nangingibabaw sa eksena. Dahil sila ang may pera. Sila ang may kakayanang mag-publish ng sarili nila. Sila rin ang may access sa media—tulad ng newspapers, tv stations, etc.

Lumawak ang commercialization. Kung sino ang kayang sumabay sa takbo ng panahon, siya ang magsu-survive. Nag-iba ang market ng mga babasahin. Karamihan ng printed materials ay sa bookstore na ibinabagsak. Ang naiwan sa bangketa ay mga tabloids, songhits, puzzles, at showbiz mags. Pero ang mga babasahing ito ay makikita rin sa bookstores, of course, hindi dito kasama ang ilang bastos na tabloids. Nagsulputan ang mga magazines na medyo ‘classy’ ang dating. Nagpagandahan ng appel at printing. Dumami ang independent publishers komiks. Ang mga ito ay naka-pattern sa marketing strategy ng mga magazines sa bookstores, at mga komiks na mabibili sa Filbars, Comic Quest, etc.

Ang mga baguhang players na ito ng ‘modern komiks’ ay malayung-malayo sa thinking noon ng Roces (GASI, Atlas, Counterpoint, Kislap, Mass Media, API, etc.). Nagkaroon na ngayon ng separations ang class A sa class B, class C sa class D. nagkaroon na ng watak-watak na pagtingin sa mga mambabasa, particular na sa salitang ‘masa’. I mean, hindi ganito ang thinking noon sa local komiks. Sa local komiks, pag sinabing masa, iyan ang malawak na bilang ng mga tao. Paano sila maaabot. Pano natin mapapalawak ang circulation. Anong klase ng babasahin ang puwede mong ibigay sa mga taong ito na hindi mo ipapaalam sa kanila na sila ay class A, o class B, o class C. Sa madaling salita, ang lesson na matututunan natin sa nakaraang industry, ang komiks noon ay ‘classless’ (ego lang ang dahilan kung bakit ayaw itong tangkilikin ng mga nasa itaas). Kaya nga may mga awards pa noon na pinapalabas sa tv tungkol sa komiks ay dinadaluhan pa ng mga nasa alta-sosyedad.

CONCLUSION

Sa ngayon, mahirap I-inject ito mga bagong komiks publishers ngayon. Kundisyon na kasi ang utak nila sa kung ano ang nasa bookstore ngayon. ‘Yung pattern na tinutumbok nila ay kung ano ang existing ngayon. Well, marami naman kasing nagtatagumpay sa pattern na ito—sa mga magazines, sa komiks hindi ko pa alam. Parang wala nga yata. Hindi kasi nagtatagal ang buhay ng mga titles nila.

At kung susumahin nating lahat ito, pati ang culture ng writing at drawing sa komiks, ay naka-pattern na rin sa kung ano ang hinahanap sa US o sa Japan. Maging ako man, sa pagnanais kong kumita ng malaki, pinipilit kong gawing mainstream-friendly ang drawing ko. Ang feeling ko ngayon, na-stock tayo sa isang kultura ng komiks publishing industry—kabilang na ang ‘attitude ng mga komiks creators’—na malayung-malayo sa kinalakhan natin noon. At ‘yung ilang tao na nakakaintindi sa nakaraang industry, kung wala silang pera para sabayan ang umiiral ngayon, walang makakaunawa sa kanila.

51 Comments:

At Saturday, August 26, 2006 6:25:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Sa maniwala kayo sa hindi, kahit na sabihin ninyong "classless" ang komiks, ang primerong market pa rin nito ay ang lower income class readers: ang mga ordinaryong estidyante sa U-belt, ang jeepney driver, ang housewife, ang labandera, ang sari-sari store owner, ang waitress, etc. Makikita ito sa murang presyo at format ng komiks. Nakalagay din ito sa mga lugar na puntahan ng mga lower income class: mga bus terminal papuntang probinsiya, bangketa malapit sa palengke at public school, boarding house, sari-sari-store sa kanto, etc. Wala kang makikitang ganito sa mga high class subdivision o business district o super sosyal na eskwelahan noong araw. Nasasabi mo lang na classless ang komiks noon dahil sa ang karamihan ng mga tao noon HANGGANG NGAYON, ay mahihirap.

Panahon ng 70s, martial law kung saan naghirap ng todo ang bansa, lalong lalo na nang namatay si Ninoy noong 1983 at nagdagsaan ang mga rally at nagsiraduhan ang mga negosyo, marami ang nagsisialisang mga engineer papuntang saudi, hanggang sa 1986 nang umahon si Cory, walang pagbabagong nangyari, bumagsak ang economy dahil sa brownout, coup d'etat. 1970s to 1980s talagang pahirapan ang lipunan natin noon. Kayat ano ang libangan ng karamihan ng mga Pilipinong hirap noon? You guessed it, ang Komiks na mura. Yung mayayaman, andun sa greenhills, makati, etc. kinokolekta ang x-men, teen titans, etc. mga US comics na MAHAL siguro mga P8 tumaas ng hanggang P18 habang bumagsak ang foreign exchange. Oo nga't hinahangad nyong mga local komiks creator noon na maging "classless" pero ang totoong nangyayari sa labas, ang karamihan sa audience ninyo e yung mga lower income class. Inuulit ko: maging noon hanggang ngayon, mas maraming Pilipinong hirap. Kaya't logical lang na ang publisher ng local komiks e mag-concentrate sa audience na ito: ang "bakya crowd" kung tawagin at hindi ang mayayaman o middle class. Otherwise, tinaas ang kalidad at presyo ng komiks agad-agad noong mga 1970s at 1980s. Pero ang kinagalingan nito, cheap nga ang komiks ng "pang-masa" yumaman naman ang mga komiks publishing house noon dahil sa pamamaraang ito. Bihirang-bihira kang makakakita ng napakaraming upper income audience na laging nag-aabang ng local komiks sa bangketa.

IRONY: pagsapit ng 1990s, panahon ni Ramos. Medyo umangat ang ekonomiya, papunta pa nga tayo bilang tiger economy. Noong 1993, kasansagan ng real estate boom at medyo pagtaas ng kalidad ng buhay sa bansa, nagsimulang bumagsak ang komiks at lumitaw ng husto ang mga US comics specialty shops TULAD NG fILBAR'S, cOMIC qUEST, CATS, etc. kahit saang upper income class subdivision sa Manila, merong mga small business sa pagbebenta ng US comics. Sumibol di noong 1990s ang urbanization kaya't pag-angat mo sa buhay me kaya ka nang subukan ang imported at mahal na US comics. Habang nangyayari ito, pababa ng pababa naman ang local komiks. Nang iboto si Erap noong 1998, hayun, nagsimula nanamang bumagsak ang ekonomiya lalong lalo nang pintalsik siya sa Malacanang. 1998 din, bumagsak ang US comics specialty market dahil sa nangyayaring "speculative meltdown" ng US comics market. Ang Marvel, na-bankrupt. Ang Image nagkawatak-watak. Maraming mga comics specialty stores sa US ang nagsara. Sa pagkawala ng volume nito, hayun, pumasok ang mga basketball trading cards, Magic the gathering, Anime' manga, action figures, sa mga comics specialty stores sa Pilipinas.

Ngayong nandyan si Gloria, lalong bumagsak ang ekonomiya. Lumiit ang benta ng mga US comics specialty stores, lumiit ang middle class, lalong dumami ang mahihirap, marami lumilisan sa bansa bilang OFW. Sa kasalukuyang lagay, WALA NANG LOCAL KOMIKS INDUSTRY.

Ang meron, ang natitira, ay yung mga "spawn" ng US comics boom ng 1990s na ang target market ay yung upper income class. Bakit? Dahil nga sa ingles ang lengguwahe ng komiks nila. Mula P50-85 ang mga komiks nila. Limited ang circulation doon sa mga kauri nila. Gaya ng nasabi mo, matataas pa ang mga EGO nila bilang mga artist. Wala silang pakialam sa pagtatatag ng industriya kundi ang pansariling kasaganaan kasi daw, "praktikal" sa mga panahon ngayon. Gayon din ang mga publisher nilang nahawa sa "global" thinking nila.

Pero ang kataka-taka, kahit na mahirap ang panahon at di pinansin ng mga global comics creators at publishers ang lower income market, pinansin naman ito ng mga publisher ng TAGALOG romance pocketbook. Ano ang resulta? Naging No. 2 most read non-textbook print publication sa bansa. Yumaman pa ang mga publisher nito. Saksi ka dyan, Randy.

Tapos, narito ang mga global comics creators at publishers, nagtatanong: PAANO NATIN MABABANGON ANG LOKAL KOMIKS INDUSTRY?

Nakakatawa. Nakakaiyak. Nakakahinayang.

 
At Sunday, August 27, 2006 2:56:00 AM, Anonymous Anonymous said...

agree ako sa sinabi mo...

 
At Sunday, August 27, 2006 10:47:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Sang-ayon ako sa obserbasyon sa taas na ang kasalukuyang mga comics na gawa ng mga kabababayan natin ay pam-burgis na. Totoo.

Ang sinasabi ni Randy na sub-culture o generation ng mga burgis at westernized comics enthusiasts na tumatangkilik sa U.S. comics (at anime kasunod) noong 1980s at 1990s, sila ngayon ang mga Pinoy na gumagawa ng komiks ngayon.

Ang henerasyon ding ito ang nagtatatag ng isang di maintindihang "Komikon" sa Pilipinas gayong patay na ang industriya ng local komiks. Ang gamit nilang salita kadalasan ay Ingles, ang mga tao sa drawing nila kadalasan mga caucasian o japanese anime', wala silang pakialam sa suliranin sa paligid nila kaya panay escapism at apathy ang tema ng kanilang mga gawa (at salita), dahil dito todo at abnormal ang pagka-masayahin silang tao at higit sa lahat, may mga sariling mga mundo.

Ang komiks nila ngayon ay walang pakialam sa audience pagka't PRO-ART sila. Sarili lang nila (at ang mga konting tulad nila) ang pinasasaya nila sa kanilang mga gawa.

Likas sa kasayahan nila ang magpuri at tumingin sa nagdaang gawa ng dating mga local Filipino comics legends kaya gumawa sila ng isang virtual comics art mausoleum. Mas gusto nilang maging curator o direktor ng imaginary mausoleum na ito kesa sa harapin ang malaking hamon ng paglimbag at pagbangaon ng sariling industriya ng komiks sa bansa. Bilib na bilib sila sa patay at di sa buhay na ka-kompetensya nila.

Iyan ang local comics scene ngayon. Pam-burgis. Pang-snob. Me class discrimination.

Pilipino ang bagong "nigger" sa kanyang bansa lalong lalo na sa komiks.

 
At Sunday, August 27, 2006 10:56:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

alam kong debatable ang sinabi kong 'classless' ang komiks noon. kaya lilinawin ko ang ilang punto dahil alam kong kulang ang binanggit ko. totoo naman na ang komiks sa simula pa ay para talaga sa 'masa', meaning talagang pang lower class.

pero yung 'context' ko ng 'classless' ay hindi tulad ngayon na mayroon ng boundary sa pagitan ng mga 'classes'. ang komiks noon kaya 'classless' ay dahil walang pang-'mayaman' at pang-'mahirap'. kapag sinabing komiks noon, KOMIKS lang. mabibili mo ito sa kung saan-saan. sosyal ka man o pulubi, wala kang ibang pagpipilian dahil ang nakalatag sa harap mo ay ang kabuuan ng komiks industry.

sa probinsya namin, maraming mayaman na nagbabasa ng komiks. in fact, pati yung kalapit na botika sa baryo namin ay nagtitinda ng komiks. at marami rin noon na mayamang tao na gustong makapasok sa komiks natin noon.

i mean, sang-ayon talaga ako sa yo na pang-mababang class ang komiks. pero hindi ito kasing-kitid ngayon. ngayon kasi madali mong madi-distinguished ang separation of classes sa komiks. iba yung nakadisplay sa comic quest, iba yung nasa bookstore, iba yung nasa bangketa, at iba pa yung mga undergrounds--na naglalabasan lang pag may mga events.

ang malinaw na halimbawa ng 'classless' na komiks ay ang Funny Komiks. sa sobrang kasikatan nito, wala itong pinipiling uri ng tao, mapamayaman o mapamahirap na bata, nagbabasa nito. in fact, kung ako ang tatanungin, kung may bibigyan ng award sa pinakamagandang komiks title na lumabas sa Pilipinas, ito ang Funny Komiks.

at sa aking palagay (gagawa na naman ng debate ang sasabihin kong ito), nawala lang ang tunay na 'essence'nito nang haluan ng ng manga at westernized concept ang laman.

na-introduced lang ang mga 'classes' na ito, sa palagay ko, noong early 90s. nang maglabasan na ang mga indie groups at subcultures ng mga US and Japanese comics. at hanggang ngayon na sila ang naglalabas ng komiks, sila ang nagsi-separate sa malawak ng mundo ng pagma-market ng komiks. kaya nga kung susuriin nating mabuti, ang komiks ngayon ay nasa class A at B na. nasaan na yung class C at D?

