Thursday, September 07, 2006

BETWEEN MAINSTREAM AND UNDERGROUND

Habang gumagawa ako ng komiks abroad, at habang nakikipakuwentuhan ako sa mga dating kasamahan sa local komiks, maraming realization akong natutuklasan sa sarili ko. Akala ko kasi ay kilalang-kilala ko na ang sarili ko, pero hindi pa pala. I mean, ‘yung career ko as a comicbook creator, ngayon ko lang medyo naiintindihan.

Noong nasa GASI pa ako, na-trained ako na maging traditional. ‘Andyan ang guidance ng aking mga teacher at kasamahan sa trabaho. Pero dumating sa point ng paggawa ko ng komiks na meron akong hinahanap. Then from traditional Filipino style (both writing and drawing), naghanap ako ng ibang panlasa para sa akin. After na ipakilala sa akin ni Sir Hal Santiago ang mga komiks greats tulad nina Coching at Redondo, Foster at Raymond, sinubukan ko namang I-absorb ang iba pang modern creators tulad nina Moebius, Serpierri, at iba pang European artists.

Eksakto namang nu’ng time na ‘yun, early 90s’ nagsisimula nang makilala sa komiks ang mga bagong approach sa komiks ng Pilipino. Nagsusulputan na ang mga trabaho nina Cerda, Albano, at iba pa. Ang shift na ito sa local komiks ang nagbigay sa akin ng maliit na vision. Then pagkalipas ng ilang taon, gusto ko pang magpatuloy na makakita ng ibang trabaho.

Hindi ko matandaan kung paano ako nagsimula sa underground. Ang naaalala ko, active ako noon sa underground punk scene. ‘Yung underground na talagang pailalim. ‘Yung hindi kilala ng society. Gumawa ako ng komiks tungkol sa gobyerno, sa religion, sa mayayaman, sa mga pulubi, basta lahat ng matatapang kong idea at konsepto na hindi ko magawa sa mainstream komiks.

Sa underground scene, ibang klase ang mga tao. Mahirap patawanin at paiyakin. Mahirap kumbinsihin at mapasunod. Sa madaling salita, hindi uubra ‘yung madalas nating mabasa at mapanood sa sine. Sa eksenang ito, nag-iipon ang mga radikal, ang mga baliw, ang mga siraulo at mga feeling api ng lipunan.

Then sumama ako sa isang exhibit ng mga social realist painters, ako lang ang may entry na komiks. Sa lahat ng naka-exhibit, sa akin ang pinakamatapang at pinakabaliw, dahil ‘yung akin ay may kasamang words (captions at dialogues). Yun ang time na napadaan doon si Elvert Banares na naglalabas pala ng xerox comics na itinitinda niya sa Comic Quest. Iba ang tinutumbok ni Elvert pagdating sa paggawa ng komiks. Nakatutok siya sa art mismo. Gusto niyang dalhin ang komiks ng Pilipino sa ibang level ng artistic creativity.

Sa akin naman ay baligtad. Mas leaning ako sa ‘destroying the art’. Ang philosophy ko noon, ‘fuck the hidden message of art!’. Mas gusto ko ang direct, kung magmumura ka, magmura ka na ng malutong. Kung gusto mong magpaiyak ng reader, paiyakin mo siya ng dugo, paihiin mo siya sa salawal. Winasak ko ang rules ng paneling, ang drawing, at ang storytelling.

Sa magkaiba naming pananaw noon, nagkasundo pa rin kami. Isinama niya ako sa Sining-Ekis, ang naglalabas noon ng Zenith Graphics.

Nang makagawa nga ako ng komiks sa mga indies sa US, at makabasa ng iba’t ibang gawa ng comics creators na gawa ng ibang lahi, na-realize ko na meron akong path na pinupuntahan na hindi ako aware. Napakaraming independent publishers sa US na mainstream ang tinatarget. Sa mga naging projects ko sa mga ito, tingin ko ay wala pa talagang nakaka-touch ng gusto ko. Story wise, ang iba ay magaganda, gaya ng Bronx Angel at The Malay Mysteries.

Na-realize ko na ‘yung path na gusto kong daanan ay ‘yung hindi masyadong pinaniniwalaan gaya nina Chris Ware, Art Speigelman, Robert Crumb, Winsor McCay. I mean, kelan lang naman nakilala sa mainstream ang mga taong ito. Ang mga ito ay visionaries ng komiks. Siguro kahit hindi mo suwelduhan ang mga ito ay gagawa at gagawa pa rin ng gusto nila.