 
At Sunday, August 27, 2006 11:05:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

hmmm, sa nakikita ko, pareho kami ng point of view ng nagpost na ito. pero huwag nyong isipin na magkakutsaba kami para tirahin ang ibang mga komiks creators ngayon. wala sa bokabularyo ko na tirahin ang mga gumagawa ng komiks ngayon. nagkataon lang na ang point of view ko ay galing sa nakaraang 'higanteng'industry. at alam ko, kung sino man ang nagpo-post na ito, may malaking kaalaman sa nakaraang industry.

paalala: may mga nagsa-suggest sa akin na i-block na ang mga anonymous na nagpo-post dito. pero hindi ko gagawin iyon, gusto kong ibigay ang freedom sa lahat ng gustong magsalita dito. kaya ko naman i-delete ang mga salitang wala sa lugar, kung saka-sakali.

 
At Sunday, August 27, 2006 11:17:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Sang-ayon ako. Nasaan na ang komiks na pang class C at D? Wala.

Palagay ko hindi tamang gamitin ang "classless" sa sinasabi mo. Mas mainam ang salitang "ubiquity" na ang ibig sabihin ay, ang local comics noon, accessible sa kahit anong income class dahil sa una sa lahat, naging accessible ito sa mas nakararami sa madla: ang mahihirap. Kung abot-kaya ng ordinaryong hirap na tao noong early 1980s ang P1.75, at kung lagi mo itong nakikita sa kapaligiran mo, hindi masakit sa bulsang tangkilikin ito lalong-lalo na kung mayaman ka. PERO HINDI MAYAMAN ANG PRIMARY MARKET MO. BALIGTAD.

Malaking factor ang presyo. Lalong lalo na ngayong "stagflation" na nabasa kong article na nag-post na comment sa ibang entry. Salamat pala randy at sa nag-post nitong anonymous. Mabuhay kayo.

Karamihan sa mga "global" na pananaw, dapat daw taasan ang presyo kasi PRAKTIKAL at mataas ang kalidad na kanilang inaabot TULAD NG NAGYAYARI SA COMICS SA AMERIKA. Pero anong nangyari? Tinagkilik ba ng mayayaman ang global komiks nilang praktikal? Hindi, di ba? Mas tipo nila ang original at imported di ba?

Ba't di nila tuunan ang local audience, ang C at D. Pag nag-clik ito tiyak mapapansin ito ng mga tiga-abroad. Babayaran pa sila ng translation rights para ma-reprint abroad sa iba't-ibang bansa. Ito ang arena, di ang ibang bansa. Pero kahit ganyan, madami pa rin ang nagbubulagbugan. Umpisa pa lang, tina-translate na nila sa Ingles ang gawang Pilipino para di na maghirap ang foreigner. Resulta, ang isinasaisip nilang audience ay nasa abroad at hindi ang local CD audience. Dahil dyan, di pa nakakatuntong sa ring, TKO na agad sa takilya.

 
At Sunday, August 27, 2006 12:29:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Kung sang-ayon kayo na dapat tuunan ng pansin ang market ng class C at D para maibangon ang nawalang industriya ng komiks, me mga kaakibat naman po itong mga problema na sa tingin ko ay bagamat mahirap harapin sa una, meron namang lunas kung tuloy-tuloy ang malaya nating talakayan dito.

Una, kung papairalin ang dating sistema malamang bumalik muli ang pag-uupa ng basa sa komiks. Imbes na nabebenta ang komiks, inuupa na lang ito ng mura ng dealer tapos ang kita ay binubulsa at binabalik ng di nabebenta ang kopya.

Paano ito mabibigyan ng lunas?

Pangalawa: dahil sa mura ang halaga ng komiks na ibebenta sa class C at D malamang na di ito tuunan ng pansin ng mga dealer ngayon dahil sa mas mataas ang kikitain nila sa pagbenta ng mas mahal na magasin. Pero ito ay expected sa mga highly urbanized area kung saan maraming burgis. Palagay ko hindi gaano ang ganitong problema kung ang mga dealer ay nasa rural or developing urban area na mas marami ngayon sa Pilipinas. Dito rin mabenta ang tagalog pocket books, tabloids at mga Pilipinong magasin.

Pangatlo, ang mataas na presyo ngayon ng paglilimbag. Pero gaya ng nag-post dito dati, meron na daw mga bagong mura at mahusay na teknolohiya ng paglilimbag na di kailangan ang maraming tao. Swerte ang unang makakapagsamantala dito. Naroon din ang sitwasyon ng mga nagsasarahang mga printing houses na gamit ang lumang teknolohiya. Dahil sa laganap ngayon ang digital printing, nalulugi ang dati nilang investment. Meron sigurong mga makalumang printer diyan na papayag na maglimbag sa mababang halaga para mabawi ang investment nila. Kailangan lang ay tiyaga sa paghahanap.

Pang-apat. Ang kakulangan ng mga competent, intelligent, multi-task workforce kung saan ang mga manlilikha ng komiks ay marunong di lang sa drawing kundi sa lahat ng production phase ng negosyo na computerized na para makatipid ang management sa operasyon. Importante din na di sila ma-ere at may totoong may dedikasyong mag-sacrifice sa umpisa kung kinakailangan. Importante dito na mabilis at me kalidad ang kanilang mga gawa. Napakataas na standard pero sa kasalukuyang sitwasyon, kailangan ito pagkat maraming kakompetensyang media.

Pang lima. Koleksyon. Gaya ng nangyari noon, maraming mga milagrong nangyayari lalong-lalo na kung pera ang pinag-uusapan. Minsan pa nga mga empleyado mo mismo ang nangungupit sa 'yo. Kailangan dito ng maayos na checks and balance system at kung kinakailangan, FIDELITY INSURANCE para maprotektahan ang negosyo sa mga suwail na empleyado. Kailangan ng mga makakomiks (publisher at creatives) ngayon ang magkaroon ng network sa mga abogado at mga accountant para maprotektahan ang kanilang mga karapatan tungkol dito.

Meron pang ibang mga problema pero palagay ko mas me importansya ang nasa taas.

 
At Sunday, August 27, 2006 2:49:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Pasensya na makikibasa lang ako, ito ang magandang talakayan na nabasa ko, maayos at mahinahon at nagkaka isa ang bawat isa sa kanilang opinion, sana ganito parati.

 
At Sunday, August 27, 2006 10:03:00 PM, Blogger Gerry Alanguilan said...

Sa mga matagal na sa komiks, malaki ang respeto ko sa inyong mga nagawa para sa ating kultura. At dahil malaki ang respeto ko sa gawa ninyo, gumawa ako ng online museum para ipakita, at mapreserve ang magagandang likha sa komiks mula noong unang panahon. Ako ay nagbubuo pa ng aklat para mailimbag para sa kasalukuyang generation ang magagadang gawa ng ating mga artist. Matagal tagal ko na rin po itong binubuo. Sana ay nailbas ko ito this year, pero sa dami ng trabaho ko ay umusod na naman ito. Pero pangako ko na habang buhay ako ay gagawin ko ito kahit ano ang mangyari.

Pero sana marecognize ninyo na kung ano man ang komiks noong araw, hindi lang po ganun ang komiks ngayon. Kung noong araw ay para sa masa lang ang komiks, ngayon totoo pa rin yun, pero comics is now so much more. It has grown beyond mere entertainment of the masses. Sana mabuksan po ang mga isip ninyo sa maraming maaring magawa, at maabot ng komiks ngayon. Wag nyo sana ihawla ang komiks na hanggang "DITO" lang. Na para sa mga tao lang na ito, na para sa ganitong purpose lang, at hindi sya pwede sa ganito at sa ganoon. MALAKI ang potential ng komiks. Sya ay lumalaki at nagde-develop at nage-evolve. Sana ito ay mabigya natin ng paguunawa at puwang.

CHANGE OR DIE. Ika nga. Di po ba namatay ang komiks habang sinusunod at yumayakap sa mga makalumang pagiisip at pamamalakad? What makes everyone think na mabubuhay ulit ang komiks kung ganun pa rin ang gagawin? With all due respect, naniniwala ako isa sa malaking dahilan kaya namatay ang komiks ay dahil hindi sya naka adapt, at napag-iwanan sya ng panahon. Oras na po para i-rethink ang ideas natin about comics.

MAGBAGO o MAMATAY. Sorry po, pero namatay na nga. Nagkaroon na po kayo ng pagkakataon. Marami rin pong dekada umusbong ang komiks sa pagiingat ninyo. Pero ngayon at patay na ang komiks, sana mabigyan nyo ng pagkakataon na sumubok naman ang iba.

Sana hindi nyo isara ang isip nyo sa mga ideas namin dahil bata kami. We may be younger than you, but that doesn't mean what we do is useless and without meaning. We have learned a lot from you, and we still will... but I think based on all these discussions, I think there are things you can learn from us too.

Ang ugat ng lahat ng objection na nakikita ko ay sa tingin nila PRO ART lang, or pamBURGIS lang ang komiks na ginagawa namin. Ha? Ano ang ibig sabihin nun? Di ba deserving ang masa ng ART? Kelangan ba lagi na lang cheap, disposable, at mababaw ang kailangan nating ibigay sa mga Pilipino? Di ako makakapayag na magiging bahagi ng isang makalumang pagiisip na magpupursigi at magpapanatili ng kabobohan at kababawan ng mga Pilipino. Yan ang thinking na patuloy na sumisira ng ating mga pelikula, at palabas sa telebisyon.

Malaki ang potential ng mga Pilipino. Kaya nilang maka-appreciate ng mga bagay na sa tingin nyo hindi nila kaya.

Taas taasan naman ninyo ang tingin ninyo sa inyong kapwa Pilipino.

Pasensya na kung ngayon lang ulit ako nakasulat. At pasensya na kung hindi na ulit ako makakasagot. Masyadong negative ang energy na nakukuha ko sa ibang tao dito. At nakakasama lang ng loob na ang kausap mo ay walang respeto sa iyo, at sarado ang isip sa mga ideas mo. Para kasi sa akin pag may taklob ka sa mukha mo habang kinakausap mo ako, pambabastos sa akin yun. At ayaw kong kumausap na bumabastos sa akin. Pasensya na lang po.

Kung gusto nyo makipagusap sa akin about comics, makipagkilala kayo sa akin at magusap tayo via email. Dito, malay ko ba kung sino ang kausap ko. Ang tingin ko e, sa katukatakot na oras ang naubos sa pagtatalak, sana nagamit ang energy na ito CREATE, to write stories, to draw, to find ways to positively encourage the industry to be revived, edi sana nakatulong pa. Sana madivert natin lahat ng negative energy na ito into something POSITIVE and beneficial to the industry.

If you really cared about KOMIKS, then please do something about it. Don't just talk about it. Yan ang HAMON ko sa inyo.

 
At Monday, August 28, 2006 1:43:00 AM, Blogger TheCoolCanadian said...

This is the 10th message, therefore I am going to make it long.

Gerry Alanguilan, I second the motion :•D

Matagal nang ito rin ang MANTRA ko. Inabot ko pa ang BUNTOT ng lumang komiks industry noon. I knew personally, and worked, with the pillars of the komiks industry, the likes of Mars Ravelo, Pablo Gomez, Jim Fernandez, the Redondo brothers, and so on. Ito rin ang dahilan para makita ko ang mga PROBLEMA ng kapanahunang iyon.

The number one problem I saw when I was 14 years old when I first joined the komiks industry, was: COMPLACENCY.

During those years, everyone in the komiks industry was happy with a capital H. And I am not condemning my colleagues for being happy. I mean, the industry was so hale and hearty, and a lot of money was being
made by the publishers and the talents.

It was true. The figures were much, much, better, but I never saw any grounds for COMPLACENCY, which most people there were quite OBLIVIOUS. Everyone who became well-known making komiks (whether writing or Illustrating), were mostly rather feeling smug. They all seemed to feel with uncritical satisfaction with themselves and their achievements. When I realized this, I thought of maybe I should just write prose or film scripts. Hence, when a TV network signed me up to write TV Damas, I accepted without batting an eyelid.

Though I never left the komiks for good. I still contributed short scripts (Atlas) and later a serial for El Dorado. And I had the opportunity to compare what it was like to work in three fields: the komiks, the TV-movie and PR.

I dare say that it was much more difficult working with komiks people of the past. I had seen a lot of huge egos that some creators thought that they were like KURT (Francis For Coppola‘s DEMIGOD character played by Marlon Brando in APOCALYPSE NOW). They thought that they were DEMIGODS themselves, and therefore, were INFALLIBLE. On the other hand, I found movie stars much easier to get along with. They are quite respectful. Let’s talk about LEOPOLDO SALCEDO for instance. The guy was a veteran, did many Hollywood films, was the most popular, biggest star of Tagalog movies for many years, yet when he tackled a role, he would approach me and ask me for a feedback. “This is my interpretation of this role. Do you think I am close enough to what you‘ve envisioned in your script?” Even Rosa Rosal who’s such a brilliant actress did the same.

Yet, I hadn't seen ANY ILLUSTRATOR who asked my opinion whether the drawings he made of my script was bang on to what is being said in the story. It is teamwork, isn't it? Maybe this attitude led to the separation of the artist and the writer. They were supposed to be teammates, but they never worked like one. I have talked to many “OLD” illustrators before and some of them had the BIGGEST EGOS I’ve ever seen in my life. I‘m not going to name names, but they were indeed, there. I became close to Dell Barras, because he’s one artist who‘s feet are always on the ground. But sad to say, I had more movie star friends than komiks people.

The comfortable LAZY BOY couch where the OLD komik talents were seated, remained there. The creators continued to sit there, purring like HAPPY FELINES and they watch the world from a peach-colored sunglasses. Little did they know that this GARFIELD attitude was going to lead the komiks into STAGNATION, bad health from lack of exercise, and then... the INEVITABLE followed: DEATH! (ironically, many komikeros of the past had succumbed this way as well).

Let me give you an example: Bakit sa dinami-dami ng sinulat ni CARLO CAPARAS, ay ISA lang para sa akin ang humiwalay sa COMFORT ZONE ng komiks noon? Because for once, Carlo took a RADICAL DETOUR from the usual fare. ANGELA MARKADO (as the title indicates) had indeed left an idellible mark to the usual hohum komiks fare. In my opinion, it was Caparas’ excellent work. Matatawag ko itong simula ng pagsilang ng AUTEUR sa larangan ng Filipino Komiks, tulad din ng ginawa ni Orlando Nadres sa MAGANDANG GABI SA INYONG LAHAT. Halos at the same time ay nangyari ito.

But, this diversity came few and far between. This was partly the result of the publisher’s “SHRUGGING THEIR SHOULDERS” attitude and the satisfaction on the part of the creators (talents) to keep on acting like LACKEYS (just following orders from upstairs) rather than taking their own stand like the true artists that they were.

So, day in and day out, the sun shone and set; and the moon appeared in the dark and vanished behind the light. The komiks went on UNCHANGED, and worse of all, the writings and the drawings went WAAAAY down to the bottom of the gutter. Nawala ang napakagagandang mga drawings na masusing nilikha, naging KINAHIG NA NG MANOK (my sincerest apologies to ELMER for using his feet, ooops, allowed ba dito ang plugging ng produkto? Baka mamultahan ako ni Randy) and the publisher TOLERATED this (perhaps they didn’t pay the talents well later on?).

We all know that in the end, what killed the industry was not monopoly; not the appearance of new hi-tech entertainment; not the alienation of the new generation from the glorious past; not any other conspiracy theory involvement; not the apathy of the readers. The old comics died because of COMPLACENCY, for the komikeros of the past equated
COMPLACENCY with LOVE, and therefore, the marriage eventually broke.

Let me put it this way. I don’t blame
the creators totally for the demise of the komiks. Perhapas they have contributed to to its death without really knowing why. The publishers should had given the creators lots of room to move around, explore, achieve new grounds, visit terra incognita, rather than constricting them and keeping them (the talents) INFANTILE.

In the end, the komiks failed to grow and blossom into a beautiful mango tree bearing healthy fruit to be consumed by
the public. Instead, the fruit became too bland or too sour. One gets some sweet ones accasionally, but the public can’t wait forever when the next sweet fruit will come. The good one came few and far between. The public would have to move on to find somewhere else the fruit that would give them the satisfaction that they’re looking for.

Now, a generation of komiks creators have evolved. The Filipino komiks became almost like the French Cinema in terms of the emergence of the so-called AUTEURS. People who create what they fancy, thus distinguishing their work as their own. This individuality was almost NON-EXISTENT in the old komiks industry. There are many nay sayers to this new trend, but personally, it is a VERY HEALTHY trend. Anything RADICAL to change something can be painful, indeed. But it's time that we reach our hands to the masses, lift them to their feet, show them what other worlds lie beyond them. We are the ones creating, we are the ones setting the trend, we are the ones who have the DUTY (self-imposed), to uplift their taste. Good enough is not good enough. We should all try to achieve excellence. Let's not be smug and sit there, sipping our ICE WINE ($150 per small bottle), and sit there satisfied and uncritical of our own achievements.

It doesn’t matter whether these new talents write in any language, as long as the content is unique and enthralling. This is the ONLY WAY we can revive the interest of the public to go back to patronizing the komiks. And I’m keeping my fingers crossed that this new trend does not end up in COMPLACENCY in the hearts and minds of the creators. Let’s keep innovating, constantly evaluating, continually exploring... ALL POSSIBILITIES. Let’s all open our minds and hearts. Let’s all be critical (just concentrate on the work, not hurling INVECTIVES onto a creator's private life) of whatever that comes out from these new talents. Let’s be discerning. Let’s patrionize what’s brilliant and discard what’s infantile and pedestrian. I am saying this, hoping not to get a response attacking my personal life.

And BTW Randy, I had the opportunity to work with Dolphy for quite sometime, and I must say that it would always be weird to work for him. In real life, Dolphy is a VERY QUIET person. If you didn't know the guy, you'd be really surprised. Ang pinaka-kalog, si ATE VI :•D such a gregarious person. Once there was this lady extra whose hairdo was indeed stunningly beautiful, and while we're all sitting there rehearsing the scene before the actual take, ate Vi said: "Naku day, ang beauty naman ng buhok mo, paanong ginawa mo diyan? Turuan mo naman ako" So the extra started giving her tips on how to do this and to do that and on the final take, she forgot her lines! Pesky hair!

And on one of the many dinners I had with Joey Gosiengfiao in his residence in Kamias, I asked him how he keeps his hair too long, yet too clean and well-kept and bouncy. He told me with such seriousness: "Joey, 150 strokes of the comb will keep your hair this way.") I watched him one night and indeed, he counted 150 strokes.

You see, I didn't have this sort of camaraderie with komiks people. The comics people, you only see them when they deliver their work, or get their vouchers, then they go home or go to the bar or whatever. Walang interactions na nakita ko sa larangan ng TV at pelikula.

'nough of bad hair/good hair day nonsense. I just remember these two episodes and i figure I should share them with you. But I have tons of anecdotes about moviestars and showbiz that maybe I should start my own blog about them. :•

 
At Monday, August 28, 2006 10:35:00 AM, Blogger ARTLINK STUDIOS said...

Maging ako ay matindi ang pag sang ayon ko dito na dapat maghanap ng paraan ang mga comic creators ngayon na medyo babaan ng kunti ang presyo ng comics na ginagawa nila para makayanan ng "lower income class" na bilhin.
Napakahalaga ng pagbigay konsiderasyon at masusing pag aaral sa "demographics"
para maisakatuparan kung alin ang target market nating mga comic creators at kaya nating i achieve yong marketing strategies natin na matagumpay.
Heto ay basi sa aking pananaliksik at obserbasyon ( sorry, this is not accurate pero kahit papano magbigay sa atin ng guide para maintindihan yong mga target market natin - 3 classes na lang para mabilis and concised):

1.) lower income class- Php 100 below ang kita bawat araw.

_- mas uunahin nila ang pagbili ng pagkain kesa sa komiks pero bibili rin ng komiks kahit papano kung kaya nila ang presyo (check nyo yong Tabloids principle).Dahil ang komiks para sa kanila ay isang uri rin ng libangan na pwede nilang unahin kasi di rin malaki yong access nila sa TV, Internet at iba pang modern media.At maari rin nilang gamitin ang comics as a form of "scapism", "inspirasyon" at edukasyon.

2.Middle Class- Php 200.00 pataas ang kita bawat araw.

- mas uunahin nila ang pagbili sa kanilang shopping list ang "needs" o higit na kailangan kesa sa "wants" o luho/luxury.Pero may potential na bumili ng komics oras na kaya ng budgetting nila at magkaroon sila ng ideya na makabuluhan ito sa kanila.

3. Upper Class- Php 500.00 up ang kita
bawat araw.

-wala silang problema sa gastos.Pag nakuha ang atention at interest nila, tiyak bibili sila ng comics.

Isa pa po na iconsider natin yong Age
Segmentation ng market natin.Mga pngbata ba?pang teenagers?pang adult?pang wholesome?

based sa mga nakaraang post ko sa ibang forum:

"As of this moment we still have the chance to make the industry became more bigger by considering the demographics.If we wanted to achieve potential marketing we have to make sure it is accesible to all market ages and demographics. Who will read the comics,?How much is the price?Is it worth reading ?And how can we relate it to them?And is it entertaining?This are the probable questions that would help us achieving our marketing strategy."

Kung maari nga po e, wag na tayo magbased sa mga nakaraang marketing method ng komiks, kasi sa ngayon, iba na rin ang audience/readers natin.Tutukan namn natin ngayon kung paano natin irerelate ang present market.Masyado nang metikuloso ang mga tao ngayon gawa ng pagka exposde nila sa mararaming magagandang ideya na dulot ng makabagong media.

Kaya nasa prerogative rin ng isang comic creator kung alin ang pipiliin nyang market.

Maging sa Language, Tama. Mahalaga rin ito. Sa kasalukuyan kasi di na pwede na magkaroon tayo ng isolation na Tagalog lang ang gamitin.Kung Kaya ng isang publisher na mag produce ng Tagalog at English, mas maganda kung pwede nga Japanese ayos rin. Wag nating isarado sa ibang lahi/bansa ang magaganda nating mga gawa.

So, kung gawin nating quality and afforadable and quality ang comics natin, e di mas maganda.Ang argument lang naman natin dyan ay kung kaya nating magtustos dyan at kaya nating mag take risk.

Bilang isang aspiring comic creator, hirap kami talaga pagdating sa funding
dahil pahirapan rin sa ngayon ang mga publishing company dahil tutok sila ngayon sa showbis at glamour.

 
At Monday, August 28, 2006 11:58:00 AM, Blogger Reno said...

I was just wondering, does the new, young crop of indie filmmakers get this type of flak from others? Why are the new generation of komiks creators getting this?