Sa isang third world country tulad ng Pilipinas, uunahin mo munang pag-aralan ang takbo ng ekonomiya at kung paano ka mabubuhay. Sa isang tulad ko na ‘no job, no meal’, kailangan kong isaalang-alang ang maraming alalahanin. Tulad ng: ‘Kikita ba ako kung ipa-publish ko ang Diosa Hubadera na ang laman ay puro kalaswaan at blasphemy?’ o kaya, ‘Tatanggapin ka ba ng publishers kung gagawa ka ng komiks na mas malala pa sa painting ni Jackson Pollock?’ Ang sagot dito ay malinaw na HINDI. Kailangan nating sumabay sa agos ng buhay. Kailangan nating makipag-communicate sa tao sa pamamagitan ng trabaho o art na ginagawa natin. No man is an island.

Ngunit sa lahat ng mga questions na ito sa aking sarili, natutuwa ako sa sarili ko dahil puwede akong magpalipat-lipat sa magkaibang mundo. Puwede akong sumabay sa pinakabaduy, corny, jologs, jolina, chipipay, chuva chenes sa komiks. At kaya ko ring makipagtagisan sa mga pinaka-demonyo, kahindik-hindik, kasumpa-sumpa at kasuka-sukang creation.

Malaki ang respeto ko sa mga creators na nagmamahal sa mundong kanilang kinabibilangan. Mula kina Coching, Redondo, Ravelo, Caparas, Patron, at marami pa na naging bahagi na ng mainstream komiks ng Pilipinas. Hanggang sa panahon ngayon, kina Portacio, Yu, Medina, Alanguilan. Saludo ako sa inyo, mahirap ang responsibilidad para aliwin ang malaking bilang ng mga tao.

Sa mga independent publishers sa kasalukuyan, tulad ng PsiCom, NeoComics, Mango, Siklab, Alamat, etc., hindi rin biro ang maglabas ng pera para sa isang sugal na hindi mo alam kung mananalo ka. Ang pagpa-publish ng komiks sa Pilipinas sa kasalukuyan ay nangangailangan ng matinding pag-aaral.

Sa kabuuan nito, ang masasabi ko na ang mainstream komiks ang flagship ng komiks world. Sa mundong ito, ang daming mahuhusay na writers at artists. Ang daming kakumpitensya, at ang daming mapagkukunan ng inspirasyon. Mapapakain nito ang pamilya mo, at makukuha mo ang respeto ng karamihan ng tao.

Sa kabilang banda, ang underground ay lugar kung saan malaya mong magagawa ang gusto mo. Walang inhibitions, walang values na makikialam kundi ang sarili mo lang. Sa mundong ito, kaya mong basagin ang lahat. Kaya mong pag-eksperimentuhan ang sa tingin mo ay matatanggap ng mainstream balang araw. At higit sa lahat, dito ay hindi hahanapin kung ano ka o kung saan ka nanggaling, ang mahalaga dito ay kung ano ang kaya mong gawin.

*****************

Ang sumusunod na mga images ay ang ilang gawa ko noon sa underground scene. Ito ang ‘wild days’ ko ng paggawa ng komiks. Wala na ako nito sa GASI (late 80s-early 90s), nagtatrabaho ako bilang artist sa Mister Donut Head Office (Yes! Hahaha…ako yung gumagawa ng mga promo posters and leaflets nila nu’ng araw), kaya wala akong pakialam kung anong klaseng komiks ang gawin ko, meron akong suweldo.

Sinabi kong ‘wild days’ dahil talagang ‘wild’ (as in!) ang mga komiks na ito. At sa totoo lang, ngayon ko lang aaminin na ako ang gumawa sa ilan sa mga ito dahil karamihan ay ginamitan ko ng ‘alyas’. Kung pamilyar kayo noon sa underground scene, ako ‘yung madalas magtinda noon ng UG komiks sa mga gigs na galing sa Sampcore (grupo ito ng mga straight-edge punks na galing sa Sampaloc, Manila). Ito ‘yung time ng mga bandang The Wudz, Philippine Violators, The PutangInas, Destruction of Trust, etc.
Ito ang hitsura ko ng time na ‘yun:






Ito na siguro ang pinaka-radikal at pinaka-baliw kong komiks na nagawa. Ang title nito ay ‘Wento’. Tungkol ito sa isang uod na naging komunista. May halong political ideologies ang kuwentong ito (hindi Communist kundi Anarchism at abolition of state ang pinalabas ko dito).