And why the negative reaction to the Komikon? If there was a Komikon during the heyday of the komiks industry, would it get this same reaction? And isn't the point of any convention (komiks or otherwise) to be a gathering of like-minded people and have fun and discuss things they have in common?

At masama bang mag-target ng specific market? Kung hindi ba masa ang target market mo, huwag ka na lang gumawa ng komiks? Sa marketing, isang malaking no-no ang gawing "ALL" ang target market mo. Kailangan may specific parameters. Oo, maganda kung makuha mo ang lahat (tulad ng nangyari noong panahon sa komiks), pero hindi praktikal ang mag-cater sa panlasa ng lahat.

Kung nais ng ibang publishers na maglabas para sa class A, B at upper C, nasa kanila na iyon. May target din naman silang print run na nais nilang ibenta. Karamihan sa mga iyan ngayon, di na hinahangad ang numbers ng readers noon (which count in the millions). Mabenta nila ang kalahati ng print run nilang 10,000 copies, ROI na sila. Kumita na sila. Masaya na sila doon. At yun naman ang point ng bawat business... ang kumita.

I was browsing around the newsstands recently, and was surprised to see MR. & MS. magazine priced at P100. Noon ay mumurahing babasahin lamang ito. Sobrang iba na ang format nito.

Bakit nagkaganoon? Bumabalik iyan sa sinabi ni Gerry na CHANGE OR DIE. I'm just speculating, pero malamang napagtanto ng publishers na hindi na bumebenta ang lumang format ng magazine nila. Hence, they felt the need to "improve" upon it.

Parang mga Showbiz magazines. Dati pulos hanggang mga 20pesos lamang ang mga ito. Ngayon, wala nang bababa sa 50pesos, which is just a little above the range of the "masa." Ang tanging magasin na nakita kong 20pesos ay LIWAYWAY.

Sa ngayon, di pa natin alam kung anong format o klase ng komiks ang kakagatin ng karamihan. Kung kaya't sinusubukan ng iba't-ibang publishers at creators ang iba't-ibang paraan upang makuha ang kiliti ng mambabasa.

 
At Monday, August 28, 2006 7:29:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Ano po ba ang ibig sabihin ni Gerry Alanguilan na ang komiks daw ngayon e "so much more"? Pwede ba siyang maging mas konkreto? Pasensiya na iho pero nalalabuan ako dun.

Sa tingin ko ay wala akong naisulat na kung gagawa ka ng komiks ngayon, ay gawin mo ang makalumang paraan lalong lalo na sa content nito. Sina-sangayunan ko lang ang punto dito na kung bubuhayin mo ang industriya, dapat ang pangunahing mambabasa mo ay yung income class D at E dahil ayon sa naka-post ditong article ng isang propesora ng brand marketing, ang income class na iyan ay 90% ng mga Pilipino ngayon kumikita on the average ng Php 15,000 a month OR LOWER, o Php 500 a day. Pangalawa, sinasangayunan ko ang mungkahi dito na kailangan para maabot mo rin ang audience na ito, kailangan ay simpleng TAGALOG ang pangunahing salita ng komiks sapagkat karamihan sa mga babasahin ngayon na malawak ang sirkulasyon at pagtangkilik ng tao ay nasa wikang TAGALOG. Hindi Bicolano, Waray, Chabacano, etc. kundi TAGALOG. Nationwide po iyan hanggang ngayon.

Kung tutuunan nyo kahit lang ang 2 importanteng sangkap na iyan, kahit ano pa man ang ilagay nyong klase ng content sa komiks, may pag-asang mabangon ang lokal komiks.

Iyon nga lang, ang sa ganang akin, kung ang tema at nilalaman o content ng iyong komiks ay makadauhan, opinyon ko ay di ito masyado kakagatin. Opinyon lang iyon.

Ipagpaumanhin sana uli ni Mr. Alanguilan kung hindi ako sasang-ayon sa sinabi niyang ang grupo nilang "radical individualist auteurs" ay nagse-set ngayon ng radical trend. Ang tanong ko po ay kaninong audience ba nagse-set ng trend? Anong income class ba sa palagay nyo? Hindi ba't sa westernized audience lang na 10% lang ng income class sa Pilipinas? Ang sa natitirang 90%, wala. Isa pa,paano nyo naman nasabi na TOTOO NGANG may radical trend ngang nangyayari sa mayaman nitong audience? Iyan ba ay personal na opinyon?

Sa pananaw o "opinyon" ni Mr. Alanguilan na walang kinalaman ang monopolya sa pagbagsak ng local komiks industry, at ang tunay na pumatay nga ay "Complacency", mukhang may kalabuan din po ito. Kayo na rin ang nagsabi na walang improvement sa komiks content noon, hinayaan lang ng ublisher. Sino ang publisher? Hindi ba't ang Pamilya Roces? Kung di nila kinontrol ang mercado ng komiks noon sa pamamagitan ng kanilang dummy komiks corporations at distribution system sa pamamagitan ng mga dealer agents na loyal sa kanila, malamang me sumibol sanang IBA PANG KUMPANYA NG KOMIKS na pwedeng tumapat sa kanya. Oo nga't me mga maliliit na kompetensiya ito, pero di nga lumaki dahil nga sa monopolyo ng mga Roces.

Ang silbi ng maraming kompetisyon ay naiiwasan nga ang ganyang 'complacency". Kung complacent ang isang publisher, lilipat ang mga manggagawa nito doon sa kompetensiya na makapagbibigay ng mas mataas na sahod o terms at lalong mapapaganda ang gawa. At ang complacent na publisher naman ay babagsak. Tingnan nyo ang Japan. Malawak nirerespeto at umuunlad ang comics industry nito dahil sa wala kang makikitang monopolya HANGGANG NGAYON.

Kaya bumagsak ang industriya ng komiks noon ay pagkat hawak ito mga Roces. Walang malipatan ang mga comics talents na competitor company sa Pilipinas (maliban na lang sa abroad: ang DC, Marvel, Warren, Gold Key, atbp). Dagdag pa dito ang tuloy-tuloy na mababang sahod sa karamihan kaya bumagsak ang quality, gayon din ang readership, tapos nagkakawelga, nauubusan ng pondo ang operasyon, nawawalan ng gana ang may-ari, nagkaroon ng ibang interes, nilisan ang komiks, ang mga komiks dealer panay ang pag-upa ng komiks ng di binebenta, hanggang sa tuluyang isinara ng mga Roces ang ang kanilang mga pabrika, consequently, humina ang distribution nito, ang maliliit na kompanya ng Rex, atbp. ay nagsara na din dahil sa naglaho ang distribution network na ito hanggang ngayong bagong siglo, wala nang komiks. Complacency? :)

Alam po ninyo, bago kayo makapagsimulang maglikha ng komiks, lalong-lalo na dito sa usapin at kontexto kung papaano ibabangon ng industriya, walang masama kung pag-usapan ang mga maling nangyari noon para di na maulit, at punahin ang kasalukuyang nangyayari. Bakit? Sapagkat dito natin nababatay ang mga susunod nating kilos. Kung gusto ninyong "mag-create" ng "mag-create" ng walang pakundangan na di naiintidnihan ang epekto nito, e walang pumipigil sa inyo. Mainam nga iyan at may unang nakikitang gumagawa ng mali para di ito sundan ng susunod na grupo.

Sang-ayon sa sinabi ni Mr. Alanguilan na change or die. Pero ang tanong, dapat bang palitan ang di naman bakli? Kung may bakli naman, ano-ano naman ang mga iyon? Sa mga tinalakay niya, wala po akong nakitang eksaktong mga puna tungkol dito. Bagkus panay nanaman mga vague "generalizations" kung saan komportable ang karamihan sa mga comics artist kung magsalita.

Personally, bukas naman ang aking isipan sa "change or die" theory ni Mr. Alanguilan. Ayusin lang ang diskusyon tungkol dito. Maging specific. Be logical. State facts.

Maraming salamat.

 
At Monday, August 28, 2006 8:08:00 PM, Anonymous Anonymous said...

To Artlink:

Bagamat sang-ayon ako sa mga nauna mong mga salita tungkol sa deskripsyon mo kakayahan ng mga tao ngayon,hindi ako nalinawan sa sinabi mo na kung maaari ay wag na tayo mag-base sa "nakaraang" marketing method ng komiks.

Artlink, ano ba SPECIFICALLY ang nakaraang marketing method na ito? At ano naman ang kasalukyan? Pwede mo ba ito bigyan ng linaw?

Ayon doon sa nakaraang post ng La Salle Propesora ng brand marketing, ayon sa pananaliksik nila 90% ng mga Pilipino ngayon ay nasa lower income class. Php 15,000 or lower ang kinikita bawat buwan. Tama ka, Php 500 a day para sa isang limang katao na PAMILYA o P100 bawat miyembro ng pamilya. Kung nabasa mo ang article na ito, makikita mo rin na VALUE o PRICE CONSCIOUS ngayon ang mga tao lalong lalo na sa lower income class.

Logical lang na kung gagawa at pepresyo ka ng komiks para sa NAPAKALAKING MARKET sa lower income class, bababaan mo ang presyo mo na abot kaya nila. Ilulugar mo din siyempre ang format ng komiks mo. Decent at presentable dapat at di OSTENTATIOUS. Natural, kung okey sa kanila ang content ng gawa mo tatangkilikin nila ito. Pag nangyari ito, papansinin ito ng middle at upper income lalong-lalo na't napakamura para sa kanila ng presyo. Pag nangyari iyan, di naging "classles" ang komiks di ba? Pero nagkaganyan kasi ang primary market mo e yung mas nakararami at mas malaking market ngayon sa Pilipinas: ang lower income class D at E.

Sa maniwala ka sa hindi, ang prinsipyong iyan ay sinunod ng mga pamilya Roces kaya sila nagtagumpay. Iyan ba ang "nakaraang" pamamaraan ng marketing na tinutukoy mo?

Ano naman ang kasalukuyan at makabagong marketing plan ang ginagawa ngayon ng mga English language "global" komiks na nandiyan? Me malawakan bang industriya ng local komiks ang sumibol? Wala di ba? Kulto, meron. Lalong lalo na sa internet.

Malinaw rin na ang 90% ng mga lower income class na Pilipino ay mas nakakaunawa, nakakaunawa, at nakakabasa ng TAGALOG at di ng Ingles. Marami na akong nabasa na mga post dito na sumosuporta sa datum na 'yan. Kaya't kahit ano pa mang "wish" ang sabihin ng iba diyan, hindi pa rin nito mababago ang realidad. Artlink, ikaw na rin ang nagsabi na dapat praktikal. Oo, pwede mong haluan ng konting Ingles, bakit hindi? Pero, mangingibabaw pa rin ang TAGALOG pagkat ang binebenta mo ay KOMUNIKASYON. Kung wala ka noon, di ka makapagtuturo o makaka-aliw.

Ang paggamit at pagmahal sa sariling wika ay di pagsasara ng isip sa ibang bansa. Bagkus, lalo mo lang napapayaman ang sarili mo at tingalain ng ibang bansa. Kung makita nilang maraming Pinoy ang nagkakagusto sa gawa mong tagalog, maiintriga yan at babayaran ka para mai-translate ang gawa mo.
Tayong mga Pinoy, pag nagsalita tayo, nasa kultura natin ang maintindihan ang kahulugan nito. Di ito nakukuha ng mga bayaga. Para makuha mo ang lower income, dapat malakas ang radar mo dito.

Halimbawa na lang ang mga sira-ulong nagpo-post dito sa blog ni Randy. Example iyang si Gilbert Moncupal. Maging ako, natawa sa sinabi niya: "Mga Pre tingnan 'nyong maliit na Pen sa caricature ni Bluepen. ME TULO O!" Galing ng punchline.

Sige nga, i-translate ninyo yan sa Ingles na madali ka ring matawa. Mahirap ano? Bakit? Pagkat iyan ay pang-lahi natin. Kultura natin. Binubuhay natin sa salitang Pilipino. Kung pwede pa ngang mapayaman ang Pilipino sa paghalo-halo ng ibang dialekto, mas mainam para nga magkaroon ng unified language ang Pinoy. Sa kasalukuyan hindi e. TAG-LISH ang priority.

Inuulit ko. Hindi natin sinasara ang komiks natin sa ibang kultura kung tapat lang tayo sa ating wika pagkat lalo lang natin napapaganda ang komiks sa ganitong paraan. At pag lalong napapaganda, mapapansin ito ng ibang lahi, hindi ba?

Ngayon, masasabi ba natin na ang kasalukuyang burgis na komiks na lumalabas ngayon na gumagamit ng Ingles at "westernized" ang mga tema, ay napapansin ng ibang lahi? Pinapansin ba ng Japan o Amerika ang KAI? Neo-Comics? Lastik Man? Darna Golden Anniversary Edition? Enchanted Kingdom? Cast? Siglo? Hindi ba't ang tingin lang nila dito ay pawang mga gaya-gaya? Walang integrity? Malaki ba ang benta niyan abroad? Hindi, di ba?

Tungkol naman sa sinabi mong hindi pa alam ng publisher kung anong format ang gagamitin pag gagawa ngayon ng komiks, akala ko ba meron na silang moderno at kasalukuyang pamamaraan sa marketing para masagot iyan? :) Suggestion lang, bakit hindi nila balikan ang bulok na nakaraang sistema? Malay mo, baka, BAKA LANG, applicable pa rin ito, sa kasaluluyang lagay ngayon, kahit na sabihin mo pang sobra ang pihikan ng taste ng mga reader dala ng exposure nila sa ibang media. Bakit hindi nila balikan ang nakaraan, buksan ang isip, at magtapang naman na parang entrepreneur?

 
At Monday, August 28, 2006 8:20:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Reno:

Bakit naman lumayo ang usapan? Bakit mo dinadala dito ang indie filmmaker? Bakit mo ito kinukumpara sa mga burgis na komiks ngayon?

Walang comparison.

Una, mas tapat pa nga ang mga indie filmmaker sa pagka-Pilipino nila. Napanood mo ba ang "Kubrador"? "Ang pagdadalaga ni Maximo Oliveros"? TAGALOG ang salita dito, di Ingles. Ang mga tao, mukhang Pilipino, di Caucasian o Japanese anime'. Mas Pilipino pa ang Pinoy Indie filmaker kesa sa burgis na komiks ninyo ngayon. At dahil sa di nila na-compromise ang integrity na iyan, napayaman nila ang sining at kultura ng bansa at NAPANSIN ang gawa nila abroad. Kumita pa dahil sa mga parangal at cash prizes. Ang mga burgis na komiks ngayon, may ganyan bang accomplishment? Wala, di ba? At nagtataka kayo kung bakit ang mga burgis komiks na yan ay nagkakaroon ng 'flak"? :)

Tungkol naman doon sa obserbasyon mo sa Mr. and Ms. na P100 na ngayon, alalahanin mo di lang iyan ang tagalog publication na tinatangkilik ng Pilipino. Wag mong kalimutan ang The Buzz, Bulgar Tabloid, TAGALOG Romance pocketbooks, Pinoy Tsismis magazines, etc. na abot-kaya ng lower income.

Isa pa, pagpasensyahan mo kung sa nakikita kong parang di mo nauunawaan ang proposisyon na i-target market ang lower income.
Ang ibig sabihin niyan, dahil nga sa mas malaking market ang lower income, doon ka makakakuha ng mas maraming "market specific" audiences sa iba't-ibang gawa ng komiks kesa sa upper income na maliit. Mas wide ang lower income. Sa lower income ka dapat mag-niche marketing, hindi sa upper o middle income. Example na diyan ang mga personal care products ng Proctor and Gamble tulad ng shampoo, toothpaste, etc. na nasa sachet o pakete sa nagdaan-daang sari-sari store. Iba't-ibang klase pa ng mga shampoo iyan, at may tinatarget na iba't-ibang panlasa sa lower income class. Bakit hindi ganyan ang gawin sa local komiks?

 
At Monday, August 28, 2006 9:32:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Ginoong veteran:

Nagustuhan ko ang punto ng nagsabi na isa sa pinakamalaking dahilan ng pagyao ng industriya ng ating komiks noon ay complacency. Nasaksihan ko ito, ginoong veteran. Isa rin akong illstrator noon at totoo ngang kampanteng-kampante ang mga creators noon. Basta popular sila at kumikita ng limpak-limpak, hinayaan nilang ang quality ng kanilang guhit at panulat ay mag-stagnate na parang estero. Dumating ang sandaling ang mga mambabasa ay nagsawa sa mababang quality at tinalikuran na tuloy ang komiks na siya nitong ikinamatay. Hindi naman sinabi ni Manilaboy na walang kasalanan ang mga Roces. Sila ang nagpasimuno ng malaking kamalian, na hindi pinanindigan ng mga creators na mabago ang takbo ng content na sinasabi ninyo.

Hindi ko naisip itong side na ito hanggang sa mabanggit itong complacency. Parang may ilaw na biglang sumindi sa dilim at naniniwala akong ito na nga ang puno't dulo kung bakit ang komiks ay namatay. Ang camplacency ng mga Roces at mga creators ang siyang pinagsimulan ng pagbulusok paibaba ng ating komiks.

Ngayon ay driver ako ng jeepney. Masakit isipin, nguni't isang katotohanang dapat kong kaharapin.

 
At Monday, August 28, 2006 11:49:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Complacency-complacency ka pa. Che! Guevarra!

Jomari, tigilan mo na yang kaburgisan mo at hindi yan welcome dito sa blog ng mga pinoy artists. Kung mayroon mang sumira sa komiks noon ay dahil sa mga katulad mong mga protege ng management noon. Basta't mga guwapings na nakadikit noon sa namamahala ay sila lang ang napapaboran. Hindi ba't kataka-taka na kung bakit ang mga Atlas girls at Atlas boys na mga proteges ay puro pa kuno mga premyadong manunulat? Bakit? Hindi ba't kataka-taka ito? Malay natin kung puro kabatakan ni Lualhati Bautista ang mga hurado? At ano'ng malay natin kung yang Jomari Lee ay ipinuhunan na naman ang kanyang katawan at nagpakama sa mga badings na mga hurado para manalo ng award? Aber nga, sagutin nga ang mga katanungang ito, ginoong adonis na protege ng Atlas management noon? Isama mo na rin ang mga best friends mong sina DENNIS ROLDAN (kung makalalabas sa loob! Ha-ha!), yung bomba star na best friend mong si GINO ANTONIO, yung ex-basketbolistang si MON GODIZ. Puro kayo may mga nakakadudang re-PUTA-syon! Hi-hi-hi-hi! Nakakatawa! Ha-ha-hak-hakhak!

Magtigil ka na sa mga katarantaduhan mo, Jomari. Walang maniniwala sa iyo sa blog na ito. I-post mo na lang ang mga larawan mong nagbibilad sa iyong pagkalalaki. Baka bumilib pa kami sa mga hidden assets mo. O, hinahamon kita! I-post mo ang mga hubad mong larawan at doon ka namin huhusgahan kung karapat-dapat ka ngang bigyan ng award bilang manunulat. Dito namin makikita kung talagang legit ang pagkapanalo mo sa iyong award o ginamitan mo ng ibang asset para manalo ka. Hamon iyan at ako'y maghihintay sa sagot mo!

 
At Tuesday, August 29, 2006 2:59:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Tunay na pinoy, talagang nakaka sira ka ng usapan pag ikaw ang pumasok nabababoy ang blogs. Puros kabastusan ang laman ng utak mo. Sinimulan mo na naman.

 
At Tuesday, August 29, 2006 3:23:00 AM, Blogger Robby Villabona said...

TO AKO AND/OR OLDTIMER KOMIKS VETERAN (hirap makipagusap sa ayaw magpakilala)

I think you're an intelligent enough person -- very bitter, cowardly, arrogant, bigoted, but intelligent, nonetheless. I would suggest you just concentrate on working on your business case for low-cost, high-volume comics without having to resort to dissing other people who've chosen to sell to other markets. Even if tomorrow people stopped cosplaying, drawing manga, speaking English, and selling comics with glossy paper to a well-to-do audience, you're dream of ushering in a revival of comics for the Filipino masses will not materialize. Ikaw na lang gumawa kung ayaw ng iba. Pakita mong tama ka at mali silang lahat... imbes na puro pera at oras ng iba ang gusto mo itaya. Kung wala kang pera, sorry. Magtrabaho ka na lang ng mabuti, dahil wala namang bayad ang manginsulto sa gawa ng iba ng walang katwiran.

TO GERRY,

I think what AKO (and his numerous anonymous aliases) is saying is just a different manifestation of your blog posting of August 11, 2006. Both opinions presume to know what defines the amorphous term called "Pinoy" and presumes to think that anything with foreign influence cannot be called Filipino. And reality just doesn't reflect it. Unless we're talking about a people living for the past 10,000 years in total isolation, you will always find foreign elements in any culture. Yes, even in Japan.

I'm really an avid supporter of your komiks museum (I tell young artists I meet to go look at it for inspiration), but I am a strong opponent of your opinion about how it is inappropriate to call a comic book Pinoy-made just because it uses manga style. I'm against it for the same reason you've pointed out said in this post. Maybe your pronouncements on the subject are heartfelt and sincere, but nevertheless they are counter-productive. All they really achieve in the end is division and bickering (and thus take people away from making comics) and doesn't really resolve anything. What you're effectively trying to define (Pinoy komiks) is subjective. I can imagine many ways a comic can still be Pinoy even if drawn in manga style, because it's not hard for me to imagine people who genuinely love their country and their craft to WANT to draw local comics in manga style.

TO RENO,

You're absolutely right. To understand AKO/VETERAN/ETC.'s point-of-view -- you will have to put yourself in the shoes of religious fundamentalists. Once you understand that there are actually people who are unwavering in their belief that they are right and whoever disagrees with them is wrong (and should burn in komiks hell), then you'll understand where all the acrimony and bitterness comes from. We just think we only see them on TV living in Pakistan, Afghanistan, and the middle east, but the truth is they take many forms and are abundant.

 
At Tuesday, August 29, 2006 9:49:00 AM, Blogger Reno said...

Ginoong veteran...

Ihinahambing mo ang komiks sa consumer goods. Hindi dapat. Malaki ang pinagkaiba niyan.

At ginawa ko lamang halimbawa ang Mr. & Ms. to illustrate further the changing times when it comes to publishing. At yung mga binaggit mong mga magasin, hindi ba't medyo may kamahalan din ang mga iyan para sa income ng mga class D?

Tulad din ng aking paghahambing sa mga filmmakers. Iyon ay paghahambing. Hindi ako lumalayo.

At kung itutuloy natin ang paghahambing... kumita ba ng malaki ang mga pelikulang inyo pong nabanggit? Hindi po, di ba? Bakit hindi sila pinupuna sa ganito? Bakit ang mga nagkokomiks, pinupuna at dine-degrade ng ilan-ilan dahil hindi kumikita ng malaki ang komiks nila?

At bakit panay ang bigay po ninyo ng label sa mga bagay-bagay at tao? "Burgis," "radical individualist auteurs"... none of these people or companies or publishers or whatever claim their komiks or they themselves as such.

Buti po walang tumatawag sa inyong "bitter old man who wastes his time putting down others instead of doing something productive with his life."

 
At Tuesday, August 29, 2006 10:20:00 AM, Blogger TheCoolCanadian said...