Ito naman ang pagtuligsa ko sa mga pitu-pito films na sumikat noon. Pinamagatan ko itong ‘Nganga’ (o di ba hindi bastos?). Tungkol ito sa isang babae na biktima ng pagsabog ng Bulkang Pinatubo na na-discover ng isang manager sa showbiz at ginawang boldstar na kalaunan ay ginawang prosti.




Ito naman ang ‘Torture’. Pinagawa sa akin ito ng Amnesty International-Pilipinas para maging isang..well..propaganda, tungkol sa paglaganap noon ng political killings at paggamit ng torture sa mga kalaban ng gobyerno. Ipinamigay lang ang komiks na ito sa mga rallies at strikes.


Hindi ako aware noon na may mga Xerox comics din na itininda noon sa Comic Quest sa Megamall (hindi kasi ako nagpupunta ng mall noon). Kay Elvert Bañares ko lang ito nalaman. Well…hindi ko sila itinuturing na underground comics creators, kundi mga indie people lang na hindi gumagawa noon sa GASI at Atlas. Ito ang unang kuwento na ibinigay ko sa Sining Ekis ni Elvert. Medyo mabait ang kuwento ko dito, tungkol sa isang writer na nagkahirap-hirap at nagkautang-utang dahil sa pagsusulat sa komiks. Hahaha.





Bukod sa komiks, gumawa rin ako noon ng mga fanzines para sa UG scene. Ang dalawang ito ang pinakamabenta sa akin. Tininda ko ng ito P15 per copy noon. Sold out! Hahaha! Ang mga ito ay compilations ng philosophies at ideologies ng mga Atheists at Satanists, hinaluan ko ng visuals.

Wala na akong balak ipabasa pa ito sa mga readers ngayon. Baka bigla na lang akong damputin ng mga pulis.

Wild days! Hehehe.

7 Comments:

At Thursday, September 07, 2006 5:57:00 PM, Blogger Gerry Alanguilan said...

grabe randy, pareho pala tayong ganun kahaba ng buhok noon, at ganun din ang pinapakinggan kong music. hanggang ngayon nakikinig pa rin ako sa WUDS.

 
At Thursday, September 07, 2006 6:18:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

hahahaha...mukha akong kriminal no?

 
At Friday, September 08, 2006 5:45:00 PM, Blogger derrick macutay said...

hawow!pogi ni papa randy....panalo din sa bandang binaggit mo,un din pinakikinggan namin ni rey.d b nagpa long hair pa si utol nuon. tenk yu sa pagost ng picture ng painting. maganda din ang sinulat mo. mabuhay k matapang na lobo!

 
At Friday, September 08, 2006 6:51:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

anak-
hahaha. bilib naman ako sayo, nag-aksaya ka pa talaga ng time para lang makagawa ng blog para tirahin ang mga 'kaaway' mo ha. da best ka. gusto ko sana talagang bigyang laya lahat kayong nagpo-post dito, ok lang sa kin na anonymous ang gamitin, kaso karamihan kasi wala na sa katinuan ang mga nagpo-post. kumbaga e nababoy na yung mismong topic ng pinopost ko. kung gusto mo, magpakalat ka ng isang libong pirma para ibalik ko ulit yung dati hahahah.

derrick-
ok ang painting mo. san ba naka-exhibit to? sa pader ba to o sa malaking canvass? naabutan ko si rey noon, member sya ng hare krishna heheheh. sihkon kayo di ba? ako naman noon chaitanya. magkalaban yun di ba? hahahahh. damn doctrines!

 
At Saturday, September 09, 2006 9:00:00 AM, Blogger derrick macutay said...

d ako hare krishna..si rey lang..ako charantiya,un fud suplement hehehhehe nakaexhibit p hanggang sa sept 22 sa mall of asia sa may fud court malapit. si toi nanalo din sa watercolor,best of the best hall of famers. pasyal ka sa bahay inaayos ko un studio.

 
At Friday, September 15, 2006 9:56:00 AM, Blogger Rey said...

langya randy, para ka palang si Dodong sa The Youth noon ah. Mahaba din ang buhok ko noon pero hindi ganyan kahaba. Grabe. hehehe.

 
At Monday, September 18, 2006 6:26:00 PM, Blogger Reno said...

Ngayon ko lang napansin. May pagka-Vincent Kua ang tirada mo sa mga ito, ah.

 

Post a Comment

<< Home