Tunay na Pinoy, ang ugali mo'y MALAYO sa Pinoy. Ang mga Pinoy na nakilala ko noong diyan ako naninirahan sa ating bansa ay hindi katulad mong saklot ng walang katapusang kapaitan sa kapuwa. Ano ba talaga ang problema mo, kaibigan?
Ikaw ang nagbanggit niyang award na iyan. Kahi't minsan ay hindi ko iyan binanggit. Hindi importante sa akin ang ganyan kaya nga hindi ko sinipot at para sa iyo ay pagmamalaki ng ulo. Totoo, nakakulong si Mitch. Bakit kailangang pgtawanan mo? Totoo, very close ako kay Joey Gonzales (Gino Antonio sa iyo), so what? Naghahanap-buhay siya sa pelikula, masama ba ito? So what din kung si Mon Godiz ay ex-basketball player. Masama rin ba ito? Hindi ko makita ang point mo. Kailangan kong ipakita ang aking nude picture para husgahan mo? Husgahan kung deserving ba ako sa pagtanggap ng award? Ano ba ito? Nasaan ang logic nito? Kung makita mo ba ang ari ko ay ma-a-asses mo kung dapat akong bigyan ng award? Sige na nga, magpunta ka rito sa Vancouver at ipasususo ko sa iyo ang aking ari nang mabilaukan ka't tanghalin kang bangkay! Pinipilit mo akong maging bastos sa iyo. Ngayon, hindi ba't nakakainsulto, na ang isang kapuwa mo lalaki ay magsasabi ng ganito sa iyo? Tama na po ang ginagawa ninyong ito sa akin. Masiyado na po ninyo akong nainsulto. Ang pinakamasakit, kilala mo ako, pero hindi kita kilala. Saan mo pinaghahanap ang mga bagay-bagay tungkol sa akin? Pati ang pag-work-out namin ni Joey sa YMCA ay alam mo? Magpakilala ka sa akin nang matapos na ang mga galit mo sa akin. Pati mga taong walang koneksiyon dito ay Idinadamay mo. Ako na lang ang gawan mo nito, huwag mo nang idamay ang mga kaibigan ko, puwede? Pati nga ang ama ko, hindi mo pinatawad! Wala silang pagkakataon na ipagtanggol ang kanilang sarili dahil wala sila rito. Hindi mo sila kilala. Huwag kang basta nanghuhusga sa iyong kapuwa.

Sasabihin mo, nagka-award dahil sa Atlas at protege ng management. Bakit, Atlas ba ang nagbigay ng award? Walang koneksiyon ang Atlas doon. Mga GWAPINGS lang ang napapaboran. Bakit, PANGIT ka ba kaya hindi ka binigyan ng slot sa nobela? Ba't di ka magpa-opera ng mukha mo para maging GWAPING ka rin at mapaboran din ng mga komiks at TV at pelikula.

Matino ang usapan, ipapasok mo ang mga walang sense na mga bagay para makapag-venganza ka lang. Wala akong masamang ginawa sda iyo. Hindi kita tinapakan kahi't kaylan. Leave me alone.

 
At Tuesday, August 29, 2006 11:14:00 AM, Anonymous Anonymous said...

manilaboy,
Alam kong pikon ka na rin sa mga posting dito at sa iba pang threads na nabasa ko na tungkol sa komiks. Wag mo na lang pansinin yan at tutok tayo sa makabuluhang bagay. Wala tayong mapapala sa mga nonsense postings. Obyus na personalan yan. Palit ka na lang ng Code at wag mong ipaalam ang iyong style of writing. We wish to give our identity to be known kaya lang pag me yumayari sa yo, I think its time to change your style. Based on your postings, galit ka na at medyo nadidisbalanse na and iyong disposisyon. Dinagdagan mo pa ng detalye yung sinabi ni "tunay na pinoy" na dapat eh di mo na binabanggit. I think hinahanap ka talaga ng ungas na yan para insultuhin ka. Don't spend your time knowing and finding him. It's not worth it. But if you really wish to. Track the IP address he is using o kaya paimbistigahan mo.


Sa mga matitinong nag-post,
Salamat sa mga impormasyon at marami akong natututunan sa mga kuro kuro nyo. Bihira akong mag-post pero binabasa ko lahat ng mga makabuluhang bagay dito. Kung me nakakakilala jan ke tunay na pinoy eh kumanta na para matulungan natin si manilaboy. I think tong blog na to eh for sharing info at di para mang-insulto ng tao, specially kapwa Pinoy.


Randy,
Salamat sa blog mo. Keep it up.

 
At Tuesday, August 29, 2006 5:05:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Ako iyong nagpost dito tungkol sa nakikita ko sa Komikon na parang mali. Sinabi ko iyon ng maayos dahil iyon ang sa nakikita ko ho ay mali. Talo pa ang komiks sa nakaraang komikon. Kayo na rin ang humusga pagpunta niyo sa Komikon ha!

Ngayon, ang ayos ng usapan dito ng lahat. Si Oldtimer 2, Gerry, Robby, Reno at ng kabuuang nagpopost dito sa latest na entry ni Ka Randy. Seryoso ang usapan at walang halong pamemersonal. Debatable talaga ang diskusyon. Ang lahat ay nagshe-share ng ideya. Tapos heto na nanaman ang "Totoong Pinoy (kuno)" na nagpopost ng kababuyan at paninirang-puri kay Manila boy. Ang tanda mo na ganyan pa rin pre! Siraan mo ng siraan iyong tao! Tapos ayaw mo naman sabihin ang dahilan kung ano ang nagawang mali sayo ni Manilaboy dito. Eh kung ikaw kaya ang ganyanin? Matutuwa ka? Tatanggapin mo? Sige, subo ka na para matapos na to!

Puro kabastusan at pambababoy sa usapan ang ginagawa mo dito eh! Nasisira tuloy ang usapan.

To Randy: I-delete mo nga ang bawat post na bastos ni sintu-sintung pinoy.

 
At Tuesday, August 29, 2006 5:10:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Oo, maayos ang usapan kahit na nagkakaroon ng siraan sa gawang komiks ng iba tulad ng manga. Debate lang talaga iyon. Hindi naman nagkakaroon ng personalan. May bumababoy lang talaga!

 
At Tuesday, August 29, 2006 5:47:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Blinker, in the future please watch your language at maaaring bigyan ng maling kahulugan iyan ni Manilaboy.

For example, you said: "..kaya lang pag may yumayari sa iyo, I think its time to change your style."

 
At Tuesday, August 29, 2006 5:52:00 PM, Anonymous Anonymous said...

"If God had meant to have homosexuals he would have created Adm and Bruce."

--Anita Bryant

"Those who behave in a homosexual fashion...shall not enter the kingdom of God."

--Pope John Paul II

 
At Tuesday, August 29, 2006 9:25:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Complacency? What brought about that psychological state in the first place? Does it spontaneously (or coincidentally) come out of everyone at the same time as insinuated by Gerry and the burgis global crowd? Wow, that is too much.

If you've been through college and have been listening to your sociology classes, you would recall that these things usually arise out of the things around us, the ENVIRONMENT.

And what was the environment at the time, according to oldtimer komiks veteran? It was a business and social environment of a Monopoly in the local comics market dominated by the Roces Family.

Why are the new generation of so-called Filiipino comics creators playacting like this never happened?

Its common sense. If the market is dominated by a monopoly, it WILL naturally become complacent because it has no competitors to keep it on its toes. It has no competitors because it prevents real competition from occurring. A monopoly is anti-free market.

Since the monopolist publisher becomes complacent, it allows its staff of creative people to also become complacent. Why? Because no matter how mediocre the work turns out, the product will still sell. Why? Because it has no competition. The consumer has NO CHOICE but to buy the monopolist's lousy product.

What the monopolist didn't count on was that though it has no competitor publisher in the local comics market to keep it on its toes, its reader market was gobbled up by the entry of competition from other media, waning audience support, a harpressed economy, a slow exodus of creative talent to other media, until in the end, the whole monopolist enterprise withers and fades away.

It all makes perfect sense. My hats off to the oldtimers for this bit of insight.

Kudos to Randy Valiente for this blog.

 
At Tuesday, August 29, 2006 9:52:00 PM, Anonymous Anonymous said...

I think it was Manilaboy who brought up the compalcency thing, not Gerry. Also, Manilaboy acknowledged the fact it was the Roces management that initiated it. He even called the creators lackeys, and I tend to agree with it. It had been established and known to all of us re: the monopoly. But if the creators resisted acting like lackeys (like what Manilaboy suggested) and stood their grounds, the fate of the komiks would have taken another route. Sad to say, the creators acted like yes men (and women), and played along, enjoyed the glory of their popularity and healthy income. If we think logically, Manilaboy's finger pointed directly at what had caused the inevitable demise of the komiks. No matter how great the monopoly was, if the creators who comprised the whole industry (and without the Ravelos, Cochings, redondo's et al there would have been no komiks monopoly), the Roces family would have not succeeded to have monopoly in the komiks industry in the first place.

So, I totally agree with Manilaboy. Complacency on the part of the komikeros was (more) the culprit in the death of the komiks, and (second only) the monopoly by the Roces family.

 
At Wednesday, August 30, 2006 1:09:00 AM, Blogger macoy said...

ako/etc.,

e kung ganito nalang: yung mga gustong gumawa ng AB na komiks e hayaang gawin ang gusto nila. at yung mga gustong gumawa ng CD na komiks ay hayaan ding gumawa. tapos 'wag nalang magbangayan ang dalawang panig.

ang liit na nga ng mundo ng komiks sa ngayon, naghahanap ka pa parati ng kaaway.

ano ba'ng masama sa pang-mayaman na komiks? wouldn't it be better for the industry in general (and we all know HOW MUCH YOU CARE FOR THE INDUSTRY) to exploit every possible market, rich AND poor? let them make their westernized comics, you make your nationalistic ones (*rolls eyes*), and we let the free market decide.

i've been following your arguments, and your main thesis-- correct me if i'm wrong-- seems to be that pinoy creators should only tackle pinoy issues, in the pinoy language, for a pinoy audience.

which, of course, is a steaming load of bull.

the concept doesn't hold any water artistically, intellectually or economically. why limit the stories we tell, the ideas we wish to share, the people we sell our work to that way? the only remarkable thing i see in your ideas is the surprising number of people willing to take such a myopic isolationist argument seriously.

mcoy

 
At Wednesday, August 30, 2006 2:22:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Hallelujah! Hallelujah! To you, mcCoy!
Short, direct to the point, and sweet!
The best quote ever!
Randy, make sure this one is raised on the pedestal of your usaping komiks' HALL OF FAME!

 
At Wednesday, August 30, 2006 11:40:00 AM, Blogger Reno said...

Natumbok mo, mcoy. Bahala ang publishers kung anong market ang ita-tackle nila. Huwag ipagpilitan sa existing publishers na pang-masa ang gawin. E gusto nilang makuhang market ay ang AB, wala tayong magagawa. (O, baka ma-misinterpret ako dito, ha?)

Kung may gagawa ng komiks na pang CD market, e di well and good. Wala pa lamang sigurong publisher na nakakakita ng potential market na ito. Naiisip siguro nila, walang pambili ang mga ito. Doon tayo sa may pambili. Can we blame them for wanting to make money?

Sa quote naman ni defender...

"Why are the new generation of so-called Filiipino comics creators playacting like this (Monopoly) never happened?"

A... walang nagde-deny na nangyari ito. Nobody's play-acting that this never happened. Please get your facts straight. Ang sinasabi lang, ASIDE from Monopoly, meron pang ibang factors.

 
At Wednesday, August 30, 2006 2:25:00 PM, Blogger ARTLINK STUDIOS said...

To Oldtimer Komiks Veteran 2:

Salamat po sa maganda and very informative na argumento.^___^

To Clarrify:
"Artlink, ano ba SPECIFICALLY ang nakaraang marketing method na ito? At ano naman ang kasalukyan? Pwede mo ba ito bigyan ng linaw?"
Sagot:
Pwede po.Tinutukoy ko yong method na "stagnant"at malaking halimbawa yong ginawa ng mga Roces. Sa sobrang tutok nila sa pangmaramihan at pangkalahatan meron silang nalimutan, ang Quality.Kung titingnan nga rin natin noon, malaki talaga ang demand dahil naging need na ang komiks.Kaya noong nagkaroon ng Monopolyo, nagtake advantage talaga sila at tumutok na lang sa Quantity for Mass Consumption.
Nagkumpyansa sila at di namalayan na nagkaroon na sila ng malalaking kakumpetensiya sa larangan ng Libangan/ Entertainment.
Ang tinutukoy kung Specific Marketing method sa madaling salita ay:
" Ang Nakaraang industriya ay tutok masyado sa pangmaramihan at di namalayang nalimutan yong kalidad ng produkto."

Sa Kasalukuyan, gawa ng modernisasyon at globalisasyon, marami po tayong mga factors na icoconsider pagdating sa Marketing natin.Ang mga tao, ay di lang iisa ang libangan, meron tayong TV, Internet, CD, DVD at iba pang marami.Ibig sabihin' ang tao ngayon ay tutok sa marami ring aspeto, kaya kinakailangan muna nating tumutok sa Quality para tangkalikin ang produkto at makalaban sa lakas ng Kompetesyon.
Maari pa rin nating gamitin ang ibang method o strategy ng nakaraan pero syempre kailangan isaisip natin kung pano natin ito ngayon i poposisyon sa kasalukuyang panahon.Gawin lang nating aral ang mga nagyari sa nakalipas at tingnan kung paano ito magagamit mui pero di na tulad ng dati.

Hindi po ibig sabihin na kukunti lang ang target market ng isang Comics creator, ay di marereach out ang tintawag nating "Rebuilding/Reviving of Komiks Industry".Bagkus, kung ang lahat ng Comics Creators and Comic people ay pinagka isa at pagsamahin natin lahat, magkakroon ng pangkalahatang "Target Market".Kasi bawat creators ay may kanya kanyang Target Market.Sapat na po ito para magkaroon uli ng sigla at inspirasyon ang industriya na bumangon.
Parang yong kuwento ng "walis tingting", pagpinagsama lahat ng tinting, mas maraming at malawakang basura ang mawawalis at mas malakas ang pagwalis (paghahambing lang po ito).

Ngayon kung ililimit po natin sa "Tagalog" o yong tinatawag nating "pang masang pinoy", napakalawak po na argumento ito.Tumutok po tayo kung paano maibigay ang awareness na may mga nag eexist pa na gumagawa ng Comis.Bakit ko sinabi na napakalawak?Dahil napakarami pong aspeto muna ang iintidihin natin lalo na ang mga creators..isa na po dito ang kapital at kung meron pang mag ririsk na magpundo(kumpanya o negosyante) gayong di na ngayon demand ang Komiks sa Market.Ang Tagalog at English at alinpamang Language ay options lang po natin.Ang primary focus natin ngayon dapat ay kung paano uli maging "demand" ang Comics para maibangon muli ang industriya.Kaya malaking tulong po ngayon ang pag eexist ng mga "indie" comics para magbigay ng sapat na "awareness" na importanteng sahog sa Marketing.

Isaisip rin po natin na ang mga artist at writers ngayon ay masyado nang globally competitive, pero di ko sinasabi na ang nakaraan ay di na magagaling, bagkus sumobra nga (Reference Book: Comic Book Artists, Featuring Alex Niño and the Invasion of Filipino Artist, Top Shelf).Kaya di po natin maiwasan na ang content ng mga gawa nila ay may halong banyaga na kaya kadalasan English rin ang nagagamit, pero ito ay bahagi lamang ng competitiveness nila.Kung atin po silang bigyan ng paalala sa tamang paraan, makikinig naman po ang mga yan at tiyak mabubuhay sa isip nila na, "ah..teka, panahon na para magtarget ng Tagalog Readers at saka na muna ang English version ".Nasasa kanila pa rin yon kasi hawak nila ang sarili nilang gawa.Kasi bawat artist ay may kanya kanyang style at motivation na di natin puwedeng iwawala sa kanila at bahagi na yon nila.Alam nila at nasa puso pa rin nila ang pagiging isang Pilipino kahit nahahaluan na sila ng Salitang Banyaga.(kahit nga US Citizens na nasa ibang bansa, pagka Filipino pa rin ang lumalabas sa kanila)Di po naman ibig sabihin noon na wala silang pagmamahal sa sariling wika, ang tanungin nyo ay ang mga English Speaking na Elite Society, hindi yong Comics creators.

Sumasang ayon ako sa iba mong sinasabi .Ngunit sana wag naman natin isisisi lahat sa mga Komikero o mga Manga Artist o sino pa mang mga artist dahil hindi lang sila ang may contribusyon sa pagbagsak ng ating Language o maging sa
paggawa ng Komiks.Sila ay mga nagsilbi lamang sa kanilang sariling mga pananaw sa paggawa ng komiks na parang katulad rin sa iyo.Sa tingin ko walang masama dito bagkus malaki ang maitutulong nito uli para malaman kung
meron pang intersado sa paggawa nito sa kabila ng krisis na gawa ng kahirapan ng ating bansa.Oo, malawak talaga ang dahilan ng pagbagsak ng Comics, pero dahil tayo lahat dito ay nakakaalam kung ano ang dapat na solusyon, magtulungan tayo, kung hindi man, irespeto natin ang iba't ibang paraan nila ng pagagawa ng comics dahil sa bandang huli mangingibabawa pa rin sa kanila ang pagmamahal sa sariling bansa.Malay mo, nag iipon lang ang mga iyan, kasi halos lahat naman tayo na nakakaalam ay namulat na noon sa mundo ng Komiks kaya tiyak ay balikan at babalikan pa rin natin yon.Di mahalaga kung ano bang dapat na gawin sa comics, ang mahalaga sa ngayon ay may gumagawa.

Napakahalaga ngayon ng talakayan na ito, sana tayong mga nandito ay gumawa rin ng hakbang.Ngayon lang muli ako nagdaan dito sa blog ni Randy, at natuwa ako na medyo intellectual na ang usapin at hindi na bastusan.Sana Ganito tayo dito lagi, nagbibigayan at nag aargumento sa tamang tono at di nag ooffend sa mga nag popost.

Matindi rin ang pag sang ayon ko sa sinabi ni MCOY dito.^___^

 
At Wednesday, August 30, 2006 6:12:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Tungkol doon sa mga nagsabi ng hayaan na lang ang mga komikerong mag-establish ng AB market at hayaan naman ang mga me gustong tumutok sa DE, kasi daw dapat ma-exploit ng komiks ang lahat ng market, medyo nao-oversimplified ako sa ganitong pananaw. Sorry.

Sa nababasa ko dito, ang kontexto ng balitaktakang ito ay paano mo maibabangon ngayon ang industriya ng patay na lokal komiks industry.

Naging proposisyon ni Oldtimer sa tanong na yan e, tingnan muna ang pangkalahatang audience. Ano bang klaseng reading audience meron ang Pilipinas sa kasalukuyan?

Tama na tinumbok niya muna ang kakayahang pinansyal ng mga tao ngayon. 90% ng mga pamilyang Pilipino na may 5 katao ay sumasahod buwan-buwanan ON THE AVERAGE ng Php 15,000 OR LOWER. Sa kabilang salita, Php 100 bawat 5 katao. Ang laki ng 90%.

Kung gusto mo bang mabuhay muli ang industriya ng komiks, sino ang mas bibigyan mo ng prioridad yung maliit at pihikang 10% na westernized o yung ga-higanteng 90%?

Oo nga, quality conscious ka nga, at itinuon mo ito sa highly westernized income class AB, pero ano ang nangyari? Me sumibol bang local comics industry? Wala di ba?

Ang binibigay na proposisyon, AYON SA TEMA NG DISKUSYON, ay bakit di ituon ang pansin ng pagka-quality conscious ng mga creators at publishers sa lower income class DE? E sa iyon ang PINAKAMALAKING AUDIENCE NGAYON.

Me mga pinagaralan naman ang mga gumagawa ng komiks na yan para sa AB crowd, ba't di nila magamit ito para maging cost-effective ang mga production method nila para makagawa ng mura at abot-kayang komiks para sa mas NAKARARAMING PILIPINO ngayon nang sa gayon, MARAMING KOMIKS ANG MALIMBAG at may sumibol NA MALAWAKANG INDUSTRIYA? Kung gusto nilang gumawa ng manga style o americanized, sige, gawin nila, pero ibaling nila ang mga paninda nilang komiks sa mas malaki at totoong market ngayon sa Pilipinas: ang lower income class DE.

Ngayon, doon naman sa tagalog ang pananalita. Me mga factoid na binanggit dito na karamihan sa mass publications ngayon ay TAGALOG at talo ang Ingles. Siyempre, on point of business, para maunawaan at bilhin ang mga komiks mo ng mas nakararaming Pilipino sa lower income class DE, logical lang na gumamit ka ng SIMPLENG TAGALOG.

Me binaggit si pareng Reno tungkol dyan sa Mr and Ms na Ingles ang ginagamit na lengguwahe.

Naabutan ko ang Mr and Ms noong early 1980s lalong lalo na ang black and white version nito para tutulan ang rehimeng Marcos. Reno, ang audience base ng Mr & Ms noon ay ang middle income class C. Hindi masyado mataas at mababa ang presyo at Ingles ang gamay na salita ng middle income.

Ngayon, nang humirap ng humirap ang panahon tulad ng isinalaysay ni Oldtimer hanggang sa kasalukuyan, lumiit ang market ng middle class, bumagsak sa mga lower income class. Lumiit naman ang upper income class pero lalo namang yumaman.

Alam ng Mr. and Ms. na di tatangkilin ng lower income ang Ingles nilang format at editorial policy/direction nito kaya't minabuti nilang tumuon sa upper income kaya hayun, pinaganda ang pahina etc. at tinaas ang presyo. Pero lumawak ba ang circulation nila sa upper income? Hindi. Surviving lang sila. Gaya ng mga big three english broadsheet newspapers ngayon, hindi lumalaki ang kanilang readership. CONSTANT lang. Di gumagalaw. Di lumalaki o bumababa. Ganito ba ang gusto nyong sitwasyon? Complacency? Ito ba ang klase ng industriya ang isinasa-isip ninyo? Nagkaroon nga ang Mr and Ms ng CHANGE, pero its neither living or dying.

Pero kung ituon mo ang paningin mo sa mga babasahing pang-lower-income, makikita mo na napakalaki ng pagtangkilik dito ng tao. Malaki ang agwat kesa sa upper income publications.

Ipagpalagay na rin natin, FOR THE SAKE OF ARGUMENT, na di rin lumalaki ang audience base nito. PERO SA SOBRANG LAKI NG AUDIENCE BASE KESA SA UPPER INCOME, mas kumikita ang mga publication dito. Mas me industriya ang Pilipino tabloid kesa sa Ingles na broadsheet.

 
At Wednesday, August 30, 2006 10:05:00 PM, Blogger Robby Villabona said...

"Mas me industriya ang Pilipino tabloid kesa sa Ingles na broadsheet. "

Grabe ang kulit.

Arenola, pag umiihi ba ang kaibigan mo sinisilip mo pa ba kung sinu-shoot niya sa tubig o pinadadaplis pa sa tabi ng toilet bowl para hindi maingay? Di naman siguro diba? Kaya bayaan mo na lang yung mga gusto sa kaliit-liitan na mayaman na market sa kanilang gusto. Wala ka nang pake doon kahit na ba sa iyong kataas-taasang kaalaman ay ang tatanga nitong mga ito para umayaw sa sure-ball na kayamanan. Kasi oras nila at pera yon, hindi sayo. Ikaw na lang gumawa nung komiks sa masa. Bibili ako, promise.

 
At Wednesday, August 30, 2006 10:41:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Ano? Uso pa rin ba ang Orinola ngayon? Kala ko para sa mga maysakit lang iyan? Katatamad naman ng mga healthy pa at puwede pang maglakad patungo sa banyo para umihi, mag-oorinola pa?

Ke barbaridad naman niyan!

Tama ka, Robby. Walang kasintigas ang ulo niyang taong iyan. Puro talak at dakdak. Kakainis na.
tHumigHil kHa nHa, pwHede bHa? WHala nHg sumusupHorta sa iHyong dHumb and dHummer na ipinangangalantHaran sa mga kHomiks bHlogs. SuHkat nHa! maHgtigil ka nHa!
gHinoong oHrinola!

Ala'y kahirap palang magtype ng laging may H. At ka'y hirap magsalita ng may paningit na H. NakHakHaHika! Hak-Hak-Hak.

At lahat kayong mga pinoy, tigilan na rin iyang mga letrang H sa mga salita ninyo. Bhaka sabHihin, puro bHakla ang mga pHilipino! At mga HikHain pa!

 
At Thursday, August 31, 2006 9:11:00 AM, Anonymous Anonymous said...

to balikbayan---
isa kang 'UNG'ANG!!!
nanong magagawa mo e kapampangan sila.

 
At Thursday, August 31, 2006 12:04:00 PM, Anonymous Anonymous said...

nyabi ngo namhan ayo, wa ka na maengay ahno ma yan?

 
At Thursday, August 31, 2006 12:24:00 PM, Anonymous Anonymous said...

mekeni meketong, alah eh bisaya ka man gid, komporme uniporme iho neglidad para uso may suso. patani puta ini. bilbidad binilibid si solidad. por pavor may bapor, porque ma arte.

bwahahaha!!!!

 
At Thursday, August 31, 2006 12:27:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Tarandato! deputa! pilipit ang dila mo mag espanol.

 
At Thursday, August 31, 2006 12:52:00 PM, Blogger TheCoolCanadian said...

Ay baadaw nagkaparan-o na baya kamo? Entero na lugod nagkaburuang. Binatugan lang ni Balikbayan, nag-eerog na lugod an gabos. Asi ta baradulan ko kamo diyan, makamangno kamo, ha? Hala, urudong na kamo kaiyan na mga paburuang nindo. Gare kamo mga kapay. Pagturultol na ngani kamo.

Nunca lograremos cualquier cosa siendo absurdos. Discutamos cosas formales.

Nous n’accomplirons jamais n’importe quoi en étant idiots. Discutons les choses formelles. Vite. Laizzes-vite nous vont.

Pag-urudong na ngani kamo kaiyan na mga kaburuangan niyo ta dai kita diyan ki mapo-provecho. Entero lang iyan kabuangan. Asi umurudong na kamo.

 
At Thursday, August 31, 2006 3:41:00 PM, Blogger Reno said...

arenola shortimer...

Ano na nga ba ang mga pang lower income na babasahin ngayon? Ano ang kayang bilhin ng class D? Tabloid, songhits? Ang mga showbiz magasin ngayon, 50pesos pataas. Binibili ba nila ito?

Gusto kong malaman para tignan natin kung kayang ihambing ang production nito sa production ng komiks.

Any info would be greatly appreciated.

 
At Thursday, August 31, 2006 8:56:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Ang THE BUZZ, colored, glossy, at Php 37 pesos lang. Tagalog pananalita. Mukhang mga artistang Pilipino ang feature. MABILI. Pang-masa.

O, income class D (jeepney driver, pedicab driver, teacher, student, empleyado, housewife, caregiver, maid, electrician, etc.), bumibili ng Php 7.00 na tabloid. Bulgar ang no. 1, me circulation ng halos 400,000 copies sold araw-araw not counting the ad revenue dahil sa malaking market base nito sa income class D at E. Yung kita, nagagamit sa tuluyang paglilimbag at profit ng mga publisher at staff.

Di ko maintindihan point ni Reno. Ang tinutumbok ba ng tanong niya e ano? Ihahambing ito sa Komiks?

Kung tinutukoy niya ang komiks ng mga Roces noong mga 1970s to 1980s, mas hinigit pa nito ang tabloid. Tindi ng volume noong araw. Halos umaabot ng isang milyon pa ang kita bawat buwan SA ISANG TOP TEN KOMIKS TITLE TULAD NG Pilipino, True Love, Tagalog Klasiks, Hiwaga, etc. Ang target market nito income class D at E, nwewsprint, tagalog ang pananalita, nationwide distribution, at noong early 1970s hanggang early 1980s, meron pang mga ads tulad ng sigarilyo, pomada, pelikula, INSURANCE, agricultural products, etc.

Kung ang tinutukoy naman ni Reno ay ang Komiks ngayon ng mga Burgis tulad niya na Elmer, Maskarado, Kai, Siglo, Cast, Darna, Neo Comics, Ignition Zero, Dhampyr, at kung ano-ano pang mga U.S. at Anime' inspired, na halos lahat e ingles ang pananalita, target market e income class AB, bihira ang labas, ang mahal ng presyo mula P50 pataas, tapos e binibigay na lang ng libre pag di nabibili ang mga sobrang kopya, ay WALA KANG MAKIKITANG PAGHAHAMBING SA MGA MASS PUBLICATIONS NA NAIHAMBING SA TAAS.

 
At Thursday, August 31, 2006 9:05:00 PM, Anonymous Anonymous said...

tANG Na naman robby. Sa mga nabasa ko, WALA NAMANG PUMIPILIT SA MGA HUNGHANG NA TULAD MO, NA GUMAWA NG KOMIKS PARA SA INCOME CLASS AB.

mERON LANG NAGBIBIGAY ng me conviction NG PUNTO AYON SA DISKUSYON DITO. kUNG DI MO MAUNAWAAN ANG GANITONG KLASENG MGA DISKUSYON KUNG SAAN DINADAAN MO SA PERSONAL ANG ATAKE NG NAGBIBIGAY NG ARGUMENTO, IBIG SABIHIN NIYAN, WALA KA TALAGANG MATINONG MAIDADAGDAG. Kaya ka NGA hanggang editorial CARTOONIST kA na LaNg.

GuMAGALAW mundo Mo sa PagPUNA ng IBA pero Pag me NAKAKApuna sa yo o sa mga KAUri mo na uMIIKot sa MaliIT mong mundong Maka-ARTIST lang, tindi ng pagka Psychoanalysis mong PalPak naman. Ganoon LANG KasimplE.

 
At Thursday, August 31, 2006 9:12:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Super INGGO! E sandamukal na bobo ang mga yan e. Heto nga business ang topic, pagbangaon ng industriya, siyempre namumukod tangi doon ang kita hindi ang "hilig" o "pagmamahal" sa "comics art". Pang ibang topic ang isinisingit ng mga tukmol na yan, sinisira lang ang takbo ng usapan dito. Bwiset!

Lecheng mga...E mas talo nyo pang mga illiterate artists ang mga mas sira-ulong nagco-comment dito!

Nga pala. Nakita ko itsura ni Robby sa blog niya. Kamukha niya si Canuplin pag ginawang square yung bigote niya.

 
At Thursday, August 31, 2006 9:15:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Robby Villabon is the new BLUEPEN.

 
At Thursday, August 31, 2006 9:43:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Artlink. Nagustuhan ko ang reply mo. Salamat. Nais ko ring ibigay ang side ko pero palilipasin ko muna magugulo dito. Di ko akalain me nasimulan pala akong di pagkakaunawaan at gulo sa mga ideyang naihayag ko. Mas maganda talakayan natin Artlink, kung maselan uli ang mood dito sa blog. Sang-ayon ka ba? Paumanhin sana kung di muna ako sasabat.

 
At Thursday, August 31, 2006 10:12:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Me sinabi si Robby Villabon na kahit mismo komiks ng Japan ay may bahid ng foreign influences.

Kung ganoon, bakit sa buong mundo e, naikikilala ang mga komiks nila na maka-hapon? Hindi ba't mas nangingibabaw ang kultura nila sa karamihan ng kanilang mga obra kahit na me konting impluwensiya (konti lang) abroad?

Sa ordinaryong sitwasyon, sasang-ayon ako kay Robby. Pero abnormal ang nangyayari dito sa Pilipinas e. Sorry. Pero yung karamihan (di lahat) ng mga lokal komiks ngayon, pag nagpa-impluwensiya sa U.S. o Japanese anime', tahakang pang-U.S. at Japan talaga, e.g. Darna the golden Anniversary Edition, at Questor Extreme.

Be honest naman. The comics scene in Japan is not like that in the Phils. today. Sa Japan, me cultural integrity ang mga gawa nila. Sa atin, WALA.

Sa Japan, masisipag at may sariling isip ang mga tao. Me intellectual at artistic maturity ang karamihan. Dito sa atin, WALA o KONTI.

Robby, kung nagbubulag-bulagan ka dito dahil sa highfalutin' artistic pride mo, that's your call. Pero por diyos, por santo, REALITY SPEAKS DIFFERENTLY. Kahit ano pang gandang itsura ang i-painting mong peke sa mukha ni Bakekang in the name of "art", in reality, mukha pa rin siyang Bakekang. Di ba?

 
At Friday, September 01, 2006 2:51:00 AM, Blogger Robby Villabona said...

Hi, whoever you all are,

Please quote me more accurately. I said all cultures (not comics) including Japan, have foreign influence. However you take that to mean is beyond my control. And frankly, I really don't care.

I'd love to chat with you guys, but I don't have as much time to waste as you. If you don't understand the point by now you'll never understand it.

 
At Friday, September 01, 2006 10:24:00 AM, Blogger ARTLINK STUDIOS said...

Oldtimer Komiks Veteran 2 :

San ayon ako sayo.ako rin medyo busy pa sa ngayon.Hintayin ko nalang discussion mo.^__^

 
At Friday, September 01, 2006 1:32:00 PM, Blogger macoy said...

ako/arinola/etc.

sang-ayon ako sa yo na di masyadong napapansin ang lower classes ng mga bagong komiks na lumalabas ngayon. at kagaya mo nanghihinayang din ako tungkol dito.

pero...

WALANG PAKIALAMANAN. kung gusto nilang gumawa para sa AB market, SINO KA PARA SABIHING MALI ANG GINAGAWA NILA? isa ka bang successful komiks magnate para magsalita? what have you accomplished to make you an authority on the matter?

oo, marami ka ngang statistics at kung ano pang alam, pero puro hasty genreralization naman ang matutumbok mo sa mga iyon.

"there are more poor people than rich people, so let's sell to the poor people!" ganyan ang sinasabi mo, and it makes no sense. you're forcing the facts to fit into your theory.

let's pretend we're talking business here, instead of this personal crusade you insist on waging. business isn't just about finding large untapped markets. it's about profitability. you're in it for money. to make money downmarket you need to do two things: keep markups low and sales volumes high. THERE ARE NO EXISTING COMICS COMPANIES ABLE TO DO THAT RIGHT NOW. maybe in the future it can be done. but why kick the dying horse?

you give the example of best-selling tabloids. TABLOID SALES WERE HEALTHY EVEN DURING KOMIKS' HEYDAY. just because people buy nwespapers it doesn't necessarily mean they will also buy komiks. there's no data to support that claim.

in fact, you could say that tabloids pose a threat to komiks, for display space at outlets as well as for the hard-earned pesos of prospective buyers. although there's no data to support this claim, either.

 
At Monday, September 04, 2006 10:38:00 PM, Blogger monsanto said...

Sa Tingin ko po, wala sa pag gamit ng english o ng tagalog ang success ng story sa komiks. Ang importante po ay kung binabagayan nito ng maayos ang takbo ng story.

So kung plano ninyo tagalog oks lang po basta masarap basahin.

Nung isang araw lang, may gusto akong isulat, ang tumakbo sa isip ko nung una ay nasa english. nung sinabi sa akin na baka dapat sa tagalog ko iyon isulat. Yun nagiba na ang takbo ng sinulat ko nagkabuhay at iba na ang lumabas hehe.

Naalala ko tuloy ang american humor sa Pinoy humor. Magkaiba talaga, sa mga kano konting talk lang at punch line marami na ang tumatawa habang ang kasamahan ko na nanonood eh nagtataka pa kung bakit funny iyon. Sa atin naman, wala pang salita at biglang may nanampal, tatawa na ang mga tao. Iba talaga ang pag deliver sa dalawang language na ito.

-- nasa tamang gamit lang iyan malamang.

Okay dito, buhay ang freedom of speech :)

 

Post a Comment

<< Home